Biyernes, Hulyo 30, 2010

ISANG MUNTING PATIKIM NG LANGIT

Ang isang halimbawa ng patikim ay isang paunang patikim o paunang kaganapan. Tinawag ito ng Bibliya na pangako—“ang pangako ng ating mamanahin” (Efeso1:14). Nangangahulugan ito na matikman ang buo bago pa natin makamtam ang kabuuan. Ang ating mamanahin ay si Kristo mismo—at dinala tayo ng Espiritu Santo sa kanyang presensiya bilang patikim na tanggapin bilang kanyang nobya, nagagalak sa walang-hanggang pag-ibig at pakikipag-isa sa kanya.

Isinalarawan ni Pablo ang tao ng Diyos na “tinatakan ng Espiritu Santo” (Efeso 1:13). Tinutukoy nito ang mga tao na hinirang at tinatakan ng Espiritu. Nailabas ng Espiritu Santo sa kanila ang natatanging tatak, maluwalhating taimtin na gawain—isang sobrenatural na bumago sa kanila ng walang hanggan.

Hindi sila pangkaraniwang mananampalataya lamang. Hindi na sila “pansanlibutan,“ sa dahilang itinalaga na nila ang kanilang damdamin para sa mga bagay na nasa itaas, hindi ng mga bagay na nasa lupa. Hindi sila naaantig ng mga pangyayari sa sanlibutan; sa halip, sila ay di-matitinag. Hindi na sila malahininga o nanamlay. Sa halip, ang kanilang mga puso ay tumatangis gabi at araw, “Bumalik ka na, Panginoong Hesus….”

Ano ang nangyari sa kanila? Ano ang ginawa ng Espiritu Santo sa mga mananampalatayang ito? Ano ang itinatatak at naghirang sa kanila bilang mga pag-aari ng Panginoon? Ito lamang iyon—Ipinatikim sa kanila ng Espiritu Santo ang kaluwalhatian ng kanyang presensiya! Pumunta siya sa kanila, pinaikot pabalik ang langit—at naranasan nila ang isang sobrenatural na pagpapakita ng kanyang labis na kadakilaan! Ibinigay niya sa atin ang “munting langit” para magtungo sa langit na may—pagkatakam.

Ano sa palagay mo kung anong uri ng nobya ang ipapakita ng Espiritu kay Hesu-Cristo sa araw ng pagpapahayag? Isang malahininga? Na ang pag-ibig ay nananamlay o nanlalamig? Hindi isang deboto kay Kristo? Yaong ayaw na makipag-isa kay Krsito?

Kung tunay mong iniibig si Hesus, hindi siya mawawala sa isip mo. Siya ay kasama mo sa bawat paggising mo. Iniisip ng ibang Kristiyano, “Mangyayari ito sa aking pagkamatay. Pagdating ko sa langit lahat ay magbabago. Ako ay magiging natatanging nobya ng Panginoon sa panahong iyon.” Hindi, ang pagkamatay ay hindi nagsasantipika kaninuman! Ang Espiritu Santo ay narito ngayon. Buhay siya at patuloy na kumikilos sa iyo—na mailabas sa iyo ang isang masimbuyong damdamin ng pag-ibig para kay Kristo sa tabi ng kamatayang ito!

Ang Roma 8:26 ay naglalarawan ng isa sa pinakamapangyarihang gawain ng Espirtu Santo sa puso ng mga mananampalataya. “Kahalintulad ang Espiritu ay tumutulong sa ating mga kahinaan: sa dahilang hindi natin alam kung ano ang ating ipapanalangin na siyang nais natin: ngunit ang Espiritu ay namamagitan sa atin na umuungol na hindi maibibigkas.”

Ang salitang Griyego na ginamit sa umuungol ay nangangahulugan ng “ isang pananabik”—higit na pananabik kay Kristo. Maari mong ipanabik si Kristo ng labis na nakaupo ka sa kanyang presensiya at walang lumalabas kundi isang malalim na pag-ungol—bagay na hindi mabigkas. Sinasabi nito, “Hesus ikaw lamang ang kaligayahan na nandito sa sanlibutang ito. Natikman ko at nakita ko na ikaw ay mabuti—at hangad ko ang kabuuan mo.”

Ito ang tatak ng isang naglalakad kasama ang Espiritu. Siya ay mayroong walang-kabusugang pananabik kay Hesus. Katulad ni Pablo, siya man ay balisang lumisan at makasama ang Panginoon!