Biyernes, Hulyo 30, 2010

ISANG MUNTING PATIKIM NG LANGIT

Ang isang halimbawa ng patikim ay isang paunang patikim o paunang kaganapan. Tinawag ito ng Bibliya na pangako—“ang pangako ng ating mamanahin” (Efeso1:14). Nangangahulugan ito na matikman ang buo bago pa natin makamtam ang kabuuan. Ang ating mamanahin ay si Kristo mismo—at dinala tayo ng Espiritu Santo sa kanyang presensiya bilang patikim na tanggapin bilang kanyang nobya, nagagalak sa walang-hanggang pag-ibig at pakikipag-isa sa kanya.

Isinalarawan ni Pablo ang tao ng Diyos na “tinatakan ng Espiritu Santo” (Efeso 1:13). Tinutukoy nito ang mga tao na hinirang at tinatakan ng Espiritu. Nailabas ng Espiritu Santo sa kanila ang natatanging tatak, maluwalhating taimtin na gawain—isang sobrenatural na bumago sa kanila ng walang hanggan.

Hindi sila pangkaraniwang mananampalataya lamang. Hindi na sila “pansanlibutan,“ sa dahilang itinalaga na nila ang kanilang damdamin para sa mga bagay na nasa itaas, hindi ng mga bagay na nasa lupa. Hindi sila naaantig ng mga pangyayari sa sanlibutan; sa halip, sila ay di-matitinag. Hindi na sila malahininga o nanamlay. Sa halip, ang kanilang mga puso ay tumatangis gabi at araw, “Bumalik ka na, Panginoong Hesus….”

Ano ang nangyari sa kanila? Ano ang ginawa ng Espiritu Santo sa mga mananampalatayang ito? Ano ang itinatatak at naghirang sa kanila bilang mga pag-aari ng Panginoon? Ito lamang iyon—Ipinatikim sa kanila ng Espiritu Santo ang kaluwalhatian ng kanyang presensiya! Pumunta siya sa kanila, pinaikot pabalik ang langit—at naranasan nila ang isang sobrenatural na pagpapakita ng kanyang labis na kadakilaan! Ibinigay niya sa atin ang “munting langit” para magtungo sa langit na may—pagkatakam.

Ano sa palagay mo kung anong uri ng nobya ang ipapakita ng Espiritu kay Hesu-Cristo sa araw ng pagpapahayag? Isang malahininga? Na ang pag-ibig ay nananamlay o nanlalamig? Hindi isang deboto kay Kristo? Yaong ayaw na makipag-isa kay Krsito?

Kung tunay mong iniibig si Hesus, hindi siya mawawala sa isip mo. Siya ay kasama mo sa bawat paggising mo. Iniisip ng ibang Kristiyano, “Mangyayari ito sa aking pagkamatay. Pagdating ko sa langit lahat ay magbabago. Ako ay magiging natatanging nobya ng Panginoon sa panahong iyon.” Hindi, ang pagkamatay ay hindi nagsasantipika kaninuman! Ang Espiritu Santo ay narito ngayon. Buhay siya at patuloy na kumikilos sa iyo—na mailabas sa iyo ang isang masimbuyong damdamin ng pag-ibig para kay Kristo sa tabi ng kamatayang ito!

Ang Roma 8:26 ay naglalarawan ng isa sa pinakamapangyarihang gawain ng Espirtu Santo sa puso ng mga mananampalataya. “Kahalintulad ang Espiritu ay tumutulong sa ating mga kahinaan: sa dahilang hindi natin alam kung ano ang ating ipapanalangin na siyang nais natin: ngunit ang Espiritu ay namamagitan sa atin na umuungol na hindi maibibigkas.”

Ang salitang Griyego na ginamit sa umuungol ay nangangahulugan ng “ isang pananabik”—higit na pananabik kay Kristo. Maari mong ipanabik si Kristo ng labis na nakaupo ka sa kanyang presensiya at walang lumalabas kundi isang malalim na pag-ungol—bagay na hindi mabigkas. Sinasabi nito, “Hesus ikaw lamang ang kaligayahan na nandito sa sanlibutang ito. Natikman ko at nakita ko na ikaw ay mabuti—at hangad ko ang kabuuan mo.”

Ito ang tatak ng isang naglalakad kasama ang Espiritu. Siya ay mayroong walang-kabusugang pananabik kay Hesus. Katulad ni Pablo, siya man ay balisang lumisan at makasama ang Panginoon!

Huwebes, Hulyo 29, 2010

ISANG MINUTO BAGO MAGHATINGGABI

Nakita natin sa 1 Samuel 13 na si Saulo ay humarap sa malubhang sandali na kailangang harapin ng bawat mananampalataya kapag ito ay dumating. Ito ang panahon ng kagipitan na tayo ay puwersadong kailangang magpasiya kung tayo ay maghihintay sa Diyos ng may pananalig, o mawalan ng pasensiya at harapin ito sa pamamagitan ng sariling pamamaraan.

Ang umiikot na sandali para kay Saulo ay dumating ng may namuuong ulap ng digmaan na nagtitipon sa Israel. Ang mga Pilistino ay nagbuo ng malaking hukbo ng mga nakakabayo, bakal na karosa at lehiyon ng mga kawal na nagpapakita ng mga makabagong sandata. Bilang katapat, ang mga Israelita ay mayroon lamang na dalawang sable sa kabuuan ng kanilang hukbo—isa kay Saulo at isa sa kanyang anak., na si Jonatan. Ang lahat ay may hawak lamang na mga ginawang sandata na katulad ng kahoy na sibat o kinakalawang na mga gamit pambukid.

May isang linggo nang nakakalipas nagbabala si Samuel na hintayin siya sa Gilgal bago sumabak sa pakikipaglaban. Sinabi ng propeta na darating siya makalipas ang pitong araw para gumawa ng mga tamang sakripisyo sa Panginoon.

Nang dumating ang ika-pitong araw at hindi pa rin dumating si Samuel, nagsimula nang kumalat at naghanda ang mga kawal. Ang hindi maganda, walang ipinag-uutos ang hari galing sa Diyos para sa pakikipaglaban.

Ano ang ginawang paghahanda ni Saulo? Siya ba'y nanindigan at nagpahayag, "Wala akong pakialam kung abutin si Samuel ng walong araw, maninindigan ako sa Salita ng Diyos sa akin. Mabuhay o mamatay, susunod ako sa utos niya"? Hindi—sa halip nasindak si Saulo. Hinayaan niya ang sarili niya na mapangibabawan ng mga pangyayari sa kanya. At nauwi siyang minamanipula niya ang kanyang pamamaraan paikot sa Salita ng Diyos. Inutusan niya ang pari na nandoon na gumawa ng sakripisyo na wala si Samuel at sa paggawa nito ay nakagawa siya ng malaking kasalanan laban sa Panginoon (tingnan 1 Samuel 13:11-12).

Hindi—ang Diyos ay hindi maaring mahuli. Sa buong panahong iyon, alam ng Panginoon ang bawat hakbang na ginagawa ni Samuel patungo sa Gilgal. Itinalaga niya ang propeta sa makalangit na sistema ng nabigasyon, tiniyak ang pagdating niya sa bawat segundo. Darating si Samuel doon sa ikapitong araw, maging ito man ay isang minuto bago maghatinggabi.

Hindi nagbabago ang Diyos sa pangkalahatang panahon. At siya ay patuloy pa rin nag-aalala kung ang kanyang mga tao ay sumusunod sa kanyang mga utos: "Ngunit kapag hindi kayo sumunod sa kanya, bagkus ay lumabag sa kanyang utos, parurusahan niya kayo" (1 Samuel 12:15). Hindi mahalaga kung ang ating mga buhay na nawalan na ng kontrol—kailangang lumakad tayong ganap ang pananalig sa Panginoon. Kahit na ang mga bagay ay parang wala ng pag-asa, hindi tayo dapat kumilos na may takot. Sa halip, kailangang maghintay tayo sa kanya ng may pananalig na tayo ay hindi niya pababayaan, katulad ng pangako ng kanyang Salita.

Ang katunayan ay, ang Diyos ay nakatayo sa tabi ni Saulo habang ang malaking hukbo ng Pilistino ay sumasalakay. Alam niya ang kagipitan na kanyang kinalalagyan at ang kanyang mata ay nakatingin sa bawat detalye.

Ang ating Diyos ay nakikita ang bawat detalye ng ating mga kagipitan. Nakikita niya ang lahat ng suliranin ng buhay na nagpapabigat sa iyo. At alam na alam niya na ang kalagayan mo ay lalong lumalala sa araw-araw. Yaong mga nananalangin at naghihintay sa kanya na may panatag na pananalig ay hindi kailanman nalagay sa tunay na panganib. Higit pa roon, alam niya ang mga kinatatakutan mong pag-iisip" "Hindi ko malaman kung paano ko mababayaran ang utang na ito…wala na akong pag-asa sa aking buhay may asawa…hindi ko alam kung paano ako mananatili sa aking trabaho…" Gayunman ang utos niya sa iyo nananatiling may katotohanan: "Huwag kang matakot at pangunahan ako. Wala kang gagawin kundi manalangin—at umasa sa akin. Pinaparangalan ko ang lahat na nananalig sa akin."

Isa-alang-alang ang mga salitang ito na ibinigay ng Diyos sa kanyang iglesya: "At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya" (Hebreo 11:6). " Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos, sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas, siya ang kublihang sa ati'y lulunas" (Awit 62:8). "Kay Yahweh ay magtiwala, kayong may takot sa kanya, pagkat siya ang tutulong sa inyo'y mag-aadya" (Awit 115:11). "Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Siya ay sangguniin sa lahat mong mga balak, at kanya kang itutumpak sa lahat ng iyong lakad" (Kawikaan 3:5-6).

Ang kawalan ng paniniwala ay nakamamatay, ang bunga nito ay trahiko. At haharap tayo sa napakasamang kahihinatnan kapag sinubukan nating humulagpos sa ating mga pagsubok sa halip na magtiwala sa Diyos na tayo ay ililigtas sa mga ito.

Miyerkules, Hulyo 28, 2010

MALAKAS NA ESPIRITUWAL NA LANGIS NA KASTOR

Ang utos ng Diyos na ibigin ang ating mga kaaway ay katulad ng isang mapait, may masamang lasang gamot. Ngunit katulad ng langis ng kastor na kailangang lunukin ko sa sa panahon ng aking kabataan, ito ay isang gamot na nakalulunas.

Maliwanag na ipinahayag ni Hesus : "Narinig na ninyong sinabi, 'Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway. Ngunit ito naman ang sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo, upang kayo'y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan" (Mateo 5:43-44).

Sinasalungat ba ni Hesus ang Kautusan dito? Hindi. Binabaliktad nito ang espiritu ng laman na pumasok sa Kautusan. Sa mga panahon iyon, ang mga hudyo lamang ang minamahal ng kapwa hudyo. Hindi maaring makipagkamay ang mga hudyo sa mga hentil, o payagan man lang na ang kanyang balabal ay lumaginit sa damit ng tagalabas. Gayunman hindi ito ang espiritu ng Kautusan. Ang Kautusan ay banal, nag-uutos, "Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y nauuhaw. Sa gayo'y ilalagay mo siya sa kahihiyan at buhat kay Yahweh, mayroon kang kagantihan" (Kawikaan 25:21-22).

Maari nating kamuhian ang mga imoral na kilos ng mga nasa pamahalaan. Maari nating kamuhian ang mga kasalanan ng mga omoseksuwal, mga mangangagas at ang lahat ng humahamak kay Kristo. Ngunit ipinag-utos ng Panginoon sa atin na ibigin sila bilang mga tao—mga tao na dahilan ng kanyang pagkamatay. At ipinag-utos niya sa atin na ipanalangin sila. At kung may pagkakataon na kinamumuhian ko ang isang tao sa halip na sa prinsipyo sa likod ng taong iyon, hindi ko tunay na ikinakatawan si Kristo.

Nakasaksi ako ng parada ng mga omoseksuwal sa 5th Avenue dito sa lunsod ng Nuweba York. 250,000 na mga bakla, marami ay hubad sa pang-itaas, ang ilan ay may mga kartelon na nagpapahayag na "Ang Diyos ay Bakla." Nakita ko sila na nagwala at sinugod ang mga Kristiyano na may dalang kartelon na may nakasulat na, "KINAMUMUHIAN ng Diyos ang mga KASALANAN ninyo—Ngunit Iniibig Niya Kayo."

Namula ako sa init ng aking galit. Pakiramdam ko ay parang nais kong tumawag ng apoy na katulad sa Sodoma para tupukin sila. Ngunit sa aking pag-iisip-isip, sinabi ko sa puso ko. "Isa akong katulad ng disipulo na nagnanais na tumawag na apoy at tupukin ang mga humahamak kay Hesus."

Sinasabi ko—ang pagka-omoseksuwal ay isang kasalanan! Ganon din ang pangangalunya! Ganon din ang kasaklapan at ang ayaw magpatawad.

Ibigin mo ang iyong mga kaaway! Ibigin "sa mukha mo" ang mga militanteng makasalanan? Ipanalangin sila? Basabasan ang mga nanglalait sa iyo?

Iyan mismo ang sinabi ni Hesus!

Kaya gawin mo!

Martes, Hulyo 27, 2010

SI DANIEL—ISANG LALAKI NA MAY NAIIBANG KATANGIAN

Si Daniel ay "isang lalaki na may naiibang katangian" na nagsasalita na isang wasak ang pagkatao: "Dahil dito buong taimtim akong dumulog kay Yahweh. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako at nagbuhos ng abo. Ganito ang dalangin ko: Panginoong dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos" (Daniel 9:3-4). Bilang kapalit, nagawa ni Daniel na maunawaan ang panahon, sapagkat alam niya ang puso ng Diyos. "Akong si Daniel ay nagbabasa ng aklat ni Propeta Jeremias. Inisip-isip ko ang pitumpung taon ng paghihirap na daranasin ng Jerusalem ayon sa sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias" (Daniel 9:2).

Paano na nakarating si Daniel dito sa daan ng pagkawasak, karunungan at pag-unawa? Nagsimula ito sa pag-aaral niya ng Salita ng Diyos. Hinayaan ni Daniel na mahawakan siyang ganap ng Kasulatan. Madalas siyang nagpapahayag ng mga ito at mahabaan, sapagkat itinago niya ito sa kanyang puso: Tulad ng nasusulat sa Kautusan…" (Daniel 9:13).

Sa ika-sampung kabanata, ang makadiyos na propetang ito ay binigyan ng pangitain ni Kristo, "Nang tumingala ako, may nakita akong isang taong nakadamit ng kayong lino at may pamigkis na ginto. Ang katawan niya'y kumikinang na parang isang topasyo at kumikislap na parang kidlat ang mukha. Nagniningas na parang sulo ang kanyang mga mata, ang mga paa't kamay ay nagniningning na parang tanso. Ang tinig niya ay umuugong na parang maraming tao" (10:5-6).

Hinihikayat ko kayo, na italaga ninyo ang inyong puso ngayon na hanapin ang Diyos ng may pagkamasigasig at buong tibay ng loob. At magtungo sa kanyang Salita ng may patuloy na pag-ibig at pagnanais. Manalangin ng may pag-aayuno para sa pagkawasak, tanggapin ang kanyang dalahin. At sa huli, ikumpisal at talikdan ang mga humahadlang sa Espiritu Santo mula sa pagbubukas ng mga pagpapala ng langit sa iyo. Ang daanan ng "mga lalaking may naiibang katangian" ay bukas para sa lahat. Lalakad ka ba dito?

Ang ganitong paglalakad ang nagdadala ng hipo ng Diyos. Pinatotoo ni Daniel, "Walang anu-ano, may humawak sa akin at ako'y itinindig" (Daniel 10:10). Ang salitang "paghipo" dito ay nangangahulugan na "mapusok na sunggaban." Sinasabi ni Daniel, "nang inilagay ng Diyos ang kanyang kamay sa akin, inilagay nito ako sa mukha ko. Ang kanyang hipo ay nagbigay sa akin ng may agad na pangangailangan na hanapin siya ng lahat na nasa akin."

Ito ay nangyayari kahit sa anong panahon na hipuin ng Diyos ang sinuman. Ang taong iyon ay luluhod at magiging lalaki o babaeng mananalangin, may udyok na hanapin ang Panginoon.

Madalas akong nag-iisip kung bakit ilang mga tao lamang ang hinihipo ng Diyos ng may agarang pangangailangan. Bakit ang ibang mga lingkod ay nagiging gutom na naghahanap sa kanya, samantalang ang ibang mga matapat na tao ay may kanya-kanyang patutunguhan? Ang mga hinipong-lingkod ng Diyos ay may malapit na pakikipag-isa sa Panginoon. Nakakatanggap sila ng pahayag mula sa langit. At nalulugod silang maglakad kasama si Kristo na katulad din ng ilan.

Bakit hinawakan ng Diyos si Daniel at hinipo siya na katulad ng paghipo niya? Bakit ang nag-iisang taong ito ay nakikita at naririnig ang mga bagay na hindi nagagawa ng iba? Ipinahayag niya, "Akong si Daniel lamang ang nakakita sa pangitain pagkat nanginginig nagsipagtago ang aking mga kasama" (Daniel 10:7).

Kinailangan ng Diyos ang isang tinig upang mangusap ng kanyang mensahe. Kailangan niya ng isang lingkod na mananalangin, isang tao na tutugon sa kanyang pagtawag. Si Daniel ang lalaking iyon. Siya ay taimtim na nananalangin ng tatlong ulit sa isang araw. At ngayon, habang naglalakad siya sa tabi ng ilog, nagpakita si Kristo sa kanya (tingnan ang Daniel 10:7-9).

Ginawa si Daniel na isang orakulo ng Diyos sapagkat:

1. Hindi tumitigil si Daniel sa pananalangin (tingnan Daniel 10:2-3). 2. Itinangis ni Daniel ang pagbagsak ng espirituwal sa lipunan (tingnan Daniel kabanata 9). 3. Tinanggihan ni Daniel na magdala at magtago ng kasalanan (tingnan Daniel 9:4-5).

Lunes, Hulyo 26, 2010

KAILANGAN MO ANG ESPIRITU SANTO

Ang iba ay ligtas na ng marami ng taon, ang iba ay maaring isang taon pa lamang, ang iba ay maaring ilang buwan o ilang linggo pa lamang. Ang maligtas sa kasalanan ay kahanga-hanga! Ang dating gawi ay naglaho na—at ang lahat ay naging bago. Ako'y nagagalak kayo'y ligtas na!

Ngunit para maging isang mabuting kawal sa paglilingkod sa ating Panginoong Hesu-Kristo, ay hindi sapat ang maging ligtas lamang. Mayroong higit pa para sa iyo! Kailangang mabautismuhan ka sa Espiritu Santo!

Sa panahon ni Pablo, mayroong mga mananampalataya na hindi alam na mayroong Espiritu Santo. At tinanong niya "Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?" "Hindi po," tugon nila. "Ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo" (Gawa 19:2). Ang mga taong ito ay ligtas, ngunit maliwanag na sila ay hindi nabautismuhan sa Espiritu Santo.

Naniniwala ako na tayo ay naligtas sa pamamagitan ng kapangyarihan at ministeryo ng Espiritu Santo. Ngunit sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang dagdag pa dito ay, mayroon din bautismo, pagpupuspos, isang pagtanggap na ginagawa ng Espiritu Santo sa atin!

Maging si Hesus ay hindi ipinadala ang kanyang mga disipulo at tagasunod sa sanlibutan hanggang hindi sila nabautismuhan sa Espiritu Santo. Katunayan ang kanyang mga disipulo ay may dalisay na mga puso. Mayroon silang pananampalataya na magpagaling ng may sakit, na magpalayas ng mga diyablo. Mayroon sila ng Salita ng Diyos at datihan nang ipinangangaral si Kristo at umaani ng mga tumanggap. Sila ang mga saksi sa kanyang muling pagkabuhay. Ano pa ang maaring kakailanganin? Handa silang mamatay para kay Hesus! Hindi pa ba sapat ang kanilang pag-ibig sa kanya para maipadala sila sa sanlibutan upang gampanan ang kanyang gawain?

Mga minamahal, wala sa mga iyon ay sapat na! Maliwanag, mayroong kailangan pa. "Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espirtu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig" (Gawa 1:8).

Nais mo ba talaga ang Espiritu Santo? Nais mo bang bumaba siya sa iyo at bautismuhan ka sa apoy? Kailangang nahikayat ka na ito ay para sa iyo. Kailangan kang manggaling sa isang lugar na alam mong ikaw ay walang ibig sabihin, walang pagmamay-ari at walang magagawa kung wala ang kapangyarihan at patnubay ng Espiritu Santo.

Kailangan alam mo na patuloy siyang nagbabautismo, patuloy na bumaba sa mga mananampalataya—inaangkin ang kanilang mga katawan! "Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako'y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo—sa bawat tatawagin ng Panginooong Diyos" (Gawa 2:38-39).

Sa bawat oras ng isang araw, napakarami sa sanlibutan ay binabautismuhan sa Espiritu Santo! Nabasa nila ang ganitong pangako sa Bibliya o narinig ito sa pangangaral. Kaya't sila'y tumangis, inaangkin ang pangako, at sila'y nabautismuhan!

Ang bautismo ay para doon sa mga nabubuhay sa huling araw. Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao…Sa mga araw na iyon ay pagkakalooban ko rin ng aking Espiritu" (Gawa 2:17-18). Siya ay para iyo ayon sa iyong kahilingan: Gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya" (Lucas 11:13),

Hangad ng Diyos na kayo ay mabuhay at maglakad kasama ang Espiritu. Hindi mo kailangan tumakbo para maghanap ng iba na maibigay ang kailangan ng isang tao. Kayo ay tinawag para mangusap ng Salita ng Diyos ayon sa pagkilos ng Espiritu sa inyo, at ilagay ang mga kamay sa mga may sakit at at magpalayas ng mga diyablo katulad ng ginawa ng mga apostol. Tayo ay tinawag bilang mga saksi na puspos ng Espiritu Santo at kapangyarihan!

Biyernes, Hulyo 23, 2010

PINAMAMAHALAAN NG SALITA NG DIYOS

Kapag si Kristo ay naghahari bilang pinakamataas na may kapangyarihan sa kanyang kaharian, at tayo ang kanyang mga tagasunod, kung ganon ang mga buhay natin ay dapat na pinamamahalaan niya. Ano talaga ang kahulugan para mapamahalaan ni Hesus?

Ayon sa diksiyonaryo, ang mamahala ay nangangahulugan na gumabay, na magbigay direksyon, makontrol ang bawat pagkilos at asal ng mga nasa ilalim ng kapangyarihan.” Sa madaling sabi, dapat hayaan si Hesus na mapamahalaan ang lahat ng pagkilos at pag-aasal natin, kasama na ang pag-iisip natin, salita at gawa.

Si Hesus din ang naghahari sa mga bansa ng sanlibutan. Sinabi ng BIbliya sa atin, “Siya’y naghaharing may kapangyarihan, at sa mga bansa’y pawang nagmamanman; h’wag nang magtatangkang sinuma’y lumaban “ (Awit 66:7). “Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; mula doon, na nilikha’y maghaharing walang hanggan” (Awit 103:19).

Huwag magpaloko—ang ating bansa ay hindi pinamamahalaan ng Republikano o Demokratiko o nang sinumang makapangyarihang tao. Wala ito sa kontrol ng ‘Wall Street’ o ng malalaking negosyante. Walang makapangyarihan, nasa lupa o nasa sobrenatural, ang naghahari sa Amerika o sa iba mang nasyon. Ang Diyos lamang ang may kontrol. Naka-upo siyang Hari ng mga Hari, Panginoon ng mga Panginoon, namamahala at naghahari sa lahat ng kanyang nilikha mula sa kanyang trono sa langit.

Sa buong Amerika nakikita natin ang teribleng pagkawasak ng moralidad, ang pagdami ng mga kulto, laganap na paglihis ng sekswalidad, nagngangalit “sa pagmumukha mong” pagkawalang-Diyos. Ang ilang mga Kristiyano ay natatakot na ang mga kampon ng impiyerno ay unti-unting sumasakop sa ating bansa, nagtatatag ng kaharian ng kadiliman ni Satanas.

Hindi tayo dapat mag-alala. Tiniyak ni Isaias sa atin, “Winakasan na ni Yahweh ang pamamahala ng malupit na hari…Ikaw ay nahulog mula sa langit, tala sa umaga, Anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, ikaw ang nagpasuko sa mga bansa!...Ngunit ano ano ang nangyari? Ano’t nahulog ka sa Sheol? Ano’t nalibing ka sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at kanilang itatanong: ‘Hindi ba ito ang nagpayanig sa lupa, ang nagpabagsak ng mga kaharian” (Isaias 14:5,12,15-16)?

Mga minamahal, ang ating Diyos ay hindi nababahala ni katiting man tungkol kay Satanas. Hindi siya nababalisa sa ating nakikita na makasalanang pagsakop ng ating bansa. Sa isang salita lamang galing sa bibig ng ating Panginoon, si Satanas ay maglalaho habang-buhay, pahihirapan ng walang-hanggan. Kung kaya’t, hindi tayo dapat matakot sa diyablo.

Hindi sa anumang kaharian ang Diyos ay naghahari bilang kataas-taasan at makapangyarihan katulad sa kanyang kaharian—yaong kanyang itinatatag sa mga puso ng kanyang mga tao.

Sinbi ni Hesus, “Sapagkat ang totoo’y nagsimula nang maghari ang Diyos sa puso ng mga nananalig sa kanya” (Lucas 17:21). At dito sa loob ng kahariang ito—sa kaharian ng ating mga puso—si Kristo ang naghaharing pinakamataas sa kanyang mga tao, gumagabay sa atin, pinapagaling tayo, pinamamahalaan ang ating mga pagkilos at pag-aasal.

“Malawak na kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan” (Isaias 9:7). Ang talatang ito ay nagpapahayag ng walang katapusang paghahari ni Kristo ng walang hanggan. Gayunman ito ay mayroon ding mahalagang kahulugan: Kailangan nating palagiang palaguin ang ating pagpapahinuhod sa kapangyarihan ng ating Hari.

May katapatan mo bang masasabi na sa bawat araw, ang pamamahala ni Hesus sa iyo ay patuloy na lumalago? Dinadala mo ba ang iyong pag-aasal na patuloy na lumalago sa ilalim ng kanyang kapangyarihan?

Maaring mag-isip ka—Kung si Hesus ay nasa langit, namumuno nang may buong kapangyarihan sa kanang kamay ng Ama, paano niya nagagampanan ang kanyang pamamahala sa kanyang kaharian dito sa sanlibutan? Makikita natin ang kasagutan sa aklat ng Hebreo. Ang umakda ay nagsasabi sa atin na sa Lumang Tipan, nangusap ang Diyos sa kanyang mga tao sa pamamagitan ng mga propeta. Ngunit ngayon pinili ng Panginoon na mangusap sa pamamagitan ng kanyang Anak. (Tingan ang Hebreo 1:1-2).

Si Hesus ang malinaw na mensahe ng Diyos sa atin—ang banal na Salita na ginawang tao. Sa kasagutan, ipinadala ng Ama ang Espiritu Santo sa atin ngayon para paalalahanan tayo ng mga salita na sinabi Hesus sa atin habang nasa lupa. Kaya, si Hesus ay namahala sa atin sa pamamagitan ng nakasulat, ipinahayag na Salita ng Diyos. Ang Bibliya ay ang sentro ng namamahala sa atin, na kung saan ay ipinahayag ang kanyang Salita sa atin.

Kung nais mong marinig ang patotoo ng taong pinamahalaan ng Diyos sa pamamagitan ng nakasulat na Salita ng Diyos, makikita mo ito sa Awit 119:11, “Ang banal mong kautusa’y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo magpakailanman” (tingnan din ang 105, 123, 133, 162).

Huwebes, Hulyo 22, 2010

MGA HADLANG SA PAGLAGO SA GRASYA

Sa Efeso 4:31, inilista ni Pablo ang mga bagay na dapat alisin sa buhay natin kung nais nating lumago sa grasya ni Kristo: “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit at poot, huwag na kayong mambubulyaw, manlalait, at mananakit ng damdamin ng kapwa.”

Hindi dapat na umiwas tayo sa mga usaping ito sa listahan ni Pablo. Sinabi ng apostol na lubusan nating harapin ang mga bagay na ito kung nais nating lumago sa grasya. Kapag binalewala mo ang mga usaping dito, mapipighati mo ang Espiritu Santo. Ang iyong paglago ay mapipigilan, at mauuwi kang isang patay na espirituwal.

Ang unang tatlong bagay sa listahan ni Pablo ay—kasaklapan, galit at poot—ay madaling maunawaan. Ang kasaklapan ay ang ayaw bumitiw sa lumang sugat o magpatawad sa nakalipas na kamalian. Ang galit ay isang pinanghahawakang sama ng loob na may kaakibat na pagnanais na makaganti. Ang poot ay pagkainis—maaring isang pabiglang pagsabog o unti-unting nag-aapoy na pagngingitngit sa isang tao. Ang makasalanang pangungusap ay mga salitang nakakasira—ito ang kabaligtaran ng pagmamabuti sa iba o mangusap ng mga salitang mabubuti; ang makasalanang pangungusap ay malisyoso, nakakasakit.

Ang magsumigaw ay ang pabiglang pagsabog ng galit sa walang kuwentang bagay—isang hindi kinakailangang hiyawan, isang malakas na pag-iingay na ginagawa na walang dahilan. Nagiging sanhi tayo ng pagsusumigaw kapag pinalaki natin ang isang usapin mula sa walang kuwentang bagay, o nagiging sanhi ng isang eksena sa halip na makatulong o makapagpagaling.

Ang huling bagay sa listahan ni Pablo ay ang malisya. Ang malisya ay isang pagnanais na makita ang isang tao na nagdurusa. Sa maraming Kristiyano ang malisya ay umaasa na parurusahan ng Diyos ang sinuman na nakasakit sa kanila. Ito ay isang maladimonyong espiritu, at kadalasan ito ay nakatago ng malalim sa puso.

Nang sinabi ni Pablo “Alisin ang lahat ng mga makasalanang bagay na ito,” hindi siya nagungusap tungkol dito ng madaliang solusyon. Isinasalarawan niya ang isang pamamaraan-isang paraan ng paglago na hindi pangmadalian. May panahon-na maaring mabigo tayo na maalis ang mga masasamang bagay na ito sa sarili natin. Ngunit kung tayo ay mag-sisisi, at titiyakin na makipag-ayos sa taong ito, darating ang sandali na ito ay unti-unting maglalaho.

Miyerkules, Hulyo 21, 2010

ESPLOSIBONG PAGLAGO SA GRASYA

Ang ating paglago sa grasya ay maaaring maging esplosibo kapag tinangka natin na turuan yaong mga nanghihiya sa atin.

“Huwag kayong gumamit ng masasamang pananalita; sikaping lagi na ang pangungusap ninyo’y yaong makabubuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng makaririnig. At huwag ninyong dulutan ng pighati ang Epiritu Santo, sapagkat ito ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan ng inyong katubusan pagdating ng takdang araw” (Efeso 4:29-30). Ang salitang ugat na ginamit ni Pablo para sa “hubugin ang budhi sa mabuti” ay nangangahulugan na “tagapagtatag ng tahanan.” Ang salitang iyon, sa ibang salita, ay nagmula sa salitang-ugat na nangangahulugang “itatag.” Sa madaling sabi, ang sinumang nagtuturo ay nagtatatag ng tahanan ng Diyos, ang iglesya.

Sinasabi ni Pablo sa atin dito ang tatlong mahahalagang bagay tungkol sa mga salita nating binibigkas:

1. Gagamitin natin ang ating mga salita para itatag ang mga tao ng Diyos.
2. Gagamitin natin ang ating mga salita para mangaral ng grasya sa iba.
3. Maari nating mapighati ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng ating mga pananalita.

Masyado akong nadala habang binabasa ko ang mga salaysay ng buhay ng mga espirituwal na higante ng mga nakalipas na panahon. Ang mga makadiyos na kalalakihan at kababaihan na ito ay may kaisipang makalangit—mapag-aral sa Salita ng Diyos, madalas na nananalangin, at nakatuon sa paglago sa grasya. Ang higit na nakapagbigay-pansin sa akin tungkol sa mga buhay ng mga taong ito ay hindi lamang ang kanilang debosyon kay Kristo o sa sidhi ng kanilang mga pananalangin. At ito rin ang makadiyos na bungang mga bagay na nagawa dahil sa kanila. Higit pa roon, natuklasan ko ang pangkaraniwang nilalakaran ng mga higanteng espirituwal na ito: ang kanilang tanging layunin ay lumago sa grasya ng dalisay na puso, na kung saan ang banal na pakikipag-usap ay dadaloy. “Sapagkat kung ano ang bukambibig, iyon ang laman ng dibdib” (Mateo 12_34).

Lumalago ako sa grasya kapag pinili kong mamuhay para sa iba at hindi para sa sarili ko. Ang paglagong iyan sa grasya ay kailangang magmula sa aking tahanan sa pagpapakita sa aking asawa at mga anak ng patuloy na paglago sa pagiging kawangis ni Kristo. Ang aking tahanan ay kailangang maging lugar na kung saan ang lahat ng mga suliranin, lahat ng di-pagkakaunawaan ay mapangingibabawan ng aking kusang-loob na isuko “ang pagiging tama lagi.”

Ang hindi “pagmamarunong” ay nakatulong sa akin para ikalugod ang kapangyarihan ng grasya ng Diyos na hindi katulad ng dati. Lahat ng pagtatalo, lahat na tinatawag na “tama” ay naglalaho kapag hinanap natin na makipagpalagayang-loob sa bawat isa sa halip na subuking mangibabaw sa mga walang kuwentang pagtatalo.

Tayo ay magpalago sa grasya.

Martes, Hulyo 20, 2010

ANG MGA KALALAKIHANG MAY NAIIBANG KATANGIAN

Nang mabasa ko ang mga pagkilos ng mga makadiyos na kalalakihan sa Lumang Tipan, ang puso ko’y nag-aapoy. Ang mga lingkod na ito ay lubos ang dalahin para sa dahilan ng pangalan ng Diyos, gumawa sila ng makapangyarihang pagkilos na lumito sa isipan ng maraming Kristiyano ngayon.

Ang mga banal na ito ay parang batong di matitinag sa kanilang pag-ayaw na sumulong nang walang salita galing sa Diyos. At sila’y tumangis at napighati ng maraming araw dahilan sa makasalanang kalagayan ng kanyang tahanan. Ayaw nilang kumain, uminom o maglinis ng katawan. Pumunit sila ng kumpol ng buhok mula sa kanilang anit at balbas. Maging ang propetang si Jeremiah ay nahiga sa gilid niya sa mga daanan ng Jesrusalem sa loob ng 365 na araw patuloy na nagbababala ng padating na paghuhusga ng Diyos.

Na-iisip ako, saan kaya kumuha ang mga banal na ito ng espirituwal na kapangyarihan at lakas para gawin ang mga ginawa nila? Sila ay mga kalalakihan na may naiibang katangian, mga lingkod na namumukod ang uri mula sa mga nakikita natin ngayon sa iglesya. Hindi ko maiugnay ang sarili ko sa kanila at sa kanilang paglalakad. Alam ko na ako hindi lubos na katulad nila. At wala akong kilalang Kristiyano na katulad nila.

Mayroong gumugulo sa akin tungkol dito. Sinabi ng Bibliya na ang mga pagkilos ng mga kalalakihang ito sa Lumang Tipan ay naitala bilang aral sa atin: “Nangyari ito sa kanila bilang babala sa iba, at nasulat upang turuan tayong mga inabot ng huling panahon” (1 Corinto 10:11).

Kaya, ang mga banal na ito ba ay espesyal na lahi? Sila ba’y mga makapangyarihang lalaki, na mayroon nang nakatadhanang patutunguhan, na mayroong sobrenatural na kapangyarihan na hindi alam ng ating salin-lahi ngayon? Hindi. Mariing ipinahayag ng Bibliya na ang mga makadiyos na tagapagdala ay mga taong katulad din natin, ikaw at ako, na may katulad na hilig ng katawan (tingnan Santiago 5:1). Ang katunayan, ang kanilang halimbawa ay nagpakita ng tutularan upang ating sundan. Ang mga kalalakihang ito ay mayroong katangian sa kanilang pagkatao na naging dahilan upang hipuin sila ng Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit pinili niya ang mga ito upang masaikatuparan ang kanyang mga layunin. At hinihikayat niya tayo na hanapin ang ganitong may kalidad na katangian ngayon.

Si Esdras ay tao ng Diyos na pumukaw sa kanyang buong bansa. Sinasabi ng Kasulatan na si Esdras ay isang lalaki na hawak ng kamay ng Diyos. Nagpapatoo si Esdras, “Tinulungan ako ni Yahweh at ako’y nakalugdan ng hari, ng kanyang mga tagapayo at ng lahat ng matataas na pinuno ng kaharian” (Esdras 7:28). Sa ibang salita, ibinuka ng Diyos ang kanyang kamay, ipinaloob si Esdras at ginawa siyang naiibang lalaki.

Bakit gagawin ng Diyos ito kay Esdras? Mayroong daan-daang manunulat sa Israel noong panahong iyon. Lahat sila ay mayroong magkakatulad na tawag mula sa Diyos upang pag-aralan at ipaliwanag ang Salita ng Diyos sa mga tao. Ano ang ikinaiba ni Esdras sa iba pa? Ano ang naging dahilan para ilagay ng Diyos ang kanyang kamay sa iisang taong ito, at bigyan ng kapangyarihan na pamunuan ang 50,000 para muling itatag ang lunsod ng Israel?

Ibinigay ng Kasulatan ang sagot sa atin: “Itinalaga ni Esdras ang kanyang sarili upang pag-aralan, isagawa, at ituro sa Israel ang mga tuntunin ng Kautusan” (Esdras 7:10). Simple lamang ito: Gumawa si Esdras ng isang napag-isipang pasiya. Napatunayan niya ng higit sa lahat na hanapin ang Salita ng Diyos at sundin ito. At hindi siya lumihis sa pasiyang iyan. Sinabi niya sa sarili niya, “Ako’y magiging isang mag-aaral ng Salita. At ako’y kikilos sa bawat mababasa ko.”

Bago pa man hinipo ng Diyos si Esdras, ang lalaking ito ay masigasig na nagsasaliksik sa Kasulatan. Hinayaan niya ang sarili niya para suriin nito, hugasan nito, at linisin ang lahat ng dumi sa katawan at espiritu. Gutom si Esdras sa Kasulatan at kinagagalakan ito. Hinayaan niya ang Kasulatan para ihanda ang puso niya sa anumang gawain na pipiliin ng Diyos para sa kanya.
Iyan ang dahilan kung bakit hinipo siya ng Panginoon at binasbasan siya.

Lunes, Hulyo 19, 2010

ESPESYAL NA PUWERSA NG DIYOS

Narinig na natin ang Espesyal na Puwersa ng Sandatahang Lakas ng Amerika—isang may kakaibang pagsasanay ng mga kawal-sa loob ng-hukbo, isang piniling pangkat ng mga dedikadong mga kawal. Ang mga Espesyal na Puwersa ay mga boluntaryo, mga mandirigma na napansin at tinawag ng mga nakatataas sa kanila.

Bago pa man nagka digmaan sa Afghanistan, sinabi ni Osama Bin Laden na ang mga kawal ng Amerika ay mga mahihina, mga duwag, hindi sinanay sa pakikipaglaban sa bundok. Hinulaan niya na itataboy ng mga Taliban ang hukbo ng Amerika sa kahihiyan, ngunit hindi niya naibilang ang Espesyal na Puwersa ng Amerika. Ang mga walang takot na pangkat na ito ay sumalakay sa Afghanistan na binubuo lamang ng 2,000 mga kawal. Sa loob lamang ng ilang araw, natukoy na nila ang mga kinalalagyan ng mga puwersa ng kalaban. Naniniwala ako na ginagawa din ito ng Diyos sa daigdig ng espirituwal. Habang nasa pananalangin, pinukaw ako ng Espiritu Santo sa larawang-isip—ang Diyos ay datihan nang kumikilos sa mga makalangit sa lihim na pagkilos. Nagbubuo siya ng mga kawal sa loob ng hukbo, namimili sa kanyang mga datihan ng mga kawal upang magtatag ng mga piling pangkat ng mga boluntaryo. Ang mga Espesyal na Puwersang ito binubuo ng mga mandirigma na kanyang puwedeng hipuin at yugyugin, para makipaglaban sa mga kaaway. Nakita natin ang larawang ito sa Bibliya, sa espesyal na pangkat ni Saul. Sinasabi ng Salita sa atin “Doon kasama niya ang piling kalalakihan, na ang mga puso ay hinipo ng Diyos” (1 Samuel 10:26).

Ang mga Espesyal na Puwersa ng Diyos ngayon ay binubuo ng mga kabataan, may mga edad na, maging ng mga matatanda na. Sila ay nagsasanay sa kani-kanilang mga lihim na silid ng panalanginan. Ang kanilang pagiging malapit kay Hesus ang nagturo sa kanila paano makipaglaban. Ngayon marunong na silang makipaglaban sa anumang espirituwal na kalalagayan, kahit sa bundok o sa mga lambak man.

Ang hukbo ng Diyos-sa-loob-ng-hukbo ay nakatalaga sa bawat bansa. Ang mga pagkilos nito ay maaring lihim sa ngayon, ngunit sa nalalapit na panahon ay makikita natin na gagawin nila ang pagkilos sa pangalan at kapangyarihan ni Kristo. Ang Salita ng Diyos ay darating, at ang tag-tuyot ay magwawakas. Mangingibabaw ang Panginoon. Sasakupin ng kanyang Salita ang lahat.

“Maninindigan ang mga kumikilala sa Diyos at sila’y magtatagumpay” (Daniel 11:32).

“Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh ay magpapanibagong sigla.Ang lakas nila’y matutulad sa walang pagod na pakpak ng agila. Sila’y tatakbo ng tatakbo ngunit di manghihina, lalakad ng lalakad ngunit hindi mapapagod” (Isaias 40:31).

Biyernes, Hulyo 16, 2010

TAYO AY ISANG PAMILYA

Ang pag-angkin sa kapangyarihan na na kay Kristo ay hindi isang masalimuot, nakatagong teyolohiyang katotohanan. Sa aking silid aklatan ay may mga aklat na tanging inakda para sa paksa na ukol sa pangalan ni Kristo. Ang mga manunulat ay inakda ang mga ito upang tulungan ang mga mananampalataya na maunawaan ang malalim na dalang kahulugan na nakatago sa pangalan ni Kristo. Gayunman, marami sa mga aklat na ito ay "lubos na malalim" na lampasan sa isipan ng bumabasa.

Naniniwala ako na ang katotohanan na malaman ang tungkol sa pangalan ni Hesus ay madali lamang, na maging ang isang bata ay madaling maunawaan ito. Ito'y ganito lamang: Kapag tayo ay humiling sa pangalan ni Hesus, kailangang tayo ay ganap na nahikayat na ito ay katulad na mistulang si Hesus ang humihiling sa Ama. Ang tanong mo, paano ito magiging totoo? Hayaan mong Ipaliwanag ko.

Alam natin na iniibig ng Diyos ang kanyang Anak. Nakipag-usap siya kay Hesus at tinuruan siya sa kanyang panahon sa sanlibutan. At hindi lamang nakinig ang Diyos kundi sinagot niya ang bawat kahilingan na ginawa ng kanyang Anak. Nagpatotoo si Hesus tungkol dito, sinasabi na, "Lagi niya akong pinakikinggan." Sa madaling sabi, hindi kailanman tinanggihan ng Ama ang bawat kahilingan ng kanyang Anak.

Ngayon, lahat ng nananalig kay Hesus ay dinamitan ng kanyang pagiging Anak. At ang Amang nasa langit ay tinanggap tayo bilang may kapalagayang-loob na katulad ng kanyang pagtanggap sa kanyang sariling Anak. Bakit? Ito'y dahilan sa ating espirituwal na pakikipag-isa kay Kristo. Sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus at sa muling-pagkabuhay, ginawa ni Hesus na tayo'y iisa kasama ang Ama. "Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin…Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin" (Juan 17: 21-23).

Sa madaling sabi, tayo ngayon ay isang pamilya—isang kasama ang Ama, at ang Anak. Tayo ay inampon, na may buong karapatan ng mana na taglay ng sinumang anak. Ito'y nangangahulugan na ang lahat nang kapangyarihan at mapagkukunan sa langit ay nakahandang ipagkaloob sa atin, sa pamamagitan ni Kristo.

Ang manalangin "sa pangalan ni Hesus" ay hindi isang pormula. Hindi ito isang pahayag na may kapangyarihan sa mistulang pagbigkas nito. Ang kapangyarihan ay nasa pananalig na ito ay iaangat ni Hesus ang ating panig at dadalhin sa Ama sa sarili nitong merito. Siya ang Tagapagtaguyod—siya ang gagawa ng kahilingan para sa atin. Ang kapangyarihan ay nasa ganap na pananalig na hindi kailanman tinanggihan ng Diyos ang kanyang Anak at tayo ang makikinabang sa lubos niyang katapatan sa kanyang Anak.

Huwebes, Hulyo 15, 2010

ANG PAGLAGO SA BIYAYA AY MAARING MAUDLOT!

Nagbabala si Pablo sa mga taga Efeso, "Hindi na tayo matutulad sa mga batang nadadala ng bawat aral, parang sasakyang-dagat na sinisiklut-siklot ng mga alon at tinatangay ng hangin" (Efeso 4:14). Maaring isipin mo, "ang bersong ito ay hindi akma sa akin. Ang aking sinimulan ay biblikong matatag. Hindi ako nadadala ng mga nauusong makabagong pangangaral ng Magandang Balita at nakatatawang pamamaraan na siyang nakagugulo sa mga tao mula kay Kristo. Ako'y malalim ang pagkakatanim at matatag sa Salita ng Diyos."

Gayunman pakinggan ang natitirang berso ni Pablo: "…nadadala…hindi na tayo malilinlang ng mga taong ang hangad ay ibulid tayo sa kamalian" (4:14). Marahil hindi ka malilinlang ng maling doktrina. Sinabi ni Pablo na maari ka pa ring madala ng naiiba pang bagay. Nagtatanong siya, "Ikaw ba'y naihagis ng mga makadiyablong balakin ng mga taong sumasalungat sa iyo?"

Ang mensahe ni Pablo ay nananawagan na suriin muli natin ang ating mga sarili: Paano mo sasagutin ang mga taong tinatawag ang sarili nilang mga kapatiran nating babae at lalaki kay Kristo, samantalang sila'y nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa atin?

Nang ipinag-utos ni Pablo, "Huwag na tayong maging parang mga bata," sinasabi niya sa atin, "Yaong mga kalaban mo—ang mga taong tsismoso at mapanirang-puri, manlilinlang, tuso at mandaraya, mapang-ilalim—sinasabi ko sa iyo, silang lahat ay mga batang rebelde. Sila'y mga baluktot at laki sa layaw. At hindi nila hinayaang kumilos ang grasya ng Diyos sa kanila. Kaya, huwag mahulog sa kanilang mga makasalanang, parang batang paglalaro."

Sa sumunod na berso, hinikayat tayo ni Pablo na magpatuloy sa paglago: "Manapa'y sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Kristo na siyang ulo" (Efeso 4:15). Sinasabi niya, "Hindi mo mapigilan ang mga pagwawalang-bahala, pananakit na ginawa sa iyo, ang mga tsismis tungkol sa iyo, ang panlilinlang at pandaraya na iniumang sa iyo. Ganunpaman, magagamit mo ang bagay na ito para lumago sa grasya. Tingnan ang mga ito bilang isang oportunidad para maging kawangis ni Kristo. Tumugon ng mahinahon, na may mapagkumbabang espiritu. Patawarin ang mga taong naiinis na gumamit sa iyo."

Miyerkules, Hulyo 14, 2010

MAKAYANIG IMPIYERNONG PANALANGIN

Nang isinulat ang aklat ni Daniel, ang Israel ay nasa pagkabihag sa Babilonya. At sa ika-anim na kabanata, pagakatapos ng mahabang buhay sa ministeryo, si Daniel ay walumpung taon gulang.

Si Daniel ay isang palagiang mapanalanging tao. At ngayon, sa matanda niyang gulang, wala sa isip niya ang huminto. Hindi binanggit sa Kasulatan na si Daniel ay napagod o nawalan ng pag-asa. Sa kabaliktaran, si Daniel ay nagsisimula pa lamang. Ipinakita ng kasulatan na kahit na siya ay walumpung taong gulang na, ang kanyang mga panalangin ay yumanig sa impiyerno, ginalit ang mga dimonyo.

Iniasenso ni Haring Darius si Daniel sa pinakamataas na posisyon sa bayang iyon. Siya ay naging kahanay sa tatlong magkakahalintulad na pangulo, namumuno sa mga prinsipe at mga gobernador ng 120 lalawigan. Si Daniel ang naging pangunahin sa tatlong tagapamahala at ginawa siyang namumuno sa mga gumagawa ng mga patakaran sa pamahalaan at nagtuturo sa lahat ng inihirang sa hukuman at mga matatalino (Daniel 6:3).

Maliwanag, si Daniel ay isang abalang propeta. Naiisip ko lang ang uri ng mga kabigatan na iniatang sa ministrong ito, sa lubha niyang abalang panahon at makaubos oras na mga pagpupulong. Wala, ganunpaman, ang makapag-aalis ng panahon niya para manalangin; hindi siya maaring maging abala kapag mananalangin na. Ang manalangin ang nangunguna niyang gawain, inuuna sa lahat na hinihingi ng kanyang pagiging abala. Tatlong ulit araw-araw, nagnanakaw siya ng oras mula sa lahat ng gawain niya, dalahin, at mga kinakailangang gawin bilang namamahala upang gumugol ng panahon kasama ang Panginoon. Basta bibitiwan niya ang ginagawa at mananalangin. At sinagot siya ng Diyos. Tinanggap lahat ni Daniel ang kanyang karunungan, pangunguna, mga mensahe at mga hula habang nakaluhod (tingnan Daniel 6:10).

Maari mong tanungin—Ano ang panalangin na makayayanig sa impiyerno? Nagmumula ito sa mga tapat, masipag na lingkod na nakikita ang bansa at iglesya na nahuhulog na ng malalim sa kasalanan. Ang taong ito ay luluhod, tumatangis, “Panginoon ayokong maging bahagi ng mga nangyayari. Hayaan mong maging halimbawa ako ng pagtatago ng iyong kapangyarihan sa gitna ng makasalanang panahong ito. Hindi mahalaga kung wala ng ibang nananalangin. Mananalangin ako.”

Lubha ka bang abala upang manalangin? Sinasabi mo ba, “Dinadaan ko na lang sa pananalig”? maari mong isipin sa sarili mo, “Alam ng Diyos ang puso ko; alam niya kung gaano ako kaabala. Ibinibigay ko sa kanya ang aking pananalangin sa isip sa buong araw.”

Naniniwala ako na nais ng Panginoon ang kahalagahan, hindi nagmamadaling panahon niya sa atin. Panalangin na nagiging galaw ng pag-big at debosyon, hindi oras ng pag-hingi lamang.

Martes, Hulyo 13, 2010

ANG PAG-ANGKIN NG KAPANGYARIHAN NA NA KAY KRISTO

Habang ginugol ni Hesus ang kanyang huling mga oras kasama ang kanyang mga disipulo, sinabi niya sa kanila, “Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo” (Juan 16:23). Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko; humingi kayo at kayo’y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan” (16:24).

Isang di-kapani-paniwalang pahayag. Habang ang tagpong ito ay nangyari, nagbabala si Kristo sa kanyang mga taga-sunod na siya ay lalayo, at hindi niya sila makikita sa maiksing panahon. Ganunpaman, doon din sa kalagayang iyon, isinuguro niya sa kanila na sila ay may karapatan sa pagpapala ng langit. Wala silang gagawin kundi ang humingi sa pangalan niya.

Ang mga disipulo ay mismong tinuruan ni Hesus na kumatok, maghanap, at humingi sa mga bagay na sa Diyos. Itinuro sa kanila unang-una na ang lahat ng pagpapala ng Ama—lahat ng biyaya, kapangyarihan at lakas—ay matatagpuan kay Kristo. At narinig nila na ipinahayag ni Hesus sa marami: “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko” (Juan 14:12-14).

Ang salita ni Kristo sa kanyang mga disipulo ay tinamaan ako: ““Hanggang ngayo’y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko” (16:24). Habang binabasa ko ito, narinig ko ang Panginoon na bumubulong sa akin, “David, hindi mo pa inaangkin ang kapangyarihan na inihanda ko para sa iyo. Kailangan mo lamang humingi sa pangalan ko.”

Narito ang pinaniniwalaan kong nagpapalungkot sa puso ng Diyos higit pa sa lahat ng mga kasalanan na pinagsama-sama. Ang ating Panginoon ay nalulungkot sa paglago ng kawalan ng pananalig sa kanyang mga ipinangako…sa patuloy na pagdami ng pagdududa na sinasagot niya ang mga panalangin…at sa mga taong umuunti ng umuunting pag-angkin ng kapangyarihan na na kay Kristo.

Kahit na gaano pa ang hiningi mo sa pagkawangis ni Kristo, ito’y balewala kung ihahalintulad sa mga yaman ng kanyang espirituwal na karunungan na nananatiling naghihintay sa kanyang silid-imbakan. Humingi ng malaki! Humingi ng karunungan, humingi ng patnubay, humingi ng pahayag. Ngunit kailangan hilingin ito ng may pananalig, hindi ng pagdududa.

Lunes, Hulyo 12, 2010

GAANO KALAKI ANG HESUS MO?

Ang Juan 14 ay naglalaman ng dalawang dakilang mga pangako. Sa una, ipinahayag ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko” (Juan 14:12-14).

Matapos ang dalawang talata, ipinangako ni Hesus, “Dadalangin ako sa Ama, ay kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo. Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo” (Juan 14:16-18).

Ang dalawang ito ay ang dalawang dakilang pangako mula kay Hesus. Gayunman, pansinin ang isang talata na napagigitnaan ng dalawang ito: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Bakit ang pahayag na ito ay lumabas dito? Sinasabi ni Kristo sa atin, “Mayroong bagay ng pagsunod na nakakabit sa mga pangakong ito.” Sa madaling sabi, ang dalawang pangako ay may kinalaman sa pag-iingat at pagsunod sa Salita ng Diyos. Ito ay ibinigay upang sundin, ipang walang makapigil sa atin sa pag-angkin ng kapangyarihan na na kay Kristo.

Nahikayat ako na ang humingi ng kaunti o wala kay Hesus ay isang paninisi sa kanya. Taon-taon, maraming Kristiyano ang nasisiyahan na sa paunti ng paunti. Sa huli, sapat na sa kanila ang kaligtasan lamang. Wala silang inaasahan kundi ang makarating sa langit balang-araw.

Tanong ko sa iyo: nakarating ka na ba sa katapusan ng iyong Kristo? Wala ka bang inaasahan maliban sa mailigtas ng kanyang kapangyarihan at biyaya? Ang iyo bang Kristo ay natatapos na sapat lamang ang lakas para makalampas sa isang araw? Tinatapos niya ba sa iyo sa isang lugar ng paminsan-minsang katahimikan at kagalakan, sa buhay na ipinamuhay halos sa ilalim ng panggugulo ni Satanas?

Ang lahat ng talatang ito sa Salita ng Diyos ay nahikayat ako na ang “aking” Hesus ay hindi malaki kaysa sa aking mga kahilingan. Gayunman, nakakalungkot, maraming Kristiyano ay pinagmukha si Kristong hindi mahalaga at walang kapangyarihan dahilan sa kanilang kawalan ng pananalig. Mga minamahal, ayokong gawing maliit lamang ang aking Kristo. Sa halip, nais kong malaman ng bawat dimonyo sa impiyerno kung gaano kalaki ang aking Diyos sa pamamagitan ng kung gaano kalaki ang mga kahilingan. Nais ko ang higit pa mula kay kristo. Nais ko siyang maging higit pang mas malaki sa aking buhay.

Huwebes, Hulyo 8, 2010

NAIS NIYA ANG LAHAT

"Mapalad ang lahat ng naghihintay sa kanya…hindi na kayo tatangis nang matagal! Kayo'y diringgin niya sa inyong pagdaing…Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang ang inyong daraanan…Tulad ng gabi ng pagdiriwang ninyo ng banal na kapistahan, masaya kayong aawit" (Isaias 30:18-19, 21, 29). Sinasabi ni Isaias, "Kung maghihintay lamang kayo sa Panginoon—kung tatangis kayong muli sa kanya, at manumbalik sa pagtitiwala sa kanya—gagawin niya ang lahat para sa iyo na mga sinabi ko at higit pa."

Magsasalita lamang ang Diyos at ang kalaban ay magbabantulot sa harapan natin: "Paghaharian ng takot ang mga taga-Asiria pag narinig nila ang tinig ni Yahweh na nagbababala ng pagpaparusa" (Isaias 30:33).

Gayunman, ang pamamaraan ng pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng bagay ay hindi madali. Kamakailan lumapit ako sa Diyos tungkol sa aming kalagayan na may kinalaman sa gusali ng aming iglesya dito sa Nuweba York. Sinabi ko sa Diyos, "Nagtitiwala ako sa iyo tungkol dito, Ama ko. Lumapit ako sa iyo tungkol dito, at ako ay magiging payapa tungkol dito." Narito kung paano niya ako sinagot: "David ako'y nagtataka na nagtitiwala ka sa akin tungkol sa iyong mga pagmamay-aring lupa, pananalapi at iba pang materyal na bagay. Gayunman, hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin pagdating sa iyong pisikal na kalagayan."

Ako ay lubos na nakababatid ng aking edad. At ako'y lubos na nag-aalala kung ano ang mangyayari sa aking pamilya kapag ako'y wala na. Ngayon ang may paghuhusgang salita ng Diyos ay tumama sa akin ng parang kidlat. Ipinagtiwala ko ang lahat ng materyal na pamamahala sa kanyang mga kamay, ngunit hindi ang may kinalaman sa walang-hanggan. Naisip ko, "Panginoon, nais mong ipagtiwala ko ang lahat sa iyo, hindi ba?"

Oo, banal na anak, nais niya ang lahat—ang iyong kalusugan, ang iyong pamilya, ang iyong kinabukasan. Nais niyang ipagtiwala mo ang lahat ng bawat bagay. At nais niyang mamuhay ka sa katahimikan, pagtitiwala at kapahingahan. Kaya, humayo ka sa iyong lihim na silid at mag-isang makipag-usap sa Panginoon. Dalhin mo ang lahat sa kanya. Ipinangako niya, "Maririnig mo ang aking tinig at magiging gabay mo upang ituro ang iyong daraanan. Ito ang daan—lakaran mo ito ngayon."

Ang patunay ng pananampalataya ay kapahingahan. Pananampalatayang may pagtitiwala ay nagbubunga ng kapahingahan ng pag-iisip. At ang tunay na pananampalataya ay ipinagtitiwala ang lahat sa mga kamay niya.

Miyerkules, Hulyo 7, 2010

ESPIRITUWAL NA LAKAS AT PANANALIG

Ang Banal na Espiritu ay nagbigay sa atin ng lakas noong ating ibinigay ang ating mga pangangailangan sa mga kamay ng Diyos at manalig sa kanyang kapangyarihan.

Si Ruth ay isang halimbawa ng ganitong pagtitiwala. Pagkatapos na mamatay ang kanyang asawa, si Ruth ay nanirahan sa kanyang biyenang babae na si Naomi. Si Naomi ay nag-aalala sa kabutihan at kinabukasan ni Ruth. Kayat pinayuhan niya si Ruth na humiga sa paanan ng mayamang si Booz at hingin na tuparin ang kanyang obligasyon sa kanya bilang kanyang mapapangasawa.

Nang gabing iyon, matapos kumain at uminom si Booz ay nahiga at natulog "sa tabi ng bunton ng sebada" (Ruth 3:7) at nagkumot. Sumunod na umaga, nagulat siya nang makitang may babaing nakahiga sa paanan niya. (Walang imoral sa presensiya ni Ruth doon; ito ay isang kaugalian ng panahong iyon).

Sinabi ni Ruth sa kanya, "Si Ruth po ang inyong alipin, tugon ng babae. Isa kayong kamag-anak na malapit kaya marapat na ako'y kalingain ninyo't pakasalan ayon sa inyong kaugalian" (Ruth 3:9). Sinasabi niya na may kakanyahan, "Inyo bang tatanggapin ang inyong obligasyon ng isang kamag-anak para sa akin? Kakalingain ninyo ba ako?" Ang tunay ay tinatanong niya, "Pakakasalan ninyo ba ako?"

Ito ay hindi isang planong pagmamanipula. Ginawa ni Ruth at Naomi ang lahat sa banal na kaayusan. Nakakasiguro tayo dito, sapagkat ang angkan ni Kristo ay dumaaan kay Ruth. Nang si Ruth na biyenan niya tinanong siya, "Kumusta ang lakad mo anak?" (3:16). Tinanong niya sa ibang salita, "Tatawagin ko bang ikaw ay may kasaunduan nang pakasal Ruth? O ikaw ba'y isa pa ring balo?"

Sinabi lahat ni Ruth kay Naomi ang lahat ng nangyari. Making sa makadiyos na payo ni Naomi. "Maghintay ka anak, hanggang sa malaman mo kung ano ang kalalabasan ng bagay na ito. Hindi titigil si Booz hangga't di niya ito nalulutas" (Ruth 3:18). Ipinanalangin ni Naomi ang tungkol sa bagay na ito, hinihingi ang gabay ng Diyos, at binigyan siya ng Diyos ng payo. Ipina-alala sa kanya ang batas ng lalaking ikakasal-na sasalo (na isang uri at pagpapahiwatig kay Kristo). Kaya tiwala si Naomi na nagawa na nila ni Ruth ang kanilang bahagi. Ngayon ay panahon na maghintay at manalig sa Diyos na gagawin niya ang kanyang pangako. Sinasabi niya, "Nasa kamay na lahat ng Panginoon, Ruth. Maglibang-libng ka lang at maging kalmado."

Isang kalmado at kapayapaan ang nadama sa tahanan ni Naomi. Walang nahihibang, kumakagat ng kuko at nag-aalala, "Gagawin kaya ng Diyos ito? Kalian mangyayari ito?" Ang dalawang matapat na babaing ito ay maaring maglibang-libang, umawit at purihin ang Panginoon sa kabutihan niya.

Nanalangin ka ba? Nagtiwala ka ba? Handa ka bang maghintay at "Makita ang kaligtasan ng Panginoon"? Hawak niya ang lahat sa mga kamay niya.

Martes, Hulyo 6, 2010

ANG MAGING MGA TAO NG PANANALANGIN

Sa Jeremias 5, nanawagan ang Diyos, "Mga taga-Jerusalem, magmasid–masid kayo. Libutin ninyo ang mga lansangan at buong paligid. Maghanap kayo sa mga pamilihan kung mayroon kayong masusumpungang isa mang taong tapat at makatarungan. Kung magkagayon, patatawarin ni Yahweh ang Jerusalem" (Jeremias 5:1). Sinasabi ng Panginoon, na may kakanyahan, "Magpapatawad ako, kung makakasumpong ako ng kahit isang tao na naghahanap sa akin."

Sa panahon ng pagkakabihag ng Babilonya, nakatagpo ang Diyos ng isang tao kay Daniel. At ngayon, higit pa sa nagdaang mga kasaysayan, ang Panginoon ay patuloy na naghahanap ng kahalintulad na makadiyos na mga lalaki at babae. Hinahanap ang mga tapat na lingkod na nagkukusang "magsilbing harang" at "tumayo sa puwang," gawain na maari lamang makamit sa pamamagitan ng pananalangin.

Katulad ni Daniel, ang ganitong tao ay matatagpuan na may Salita ng Diyos sa kanyang mga kamay. Nang dumating ang Banal na Espiritu kay Daniel, ang propeta ay nagbabasa ng aklat ni Jeremias. At noon ipinahayag ng Banal na Espiritu na ang sandali ng kaligtasan ay dumating na sa Israel. At sa pagdating ng pahayag, si Daniel ay naudyukan na manalangin: "Dahil dito, buong taimtim akong dumulog kay Yahweh. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako at nagbuhos ng abo. Ganito ang dalangin ko: Panginoon, dakila ka at Makapangyarihang Diyos na langit tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos" (Daniel 9:3).

Alam ni Daniel na ang mga tao ng Diyos ay hindi pa handang tanggapin ang pagpapanumbalik. Ganunpaman, tinuligsa ba ng propeta ang kanyang mga kauri sa kanilang mga kasalanan? Hindi-inihalitulad ni Daniel ang kanyang sarili sa pagkabulok ng moralidad sa kanyang kapaligiran. Ipinahayag niya, "Nagkasala po kami. Nagpakasama at sumuway sa inyong tuntunin at kautusan" (Daniel 9:5).

Matibay na ninais ng Diyos na pagpalain ang kanyang mga tao ngayon—ngunit kung ang ating mga isipan ay nahawahan ng espiritu ng sanlibutang ito, wala tayong karapatan para tanggapin ang kanyang mga pagpapala. Ginawa ni Daniel ang makapangyarihang pahayag na ito: "Tulad ng nasusulat sa kautusan ni Moises, naranasan namin ang pahirap na ito. Gayunman, wala kaming ginawa upang maglubag ang iyong kalooban. Hindi rin naming tinalikdan ang aming kasamaan ni inisip na totoo ang iyong salita. Kaya pinarusahan mo kami dahil sa aming pagsuway pagkat ikaw ay Diyos ng katwiran" (Dani3l 9:13-14).

Para sa Diyos aming susuriin ang aming sariling paglalakad kasama ang Panginoon at hahayaan ang Banal na Espiritu na ipakita sa atin ang lugar ng pakikipagkasundo. Gagawin namin ang higit pa sa pananalangin para sa isang nagkakasalang nasyon. Tatangis kami, "O, Panginoon, suriin mo ang aking puso. Ihayag mo sa akin ang lahat ng espiritu ng sanlibutang ito na gumapang sa aking espiritu." Katulad ni David, maari nating itakda ang ating mga mukha para manalangin ng kaligtasan ng ating pamilya—ng ating bansa.

Biyernes, Hulyo 2, 2010

ANG LIHIM NG ESPIRITUWAL NA LAKAS

"Sinabi pa ni Yahweh, ang Banal ng Israel: Magbalik-loob kayo at muling magtiwala sa akin at kayo ay lalakas at tatatag" (Isaias 30:15).

Narito ang lihim ng Diyos sa espirituwal na lakas: "Pananahimik at pagtitiwala ang inyong magiging lakas." Ang salitang "pananahimik" sa Hebreo ay nangangahulugan ng "hinahon." At ang hinahon ay kalmado, naglilibang-libang, malaya sa pagkabalisa; upang maging matatag, ang mahiga na may tukod mula sa ilalim.

Hindi maraming Kristiyano sa panahong ito ay nagtataglay ng ganitong pagkatahimik at pagtitiwala. Marami ay abala sa pagkahibang sa mga aktibidad, nagmamadaling parang loko para magkamit ng yaman, pagmamay-ari at kaaliwaan. Maging sa ministeryo, ang mga lingkod ng Diyos ay tumatakbo tungkol sa pag-aalala, katatakutan, naghahanap ng kasagutan sa mga malaking pagpupulong, mga seminar, mga mabibiling-aklat. Ang lahat ay naghahangad ng patnubay, mga solusyon, bagay na magpapakalma sa kanilang espiritu. Gayunman hinahanap nila ito saan man maaring manggaling ito bukod sa Panginoon. Hindi nila naisip na nangusap na para sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ni Isaias: Kapag hindi sila tumingin sa kanya bilang sandalan, ang kanilang paghihirap ay mauuwi sa lumbay at kaguluhan.

Ipinahayag ni Isaias ang kung paanong ang kaluwalhatian ng Diyos ay maisasakatuparan para sa atin: "Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan, magpakailanman" (Isaias 32:17). Kung tayo'y tunay naglalakad sa katuwiran, ang ating mga buhay ay magbubunga ng kalmadong espiritu, katahimikan ng puso at kapayapaan ng Diyos.

Habang tumingin si Isaias sa kapaligiran niya, nakita niya ang mga tao ng Diyos na tumatakas patungong Ehipto para humanap ng tulong, nagtitiwala sa tao, umaasa sa mga kabayo at mga karosa. Ang mga Embahador ay nagdadatingan at nag-aalisan. Ang mga namumuno ay nagsasagawa ng mga pagpupulong estratehiya. Ang lahat ay nagkakagulo, nagtataghuyan, "Ano ang gagawin natin?"

Siniguro ni Isaias sa kanila, "Hindi dapat ganito ang pamamaraan. Manumbalik kayo mula sa inyong makasalanang gawain. Magsisi sa inyong rebeldeng pagtitiwala sa iba. Manumbalik sa Panginoon, at tatakpan niya kayo ng kumot ng kapayapan. Bibigyan niya kayo ng katahimikan, at kapahingahan sa gitna ng lahat ng inyong mga kinakaharap.

Huwebes, Hulyo 1, 2010

ANG IKA-APATNAPU’T ISANG ARAW

Halimbawa kayang nagkatagpo kayo ni Hesus sa ika-apatnapu’t isang araw—ang araw na sumunod pagkatapos ng panunukso sa kanya sa ilang. Ang kanyang mukha ay nagliliwanag. Siya’y nagagalak, pinupuri ang Ama, sapagkat napagtagumpayan niya ang isang dakilang tagumpay.

Nakita mong ipinapawis niya ang buhay at pagtitiwala. Ngayon siya’y handa na upang harapin ang kapangyarihan ng impiyerno. Kayat buo ang loob na nagpunta siya sa mga dakilang lunsod na nakahiga sa kadiliman. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita, tiyak sa Salita ng Diyos. At nagpagaling siya ng may mga sakit, alam na kasama niya ang Ama.

Ngayon, habang sinusuri mo ang sarili mong buhay, nakita mo ang kabaligtaran. Humaharap ka pa rin sa iyong sariling tuyong ilang na karanasan. Nakayanan mo ang maapoy na pag-atake mula kay Satanas, at ang iyong espiritu ay bagsak. Hindi mo mapigilang isipin, “hindi kailanman pinagdaanan ni Kristo ang mga pagsubok na katulad ng akin. Siya ay nasa ibabaw ng lahat ng ito.”

Maaring makita mo ang isang ministro na mukhang may matatag na pananampalataya; nagwiwika siya ng tiyakang presensiya ng Diyos na iniisip mo, “Hindi siya nagkaroon ng suliranin ng katulad ng sa akin.” Kung alam mo lamang! Wala ka doon ng tinawag ng Diyos ang lalaking ito para mangaral at pagkatapos ay dinala siya sa ilang para tuksuhin ng mahapdi. Wala ka doon nang siya ay maupos sa wala, bagsak sa kawalan ng pag-asa. At hindi mo alam na ang pinakamagaling niyang pangangaral ay nanggaling mula sa pagsubok sa kanyang sariling buhay.

Nagbabala si Pablo sa atin na huwag sukatin ang ating katuwiran laban sa inisip natin sa iba: “Hindi ko ipapantay o ihahambing man lamang ang aking sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahahangal nila! Sila-sila ang naglalagay ng sukatan at parisan ng kanilang sarili” (2 Corinto 10:12)!

Hindi natin mabasa ang laman ng puso ng iba. Sino ang makaka-alam na noong ika-apatnapu’t isang araw si Hesus ay kagagaling lamang mula sa isang mahabang nakapanghihilakbot na panunukso? Sino ang makaa-alam na ang kaluwalhatiang nakita sa kanya ay sumibol mula sa isang paghihirap na malala pa sa anumang makakayanan ninuman?

Tayo’y kay Hesus lamang titingin. At tayo’y sa kanyang katuwiran lamang aasa, sa kanyang kabanalan. Binigyan niya tayong lahat ng parehas na karapatan para dito.

Iniibig kayo ng Diyos sa panahon ng inyong mga pagsubok. Ang sarili niyang Espiritu ang nagdala sa inyo sa ilang. Gayunman ang sarili niyang Anak ay galing na doon—at alam niya kung ano ang pinagdadaanan mo. Hayaan mong tapusin niya ang kanyang gawain sa pagpapalago ng iyong ganap na pag-asa at pananalig sa kanya. Lalabas kang may pagtitiwala—makadiyos na damdamin at lakas para makatulong sa iba.