Biyernes, Disyembre 30, 2011

ANG NOBYA NI CRISTO

Ang Awit 45 ay nagdulot sa atin ng magandang larawan ni Cristo at ng Kanyang nobya. Isang dakilang kasalan ay malapit ng mangyari at ang manunulat ay “nag-uumapaw” sa kaligayahan at pananabik: “Kay gagandang pangungusap ang naroon sa isipan…” (Awit 45:1).

Hindi halos mapigilan ng Mang-aawit ang sarili niya! Isinasalarawan niya ang bagay na nakikita niya sa isipan niya—isang kahanga-hangang pagdiriwang, kasama ang isang marangya at maluwalhating Nobyo at isang napakagandang nobya na nakadamit ng ginto!

Noong 1981, ang buong mundo ay namangha sa isang maharlikang kasalan na naganap sa Inglatera. Miyun-milyong manonood ay nakatutok sa telebisyon habang ikinakasal si Prinsesa Diana at Prinsipe Charles. Isa ito sa pinakaglamoroso at pinag-usapang kasalan sa makabagong kasaysayan.

Ang mga himpilan ng telebisyon ay mayroong mga “makukulay na komentarista” na naglalarawan ng mga detalye ng bawat pangyayari. Ang mga pahayagan ay nagbalita tungkol sa maharlikang pamumuhay ni Charles—ang kanyang pakikipagtunggali sa larong polo, ang kanyang tungkulin bilang prinsipe, ang pagiging tagapagmana bilang hari ng Inglatera, ang kanyang trono, ang kanyang kayamanan, ang kanyang palasyo.

Ang mga komentarista ay naglarawan din ng mabusising detalye ng buhay ni Prinsesa Diana. Ang larawan ay kamangha-mangha: ang kanyang buhok, ang kanyang maharlikang kasuotan, ang kanyang mga alalay, ang kanyang sapatos, ang kanyang gayak na mga hiyas, ang kanyang singsing, ang kanyang mga bulaklak, ang kanyang maharlikang karuwahe. Maging sa pagdiriwang ng kasalan, habang ang dalawa ay sabay na tumayong magkasama sa altar, isang komentarista ang bumulong sa mikropono: “Hindi ba napakaganda niya? Tingnan mo ang kasuotan niya, ang kanyang sapatos, ang kanyang mga bulaklak.”

Ito ay napaka romantiko, makapigil-hininga—isang prinsipe at prinsesa na pinag-isa sa isang banal na kasalan “hanggang sa dulo ng kamatayan.” Ang mga tao sa buong mundo ay napaluha sa namalas na kaganapan. Ngunit mabubuhay tayo na ang kasalang ito ay mauuwi sa isang pagkawasak bilang isa sa pinaka marungis, pangit na paghihiwalay sa balat ng lupa!

Ang kasalan na inilarawan sa Awit 45, sa isang banda, ay isang pag-iisa na mas higit na maluwalhati at marangya. Ito man ay puno ng pag-ibig, kagandahan, karangyaan—ngunit ito ay isang kasalan na walang katapusan. Ito ay sinadya para sa isang walang hanggang kaluwalhatian! Ang awit na ito ay tungkol kay Jesus at sa Kanyang nobya! Ang Nobyo ay ang ating Hari at Panginoon, na si Jesu-Cristo, at ang nobya ay ang Kanyang iglesya—mga mananampalataya na naghanda sa kanyang pagbabalik, na may paghihintay ng buong pananabik, at ang puso ay walang dungis at gusot.

Huwebes, Disyembre 29, 2011

ANG MAGAGANDANG ALAALA NG KAHAPON

Huwag mong itatanong kung bakit mabuti noong araw kaysa ngayon, pagkat iya’y tanong na walang katuturan” (Mangangaral 7:10).

Ang panahon ba ng “dekada nobenta” ay masayang panahon?
Ang panahon ba ng “dekada beinte” ay panahon na inosente?
Mayroon bang magandang alaala ang nakalipas na panahon?
Huwag magtanong!
Hindi ito marapat,
Dahil sino ang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa tao
Sa buhay na ito.
Huwag pag-usapan ang masasayang panahon,
Dahil ang puso ng matalino
Ay nasa tahanan ng nagdadalamhati,
Sapagkat ang puso ng hangal ay nasa tahanan ng kagalakan.

Huwag pag-usapan ang mga nakalipas na mga taon ng awitan at sayawan,
Sapagkat mas mabuti pang marinig ang pagsaway ng matalino
Kaysa sa marinig ng tao ang awit ng hangal

Huwag pag-usapan ang panahon ng batas at kaayusan,
Sapagkat may panahon na mayroong nag-iisa na namumuno ng higit sa iba
Para sa kanyang ikapapahamak.
Huwag pag-usapan ang mga araw na kung saan ang gawain ay tapat,
Sapagkat ang lahat ng paghihirap ng tao ay sa salita lamang,
Magkaganoon man hindi pa rin siya nasisiyahan.
Ang mga araw na ito ay para sa atin
Kung magkaganoon nauunawaan ko na walang makahihigit pa
Kaysa sa tao na nagagalak sa sarili niyang paghihirap,
Sapagkat iyan ang bahagi ng buhay.
Sino ang magdadala sa kanya para makita
Ano ang mangyayari pagkatapos niya?
Ang ating panahon ay kaiinggitan
Nang mga tao sa kinabukasan.

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

SA DULO NG KAPIGHATIAN

Isinulat ni Pablo “. . .subali’t nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na uling bumubuhay sa mga patay” (2 Corinto 1:9). Sinabi niya na may kakanyahan, “Dinala ako ng Panginoon sa dulo ng lahat ng tulong ng tao, sa bingit ng kamatayan. Inilagay ito na wala ng pag-asa, ang Diyos lamang na may kapangyarihang muling buhayin ako ang tanging makapagliligtas sa akin!”

Isang kalalagayan na kamangha-mangha na maari mong marating—sa dulo ng iyong pagdurusa! Palagi kong sinasabi na na kapag sumagad ka na ay matutumbok mo ang Diyos! Gayunman, kung makikinig ka sa nakararaming Kristiyano na nasa gitna ng kanilang pagdurusa, maririnig mo, “Makakayanan ko ito. Kapit lamang ako. Nabubuhay ako ng isa-isang araw.”

Mula pa sa pagkabata kami ay sinusubuan ng katuruan ng kakayanang-pangsarili: “Tanggapin mo itong bilang isang tunay na lalaki! Hindi umiiyak ang lalaki!” Ilang ulit mo nang sinubukang ayusin ang iyong sariling kapighatian? Ilang ulit ka nang binaha ng mga tukso na nadaig ka?

Nakikiusap ako na huwag ninyo akong maliin. Naniniwala ako na nais ng Diyos na labanan natin ang mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, ngunit ang Panginoon ay may paraan na pinapayagan tayo na “madiin ng labis na kabigatan.” Walang anumang bagay ang sinubukan mo ang nakatugon. Walang anumang nabasa mo ang nakatulong. Walang payo ng iba ang may bisa. Kalaunan ay, napilitan ka sa isang krisis na nagwasak ng lahat ng tiwala sa sarili mo. Wala ka nang pag-asa—maliban sa isuko mo na ang lahat ng tiwala sa tao. Napilitan kang magtiwala sa Diyos—at nakita mo na ang tanging lunas ay ang magtiwala sa Kanya!

Maliwanag na sinasabi ni Pablo, “May taning na ang buhay ko. Sinubukan na ako ng sukdulan, sa dulo ng kawalan ng pag-asa. At iyon ang lahat para tuluyan na akong mawalan ng tiwala sa aking sarili! Kailangan nang bumaling ako sa Diyos, may pananampalataya na siya lamang ang tanging makapagliligtas sa aking mga pagdurusa!”

“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13).

Ano ang paraan na ito para makatakas? Ito ay umabot ka na sa sukdulan ng iyong kakayahan at ganap na bumaling sa Diyos! Ito ay ang sinasabi, na katulad ni Pablo, “Wala na akong tiwala sa sarili ko!”

Simple lamang ang paraan para makatakas, ang pananampalatayang katulad ng sa bata. Ito ay ang lubos na pananalig sa Kanya para malampasan mo ang lahat ng iyon at sinasabing, “O Diyos, ipinagkakaloob ko ang lahat sa Iyo!”

Martes, Disyembre 27, 2011

ANG KANILANG WIKA AY PAGPUPURI

Ang mga tao na napagtiisan ang pagdurusa at napatunayan na ang Diyos ay tapat ay malalakas, malumanay at matiisin! Pinalalakas nila ang aking espiritu!

Malalampasan mo ang iyong mga pagsubok at magiging malaking tulong para sa iba kung mananalig ka sa Diyos na malampasan ito! Makikita mo na mangyayari ito sa iyo sa iyong trabaho, sa iyong pamilya, sa iyong iglesya. Ang mga tao ay maaakit sa iyo sapagkat alam nila kung ano ang pinagdaanan mo at nakita nila na nakamit mo ang tagumpay sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng Diyos!

Maraming mga mananampalataya na nagdusa ay walang natutunan sa mga ito. Bilang bunga, hindi nila nakilala ang Diyos bilang taga-aliw at tagapagbigay ng kasiyahan. Kapag narinig mo silang mangusap. Iisipin mo na ang Diyos ay matigas, mapagtanim, hindi marunong mag-alala. Tanong nila, “Bakit ako?” pagkatapos ay magdududa sila sa pag-ibig ng Diyos at magsisimulang lumayo sa kanya. Sila ay dumadaing, hihibik at bubulong-bulong at ang lahat ng kasiyahan nila ay maglalaho. Pagkatapos ay magiging mapait sila at matigas.

Mayroon akong kaibigang pastor na kung sino ay mayroon nang maraming taon ng matagumpay na ministeryo sa mga nagdurusang mga tao. Ngunit ngayon siya ay malalim na nagkakasala, nalulong sa droga at ganap na bumaliktad. Iniwan na siya ng asawa niya at nakisama siya sa isang babaing lulong din sa droga.

Kapag tinanong mo siya kung ano ang nangyari, isinisi niya ang lahat sa kung paano siya binigo ng iba. Iniwan siya ng asawa niya, hindi sinagot ng Diyos ang mga panalangin niya; binigo siya ng ibang ministro. Sinabi niya, “Sinubukan ko, ngunit hindi ko na talaga makayanan. Lubhang napakarami nang pabigat at naparaming mapagkunwari. Ako hinusgahan ng mali at hindi ko makayanan iyon.”

Si apostol Pablo, maging sa pinakamatinding sandali ng kanyang pagdurusa, ay pinuri ang pangalan ng Panginoon. Alam niya na ang Ama ay puno ng kahabagan at ang Pinanggagalingan ng lahat ng kaaliwan. Hindi siya nagtanong sa Diyos o naging mapaiitin; sa katunayan, pinuri niya Siya sa gitna ng lahat ng iyon!

Ang pinakamahusay na nangangaral sa anumang iglesya ay hindi yaong nasa pulpito. Sa halip, sila ay mga nakaupo na katabi mo—mga taong nagdusa at nakukuha pang sumamba sa Panginoon. Ang wika nang mga yaon na natuto mula sa mga pagdurusa ay ang magpuri!

Lunes, Disyembre 26, 2011

ANG MINISTERYO NG KAALIWAN

Sinabi nang apostol Pablo na, “Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis” (2 Corinto 1:4).

Ang isa sa mga kinakailangang ministeryo sa iglesya ni Jesu-Cristo sa panahon ngayon ay ang tungkol sa kaaliwan—ang aliwin ang iba sa kanilang kapighatian at hapis. Maraming mga mananampalataya ay hindi alam kung saan lalapit sa panahon ng kanilang pighati.

Kapag ako ay lubos na napipighati, nagdudusa ng malalim, hindi ginusto na magbasa ng aklat na nagbibigay ng sampung pamamaraan kung paano matatagpuan ang tagumpay o magtungo sa mga may naglalakihang pangalan na mga ebangheliko para lamang lunasan ako. Wala dito ang kasagutan—sapagkat walang makakarating sa ugat ng aking pagdurusa! Hindi—nais kong makipag-usap sa mga pangkaraniwang banal na nagdusa ng labis at gayunman ay nalampasan ang lahat sa pamamagitan ng pagpupuri sa Diyos, inaliw at puno ng pananamalataya!

Ang mga ito ay mga napipighating mga tao ang nakatanggap ng kaaliwan at kasiyahan mula sa Panginoon. Alam nila ang simpatiya ni Jesus, sapagkat ang tinig niya ay nangungusap ng tunay na kaaliwan para sa kanila sa sandali ng madilim na bahagi ng kanilang buhay. Ang mga nagdurusang ito ay naging mayaman sa espirituwal na panggagalingan. Nagkaroon sila ng pagtitiwala na galing sa pagtitiis sa kapighatian at pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Naisip ko si Corrie Ten Boom at ang kamangha-mangha niyang karanasan para sa libu-libong mga tao na naupo at nakinig sa kanya na nangusap tungkol kay Jesus. Maraming mga pastor at mga namumuno sa buong dako ng Estados Unidos ay nagkaroon ng kaaliwan at bigyan ng lakas ng loob ng hindi kilalang babaeng ito—sapagkat ang lahat ng kanyang pinagdusahan at nagbunga ng mayamang kaalaman tungkol sa Panginoon. Mayroon siya ng kasaganaan ng kaaliwan at kasiyahan mula sa Espiritu Santo—at ginamit niya ito para kay Jesus!

Nagawa ni Pablo na magbunyi sa lahat ng kanyang kapighatian sapagkat alam niya na ang kanyang pagdurusa ay para sa kabutihan ng iba. Nakita niya na ang kanyang pagdurusa ay isang uri ng pag-aaral na kanyang pinagdaanan. Masasabi niyang, “Ang Diyos ay may layunin tungkol dito sapagkat sinasanay niya ako! Mayroong mga taong mangangailangan ng kaaliwan at kasiyahan na aking tinanggap sa pamamagitan ng aking pagdurusa!

Hindi nakapagtataka na tinukoy ni Pablo ang Diyos na nasa langit bilang, “Ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Corinto 1:3).

Biyernes, Disyembre 23, 2011

ANG KAALAMAN SA PAMAMARAAN NG DIYOS!

Tayo ay humaharap sa panahon na ang salitang pagliligtas ay magkakaroon ng bagong kahulugan! Sa mga nakaraan, inisip ng mga Kristiyano na ang pagliligtas ay pagpapagaling lamang ng karamdaman ngunit sa nalalapit ang dakilang pagliligtas ay mula sa takot at sindak!

Ang pagliligtas noong panahong iyon ay mangangahulugan na magkaroon ng “katiyakan ng salita mula sa langit.” Sinabi ni Jesus ‘Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan’ (tingnan ang Lucas 21:26). Sa katotohanan, ang mga tao ay mag-iingay para malaman kung ano ang susunod na gagawin ng Diyos. Sila ay babaling sa lahat ng dako, nagnanais na madinig ang tinig ng isang mahinahon, mapayapa, hindi nasisira ang ulo. Dadaing sila, “Nakikiusap ako sabihin mo sa akin! Ito ba ay paghahatol na ng Diyos? Kailan lahat ito magwawakas?”

At sino sa akala mo ang may kasagutan? Ikaw! Ang isang pangkaraniwang Kristiyano na sarado kasama ang Diyos! Ikaw ay puno ng kahinahunan at kapayapaan habang ang lahat ay nagbabagsakan, sapagkat ang Diyos ay kasama mo at nakakarinig ka mula sa langit. Nagbabala siya na ito ay darating at nangako siya na pangangalagaan ka niya!

Naniniwala ako na gagamitin ng Diyos ang natitirang banal sa mga huling araw para yugyugin ang marami, panumbalikin ang mg pastor at gisingin ang mga iglesya. Panunumbalikin ng hukbong ito ang puso ng mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng pagdadala sa kanila sa pagsisisi—sa pamamagitan ng pananalangin at makadiyos na pagpapaalala ng kasalanan.

Nang sinabi ko ang natitirang banal sa pagsasanay, hindi nangangahulugan na mga hukbo ng mangangaral, mga ebanghelista at mga misyonaryo. Ang tinutukoy ko ay ang mga pangkaraniwang mga banal, mga nagmamahal kay Jesus na sila mismo ay magiging mga katibayan at mga kababalaghan sa sanlibutan, mapayapa at mahinahon. Hindi ninanais ng Diyos ang mga bihasang hukbo na nagsanay sa pamamaraan ng tao. Nais niya ng mga lalaki at babae na sinanay sa pananalangin sa pamamagitan ng Espiritu Santo! Hinanap niya ay mga mananampalataya na ganap na nasa kanya, inihahanda ang kanilang mga puso sa kanyang harapan, nag-aaral na marinig ang kanyang tinig.

Isinasalarawan ba nito ang sarili mo? Ang buhay mo ba ngayon ay isang saksi sa isang natatakot at nayayanig na sanlibutan? Hinihikayat kita na humarap na nag-iisa sa Diyos at hayaang mangusap siya sa iyo. Hilingin mo sa kanya na ipahayag ang kasalanan ng iyong buhay. Iwaksi ang lahat na kinondena ng Espiritu Santo sa iyo. Hayaan mo ang sarili mo na handa para sa Kanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng sarili mo sa pananalangin at ikaw ay magiging handang kawal sa kanyang dakilang, mga natitirang hukbo sa mga huling araw.

Huwebes, Disyembre 22, 2011

ANG TUNGKULIN NG IGLESYA: ANG MABUHAY PARA SA IBA by Gary Wilkerson

Ang isang simpleng pamamaraan para masukat kung maayos kang magmahal ay ang suriin kung paano mo tinitingnan ang kapakanan ng iba.

Bilang pastor, kailangang gumawa ako ng isang walang pag-aalinlangang pangitain para magawa ito. Ako ay inatasan ng Diyos ng pagtawag para alugin ang aking mga tao upang kumilos at walang lubay na sundin ang tungkulin na ibinigay niya sa amin. Ang katotohanan ay, maari kong gawin ito sa dalawang pamamaraan: sa pamamagitan ng aking sariling layunin, sikaping makamit ang aking pansariling layunin; o sundin ang puso ni Cristo at gawin ang aking tungkulin para magmahal.

Kung ang aking iglesya ay lalago ng may sampung libong kasapi at wala naman akong pag-ibig bilang aking layunin… kung ang aming iglesya ay magpapadala ng 1,000 misyonaryo ngunit wala namang pag-ibig… kung gayon ay bigo kami sa aming layunin bilang isang lipon na nananampalataya. Nagpaparami kami ng mga huwad na sugong kinatawan at nagpapadala ng mahinang uri ng malabnaw na Kristiyanismo na pinalakas ngunit hindi ng pag-ibig.

Paano naman ikaw? Ang mga panalangin mo ba ay nakakandado sa sarili mong mundo ng mga gusto, mga pangangailangan, at mga hangarin? Ikaw ba’y nayayamot o naiirita kapag ang tunay na pangangailangan ng iba ay inaantala ang iyong mga layunin?

Ano ang remedyo para sa iyong makasariling layunin? Isinulat ni Pablo sa mga taga Filipos, “Sa pagiging mapagkumbaba ng isipan hayaang ang bawat isa ay magpahalaga ng higit sa sariling kapakanan.” Hindi sinabi ni Pablo na huwag pahalagahan ang sarili, ang iyong hangarin sa buhay o ang sariling pinapangarap. Ngunit sinabi rin niya ang iba ay mayroon ding pinapangarap, layunin at tungkulin. Kung pahahalagahan mo sila, hindi mo lang sila tinutulungan kundi pinalalakas pa sa pagtawag sa kanila—at marahil ay nakakapukaw sa marami pang buhay.

Isipin ang kapangyarihan sa pahayag ni Pablo. Isiping mabuti kung ano ang maaring mangyari kung ang bawat Kristiyano ay susunod sa katotohanan. Magkakaroon tayong lahat ng malalim, makayanig-mundong pagpapahalaga sa kapakanan ng iba—at wala isa man sa atin ay malulubog sa ating pang-sariling hangarin. Ang buong katawan ni Cristo ay matutuon sa kapakanan ng iba at makapagpapalakasan sa bawat isa sa maraming nagkakaibang tawag.

Kung ang bawat isa sa atin ay nakatuon lamang sa sarili nating mga kapakanan, ang ating patotoo ay tiyak na malilimitahan. Ngunit kung nakatingin tayo sa iba na may pag-ibig na mapalakas ang iba, ang bawat inordinahan ng Diyos na tungkulin ay magkakaroon ng sapat na suporta para magampanan.

Iyan ang tawag ko sa tamang pamamaraan na mabuhay. Iyan ang kampanyang nais kong simulan ngayon—ang mabuhay para sa iba, matanggap at mapaglingkuran ang mga nakapaligid sa akin para sa kaluwalhatian ng Diyos.

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

ANG UKOL NA KAPANGYARIHAN by Gary Wilkerson

“Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga may sakit” (Lucas 9:1).

Binigyan ni Jesus ng kapangyarihan ang mga disipulo hindi dahil sila ay mga ambisyoso kundi dahil sila ay kanya. Ang mapa kay Cristo ay hindi maaring baguhin para tanggapin ang kanyang kapangyarihan. Ang kapangyarihan ay isinilang mula sa pagiging kabilang. At ang makabilang ay nagdadala ng tunay na kapangyarihan.

Maraming Kristiyano ay namumuhay na walang kapangyarihan—mayroong nananatili at paulit-ulit na kasalanang ginagawa, mahinang patotoo, mahinang buhay espirituwal; kulang ng nagniningas na buhay pananalangin at anumang kasagutan sa kanilang mga panalangin.

Nararamdaman mo bang wala kang lakas? Ang maiksing talatang ito ay puno ng salitang may kapangyarihan:
“Tinawag”—nangangahulagan, na may kakanyahan, hindi sarili nating balakin, patutunguhan, sariling-kagustuhan o pinanggagalingan ng kapangyarihan.

“Disipulo”—yaong iniwan ang lahat para sundin ang buhay, pangangaral at gabay ng guro.

“Samasama”—na ang kapangyarihan hindi nakalagay lamang sa isang sisidlan kundi ipinapahayag sa komunidad, ginagawa patungo sa layunin ng kaharian.

“Ibinigay”—ipinakikita na wala tayong magagawa maliban kung bibigyan tayo ni Jesus ng kapangyarihang gawin ito.

“Kapangyarihan”—ito ay hindi kung ano ang gusto natin, pinaghihirapan o pinasusumikapan, ngunit nanggagaling lamang at namumukod sa pamamagitan ng pagbibigay niya nito. Hindi natin mahigitan ang bahagi na ito ng kasaysayan bilang Kristiyano. Ang bawat tagasunod ni Jesus ay inutusang maghintay hanggang sa maibigay sa atin ang kapangyarihang nagmumula sa itaas.

Kulang ka ba sa kapangyarihan? Walang ibang paraan para makamit ito kundi hanggang sa ibigay ito mula sa kinabibilangan mong Siya. Si Jesus ay may kapangyarihan na ibigay ito doon sa mga ganap at tunay na Kanya.

Huwag mong paghirapang makamit ang kapangyarihan. Naiisin mong makabilang—ganap, may pagmamahal, mapagkumbaba, at pursigido, sa Kanya na kinasasabikan ng puso. At ang kapangyarihan ay darating sa iyo ng higit pa sa inaasahan mo.

Martes, Disyembre 20, 2011

SINO AKO?

“Wala nga akong sala, ngunit hindi na ito mahalaga, wala nang halaga ang aking sarili, pagod na akong mabuhay” (Job 9:21).

Ang Diyos ay mistulang lubos na makapangyarihan;
Ako ay mistulang napakaliit at walang halaga.
Inuutusan niya ang araw at ito ay sumisikat;
Ako ay nadurog na pira-piraso sa isang unos.
Inilatag niya ang kalangitan at lumakad sa mga alon,
Ngunit dumaan lang siya sa akin at hindi ko siya nakita.
Pinamumunuan niya ang silid ng mga bituin.
Kung tatawagin ko siya mula sa kalangitan
At sumagot siya,
Gayunman hindi ako makapaniwala na nadinig ang tinig ko.
Nadama ko na parang ako ay sinugatan ng Diyos
Nang walang dahilan.
Siya ang Hukom,
Ngunit sino ang magtatanggol sa akin?
Kapag binigyan ko ng katuwiran ang sarili ko,
Kinondena ako ng sarili kong bibig.
Lumalala ang nadarama ko
Na kung maging ako man ay ganap,
Hindi ko pa rin makikilala ang sarili ko
Hindi ko na rin mapapahalagahan ang buhay
Sapagkat
Tayo ay talagang galing sa nakaraan
At walang nalalaman,
Sapagkat ang buhay ay anino lamang.

Lunes, Disyembre 19, 2011

ANG IGLESYA NG ESPIRITU SANTO!

Hindi ka dapat magsimba nang hindi nananalangin, “Diyos ko, ibigay mo sa akin ang pandinig ng Espiritu Santo. Tulungan mo akong makarinig, makaunawa at magamit ang iyong Salita sa buhay ko!” katulad din ng pagbabasbas ng Espiritu Santo sa bibig ng pastor bago mangusap, kaya babasbasan niya ang iyong tainga para makarinig.

Sa isang iglesya ng Espiritu Santo palagi mong maririnig ang namimilipit na daing ng pagsisisi. Sa katunayan, hindi ka magiging Banal na Esprituwal na tao hanggang hindi ka “dumadaing na namimilipit”. At iyan ang isang bagay na hindi nagawa ni Solomon!

Hindi ganap na dalisay ang iglesya ni David; sa katunayan, ito ay isang uri ng iglesya sa Corinto. Si David ay nangalunya; pumatay siya ng inosenteng tao; isang panahon na naglalakad siya sa isang kahindik-hindik na panlilinlang. Gayunman, pagkatapos magkasala ni David, nabigkas niya itong naghihirap na taghoy mula sa kaibuturan ng kanyang pagkatao: “Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo’ng aking kasalanan! Mga pagkakasala ko’y kinikilala, di ko malilimutan, laging alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko’y di mo kinalugdan; kaya may katuwiran ka na ako’y hatulan, marapat na ako’y iyong parusahan. Sa iyong harapa’y huwag akong alisin; iyong Banal na Espiritu’y paghariin” (Awit 51:2-4,11).

Ang makabagbag-damdaming pagtangis ay isang tatak ng iglesya ng Espiritu Santo! Syempre, mayroong mga tao sa iglesyang ito na nabigo at nabuhay sa panlilinlang. Ngunit katulad ni David, sila ay naging lubhang sensitibo sa gawain at pagkilos ng Espiritu Santo, hindi nila palaging kailangan ang isang propeta para sabihin sa kanila na nagkasala sila. Nagsisi sila bago pa man dumating ang propeta sa kanila—sapagkat nadama nilang nasugatan dahilan sa kanilang kasalanan!

Sinabi ni David tungkol sa kanyang kasalanan: “Daigdig ng mga patay, ako’y pinupuluputan, patibong ng kamatayan, ang aking daraanan. Sa kagipitan ko, ako ay tumawag, ang Diyos na si Yahweh ay aking hinanap. Mula sa templo niya ay kanyang dininig, ang aking pagsamo at ang aking hibik. Mula sa ilalim ng tubig sa dagat, iniahon ako’t kanyang iniligtas. Iniligtas ako sa mga kaaway na di ko makayang mag-isang labanan” (2 Samuel 22: 6-7, 17-18).

Dudurugin ng Diyos ang iglesya ni Solomon at muling ibabangon ang iglesya ni David mula sa pagkaguho na ito! Ang natirang iglesyang ito ay may makadiyos na kalungkutan para sa kasalanan. Tatangis ito ng may hapis at pagsisisi at ganap na sasandal sa Espiritu Santo!

“Pagkatapos nito ay babalik ako, at muli kong itatayo ang bumagsak na kaharian ni David. Muli ko itong ibabangon mula sa kanyang pagkaguho” (Gawa 15:16).

Biyernes, Disyembre 16, 2011

ANG IGLESYA SA ZION!

Ang puwersang nagtutulak sa likod ng iglesya ni David ay ang ganap na pagsandal sa Espiritu Santo. Narito kung ano ang nagbukod kay David:

“Kinuha ni Samuel ang sungay na sisidlan ng langis, at binuhusan niya si David ng langis sa harapan ng kanyang mga kapatid. At nilukuban si David ng Espiritu ni Yahweh. Mula noon, sumakanya na ang Espiritu ni Yahweh” (1 Samuel 16:13).

Nang si David ay nasa banig na ng kamatayan, sinabi niya sa kanyang anak na si Solomon: “Nais kong sabihin sa iyo kung bakit ako ay pinagpala ng Diyos. Nais kong sabihin sa iyo ang lihim ng aking ministeryo.” Makinig sa mga huling salita ni David sa kanyang anak: “Nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahweh, ang salita niya’y nasa aking mga labi” (2 Samuel 23:2).

Sinasabi ni David, “Hindi ako nagtiwala sa aking karunungan at kaalaman. Hindi ako nagtiwala sa anumang bahagi ng aking laman. Ako ay isang mahinang tao—ngunit ako ay sa Espiritu Santo umaasa! Ang bawat salita na aking sinabi ay nasa ilalim ng kanyang basbas at pahid ng langis. Ang salita niya’y nasa aking mga labi!”

Nang binuksan namin ang pintuan ng aming ministeryo para sa Pangkabataang Hamon dito sa Nuweba York, ang aming sagisag ay “Ang Espiritu Santo ang nasusunod dito!” Hindi ito “kung paano makikiayon” na pangangaral ang nagligtas sa mga kasapi sa mga samahang kabataan. Hindi sila napaluhod dahil nangaral kami ng maiksi at dagliang mga sermon. Hindi sila nasakdal sa pamamagitan ng nakaturong paglalarawan at kwento ng kalikasan. Hindi! Ang mga datihang mga lulong sa bawal na droga ay nagpatotoo sa kanilang mga kaibigan, “Minsan din akong nakatira sa lansangan katulad mo. Ngunit tingnan mo ako ngayon! Binago ako ng Espiritu ng Diyos!”

Nangusap si Solomon ng tungkol sa mga puno, mga mababangis na hayop, mga isda, mga gumagapang na hayop. Ngunit si David ay nangusap ng pagiging malapit sa Diyos, ng pagkawasak at pagsisisi. Si David ay nahikayat at binago ng sariling pangangaral. Lubos niyang binigyang halaga ang presensiya ng Espiritu Santo sa kanyang buhay, hiningi niya sa Panginoon na huwag kailanman alisin ang Kanyang Espiritu sa kanya. Alam ni David na wala siyang kabuluhan kung wala ang Espiritu Santo!

Sinabi ni Pablo, “Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, upang ang inyong pananamapalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao” (1 Corinto 2:4-5).

“Kaya nga, kami ay nangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang espirituwal para sa mga pinapanahanan ng Espiritu. Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal” (t. 13-14).

Huwebes, Disyembre 15, 2011

IGLESYA NI SOLOMON

“Naging matatag ang paghahari ni Solomon na anak ni David sapagkat pinagpala siya ng Diyos niyang si Yahweh at pinalakas ang kanyang kapangyarihan” (2 Cronico 1;1).

Ang iglesya ni Jesu-Cristo ngayon ay pinatatag at pinagpala ng Diyos. Ang paglalaan ay ginawa para sa pagsusumikap sa lahat ng bagay. Isaalang-alang ang malaki, magandang edipiko na itinatag sa lupain. Isaalang-alang din ang malaking pagpapalang pananalapi. Milyun-milyon ang ginugol sa ebanghelismo sa telebisyon, sa mga aklat, sa mga mensaheng ini-rekord, sa mga misyon, sa mga institusyon, sa mga kolehiyo at sa lahat ng uri ng ministeryong iglesya

Nang sinimulan ang lahat ng gawaing ito, ang bawat isa ay may pagpapahid ng langis ng Diyos. Sa katotohanan, ang marami ay nagsimula na may katulad na pagpapala na ibinuhos ng Diyos kay Solomon. Si Solomon ay ganap na matatag at higit na may pinag-aralan higit pa sa kanyang ama na si David. Ginawa niya ang mga bagay na mas malaki at mas mahusay ng higit pa sa mga naunang salinlahi sa nagawa nila.

Ang nagtutulak na puwersa sa likod ni Solomon ay karunungan at kaalaman. Ito ang itinatangis ng puso niya sa Diyos: “Kaya ngayon, ang hiling ko’y bigyan ninyo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamahalaan ko ang bayang ito. Kung hindi, paano ko pamamahalaan ang malaking bayang ito?” (2 Cronico 1:10).

Hindi ba ito kahanga-hangang panalangin? Masarap itong pakinggan at nalugod ang Diyos kay Solomon sapagkat hindi siya humiling para lang sa sariling kapakinabangan. Gayunman mayroon pa ring suliranin: “Ang panalanging ito ay nakasentro pa rin sa pantao! Ang matalino at may sariling kumpiyansa ay may sinasabi na may kakayanhan, “Ibigay mo lamang ang mga gamit sa akin, Diyos ko at ako na ang bahala na tumapos sa gawaing ito. Bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman at ilalagay ko sa ayos ang lahat para sa mga taong ito. Tatapusin kong lahat ito!”

Ang panalangin ni Solomon ay hindi panalangin ng kanyang ama na si David, isang lalaki na malapit sa puso ng Diyos. Hindi, ang panalangin ni Solomon ay panalangin ng makabagong salinlahi—mga nag-aral na mga tao na may bagong pamamaraan at kakayahan. Ang daing niya ay, “Kailangan ko ng karunungan at kaalaman!” Naniniwala ako ikinakatawan ni Solomon ang espiritu at kalikasan ng mga huling-araw na iglesya sa Laodicia. Ang iglesyang ito ay pinamunuan na may katulad na pagkawasak na hinarap din ni Solomon.

Si Solomon ay may utak na puno ng karunungan at bibig na puno ng mga awitin. Kaya niyang mangaral at magturo ng may di-kapani-paniwalang kakayahan. Mayroon siyang matatag na pagsasagawa, na may kasamang marurunong na mga pinuno. Ang lahat tungkol sa kanyang iglesya ay lumalabas na mapitagan at nasa ayos. Ngunit ang lahat ng ginawa ni Solomon ay nauri sa kataga, “Nakita kong ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan; ito’y tulad lang ng paghahabol sa hangin” (Mangangaral 1:14).

Ang iglesya ni Solomon ay may sagot sa lahat. Magandang tingnan sa panglabas ngunit ito ay ganap na walang buhay! At ito ay nauwi sa walang kabuluhan, sa mga diyus-diyosan, sensuwalidad, kahungkagan at kawalan ng pag-asa.

Miyerkules, Disyembre 14, 2011

MANATILI SA PAG-IBIG

“Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon” (Roma 8:38-39).

Ang kamatayan ay malalim at madilim.
Ang buhay ay isang kalayawan at pahirap sa espiritu.
Ang mga pamunuan at ang mga makapangyarihan ay hindi natitinag,
Ang mga bagay sa ngayon ay walang katiyakan:
Ang bagay na parating ay hindi natin alam.
Mayroong hiwaga sa kataasan at kalaliman
Dito sa sandaigdigan,
Gayunman wala isa man dito ang makapaghihiwalay sa atin
Sa kanyang pag-ibig,
Na na kay Cristo na ating Panginoon
.
Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig?
Pananakit o taggutom?
Kahubaran, panganib o tabak?
Hindi! Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
Ang pag-ibig na ito ay higit pa sa anumang pagkakaunawa
Isang katibaya ng kadalisayan—
Kaya’t lumakad sa pag-ibig niya.
Siya na nananahan sa pag-ibig
Manahan sa Diyos—
At ang Diyos sa kanya.

Martes, Disyembre 13, 2011

ANG PALUHURIN ANG MGA TAO NG DIYOS!

“Ang lahi ni David at ang mga taga-Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay” (Zacarias 12:10).

Sa mga sandaling ito, ganyan ang ginagawa ng Espiritu Santo sa Israel. Maraming mga Hudyo ay nagtipon-tipon sa Pader ng Panaghoy, itinatangis na bumalik na ang Mesias. Ngunit isang araw aalisin ng Diyos ang belo at makikilala nila si Jesus kung sino siya at tatangis sa pagkakapako sa kanya!

Mayroon pang ibang gamit ang talatang ito na may kinalaman sa iglesya. Mayroong malapit ng parating na pansariling pakikipag-ugnayan ng Espiritu Santo. Ang iglesya ni Jesu-Cristo ay lubhang pinudpod ang kasalanan—binalewala ito—na kapag ang Espiritu Santo ay bumaba na kasama ang espiritu ng pananalangin, magdadala rin siya ng paglilinis. Magkakaroon ng panaghoy, pagluluksa, kabiguan—isang katunayan kung paanong ang kasalanan natin ay pinagdalamhati ang Diyos!

Ang Espiritu Santo ay kikilos sa ganitong paraan hindi lamang sa mga kongregasyon, kundi maging sa mga sambahayan at sa mga nag-iisa: “Tatangis ang buong lupain, ang bawat sambahayan, ang lahi ni David, pati ang kababaihan doon, ang lahi ni Natan, pati ang sambahayan doon” (Zacarias 12:12).

Ano pang dakilang handog ang maibibigay ng Diyos sa Kanyang iglesya bago pa siya bumalik kaysa sa isang makapangyarihang mensahe laban sa kasalanan? Magdadala siya ng isang tumatagos na paniniwala na hindi niya kakayaning palagpasin ang anumang hindi banal o maduming bagay na nasa atin!

Sa pinaiksing pagsusuma, narito ang mga uri at tatak ng huling-araw na pagubuhos ng Espiritu:

  1. Ang pagtuon sa huling pag-aani ng mga kaluluwa
  2. Ang espiritu ng kagandahang-loob patungo sa pagsisisi at sa pagkamakadiyos.
  3. Ang espiritu ng pagkakaloob na magbubunga sa pagsuko at pagmamadali na manalangin sa Espiritu.
  4. Ang pananabik kay Jesus at pagluluksa, isang kabiguan at pagtangis na may makadiyos na kalungkutan para sa kasalanan. Pagkatapos lamang ng ganitong pakikipag-ugnayan sa Espiritu darating ang tunay na pagpapala ng kasiyahan !

Ayokong malampasan o maiwan sa huling pagbubuhos ng Diyos! Patuloy akong nananalangin sa Kanya na isama ako, at sinasabi ko sa inyo gawin ninyo rin ito. Manalangin kayong kasama ko ngayon: “Panginoon, walang uri ng disiplina na kinakailangan para sa iyong banal na gawain. Kailangang ibigay mo ito sa akin! Ibigay mo sa akin ang iyong pasanin para sa mga naligaw na kaluluwa; ilagay mo sa akin ang iyong tumataghoy na Espiritu. Ikaw lamang ang tangi kong pag-asa, kaya sumusuko ako at lumalapit ng lubusan sa iyo. Gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo at iaasa ko sa iyo ang lahat!”

Lunes, Disyembre 12, 2011

ANG MANALANGIN NA HINDI PA NAKIKITA NG SANLIBUTAN!

Isag misyonaryo ang nagsalita sa aming iglesya ng dakilang paggising sa buong sanlibutan. Sa bawat kaso, ang “espiritu ng pananalangin” ay nakatali sa huling pag-aani. Sa Vietnam, China, Siberia, sa Amason, Afrika, at sa marami pang ibang lugar, ay nananalangin na nag-aapoy at nagniningas na kalooban—dumadaing at tumatangis sa Diyos, hinahanap ang kanyang mukha, humarap sa kasalanan at humarap sa katuwiran.

Hindi mo kayang gumawa ng ganitong paghapay na pananalangin. Ito ay bunga ng Espiritu ng pakikiusap—katulad ng ipinangako ng Diyos sa Zacarias 12;10. At ang mga mananampalatayang ito nararanasan na ito!

Hindi pa nagtatagal nanawagan tayo ng mga linggo ng pananalangin sa Times Square Church at naranasan din natin ang malasahan ng kaunti ang pagbuhos na ito ng Espiritu. Ang katotohanan, mayroong sukatan ng apoy at kasipagan sa pananalangin sa buong bansa. Ngunit hindi pa natin naranasan ang pagbuhos ng Espiritu ng pakikiusap!

Ipinakikita ng Diyos sa akin na maging ang pagnanais at paghapay sa pananalangin ay kailangang manggaling sa Espiritu Santo. Ngayon ang dilema ay ito: ipinangako ng Diyos na ibubuhos ang Espiritu ng pakikiusap sa kanyang iglesya, at nais kong maging bahagi ng tunay na pagkilos ng Diyos. Kaya, paano ko matitiyak na matatanggap ko ang ganitong pagbubuhos?

Ang sagot ay nasa Zacarias 10:1: “Humingi kayo ng ulan kay Yahweh, sa panahon ng tagsibol. Sa kanya na lumilikha ng ulap at hamog na nagpapasariwa sa mga pananim” (Zacarias 10:1).

Kilangang hingin natin sa Panginoon ang ganitong Espiritu ng pakikiusap! Ang kumikislap na ulap sa talatang ito ay nagpapahayag ng “kidlat, kulog.” Ipinangako ng Diyos na bibigyan niya tayo ng ulan! Sinasabi niya sa atin sa Zacarias, “Humingi at ibigay ko ang ganitong dalahin mula sa langit. Ngunit kailangang hanapin ninyo ito sa Akin!”

Panahon na para simulang humingi sa Panginoon, “O Diyos, ibuhos mo ang iyong Espiritu Santo sa akin para matutunan kong manalangin. Buksan mo ang bukal. Hayaan mong maging bahagi ako ng iyong huling pag-aani!”

Kapag ang Kanyang Espiritu ng pakikiusap ay umulan sa iyo, matatagpuan mo ang sarili mo na nananalangin para sa kabanalan, mga bagay na makadiyos, kadalisayan. Mamagitan ka para sa iyong mga naligaw na mga kamag-anak at tatangis dahil sa mamamatay nang sanlibutan. Ngunit kailangang hilingin sa Espiritu Santo na gawin ito para sa iyo—at manalig sa Kanya!”

Biyernes, Disyembre 9, 2011

ANG ESPIRITU NG PAKIKIUSAP

Ang salitang pakikiusap (tingnan ang Zacarias 12:10) ay hindi ginamit sa Bibliya maliban sa pagtanda sa daing o panalangin na sinasabi. Sa madaling sabi, hindi ito pribado o pagbubulay. Ang pakikiusap ay may kinalaman sa tinig!

Ang salitng Hebreo para sa pakikiusap ay nangangahulugan g “isang sanga ng oliba na binalot sa lana, o isang uri ng tela, na iwinawagayway ng isang pinagkalooban na naghahanap ng kapayapaan o pagsuko.” Ang mga ito ay tinawag na “sanga ng pagkakaloob.” Sa madaling sabi, ito ay mga bandila na nangangahulugan ng pagdaing ng ganap, na pagsukong walang kondisyon.

Isalarawan ang isang pagod na kawal sa pakikipaglaban, na limahid na at gula-gulanit na, pagod at pinangingibabawan na, nakasiksik sa isang taguan ng sariling kagustuhan. Siya ay nag-iisa, lupaypay na at payat na payat na, at nasa dulo na ng kanyang kahinaan. Bumali siya ng isang sanga ng puno at itinali ang puti niyang damit dito, itinaas ito, at gumapang palabas ng kanyang tinataguan, dumadaing, “Sumusuko na ako—ayoko na!’

Iyan ay pakikiusap! Sinasabi nito, “Sumusuko na ako! Hindi ko na kayang makipaglaban pa. naligaw na ako at wala ng pag-asa.”

Ang pakikiusap ay hindi lamang pagtawag sa Diyos na gawin ang nais mo. Hindi ito pagmamakaawa at pangangatuwiran sa kanya para alalayan ka sa iyong mga plano. Sa kabaliktaran, ito ay ganap na pagsuko ng iyong sariling kagustuhan o pamamaraan!

Sa maraming siglo ang mga Kristiyano ay tumawag sa Diyos habang puno ng sariling pagnanais, nagmamakaawa at dumadaing, “O Diyos, ipadala mo ako dito, ipadala mo ako doon, ibigay mo ito sa akin, ibigay mo yan sa akin.” Ngunit sa mga huling-araw ang Espiritu Santo ay bababa na may dakilang kapangyarihan para magbunga ng isang pag-iisip ng espiriutwal na pagbagsak. Gigising tayo sa katotohanang na kahit na sa dami ng ating salapi, talino, mga programa, mga ministeryo, at mga plano, ay hindi pa rin natin mahihipo ang sanlibutang ito. Ang katotohanan ay, ang iglesya naging mahina at kaawa-awa.

Kailangang mayroong pagsuko! Ang ating mga daing ay kailangang may kaakibat na pagpayag na isuko ang lahat sa ating buhay na hindi maka Jesu-Cristo.

Ang dalangin ni Daniel ay nagpapakita ng kung ano ang tungkol sa pakikiusap: “Dahil dito, O aming Diyos, pakinggan po ninyo ang pakiusap at daing ng inyong alipin at alang-alang sa inyo O Diyos, kahabagan po ninyo ang inyong Templong nawasak. O Diyos ko, pakinggan po ninyo kami. Masdan ninyo ang masaklap naming kalagayan at ang pagkawasak ng lunsod na nagtataglay ng inyong pangalan. Lumalapit po kami sa inyo hindi dahil sa kami’y matuwid kundi dahil sa kayo’y mahabagin” (Daniel 9:17-18).

Huwebes, Disyembre 8, 2011

ANG ESPIRITU NG KAGANDAHANG-LOOB

Sinabi ng Bibliya na ang Espiritu Santo ay ibubuhos bilang “…ang Espiritu ng kagandahang-loob at pakikiusap”(Zacarias 12:10).

Ang aklat ni Titus ay nagsabi sa atin na ang biyaya ay ipinagkaloob sa atin bilang kapangyarihan laban sa kasalanan, para makayanan nating mamuhay ng may pagpipigil, at may banal na buhay: “Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Tagapagligtas na si Jesu-Cristo” (Titus 2:11-13).

Mayroong kamangha-manghang sukatan ng kagandahang-loob na ito sa mga tao ng Diyos mula pa noong Pentekostes. Ipinadala ng Espiritu Santo ang pagsasakdal ng kasalanan sa lahat ng bansa, itinuturo sa bawat mananampalataya ng bawat lahi at dila kung paano ang pagwaksi sa mga bagay na hindi makadiyos at damdaming makalaman. Ang bunga ay mga taong na namuhay na may pagpipigil at matuwid sa kasalukuyang mundo at doon sa mga nasasabik sa pagbabalik ni Jesus.

Naniniwala ako sa mga hula sa Zacarias 12:10 na sa mga huling sandali, ang Espiritu Santo ay makapangyarihang bubuhos sa mga tao ng Diyos na may espiritu ng kagandahang-loob na magpapatalikod ng lubusan sa lahat ng bagay na makasanlibutan. Magbubunga ito sa kanila ng daing para sa kadalisayan ng puso!

Isang minamahal na kapatid sa Panginoon, isang namumuno sa ministeryo, ay tumawag para sabihin sa akin na ang mga pinuno ng kanyang ministeryo ay nagtitipon para hanapin ang Panginoon. Nagsimula ang Espiritu Santo na ilantad ang kasalanan sa kanilang kalagitnaan at ilan sa mga samahan ng ministeryo ay kailangang paalisin. Sinabi ng kapatiran sa akin, “Ngayong ang Espiritu Santo ay bumaba, mayroon nang paghihigpit na gumawa ng tama.”

Ang kanyang sinabi ay tumusok sa akin at hindi ko ito maipagpag: isang paghihigpit na gumawa ng tama. Nang bumaba ang Espiritu Santo at inilantad ang kasalanan, yaong mga nanlalamig o nasa pakikipagkompromiso ay nasakdal. Ang mga ministro ay babangon para sa katotohanan ng “pagtuturo ng kagandahang-loob,” yaong uri na maglalantad sa mga tao ng mga nakatago sa buhay nila.

Mga minamahal, ang paghihigpit na iwaksi ang kasalanan at gumawa ng tama ay mag-iinit at bibigat sa mga iglesya ng mga huling araw!

Miyerkules, Disyembre 7, 2011

ANG ULAN NG ESPIRITU SANTO

Kahit ano pang uri ng paghahayag ang makita mo dito sa tinatawag na muling pagbabangon, hindi ito tunay na pagkilos ng Diyos maliban kung ito ay nakatuon sa pag-aani! Ang ulan ng Espiritu Santo ay palaging bumabagsak para makapamunga ng pagtitipon ng kaluluwa.

Ibinuhos ng Diyos ang kanyang Espiritu sa Pentekostes para ihanda ang lupa at palambutin para sa pagtatanim ng butil ng Mabuting Balita. Ang mga Kristiyanong puspos ng Espiritu ay isinugo mula sa Itaas na Silid para sa sanlibutan para maging mga disipulo ni Jesu-Cristo.

Nakita ng iglesya ng halos 2000 taon ng paghahasik at pagpapalago at ngayon ay tag-ani na! Ang lahat ng namatay para kay Cristo hanggang ngayon ay kumakatawan sa mga naunang bunga o ng mga naunang ani. Hindi pa dumarating si Jesus sapagkat hinihintay Niya ng may pagtitiyaga para sa kanyang huling dakilang pag-aani!

“Mga kapatid, kaya nga’t magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang kapana-panabik na ani ng kanyang bukirin, at minamatyagan ang pagpatak ng ulan”(Santiago 5:7).

Sa naunang bahagi ng huling siglo, ang “Kilusan ng Huling Ulan” ay nagsimula sa Canada. Ito ay tumagal ng apatnapu o limampung taon. Ngayon, ilan lamang na iglesya ng “Huling Pag-ulan” ang natitira, gayunman yaong mga naging bahagi ng sa kilusang iyon ay hikayat na naranasan nila ang dakilang, huling pagbuhos ng Espiritu. Marami ang nagsabi, “Ito na! Nakita natin ang Zacarias 12:10 na nangyari!” ngunit ang kilusan ay napawi at maging ang ibang kilusan ay nagdatingan at naglaho rin. Bakit? Sapagkat hindi sila nakatuon sa pag-aani!

Maraming mga tinatawag na kilusan ng Espiritu Santo ay mabilis na naglaho sapagkat sila ay nakasentro sa tao—nakatuon sa mga handog, sa pag-aangat ng sarili, pansariling kaligayahan, at hindi sa pag-abot sa naligaw at mamatay na sanlibutan!

Itinali ni Jesus ang pag-ani sa mga naligaw na kaluluwa ng sinabi Niya na, “Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani” (Mateo 9:38).

Ang anumang tunay na pagbubuhos ng Espiritu Santo ay itutuon sa panalanging ito ni Jesus. Ang ilang muling pagbangon na naitala bilang tunay ang lahat na pinagpala ng dakilang pag-ani ng mga kaluluwa.

Martes, Disyembre 6, 2011

MALALIM NA TUBIG

“Lumubog ako sa burak at putik, at sa malaking along nagngangalit” (Awit 69;2).
Iligtas mo ako,vO Diyos,
Sapagkat ang kaluluwa ko ay inaalon
Ng mga kahangalan,
Ang aking mga kasalanan ay hindi maitatago sa iyo.
Lumulubog ako
Na walang matatayuan;
Ako ay lumulubog sa burak at putik.
Lumubog ako sa nagngangalit na alon;
Hinihintay ko ang Diyos para iligtas ako.
Ang lalamunan ko ay tuyo
Mula sa pagtawag sa kanya.
Tumangis ako at dinalisay ang aking kaluluwa,
Tinutuya ang sariling kahinaan,
Bilisan mo ang pagdinig sa akin, o Diyos,
At huwag mong itago ang iyong mukha.
Kailangan ko ang taga-aliw;
Lumingon ka sa akin na may magiliw na habag.
Iligtas mo ako sa burak na ito.
Huwag mong hayaang lumubog ako.
Iligtas mo ako sa burak at putik:
Ako ay nasa tunay na hapis--
Panganib.
Huwag hayaang lamunin ako ng burak at putik.
Huwag hayaang ang hukay ay isara ang bibig sa akin.
Bilisan mo, O Diyos,
Huwag tumigil;
Ikaw ang makakatulong sa akin
At makapagliligtas.

Lunes, Disyembre 5, 2011

ANG DIYOS AY HANDANG ILIGTAS ANG MGA MASAMA, AT MGA NAGMAMATIGAS NA MAKASALANAN!

Ang mga tao ng Diyos sa Juda ay may suliranin. Nagduda sila sa Kanyang kahandaan at kapangyarihan na tubusin ang mga tao na naka ugat na sa pagkawala ng paniniwala at sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. “Ang isasagot nila, ‘Hindi! Lalo pa kaming magmamatigas at magpapakasama hanggang gusto namin’” (Jeremias 18:12).

Ang Juda ay nawalan na ng pag-asa, iniisip na, “Malayo na ang narating namin—at ngayon ay hindi na kami makababalik pa. Iniwan namin ang Panginoon, tinuya Siya, inihagis siya, inabuso siya. Lubha na kaming malalim sa pagkakasala, wala na kaming pag-asa. Maging ang Diyos ay hindi na kami kayang ibalik pa!”

Pagkatapos ng maramin taon ko sa ministeryo, kailangan ko pa ring paglabanan ang ganitong pag-iisip. Maaring ganito rin ang nadarama mo. Maaring ang iyong asawa ay hindi naniniwala sa Diyos, masama at walang Diyos. At nahikayat mo ang sarili mo, “Ang lahat sa paligid ko, ang mga tao ay naliligtas ngunit ang asawa ko ay naiiba. Masyado siyang matigas!”

Sinabi ng Panginoon sa Juda, “Wala ba akong lakas para iligtas sila?” (Isaias 50:2).

Para paikliin ay nangangahulugan na “putulin na.” sinasabi ng Diyos, “Sabhiin mo sa akin, pinutol na ba ng kalaban ang aking makapagyarihang mga kamay? Nawala na ba ang aking kapangyarihang magligtas? Hindi! Pinatuyo ko ang Pulang Dagat. Binalot nito ang kalangitan ng kadiliman. Binuksan nito ang mga bulag na mga mata! Nakita ninyo na magliligtas ako hanggang sa pinakamalayo. Bakit ninyo inisip na nawala na ang kapangyarihan kong iligtas kayo?”

Mga minamahal, kailan nawala ang kapangyarihan ng Diyos na iligtas maging ang pinakamababang makasalanan sa lupa? Kailan niya naiwala ang kanyang kahandaang magligtas ng mga lulong sa bawal na droga, mga lasenggo at mga patutot kahit na walang nananalangin para sa kanila?

Maari bang magpasiya ang Diyos na huwag iligtas ang iyong pamilya, na inyong ipinag-ayuno at ipinanalangin ng buong tapat? Hindi kailanman! Kailangan tayong dumaing sa kanya sa pananampalataya, “O Panginoon, maari mong mailigtas ang ‘Wall Street’. Maari mong mailigtas ang makasalanan sa Nuweba York. Maari mong iligtas ang mga Muslim sa kahit na saang banyagang bansa at kaya mong iligtas ang kahit sinong miyembro ng aking pamilya. Hindi maikli ang mga kamay mo. Maari mong iligtas kahit na sino!”

Huwag maniwala na ang kanyang mga kamay ay naputol; sa halip, maniwala sa kanya maging sa pinaka imposible! Tumingin sa kanyang pangitain ng pag-ibig at kahabagan—ng kanyang makapangyarihang iniaabot na mga kamay, pinakamakapangyarihan na makapagligtas!

Kailangan na tayo ay manalangin at mapaghintay at pagsasama-samahin niya ang ating mga mahal sa buhay, isa-isa!

“Magbalik kayo sa akin, kayong mga taksil na anak, sapagkat ako ang inyong Panginoon,” sabi pa ni Yahweh. “Kukuha ako sa inyo ng isa sa bawat bayan at dalawa sa bawat angkan at ibabalik ko kayo sa Bundok ng Zion” (Jeremias 3:14).

Biyernes, Disyembre 2, 2011

HINDI KAYANG PIGILAN NG KADILIMAN ANG LIWANAG

Nang una kong sinimulan ang ministeryong ito nangusap ako sa mga iglesya sa buong Amerika, nagbabala ng padating na pagbagsak ng moralidad. Sinabi ko sa mga tao sa Iowa, Oklahoma at sa lahat ng katimugang bansa na ang bawal na droga ay sasalakay maging sa pinakamaliit na nayon. Mga nagtutulak ng droga ay lalaganap sa mga paaralan at sa mga palaruan. Nagbabala ako ng hayagang homoseksuwalidad, na may mga parada ng mga hubad na magaganap sa ating mga lunsod, at hinulaan ko na ang paghuhubad at seksuwal na gawain ay ipapalabas sa mga telebisyon.

Maraming mga tao na nakarinig sa aking pangangaral ay inisip na ako ay galing sa planetang Mars. Pinulaan ako ng mga Pastor at mga tapat na Kristiyano ay lumapit sa akin at sinabi na, “Hindi maari! Hindi papayagan ng Diyos na mangyari iyan sa Amerika.” Ngayon, ang ilan sa mga taong iyan ay mga lolo at lola na. Nakaupo sila ngayon sa harapan ng kanilang mga telebisyon at nanonood ng mga malalaswang palabas na aking hinulaan noon at ang kanilang mga apo ay nalulong na sa bawal na droga at alak. Ang kadiliman na aking binigyang babala ay nangyayari na.

Maiisip ninyo ba kung gaano kadilim ang magaganap sampung taon mula ngayon, ang Panginoon ba ay titigil?

Gayunman, tanong ko sa inyo: Habang nakikita ninyo na lalong dumidilim sa lahat ng paligid, naniniwala ba kayo na kaya nitong takpan ang liwanag ng Mabuting Balita? Natatakot ba kayo na kayang pisain ng kadiliman ito, alisin ito?

Hindi—hindi kailanman! Ang mga tao ng Diyos ay hindi dapat na matakot ng kadiliman at sa matinding galit ng kalaban. Sinabi ng Bibliya na si Jesus ay aakyat at magliliwanag sa kadiliman gaano kadilim ang magaganap sa sanlibutan! “Nakita rin ng Juda nang pinalayas at hiwalayan ko ang Israel dahil sa pagtataksil sa akin at pagiging masamang babae. Ngunit hindi man lamang natakot ang taksil ding Juda. Naging masama rin siyang babae” (Isaias 9:2).

Namumuhay tayo ngayon sa panahon ng malawakang kamatayan at kadiliman. Ngunit sinabi ng Diyos na sa pagdating ng panahong iyon pakikislapin niya ang kanyang liwanag ng pinakamaliwanag: “Aakayin ko ang mga bulag, sa mga daang hindi nila nakikita. Gagawing liwanag ang kadiliman sa harapan nila, at papatagin ko ang mga daang baku-bako. Ang lahat ng ito’y aking gagawin alang-alang sa kanila” (Isaias 42:16).

Walang anumang kadiliman ang kayang pigilan ang liwanag ng Diyos! Kaya’t alisin na ninyo ang inyong paningin sa kadiliman, umalis sa kasalanan, lumayo sa matinding galit ng mga marahas na mga tao, at maniwala sa Panginoon sa pagsabog ng kanyang nagniningning, na bumubugsong liwanag!

Huwebes, Disyembre 1, 2011

HANDA NA SA MULING PAGBANGON

Maari ba tayong maging handa sa muling pagbangon kung naniniwala tayong ang lahat ng pag-asa ay wala na—na tayo ay nagkasala sa ating mga araw ng pagpapala at wala nang natitira kundi ang paghuhukom? Mga minamahal, hindi tayo magkakaroon ng pananampalataya para sa muling pagbangon hanggang hindi tayo nahihikayat na nais pa rin ng Diyos na ibuhos ang kanyang Espiritu sa atin!

Bakit ang Amerika ay hindi pa rin hinahatulan? Bakit hindi pa rin bumabalik si Jesus? Ito ba ay sa dahilang mayroon pang dakilang pag-aani ang magaganap at ang Diyos ay “…binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagsisi at tumalikod sa kasalanan sapagkat hindi niya nais na may mapahamak” (2 Pedro 3:9).

Nakita natin ang dakilang habag ng Panginoon sa isang talata sa Isaias na kung saan ipinag-utos ng Diyos sa propeta na sabihin sa Juda: “Pinalayas ko ba ang aking bayan, tulad ng isang lalaking pinalayas at hiniwalayan ang kanyang asawa? Kung gayon, nasaan ang kasulatan ng ating paghihiwalay? Pinagtaksilan ko ba kayo para maging bihag, tulad ng amang nagbenta ng anak upang maging alipin? Hindi! Nabihag kayo dahil sa inyong kasalanan, itinapon kayo dahil dahil sa inyong kasamaan. Bakit ang bayan ko’y hindi kumilos nang sila’y lapitan ko para iligtas? Nang ako’y tumawag isa ma’y walang sumagot. Bakit? Wala ba akong lakas para iligtas sila? Kaya kong tuyuin ang dagat sa isang salita lamang. Magagawa kong disyerto ang ilog upang mamatay sa uhaw ang mga isda roon” (Isaias 50:1-2).

Ang Diyos ay humiwalay na sa Israel, binigyan na sila ng “…isang kasulatan ng paghihiwalay” (Jeremias 3:8). Ngunit ngayon ang atensyon niya ay nasa Juda, mga tao na nagtaksil sa kanya at humiwalay sa kanya. Mayroon pa ring puso ang Diyos para sa Juda, at lumapit siya sa kanila na tumatangis na makita ang kasulatan ng paghihiwalay (tingnan Isaias 50:1). Sinasabi niya, “Ipakita mo sa akin ang kasulatan ng paghihiwalay! Patunayan mo sa akin na inilayo ko kayo. Kayo ang humiwalay sa akin! Wala akong ginawa para saktan kayo. Iniibig ko kayo sa mga panahong iyon. Lumapit ako sa inyo at tinawag kayo!”

Mga minamahal, ganyan mismo ang nakikita ko na ginagawa ng Diyos sa Amerika ngayon. Sinasabi niya sa atin, “Ipakita ninyo sa akin ang kasulatan ng paghihiwalay! Ipakita ninyo sa akin na ako ang lumayo sa inyo! Hindi ko pa inaalis ang aking Espiritu Santo. Sa halip, kumikilos pa rin ako sa buong bansang ito—patuloy na hinihikayat, tumatawag, lumalapit sa inyo!’

Ang Panginoon ay nagpapahayag nito sa maraming pulpito sa buong bansa. Nangungusap siya sa pamamagitan ng mga makadiyos na mga lalaki at babae na gumugugol ng mahahalagang panahon sa paghahanap sa kanya. Tinatawag niya ang Amerika sa muling pagsisisi—pabalik sa kanyang puso!

Kailangang ganap tayong hikayat na may panahon pa, may pag-asa pa, at habang tayo ay nananalangin, ang Espiritu ay kumikilos sa lahat ng antas ng lipunan, tinatawag at nililgawan ang mga tao pabalik sa Kanya!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

ANG ULAN SA MGA HULING ARAW

“At sa araw na iyon, mawawasak ang alinmang bansang mangangahas sumakop sa Jerusalem. Ang lahi ni David at ang mga taga Jerusalem ay gagawin kong mahabagin at mapanalanginin. Sa gayon, kapag pinagmasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat ay tatangisan nila itong parang kaisa-isang anak o anak na panganay.

Ang hulang ito mula sa aklat ng Zacarias ay tungkol sa isang espesyal na pagbubuhos ng Espiritu Santo na magaganap sa mga huling araw. Ang kahalintulad na pagbubuhos ay isinalarawan sa Joel 2, na aking pinaniniwalaan na naganap sa Pentekostes. ang talatang iyon ay mababasa na: “Magaganap pagkatapos na aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa lahat; ang inyong mga anak ay manghuhula, ang matatanda ay mananaginip, ang inyong mga kabataan ay makakakita ng mga pangitain; at maging sa aking mga katulong ay ibubuhos ko ang Aking Espiritu sa mga araw na iyon” (Joel 2:27-29)

Ganito mismo ang naganap sa araw ng Penekostes! Ang Espiritu Santo ay dumating na parang baha na katulad ng espiritu ng propesiya sa Itaas na Silid sa Jerusalem.

Ang dakilang pagbubuhos ay naging isang patuloy na pagdidilig ng Espiritu Santo na nagtuloy tuloy sa kabuuan ng isandaang taon. Sa halos 2,000 taon ang Diyos ay nagbuhos ng kanyang Espiritu na katulad ng ulan para sa kanyang mga tao, araw-araw na dinidilig ang kanyang iglesya at pinangangalagaan ito. Ito ay binanggit ni Isaias bilang: “Akong si Yahweh ang nag-aalaga ng ubasang ito na dinidilig bawat sandali, at binabantayan ko araw at gabi upang walang manira” (Isaias 27:2-3).

Ang dalawang pagbubuhos ng Espiritu ay binanggit na bilang unang ulan at ang huli: “Kaya nga, kung susundin lamang ninyo ang utos ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at paglingkuran nang buong puso’t kaluluwa, sa tamang panahon ay pauulanin niya sa lupaing iyon, at magiging sagana kayo sa pagkain, inumin at langis” (Deotoronomo 11:13-14).

Ang panahon ng pagtatanim at pag-aani sa Israel ay kabaligtaran ng sa atin. Ang unang ulan, na nagpapalambot sa lupa, ay mula Oktubre hanggang sa katapusan ng Disyembre, bago pa sa panahon ng pagtatanim. Ang huling ulan ay para hinugin ang pag-aani at bumabagsak mula Marso hanggang Abril, bago mag-ani.

Ito ay mahalagang itala na ang dalawang pagbubuhos na ito ay laging may kinalaman sa pag-aani. Ang gawain ng Espiritu ay palaging nakatuon sa pag-ani ng mga kaluluwa!

Martes, Nobyembre 29, 2011

ANG UGAT NG TAKOT

“Alisin mo ang kasalanan sa iyong mga kamay, linisin mo sa kasamaan ang iyong tahanan. At taas noo kang haharap sa sanlibutan, matatag ang loob, walang kinatatakutan” (Job 11:15-15).

Ang lahat ng takot ay mababakas
Sa isang dungis
Ng kasalanan at lihim na kasalanan
Na kinakanlong sa puso ng isang tao.
Nasa kamay niya ang kapangyarihan
Para alisin ito,
Hinahamak ang kayamanan ng biyaya ng Diyos,
Ang…pagtitiis at paghihirap,
Nagpapatuloy siya sa kanyang makasalanang pamumuhay,
Hinahayaan sa kanyang sariling buhay
Ang kanyang kinokondena sa iba,
Ginagawang batas sa kanyang sarili.
Hinahanap niya na maging itinatangi ng Diyos
Para makatakas sa poot at hapis.
Ngunit ang Diyos ay hindi namimili ng tao,
Humuhusga sa lahat ng pantay-pantay,
Ipinangangako ang kaluwalhatian, karangalan at kapayapaan
Para doon sa mga nagwawaksi ng mga kasamaan,
At pagkatapos ay taas noong haharap na walang dungis.
Siya ay magiging matatag
At walang katatakutan,
At doon lamang sa kasalanan
Ang tao ay matatakot.

Lunes, Nobyembre 28, 2011

ANG MAKILALA ANG TINIG NG PANGINOON

Dahilan sa pagiging makasalanan ng pagkasaserdote at ng mga tao, ang Diyos ay hindi nakikipa-usap sa Israel. Sinabi ng Bibliya, “Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya” (1 Samuel 3:1). Gayunman, sa kalagitnaan ng taggutom sa Salita, ang Panginoon ay nagpakita sa batang si Samuel: “Siya’y tinawag ni Yahweh, ‘Samuel, Samuel’.. ‘narito po ako,’ sagot niya. Hindi pa kilala noon ni Samuel si Yahweh sapagkat hinid pa ito nagpahayag sa kanya” (3:4,7).

Si Samuel ay labindalawang taong gulang lamang noon at kahit na siya ay isang banal na bata, hindi pa niya kilala ang tinig ng Panginoon. Kaya ang Diyos ay lumapit sa higaan ni Samuel at tinawag siya na naririnig niya. Noong una ang akala niya ay si Eli ang nagsasalita; hindi niya alam na siya ay sinasanay na makilala ang mga tinig—para deretsuhang makarinig mula sa Diyos!

Ang Diyos ay hindi nakikipag-usap sa saserdoteng si Eli, na lumaking bingi sa tinig Niya! Ang katotohanan, mistulang isang propeta lamang ang nakakarinig mula sa Diyos—isang hindi kilalang lalaki na nagbabala kay Eli na siya ay iiwan na ng Diyos (1 Samuel 2:27-36).

Ang makarinig mula sa Diyos ay nangangailangan ng higit pa sa tahimik na pag-iisa. Nangangailangan ito ng higit pa sa simpleng pagsasabi ng, “Mangusap ka Panginoon, para marinig ka ng iyong lingkod!” Hindi, walang anumang pamamaraan para marinig ang Diyos; walang sampung hakbang na susundin. Bago mo marinig ang Diyos, kailangang siya muna ang mangungusap sa iyo—at nakikipag-usap siya doon sa mga inihanda ang kanilang mga puso para makarinig!

Si Samuel ay walang malalim na teolohiyang pagkakakilala sa Diyos noong unang nakipag-usap ang Diyos sa kanya. Ngunit siya ay mayroong magiliw, dalisay, debotong puso na bukas para sa Panginoon. Kaya, ano sa palagay ninyo ang unang itinuro ng Diyos kay Samuel pagkatapos na makipag-usap sa kanya?

Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Hindi magtatagal at may gagawin akong kakila-kilabot na bagay sa Israel. Lahat ng makakabalita nito’y mabibigla. Pagdating ng araw na iyon, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko laban sa sambahayan ni Eli, mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Sabihin mo sa kanya na habang panahon kong paparusahan ang kanyang sambahayan sapagkat hinayaan niyang lapastanganin ako ng kanyang mga anak. Ni hindi man lamang niya pinahinto ang mga ito. Dahil dito, isinusumpa kong hindi mapapawi ng anumang handog ang kalapastanganang ginawa ng sambahayan ni Eli” (tingnan 1 Samuel 3:11-14).

Hindi nakapagtataka na sinabi ng Bibliya na sinabi ni Samuel ang mga salitang iyon—narinig niya ang tinig ng Panginoon, gumugol siya ng panahon na nakatuon sa Kanya, nananalangin, hinahanap siya, at maliwanag na kinausap siya ng Diyos sa lahat ng sandali.

Mayroong mga tao ngayon na sinanay na makilala ang tinig ng Diyos. Ang mananalanging banal na ito ay ibinuhos ang kanilang puso sa Kanya—at bilang kapalit ay ibinuhos Niya rin ang sarili niya!

Biyernes, Nobyembre 25, 2011

ANG PAGSILANG NG MGA BANAL NA NATITIRA

Ang propetang si Samuel ay isang halimbawa ng isang banal na natitira sa mga huling araw—isang inihandang samahan ng mga mananampalataya na nanggaling mula sa mga naguhong lumang tiwaling iglesya.

Si Ana, ang ina ni Samuel, ay ipinanganak ang kanyang anak na lalaki sa pamamagitan ng mga mapapait na luha at maraming panalangin. “Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh” (1 Samuel 1:10).

Subukin ninyong isipin ang eksenang ito: Si Ana ay nasa templo araw-araw, nakaluhod sa harap ng altar na bigo sapagkat siya ay hindi magkaanak. Habang siya ay umiiyak, ang kanyang kalaban—ang ibang asawa ng kanyang asawa—ay pinagtatawanan siya. “Si Ana ay palaging kinukutya ni Penina dahil hindi niloob ni Yahweh na magkaroon siya ng anak” (1 Samuel 1:6).

Narito ang tatlong mahahalagang bagay na nais kong tukuyin mula sa talatang ito:

· Una, ang natira na kinakatawan ni Samuel ay ipinanganak sa pighati at pagpapamagitan.

· Pangalawa, yaong mga nanalangin at nagdalamhati galing sa puso ng Diyos ay kinukutya ng mga kalaban.

· At pangatlo, ang mga natira para sa Diyos ay palaging hindi mauunawaan!

Itala kung ano ang nangyari kay Ana habang siya ay nananalangin: “Habang nananalangin si Ana, ang bibig niya’y pinagmamasdan ni Eli. Gumagalaw ang kanyang mga labi ngunit hindi naririnig ang kanyang tinig sapagkat siya’y nananalangin lamang sa sarili. Dahil dito, inakala ni Eli na siya’y lasing. Kaya, lumapit ito at sinabi sa kanya, ‘Tama na ‘yang paglalasing mo! Tigilan mo na ang pag-inom ng alak at magpakatino ka na” (1 Samuel 1:12-14).

Nang si Ana ay nananalangin, siya ay punong-puno ng pighati, mabigat ang dalahin sa pagsilang ng isang anak na lalaki. Ang lahat lamang na nagagawa niya ay igalaw ang kanyang mga labi dahil sa kanyang pagdaing sa Espiritu. Ganito ang panalangin niya: “Yahweh, Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung pakikinggan ninyo ang inyong abang lingkod at inyo pong kahahabagan, kung hindi ninyo ako pababayaan, sa halip ay pagkakalooban ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo at habang buhay na siya’y nakalaan sa inyo” (1 Smuel 1:11).

Narito ang dalawang mahalagang palatandaan ng mga banal na natira para sa Diyos:

· Nanalangin sila na katuld ni Ana. Ang kanilang mga dalahin ay malalim at ang kanilang mga puso ay hinalo dahilan sa mga kasalanan sa templo ng Diyos.

· Katulad ni Ana, ipinagkaloob nila ang kanilang mga sarili sa pananalangin araw-araw ng kanilang buhay.

Nais ng Diyos na gawin kayong katulad nila. Nais niyang mahipo ninyo siya at makarinig mula sa kanya. Nais niya na bigyan kayo ng ministeryo na para sa iba na lalapit sa inyo dala ang kanilang mga dalahin at mga pagsubok. At habang ipinapanalangin ninyo sila, ang kanyang Salita ay darating!

Huwebes, Nobyembre 24, 2011

ANG MAKAPANGYARIHANG HUKBO NG DIYOS

Mayroong napaka makapangyarihan at kahanga-hangang bagay na nangyayari sa sanlibutan ngayon—bagay na hindi abot ng pag-iisip ng tao—bagay na makakaapekto sa buong sanlibutan sa mga huling araw na ito.

Ang Diyos ay naghahanda ng maliit ngunit makapangyarihang hukbo , na pinaka-tapat na kawal sa balat ng lupa. Darating ang Panginoon para pamunuan sila para sa gawaing kabayanihan: kanya nang isasara ang kasalukuyang panahaon na may dalisay, dedikado, at walang takot na mga matitira.

Sa buong buhay ko ay nakarinig ako ng mga kuwento tungkol sa ating mga makadiyos na ninuno na muhi sa kasalanan. Ang mga lalaki at babaing ito ay kilala ang tinig ng Diyos at gumugol ng mga oras, maging ng mga araw, sa pag-aayuno at pananalangin. Sila ay nanalangin ng walang humpay at may kapangyarihan at kakayahan na matagumpay na manindigan laban sa imoralidad sa kanilang panahon.

Ang mga ninunong ito ay matagal nang nakalipas. Ngunit ang Diyos ay kasalukuyang nasa paghahanda ng bagong hukbo at sa pagkakataong ito ang kanyang mga mandirigma ay hindi bubuuin lamang ng mga matatanda, mapuputi na ang buhok na mga ama at ina ng Zion. Ang bagong hukbong ito ay bubuuin ng bago at makaranasang mga mananampalataya, magkasamang matatanda at mga kabataan, mga pangkaraniwang mga Kristiyano na nakakapit sa Diyos! Isang bagong kaharian ng ministeryo ay malapit nang mangyari!

Ang ibat-ibang pamamaraan ng iglesya ay nagmimistula nang pauwi sa kamatayan. Wala na halos itong impluwensiya sa karnal na sanlibutan, walang kapangyarihang galing kay Cristo. Ang ilan ay inaakusahan akong masyadong “mahigpit” sa mga pastor. Ngunit nadama ko ang pighati ng maraming mga makadiyos na mga pastor para sa mga muling nagkakasala sa mga ministeryo sa ngayon. Mayroon na lamang ilang natitirang makadiyos na mga pastor sa kalupaan, at nagpapasalamat ako sa Diyos para bawat isa sa kanila. Gayunman, hindi maikakaila na higit na marami pang mga ministro ay nag-uunahan sa daan ng pakikipagkompromiso.

Nagbabala ang Bibliya na hindi tayo dapat na magtampo! Mayroong plano ang Diyos at ito ay inihahayag na. Ito ay maliwanag na inilagay sa Kasulatan, karamihan nito ay nasa unang apat na kabanata ng Unang Samuel.

Ang propetang si Samuel ay isang halimbawa ng itinira ng Diyos sa mga huling araw. Siya ay pinili ng Diyos maging sa gitna ng mahirap na panahon at itinago siya sa pagsasanay hanggang ito ay panahon na ilabas ang bagong bagay na sa Diyos. Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hindi magtatagal at may gagawin akong kakila-kilabot na bagay sa Israel. Lahat ng makakabalita nito’y mabibigla” (1 Samuel 3:11). Ano ang makakabigla at makakagulat sa lahat ng makakarinig nito? Ito ay paghuhukom ng Diyos sa makakasalanang pamamaraan ng relihiyon at ang pagbubuo, pagsasanay at pagpapapahid ng bago, banal na natitira!

Ano ang ginawa ng Diyos sa panahon ni Samuel, ay ginawa niya sa bawat salinlahi. Ang katotohanan, sa bawat salinlahi ay mayroong natitirang, mananalanging mga tao na galing sa kanyang puso.

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

ANG TAO’Y HINDI LAMANG SA TINAPAY NABUBUHAY

Kung iniisip mo na ikaw ay isa lamang pangkaraniwang nilalang para gamitin ng Diyos, makinig na mabuti: Hindi gagawin ng Diyos ang kanyang gawain sa mga huling araw sa pamamagitan ng mga naglalakihang pangalan ng mga ebangheliko o mga pastor. Maging sila ay kayang gampanan ang dakilang pagkilos ng Espiritu ng Diyos! Ang katotohanan ay, kakailanganin ng Diyos ang bawat maybahay, kabataan, matatanda at lahat ng umiibig sa kanya para gampanan ang kanyang dakilang gawain. Ang hukbong ito ng mga huling araw ay bubuuin ng mga Kristiyano na inihiwalay mula sa nabubuhay sa tinapay lamang. hayaan ninyong ipaliwanag ko.

Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Moises: “Ang tao’y hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ni Yahweh” (Deutoronomo 8:3).

Ang tinapay ay kumakatawan sa lahat ng likas, materyal na bagay na kinakailangan sa buhay na ito—pagkain, tirahan, damit, trabaho, suweldo. Ang tinapay ay kumakatawan sa ikinabubuhay—yaong mga bagay na ating kinakailangan na hindi naman masama. Ganoon pa man, maraming Kristiyano ay nabubuhay lamang sa mga bagay na kailangan ng buhay na ito—nabubuhay sa tinapay lamang!

Tinuruan tayo ni Jesus na manalangin, “Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw” (Mateo 6:11). Ngunit una niyang sinabi na kailangan nating ipanalangin, “Nawa’y maghari ka sa amin. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit” (t. 10). Kailangan muna nating ituon ang ating sarili sa mga bagay na sa Diyos—manalangin na sundin nawa ang kanyang kalooban!

Ano ang mga bagay na iniisip ng higit pa sa anumang bagay nitong nakalipas na anim na buwan? Ano ang umuubos ng iyong panahon at pananalangin? Ito ba ay tungkol lamang sa mga materyal na bagay—mga pansariling pangangailangan?

Kung magtutuon ka lamang sa tinapay, kung ganoon ay wala kang tunay na buhay! Nabubuhay ka sa ilang, na katulad ng anak ng Israel. Bumabangon sila araw-araw at lahat ay nagmamadali para sa tinapay lamang—sa kanilang mga pansariling mga pangangailangan—araw-araw sa loob ng apatnapung taon!

Mga minamahal, ang tawag diyan ay kaungasan—gawaing hamak! Hindi hinangad ng Diyos para sa kanyang mga anak na mamuhay na katulad noon. Sa halip, sinabi niya sa mga taga Israel sa pamamagitan ni Moises, “Kailangang mabuhay kayo sa pamamagitan ng bawat salita na nangagaling sa aking bibig! Sinabi ko na ibibigay ko ang inyong mga pagangailangan, ngunit hindi kayo titigil mula doon. Magpatuloy kayo! Sinabi ko sa inyo na may lupain na sagana sa lahat, na may mga ilog, mga puno, kagubatan, maaliwalas at malawak na pastulan—at hangad ko ang lugar na iyan para sa inyo!”

Ang Diyos ay magbubuo ng mga tao na nakatuon sa kanyang kalooban para dito sa nalalapit na hatinggabi! Pagod na silang mamuhay sa ilang para lamang mabuhay. Ang lahat lamang na gusto nila ay ang malaman at gawin ang kalooban ng Diyos. Ang bawat kasama sa hukbong ito ng mga huling araw ay maging handa at nakahanda ang kanilang mga puso—sapagkat ang Diyos ay naghahanda nang pakawalan ang kanyang dakila at huling pagbubuhos!

Martes, Nobyembre 22, 2011

ANG DIYOS AY KASAMA

“Ang nagsasabing ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos ng na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid” (1 Juan 4:20-21).

Huwag basta maniwala kung ano ang sinasabi ng isang tao tungkol sa pag-ibig,

Kung itiniwalag niya ang kanyang sarili mula sa kanyang kapatid

Sa anumang kulay o lahi,

Sapagkat dapat ay walang takot sa pag-ibig.

Ang dalisay na pag-ibig ay itinatapon ang lahat ng takot

Sapagkat ang takot ay may pagdurusa

Paanong masasabi ng sinuman na iniibig niya ang Diyos

At naniniwala sa pagkakapantay-pantay,

Samantalang kasabay nito ay siya ay nagdurusa

Sa pamamagitan ng takot sa kapatid

Na nakikita niya,

Paano niya maiibig ang Diyos

Na hindi nakikita?

Inutusan ng Diyos ang lahat na nasa lahat ng dako

Na ibigin ang kanyang kapatid

Na katulad ng pag-ibig ng Diyos sa kanya—

Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Lunes, Nobyembre 21, 2011

ANG MALAMAN ANG ISIPAN AT KALOOBAN NG PANGINOON

“Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak, patatatagin mo ang loob ng mga kapus-palad” (Awit 10:17).

Sa talatang ito ipinakita ni David ang isang payak, tatlong pamamaraan para malaman ang isipan at kalooban ng Panginoon para sa inyong buhay:

  1. Humingi sa kanya (manalangin)
  2. Ihanda ang inyong mga puso na marinig ang kanyang tinig
  3. Hahayaan niyang malaman ninyo—ang Espiritu Santo ay mangungusap sa inyo

Sa nalalapit na panahon, ibubuhos ng Diyos ang kanyang maluwalhating kopa ng pinakadakilang sukatan ng kanyang Espiritu na hindi pa nakikita ng sanlibutan. Ang makapangyarihang kasiguruhan ay darating sa inyong mga kapitbahay, ka trabaho at mga hindi pa ligtas na kapamilya.

Maraming tao sa maraming dako ay masasaktan at tatalikod sila mula sa kanilang mga patay na iglesya para hanapin yaong mga naglalakad kasama ang Diyos. Magiging desperado sila na maghanap ng mga tao na ang mga puso ay nakahanda na!

Ang Diyos ay gagamit ng daang libong mga pangakaraniwang mga lingkod para sa kanyang gawain sa mga huling araw na tao-taong ministeryo. Kaya itatanong ko sa inyo: inihahanda na ba ninyo ang inyong mga puso ngayon para sa kanyang gawain na dapat maganap, sa inyo at sa pamamagitan mo?

Mangumpisal sa Diyos ngayon: “O, Panginoon nais kong magkaroon ng silbi ng buhay ko! Alam ko na sa mga sandaling ito ako ay nabubuhay sa tinapay lamang—sa ilang ng kawalan ng pag-asa. Ngunit nais kong mabuhay!”

Sumisid sa kanyang Salita. Pag-aralang hanapin siya araw-araw. Mayroon rebolusyonaryong kapangayarihan sa paghahanda ng inyong mga puso! Sa pamamagitan nitong paghahandang ito na ang kahulugan at kapunuan ay darating sa inyong mga buhay. Ang inyong mga damdamin at pagkatao ay magbabago at ang kapangyarihan ay aalpasan sa inyo!

Kapag nakita ng Diyos na kayo ay handa na, pagkakalooban niya kayo ng mga dalisay na kapanahunan para gampanan ang kanyang gawain. Ni hindi mo na kailangan na umalis ng inyong tahanan. Ipagkakaloob mismo ng Diyos ang inyong mga pangangailangan sa inyong pintuan!

Ang makapangyarihang Diyos ay inihahanda ang kanyang mga tao sa mga sandaling ito para sa isang malaking gawain.

“Siya ay lalabas, parang mandirigma na handang lumaban, siya ay sisigaw bilang hudyat ng pagsalakay , at ang kapangyarihan niya’y ipapakita sa mga kaaway” (Isaias 42:13).

Ihanda ang inyong mga puso para harapin siya! Maging handa sa paglilingkod, dala ang kasangkapan para sa kanyang mga huling araw na makapangyarihang pagbubuhos, at ang kanyang kaluwalhatian ay mabubuhay sa inyo dito sa mga huling araw na ito!

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

HIGIT PA SA PANGANGARAL AT PAGTUTURO

Naniniwala ako na ang Magandang Balita ay dapat na may kasamang kapangyarihan at pagpapakita ng Espiritu Santo—na gumagawa ng mga makapangyarihang himala, nagpapatunay na ang Magandang Balita ay totoo!

Malakas ang loob na sinabi ni Pablo, “Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu” (1 Corinto 2:4). Ang Griyego dito ay nangangahulugan na “may patunay.” Sinasabi ni Pablo, “Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba’t ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban” (Hebreo 2:4). Sinabi na pinatunayan ng Diyos ang mensahe ni Pablo sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan: “And Diyos ay nagpatunay din sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan, na may iba’t ibang himala, at mga handog ng Espiritu Santo, ayon sa kanyang sariling kalooban.”

Ang mananampalataya ng bagong Tipan ay may isang panalangin: “Iunat ninyo ang inyong kamay upang magpagaling, at loobin ninyo na sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala” (Gawa 4:30). Ang mga alagad na ito ay humayo sa iba’t ibang dako para ipangaral ang Magandang Balita.

“Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang takot” (Gawa 2:43). “Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao… Samantala, parami ng parami ang mga lalaki at babaing nananalig sa Panginoon” (Gawa 5:12, 14). Narito ang isa sa pinaka pangwakas sa lahat ng mga talata—pagpapatunay na ang ganap na naipangaral na Magandang Balita ay kailangang may kasamang mga himala at mga kababalaghan: “Nanatili roon ng matagal si Pablo at Bernabe, at buong tapang silang nangaral tungkol sa Panginoon. Pinatutunayan naman ng Panginoon na totoo ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang gumawa ng mga himala” (Gawa 14:3). Ang talatang ito ay nagsasabi na ang mga apostol ay nangaral ng buong tapang ng matagal, nangaral ng biyaya at pagsisisi, at nagkaloob ang Diyos ng mga himala at mga kababalaghan na gawa ng mga kamay nila.

Ang mga huling araw na iglesya ng Diyos ay humayo “Sumunod nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako.tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala sa ipinagkaloob niya sa kanila” (Marcos 16:20). Ito ang inihahanda ng Panginoon para sa atin.

Ang mga himala sa mga huling araw na iglesyang ito magiging dalisay, hindi pagdududahan, di maikakaila, gayunman ang mga ito ay hindi magiging tanyag. Sa halip, ito ay ihahayag mula sa kamay ng mga pangkaraniwan, banal, nakahiwalay na mga banal na kilala ang Diyos at malapit kay Jesus.

Ang mga mananampalatayang ito ay magmumula sa lihim na silid ng panalanginan—isang maliit, nakahandang hukbo na puno ng pananampalataya, na walang ibang ninanais kundi sundin ang kalooban ng Diyos at luwalhatiin siya. Sila ay mga walang takot at makapangyarihan sa pananalangin. Gigisingin nila ang buong bansa para sa Magandaang Balita at patutunayan ng Diyos ang mga salita nila sa pamamagitan ng kanilang makapangyarihang gawa!

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

ANG “GANAP NA IPINANGARAL” NA MAGANDANG BALITA

Sinabi ni apostol Pablo sa kanyang salinlahi: “Ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo” (Roma 15:19). At isinalarawan nya ang “ganap na ipinangaral” na Magandang Balita bilang isa na higit pa sa mga salita. Ito ay Magandang Balita ng salita at gawa! “Wala akong pinangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa pamamagitan ko, sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa” (t. 18).

Sinasabi ni Pablo, “Ang mga Hentil ay humarap kay Cristo hindi ng dahilan lamang sa aking pangangaral, kundi dahilan sa ang aking mga salita ay may kasamang mga mapaghimalang gawain!”

“Sa tulong ng mga himala at mga kababalaghan, at sa pamamagitaan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, kaya’t mula sa Jerusalaem hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo” (t.19).

Kung si Pablo ay nangaral na walang kasamang himala at kababalaghan na kasunod, ang kanyang mensahe ay hindi magkakaroon ng diin. Hindi ito magiging Magandang Balita na ganap na ipinangaral! Sinabi niya sa mga taga Corinto, “Buong tiyaga kong pinatotohanan sa inyo na ako’y isang tunay na apostol sa pamamagitan ng mga himala at iba pang mga kamangha-manghang bagay” (2 Corinto 12:12).

Pansinin ang mga salita ni Pablo sa talatang ito: himala, kababalaghan, mga kamangha-manghang bagay. Maraming kristiyano ngayon ay nagpapakababa kapag narinig nila ang mga salitang ito! Sapagkat ang mga salitang ito ay ginawang karimarimarim ng mga tiwali, mga gutom sa kapangyarihan na mga mangangaral at guro! Ang pinakamalaking trahedya ay ang mga ganitong pag-aakay sa masama ay nagdulot sa mga may takot sa Diyos na mga pastor, mga ebanghelista at mga taong iglesya na tumalikod mula sa katotohanan ng isang ganap na ipinapangaral sa Magandang Balita.

Mga minamahal, ang Diyos ay nananatiling Diyos—at siya ay makapangyarihan sa paggawa ng himala at kababalaghan! Siya pa rin ang ating tagapagpagaling at nais niyang ipakita ang sarili niya na malakas para doon sa mga nananalig sa Kanya! Ang mga kadakilaang higit pa sa kaya ng taong mga gawain ay naganap sa iglesya ng Bagong Tipan na hindi nag-akay sa masama—na hindi ipinamalita, pagpapakitang gilas o sino mang tao na umaangkin ng lahat ng lakas at kapangyarihan. Ang ministeryo ni Pablo ay isang halimbawa:

Sa Troas, habang si Pablo ay nangangaral ng mahabang mensahe, isang kabataan ay nakatulog habang nakaupo sa pasilyo ng bintana at nahulog sa lupa mula sa ikatlong palapag. Sinabi ng Bibliya na kinuha ang kabataan na “patay na” (tingnan ang Gawa 20:9-12).

Nang dumating si Pablo kung nasaan ang bata, pinatahimik niya ang lahat. Pagkatapos ay, na katulad ng ginawa ni Elijah, itinuwid niya ang sarili niya sa ibabaw ng patay na bata at bigla na lamang nabuhay ang bata. Ang bata ay muling nabuhay—ipinanumbalik mula sa pagkamatay! Isang makapangyarihang himala!

Pagkatapos mangyari ito, hindi ipinasabi ni Pablo ang balita na may naganap na himala. Hindi, hindi ganoon ang nagyari. Ang bawat isa ay simple lamang na nagbalikan sa ikatlong palapag, nag komunyon, at si Pablo ay nagpatuloy sa pangangaral. Hindi na muling binanggit sa Kasulatan ang tungkol sa bata. Bakit? Sapagkat inaasahan na ng iglesya na maganap ang mga gawaing higit pa sa kaya ng tao! Nangaral sila ng buong Magandang Balita—na may kasunod na himala at kababalaghan!