Martes, Marso 31, 2009

HINDI TAYO MAWAWALAN NG PAG-ASA

Tayo na nakaaalam ng katuwiran ni Cristo ay hindi mamumuhay katulad noong mga nawalan ng pag-asa. Tayo ay pinagpala sa magkasamang pag-ibig at takot sa Diyos. At ang kanyang kalooban para sa atin sa pinakamadilim, sa pinaka-nakakikilabot na panahon ay makamit natin ang kagalakan at kaluguran niya. Kahit na nakikita natin na ang paghuhusga ay naglalaglagan sa paligid natin, tayo ay aawit, sisigaw at magbubunyi—hindi dahil sa ang paghuhusga ay dumating kundi hindi dahil dito.

Ang Isaias 51:11 ay nagsimula sa salitang Samakatuwid, nangangahulugan na “Sa paliwanag ng kasasabi ko pa lamang.” Ano ang kasasabi pa lamang ng Diyos dito? Ipinaalala niya sa kanyang mga tao, “Ikaw rin ang tumuyo sa dagat at nagpalitaw ng daan sa gitna ng tubig, kaya nakatawid ng maayos ang bayang iyong iniligtas” (Isaias 51:10), nangangahulugan na, “Ako pa rin si Yahweh, ang Luma ng mga Araw, ang taga-gawa ng mga himala. At ang aking mga bisig ay malakas pa rin para iligtas kayo.”

Kaya, ano ang nais ng Diyos na malaman nila sa paliwanag ng katotohanang ito Sinabi niya ito sa isang talata lamang, Isaias 51:11:

- “Samakatuwid ang mga tinubos ng Panginoon ay muling babalik, at darating na umaawit para kay Zion.” Sa ibang salita: magkakaroon ako ng mga tao na babalik sa akin na may pagtitiwala, pananampalataya at pananalig. Inalis nila ang kanilang pagtingin sa kung anuman ang kalalagayan na nakapaligid sa kanila. At muli nilang makakamit ang kanilang awit ng kagalakan.”

- “Walang katapusang kagalakan ay mapapasakanila.” Ang kagalakan na mararanasan ng mga tao ng Diyos ay hindi lamang para isang umaga ng Linggo, isang linggo o isang buwan. Mananatili ito ng mga taon, sa gitna ng kahirapan, maging hanggang sa katapusan.
“Makakamit nila ang kagalakan at kaluguran.” Ang Diyos ay titingin sa mga panahon at sinabi,

- “Magkakaroon ako ng mga tao na magkakamit ng kagalakan, kukunin ito, panghahawakan ito. Iingatan nila ito, at ito ay magiging kanila.”

- “Ang pighati at pagdadalamhati ay lalayo.” Hindi ito nangangahulugan na ang ating mga pagdurusa ay matatapos na. Nangangahulugan ito na ang ating pananalig sa Diyos ay maglalagay sa atin sa ibabaw ng bawat kirot at pagsubok. Ang mga bagay na ito ay hindi tayo mananakawan ng ating kagalakan at kaluguran kay Cristo.

Lunes, Marso 30, 2009

MGA HUMAHAWAK NG AHAS

Hindi ka makapaglilingkod ng mabisa kay Cristo maliban na lang kung handa kang tanggapin ang mga panganib na kasama nito. Si Jesus ay nagbabala tungkol sa mga panganib na makaharap ang mga ahas.

Maayos kong sinabi ito, ngunit sinabi ng Bibliya na ang masasama ay katulad ng mga nakalalasong ahas, at kailangan tayong marunong humawak ng mga ahas. Palagay ko ay makahulugan na tinawag ng Bibliya si Satanas na “matandang ahas” (Pahayag 12:9). At ipinangako ni Cristo, “Sila’y hindi maaano, dumampot man ng ahas…” (Marcos 16:18).

Sinabi ni Jesus, “Lumabas ka sa mga lansangan at sa mga landas, at pilitin mong pumarito ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Ngunit sa Mangangaral tayo ay binigyan ng babala: “…ang sumusuot sa mga pader ay malamang na matuklaw ng ahas” (10:8). Ang mga pader ay puno ng mga ahas, gayunman, bilang mangingisda ng tao, tayo ay sinabihan: “Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda?” (Lucas 11:11).

Ang mga mangingisda ng tao ay pinangakuan “…sila’y hindi maaano uminom man ng lason…” (Marcos 16:18). Ito’y tumutukoy sa mga misyonaryo o sa ibang mga mananampalataya na hindi sinasadyang makainom ng lason, ngunit higit pang mayroong nakatago ng malalim sa Kasulatang ito. Katulad na siguradong kung ang Kristiyano ay uminom ng dugo ni Cristo---ang ilog ng buhay, ng kanyang banal na pag-ibig at kagandahan—hindi natin namamalayan na tayo rin ay nakakainom ng lason ng sanlibutang ito kapag tayo ay lumabas para mangaral ng mabuting balita.

Natatanggap din natin ang labis na espiritu ng sanlibutang ito, nakukuha natin ang mga nakamamatay na bagay sa ating espirituwal na pamumuhay, na maliban kung tatanggapin natin ang pangangalaga ng Espiritu Santo hindi ko nakikita kung paanong ang mga manggagawang Kristiyano ay mapupunta kung saan naroon ang mga makasalanan. Hindi mo mapigilang uminom sa ilang mga hindi nababanggit na bagay sa iyong espiritu. Ngunit kung makainom ka ng anumang nakamamatay na bagay habang ikaw ay palapit sa mga ahas sa kapangyarihan ni Cristo, hindi ka maaano ng lason. Kapag sinimulang ipakita ng Panginoon sa akin ang katotohanang ito, uuwi ako at mananalangin, madadama ko ang hininga ng Espiritu Santo na pumupuspos sa kabuuan ng aking katauhan. Ang lason ay kusang maglalaho at ako’y makatatayo ng malinis at dalisay—hindi nasaktan man lamang.

Biyernes, Marso 27, 2009

PAKINABANG ANG KAMATAYAN?

Sinabi ni Pablo: “Pakinabang ang kamatayan” (Filipos 1:21). Ang ganitong usapan ay ganap na banyaga sa ating makabagong espirituwal na pananalita. Tayo ay naging parang mananamba ng buhay, na kaunti lamang ang pagnanais na umalis para makasama ang Panginoon.

Sinabi ni Pablo, “Sa dalawang hangarin. Ang ibig ko’y pumanaw na sa buhay na ito upang makapiling ni Cristo, yamang ito ang lalong mabuti para sa akin” (Filipos 1:23). Gayunman, para sa kapakanan na turuan ang mga nagbago, naisip niyang mabuti pang “manatiling nakatago.” O, sa pagkakalagay niya, “mamuhay sa laman.”

Hindi ba nakapangingilabot si Pablo? Mayroon ba siyang hindi malusog na pagkapit sa kamatayan? Nagpakita ba si Pablo ng kawalan ng paggalang sa buhay na ipinagpala sa kanya ng Diyos? Hindi! Ipinamuhay ni Pablo ang buhay ng sagaran. Para sa kanya, ang buhay ay isang handog, at ginamit niya ito ng maayos upang makipaglaban ng isang mabuting pakikipaglaban. Napagtagumpayan niya ang takot ng “sundot ng kamatayan” at masasabi na niya ngayon, “Mabuti pang pumanaw na upang makapiling si Cristo kaysa mabuhay sa laman.”

Yaong mga pumanaw sa Panginoon ang mga nagwagi; tayong mga natira ay mga talunan. Hindi kamatayan ang ganap na lunas: ito ay ang muling-pagkabuhay! Kamatayan ang daan, at minsan ang daang iyan ay masakit. Gaano man kabigat ang sakit at pagdurusa ang danasin ng mga katawang ito, hindi ito karapat-dapat na ihambing sa di-maipaliwanag na kaluwalhatian na naghihintay doon sa mga nagtiis sa paraang ito. Anumang mensahe tungkol sa kamatayan ay bumabagabag sa atin. Sinusubukan natin na balewalain maging isipin man lamang ito. Naghihinala tayo na yaong mga nagpapahayag tungkol dito ay nakapangingilabot. Paminsan-minsan napag-uusapan natin ano kaya ang katulad ng langit, ngunit kadalasan ang paksa tungkol sa kamatayan ay bawal.

Ang laki ng pagkakaiba ng mga naunang Kristiyano! Madalas mangusap si Pablo tungkol sa kamatayan. Katunayan, ang muling-pagkabuhay natin mula sa kamatayan ay binanggit sa bagong Tipan bilang ating “pinagpalang pag-asa.” Ngunit sa panahon ngayon, ang kamatayan ay ibinilang na nanghihimasok at humahadlang sa ating magandang pamumuhay na nakasanayan na natin. Lubos na ginugulo natin ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng mga materyal na bagay na dahilan para tayo ay malagay sa kaburakan ng buhay. Nabitag tayo ng materyalismo ng sanlibutan. Hindi natin matanggap ang isipin na iiwan natin ang ating magandang bahay, magagandang gamit, ang ating malalambing na minamahal. Iniisip lamang natin, “ang mamatay ngayon ay isang malaking kawalan. Iniibig ko ang Panginoon, ngunit kailangan ko ng panahon para matamasa ko ang aking mga ari-arian. Ako’y may asawa. Mayroon pa akong kailangang patunayan. Kailangan ko pa ng mahabang panahon.”

Napansin mo ba halos walang usapan, sa mga panahon ngayon, tungkol sa langit o tungkol sa paglisan dito sa lumang sanlibutan? Sa halip, tayo ay binobomba ng mga pahayag kung paano magagamit ang ating pananampalataya para higit pang magkaroon ng maramimg pag-aari. Isang napakaliit na kaisipan ng walang-hanggang layunin ng Diyos. Hindi kataka-taka maraming Kristiyano ay takot sa usaping kamatayan. Ang katotohanan ay, malayo pa tayo sa pang-unawa sa tawag ni Cristo para talikdan ang sanlibutan at lahat ng pagkakabuhul-buhol nito. Tinatawag niya tayo upang mamatay, ang mamatay ng hindi nagtatayo ng mga memoryal para sa ating mga sarili, ang mamatay na hindi nag-aalala kung paano tayo maaalala pag tayo ay wala na. Si Jesus ay hindi nag-iwan ng sariling-talambuhay, maraming bahagi ng himpilan, walang unibersidad o kolehiyo ng Bibliya. Wala siyang iniwan para mapanatili ang kanyang alaala, maliban sa tinapay at alak.

Huwebes, Marso 26, 2009

ANG ARAL NG ALIBUGHA

Sinabi ng Bibliya, “At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan” (Lucas 15:20).

Naniniwala ako na ang alibugha ay umuwi dahilan sa nakalipas niyang kasaysayan sa ama. Kilala ng nakababatang lalaking ito ang katauhan ng kanyang ama—hayagan na nakatanggap siya ng dakilang pagmamahal mula sa kanya. Maaring alam niya na kung babalik siya, hindi siya kagagalitan o kokondenahin sa kanyang mga kasalanan.

Masdan kung paano siya tinanggap ng ama sa kanyang nakaaawang kalagayan. Ang nakababatang lalaki ay nagtangkang mag-alay ng buong pusong pangungumpisal sa kanyang ama. Gayunman ng humarap siya sa ama, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapangumpisal. Pinigilan siya ng ama na makapagsalita sa pagtakbong palapit sa kanya at siya ay niyakap.

Ang nakababatang lalaki ay naumpisahan lamang makapagslita, sinabing, “Ama nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak” (t.21). Ngunit hindi na hinintay ng ama na siya ay makatapos magsalita. Para sa kanya, ang kasalanan ng anak ay napatawad na. Ang tanging sagot lamang ng ama ay mag-utos sa kanyang mga alila: “Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, suutan siya ng singsing at panyapak. Maghanda ng mga pagkain at tayo ay magsasaya. Ang lahat ay nagalak---ang anak ko ay nandito na.” Alam ng ama ang puso ng anak alam niya siya ay ganap ng nagsisi.

Ang kasalanan ay hindi usapin sa amang ito. Ang tanging usapin sa kanyang isipan ay pag-ibig. Nais niyang malaman ng anak niya na siya ay tinanggap na bago pa man siya makapangumpisal. At iyan ang bagay na nais gawin Diyos sa ating lahat: ang kanyang pag-ibig ay mas mahalaga kaysa sa lahat ng ating mga kasalanan. “O hinahamak mo ang Diyos sapagkat siya ay napakabuti, mapagpigil at mapagpaumanhin”(Roma 2:4).

Miyerkules, Marso 25, 2009

PUTULIN NINYO ANG MGA ITO

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, “Kung ang kamay o paa mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mabuti pa ang mapunta ka sa langit nang putol ang isang kamay o paa kaysa may dalawang kamay o dalawang paa kang itapon naman sa impiyerno” (Mateo 18:8).

Sinimulan ni Jesus ang pangungusap na ito sa pamamagitan ng salitang Sa anong dahilan, ang kahulugan, “nang dahil dito.” Itinatali niya ang kanyang salaysay sa buong susi ng kahulugan ng aralin na siya niyang itinuturo tungkol sa paghahalo ng gawain at ng krus. Kaya, kapag sinabi niya rito, “Kung ang iyong kamay o paa o mata ay nagkasala,” nangungusap siya tungkol sa mga kasalanan na dala ng krus sa laman.

Nang sinabi ni Jesus, “Itapon ito—putulin ito,” nangungusap siya una sa mga tagapakinig na Hudyo tungkol sa kanilang tiwala sa kanilang mga mabubuting gawa. Ang kamay, paa at mata ay kumakatawan lahat sa laman—gamit ng kalayaan, na kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang sariling pamamaraan, umaasa sa sariling kakayahan at pagsusumikap ng tao para alisin ang mga pagkakagapos sa mga kasalanan. Sinasabi ni Cristo sa ganitong tao, “Ang mga mata mo ay nakatingin sa mga maling bagay. Nakatingin ka sa iyong sariling kakayahan at lakas. Kung ganoon, dukutin mo ang iyong mga mata. Kailangan mong alisin sa iyong katawan, isip at puso ang lahat ng makasalanang pag-iisip. Iwaksi ang mga ito, putulin ang mga ito. Putulin ang lahat ng pag-asa ng pag-aalay sa Diyos ng kahit ano na sariling pagsisikap o kabutihan. Ang kasabikan sa laman at kasalanan ay kailangang putulin—ngunit hindi sa pamamagitan ng iyong kamay. Ito ay gawain ng Espiritu.

“At tumakbo ka lamang sa aking mga bisig. Magpakumbaba ka na katulad ng bata sa pamamagitan ng pagyakap sa aking tagumpay sa krus. Pumasok sa buhay ng ganap na pagdedebosyon at pagtitiwala sa akin. Dahil sa aking ginawa sa Kalbaryo, hindi mo na hawak ang sarili mo. Binili na kita. Ang Espiritu ko ay tutuparin ang aking kahilingan para sa kabanalan mo.”

Martes, Marso 24, 2009

MAARI AKONG MAKIPAG-USAP SA IYO…MALIBAN KUNG!

Nakalulungkot, maraming mga Kristiyano ay hindi kilala ang tinig ng Diyos. Mayroon ilan na buwan na ang lumipas, maging mga taon na, na hindi pa rin nakatatanggap ng malapit na salita ni Yahweh sa kanilang kaloob-looban. Ang Diyos ay nangusap sa kanila minsan. Ngunit sa mga lumipas na mga taon, natutunan nilang patahimikin ang kanyang tinig sa kanilang mga puso. Ang iba ay nagbago sa dahilan ng maraming kalokohan sa mga naniniwala na ang bawat tinig na biglang lalabas sa kanilang isipan ay banal. Ang mga taong ito ay ipinagyayabang, “Sinabi ng Diyos sa akin—gayunman ang “salita” na narinig nila ay ang kanilang sakim na laman ang nagsasalita!”

Kung nais ninyong makilala at marinig ang tinig ng Diyos sa mga araw na parating, maging handa na marinig siyang nangungusap ng paglilinis bago siya mangusap ng patutunguhan. Maramimg Kristiyano ay gustong sabihin sa kanila ng Diyos na sabihin sa kanila kung paano panghahawakan ang kanilang mga kinita, paano tutustusan ang kanilang mga pamilya, paano nila pananatilihin ang kanilang mga negosyo o karera na matatag. Ngunit ang katotohanan ay, bago tayo bigyan ng Diyos ng direksyon sa mga bagay na ito ay, mangungusap muna siya tungkol sa kanyang mga ipinag-uutos.

“Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo” (Juan 15:17). Una munang mangungusap ang Diyos sa inyo tungkol sa inyong mga ikinikilos sa inyong tahanan kasama ang inyong asawa at mga anak—tungkol sa inyong pagiging madaling magalit, ang inyong mga kinikimkim na sama ng loob, ang inyong ayaw na magpatawad na espiritu. Tutukuyin niya ang bawat nakatagong, lihim na bagay sa inyong mga buhay—at may pagmamahal na sasabihin sa inyo, “Gusto kong maging tagapayo mo, iyong manananggol, iyong gabay, iyong tagakupkop, iyong tagapagtustos. Nais kong maglakad kasama mo sa bawat pagsubok at kahirapan. AT nais kong bigyan, pagpalain at kupkupin ko kayo sa pamamagitan ng aking Espiritu. Ngunit una, kailangang maging tapat muna kayo sa akin tungkol sa mga nakatagong diyus-diyusan sa inyong mga puso. Sa mga sandaling ito pinanghahawakan pa rin ninyo ang mga ito—ngunit kailangang iwaksi na ninyo ito! Hindi tayo maaring maglakad magkasama hanggang hindi tayo nagkakasundo sa mga bagay na ito sa inyong mga puso!”

Lunes, Marso 23, 2009

KILALANIN ANG TINIG NG DIYOS

Gusto ng Diyos na malaman natin na kahit gaano kabigat ang dumating sa atin, ay pananatilihin niya ang lahat na nananalig sa kanya—sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang mahinahon, maliit na tinig, na nagungusap sa ating kalooban araw-araw.

Ito ay pinagtibay ng propetang Isaias: “Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daranan” (Isaias 30:21). Kailangang maunawaan ninyo na ibinigay ni Isaias ang salitang ito sa pinakagipit na panahon. Ang bansa ay nasa paghuhukom, lubos na wasak, na ang lahat ay nagigiba na. At kaya sinabi ni Isaias sa mga pinuno ng Israel, “Lumapit kayo kay Yahweh ngayon! Gusto niya kayong bigyan ng gabay ng patutunguhan—para mangusap sa inyo, sinasabing, ‘Pumunta sa daang ito, sa daang iyon, narito ang daan…’” Ngunit ayaw nilang makinig. Napagpasiyahan nilang lumapit sa Egipto para mailigtas sila! Akala nila ay maari nilang asahan ang mga karosa, mga kabayo at mga panustos ng Egipto para makaligtas sila.

Gayunaman, hindi ipinadala ng Diyos ang lahat ng kanyang hatol sa Israel sa puntong iyon. Sa halip, nagpasiya siyang maghintay hanggang ang pinakailalim ay mahulog sa labas ng plano. Sinabi niya, “Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan Diyos na makatarungan itong si Yahweh, mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya!” (t.18). Kinalabasan, lahat ay nabigo, at ang mga bagay ay lalo lamang lumala para sa bansa. Sa huli, nang ang lahat ng balak nila ay nawalan ng saysay, sinabi ng Diyos sa mga tao niya, “Ngayon hayaan ninyong ako na ang bahala! Buksan ninyo ang inyong mga tainga, at ako ay mangungusap sa inyo. ALam ko ang daan ng kaligtasan, at pangungunahan ko kayo. Gusto kong gabayan ang bawat hakbang ninyo, sa kanan, sa kaliwa, para iligtas kayo. Gagabayan ko kayo sa pamamgitan ng tinig ko—mangungusap sa inyo, sasabihin sa inyo ang gagawin ninyo, hanggang sa pinakahuling detalye!”

Ang mahalaga—ang pinaka-importante—ay ang makilala ninyo ang tinig ng Diyos. Siya ay nananatiling nangungusap. Niliwanag niya, “Kilala ng mga tupa ko ang aking tinig.” Maraming tinig ngayon sa sanlibutan—malakas, nag-uutos na tinig. Ngunit nadoon pa rin ang mahinahon, maliit na tinig ni Yahweh na maaring makilala at marinig ng lahat na nagtitiwala sa sasabihin ni Jesus.

Biyernes, Marso 20, 2009

KAPAYAPAAN KASAMA ANG DIYOS

Namatay si Jesus sa krus para bilhin ang kapayapaan kasama ang Diyos para sa akin—at siya’y nasa langit ngayon para ingatan ang kapayapaang iyan, para sa akin at kalooban ko. Ang kapayapaan na mayroon tayo kasama ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay nagpapakilala ng kaibahan ng ating pananampalataya mula sa ibang mga relihiyon.

Sa bawat ibang reihiyon maliban sa Kristiyanismo, ang katanungan tungkol sa kasalanan ay hindi pa nagtatapos. Ang kapangyarihan ng kasalanan ay hindi pa nababali. Kung ganoon, hindi magkakaroon ng kapayapaan: “Ang sabi ni Yahweh; ‘Ang mga makasalana’y walang kaligtasan’” (Isaias 48:22). Ngunit mayroon tayong Diyos na nagkakaloob ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng kasalanan. Ito ang tanging dahilan kung bakit dumating si Cristo sa sanlibutan: para magdala ng kapayapaan sa nagkakagulong, natatakot na sankatauhan.

Paano iniingatan ni Jesus ang kapayapaan ng Diyos para sa akin? Ginawa niya ito sa pamamagitan ng tatlong bagay:

- Una, inalis ng dugo ni Cristo ang kahihiyan ng aking kasalanan. Dito sa kamalayang ito, sinabi ni Pablo, “Siya ang ating kapayapaan” (Efeso 2:14). Iginawad ni Jesus ang kapayapaan para sa akin sa pamamagitan ng kanyang dugo.

- Pangalawa, pinanatili ni Cristo ang aking kapayapaan at kagalakan sa pananalig: “Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang magkaloob nawa sa inyo ng kagalakan at kapayapaan sa pananalig upang sumagana kayo sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Roma 15:13).

- Pangatlo, ginawa ni Jesus na magalak sa pag-asa ng pagpasok sa kaluwalhatian: “Tayo…at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian” (Roma 5:2).

Sa madaling sabi, ang kapayapaan ay kawalan ng takot. At ang buhay na walang takot ay buhay na puno ng kapayapaan.

Nang umakyat si Jesus sa langit, hindi siya basta nagpa-init sa kaluwalhatian ng Diyos na ipinagkaloob sa kanya. Hindi, nagpunta siya sa Ama para mapanatili ang ipinagtagumpayang-kapayapaan na nakamit niya sa Kalbaryo.

Ang ating Taga-pagligtas ay buhay sa kaluwalhatian nagyon. At siya ay tunay na Diyos at tunay na tao, na may kamay, mga paa, mga mata, buhok. Mayroon din siyang pilat sa kanyang mga kamay at mga paa, at sugat sa tagiliran niya. Hindi niya kailanman iwinaksi ang kanyang pagkatao; siya ay isa pa ring lalaki na nasa kaluwalhatian. At ngayon, ang lalaking nasa walang-hanggan ay kumikilos para masigurado na hindi mananakaw ang kapayapaan na ibinigay niya nang siya ay umalis. Siya ay nagmiministeryo bilang nakatataas na saserdote, aktibong kasama sa pagpapanatili ng kanyang katawan sa sanlibutan na puno ng kanyang kapayapaan. At sa kanyang muling pagbabalik nais niya tayong, “Sikaping mamuhay na payapa” (2 Pedro 3:14).

Kapag ako’y nagkasala, ang aking kapayapaan ay napipigilan sa dalawang lugar. Una ang aking budhi ay nagugulo at binibintangan ako, at tunay nga. Ngunit, pangalawa, ang bintang ni Satanas ay naglalagay ng takot sa akin. Naniniwala ako na ito ang dalawang pangunahing lugar na kung saan ang pamamaguitan ni Cristo ay nagagamit para sa atin.

Una, ang aking nakatataas na saserdote ay hindi papayagan ang aking budhi na hawakan akong bihag. O papayagan niya ang bintang ni Satanas laban sa akin ay magpapatuloy na walang laban. Si Cristo ang aking tagapagtanggol kasama ang Ama laban sa bawat bintang galing sa impiyerno. Ano ang tagapagtanggol? Ito ay payak na “kaibigan ko sa korte.” Para sa mga Kristiyano, ang kaibigang ito sa korte ay siya ring anak ng hukom. Dagdag pa, ang ating tagapagtanggol ay ating kapatid. Katunayan, tayo ay nakatalagang magmamana ng kayamanan ng hukom kasama niya.

Huwebes, Marso 19, 2009

ANG ATING TAGAPAMAGITAN

“Dahil nga riyan, lubusang niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila” (Hebreo 7:25).

Ano ang ibig sabihin ng Kasulatan kapag sinabi nitong si Jesus ay namamagitan para sa atin? Naniniwala ako na ang paksang ito ay malalim, may kadakilaan at malayo sa pang-unawa ng tao, nanginginig ako maging sambitin man lang ito. Ang mga iskolar ng Bibliya ay may pinanghahawakang ibat-ibang pananaw sa kahulugan nito.

Sa pamamagitan ng pananalangin at pagtitiwala sa patnubay ng Espiritu santo, nagsisimula na akong maunawaan ang maliit lamang ng nakamamanghang paksa na ito. Kamakailan, simpleng nanalangin ako, “Panginoon, paanong ang iyong pamamagitan para sa akin ay makaaapekto sa aking buhay? Ang iyong Salita ay nagsabing humaharap ka sa Ama para sa akin. Ano ang ibig sabihin nito sa aking paglalakad araw-araw?

Ang salitang Ingles para sa namamagitan ay nangangahulugan na “makiusap para sa iba.” Ito ay naglalarawan ng isang pigura na kumatawan sa iyo para sa iba para ipakiusap ang iyong panig. Kapag nakarinig ka ng ganitong paglalarawan, iniisip mo ba si Cristo ay patuloy na nakikiusap sa Diyos para sa iyo, humihingi ng habag, kapatawaran, grasya at pagpapala? Sa aking opinyon, ang ganitong imahe ay naglalarawan sa ating Amang nasa langit na kuyom ang kamay. Hindi ako makapapayag na maniwala na ang grasya ay kailangang sungkitin mula sa ating mapagmahal na Ama. Kapag nilimitahan natin ang ating mga sarili sa makitid na paglalarawan ng pamamagitang ito, ay hindi natin mauunawaan ang mas malalim na espirituwal na kahulugan ng gingawa ni Jesus para sa atin.

Ipinahayag ng Bibliya na ang aking Amang nasa langit ay alam ang aking mga pangangailangan bago ko pa man ito hilingin sa kanya. At madalas, ipinagkakaloob na niya ang mga pangangailangang ito bago pa man ako makapanalangin. Kung ganoon, nahihirapan akong tanggapin na ang sariling Anak ng Diyos ay kailangan pang makiusap sa kanya para sa anumang bagay. Bukod dito, ang kasulatan ay nagsabi na ipinagkatiwala na ng Ama sa kanyang Anak ang lahat ng mga bagay: “Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya’y maging tao” (Colosas 2:9).

Hindi ko inaangkin na alam ko na ang lahat tungkol pamamagitan ni Cristo para sa atin. Ngunit naniniwala ako na anuman ang ginagawa ng ating nakatataas na saserdote sa kanyang pamamagitan para sa atin, ito ay simpleng bagay lamang. At naniniwala ako na ang pamamagitang iyan ay may deretsuhang kinalaman sa paglago ng kanyang katawan dito sa sanlibutan. Siya ay kumikilos na nagbibigay sa bawat kasukasuan ng lakas at kapangyarihan.

Miyerkules, Marso 18, 2009

ANG BAGONG TEMPLO NG SASERDOTE

Basahin ng maingat ang Ezekiel 44:15-16. Ang Hebreong pangalan na Zadok ay nangangahulugan ng “tama o matuwid.” Pinatutungkulan ni Exekiel dito ang isang lalaki na nagngangalang Zadok na nagsilbing saserdote sa pamunuan ni David. Ang matuwid na lalaking ito ay hindi nag-alinlangan sa kanyang katapatan kay David o sa Panginoon. Nanindigan siya katabi ng hari at sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, sa anumang hirap o kaluwagan. Si Zadok ay laging nanatiling tapat kay David, sapagkat alam niya na ang hari ay pinili ng Diyos.

Sapagkat si Zadok ay nanatiling tapat sa lahat ng bagay, kumatawan siya sa isang ministeryo na kilala sa katapatan nito sa Panginoon. Katunayan, si Zadok ay isang nangungunang halimbawa ng isang tunay na ministro ng Diyos—nakahiwalay mula sa sanlibutang ito, nagkukulong kasama ang Panginoon, palagiang nakaririnig mula sa langit. Ang ganitong ministro ay kinikilala ang kanyang nangungunang gawain bilang mananalangin: hinahanap ang Diyos araw-araw, patuloy na nakikipag-isa sa Espiritu Santo at nagmiministeryo kay Jesus.

Ang mga saserdote ng bagong templo ay tapat na tumayo sa harapan ng Panginoon bago pa sila tumayo sa harap ng konggregasyon. Gumugugol sila ng mahahalagang sandali sa presensiya ng Panginoon, hanggang sila ay mapuno ng mensahe na nag-aapoy sa kanilang mga espiritu. At kapag sila ay lumitaw mula sa presensiya ng Diyos, kaya nilang mangusap ng tuwiran sa puso ng mga tao. Ang kanilang mensahe ay makararating kung saan man nakatira ang mga tupa, sapagkat ito ay nanggaling ng tuwiran mula sa trono ng Diyos.

Sinabi ng Panginoon ang tungkol sa pagkasaserdote ni Zadok, “Ang mga ministrong ito ay papasok sa aking santuwaryo at tatayo sa harap ko. Lalapit sila sa aking mesa at magmiministeryo sa akin. At iingatan nila ang aking kahalagahan.”

Sa bago, huling mga araw ng santuwaryo, alam ng mga saserdote ng santuwaryo na ang kanilang nasa gitnang gawain ay ang magministeryo sa Panginoon. Ang ministeryo ay kinabibilangan ng bawat mangingibig ni Jesus na nagnanais na maglakad sa katuwiran. Katunayan, nakita natin ang “saserdote ng mga mananampalataya” ay umaalingawngaw sa kabuuan ng aklat ng Bagong Tipan. Sinabi sa atin ni Juan, “Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang saserdote” (Pahayag 1:6). Isinulat ni Pedro, “Wari’y mga batong buhay, maging sangkap kayo ng isang templong espirituwal. At bilang saserdoteng nakatalaga sa Diyos, maghandog kayo sa kanya ng mga haing espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos dahil kay Jesu-Cristo” (1 Pedro 2:5).

Maaring wala kang katibayan ng pagmiministeryo mula anumang iglesya. Maaring hindi ka nanggaling sa seminaryo. Maaring hindi ka nakapangaral ng sermon. Ngunit ikaw ay katulad din na tinawag at inordina na maglingkod sa pagkasaserdote ni Zadok na katulad ng mga higit na kilalang mangangaral at ebanghelista. Ang parehong Tipan ay punung-puno na niliwanag: Ang bawat isa sa atin ay hahawak ng tanggapan ng saserdote at gaganap sa mga tungkulin ng saserdote.

Kaya, ikaw ay nagtataka, paano mo ito gagampanan? Gagampanan mo ito sa pamamagitan ng pagmiministeryo unang-una para sa Panginoon. Mag-aalay ka ng mga sakripisyo para sa kanya—sakripisyo ng pagpupuri, ng paglilingkod, ipagkakaloob mo lahat ang iyong puso, espiritu, isipan at lakas. Tinawag ka niya para mabilang sa kanyang makaharing pagkasaserdote. Kung ganon, ikaw ay magmiminsteryo sa iba pagkatapos lamang na ikaw ay nakapagministeryo na sa kanya. Ito ay nangangahulugan na hindi ka magpapakita sa tahanan ng Diyos sa bawat linggo na walang-laman at tuyot, umaasa na may mga mensahe mula sa mga mangangaral na pag-aapuyin ka. Hindi, kailangang darating kang handa na magministeryo sa Panginoon na may dalang puso ng pagpupuri.

Martes, Marso 17, 2009

MANALIG SA KATAPATAN NG DIYOS

Ang pananampalataya ay nagsisimula sa ganap na pagsuko ng iyong sarili sa pangangalaga ng Diyos --- ngunit ang ating pananampalataya ay kailangang aktibo, hindi tahimik.

Kailangang mayroon tayong ganap na pagtitiwala na kayang gawin ng Diyos at gagawin niya ang lahat ng bagay, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit nagagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” “Sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos” (Lucas 1:37). Sa madaling sabi, sinabi ng pananampalataya, “Sapat na ang Diyos!”

Hinubog ng Diyos si Abraham na maging matatg na mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay ng direksiyon sa isang imposibleng kalagayan. Nais niyang marinig na sinasabi ng kanyang lingkod, “Ama, dinala mo ako dito, at higit mong alam ang mabuti. Kaya ako ay maninindigan at mananalig na kaya mong gawin ang lahat ng bagay. Ilalagay ko ang buhay ko sa mga kamay mo, lubusang magtitiwala na hindi mo hahayaan ako o ang aking pamilya na magutom. Alam ko na mapangangalagaan mo kami—sapagkat ipinangako mo na magkakaroon ako ng binhi!”

Ang ating pananampalataya ay hindi nangangahulugan na maiaalis tayo sa mahirap na kalagayan o mabago ang ating mabigat na katayuan. Sa halip, ito ay nangangahulugan na maipahayag ang katapatan ng Diyos sa atin sa gitna ng ating mga kagipitan. Minsan binabago ng Diyos ang ating mapagsubok na kalagayan. Ngunit mas madalas ay hindi—sapagkat nais niyang baguhin tayo

Hindi natin basta mapagtitiwalaan ng lubos ang kapangyarighanng Diyos hanggang sa maranasan natin ito sa kalagitnaan ng ating kagipitan. Ito ang nangyari sa tatlong bata na taga Hebreo. Nakita lamang nila si Cristo noong sila ay nasa gitna ng umaapoy na pugon. At naranasan ni Daniel ang kapangyarihan at grasya ng Diyos nang siya ay itinapon sa kulungan ng mga leon. Kung sila ay biglaang iniligtas sa kanilang mga kalagayan, ay hindi nila malalaman ng lubusan ang kabuuan ng grasya ng mahimalang-kapangyarihan ng Diyos. At hindi maipakikita kung gaano kalaki ang Panginoon sa harapan ng mga hindi makaDiyos.

Naiisip natin na sumasaksi tayo sa mga dakilang himala kapag tinapos ng Diyos ang mga bagyo at kagipitan natin. Ngunit minsan madali nating makaligtaan ang aralin ng pananampalataya---ang aralin na nagsasabi na ang Diyos ay mananatiling tapat sa atin sa panahon ng ating mga kagipitan. Nais niya tayong iangat sa ibabaw ng ating mga pagsubok sa pamamagitan ng pananampalataya, kaya masasabi natin, “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. Siya ay tagapagligtas, at ako ay ilalabas niya sa lahat ng ito.”

Noong si Abraham ay nagtungo sa Egipto, sinasabi niya sa Diyos, na may kakanyahan, “Panginoon—ako na bahala mula rito.” Naisip niya na nakagawa siya ng mali, na narinig niya ay maling tinig---at ngayon ay kailangan niyang gawin itong mag-isa para maituwid niya ang kanyang espiritu. Dito iniwan ni Abraham ang daan ng pananampalataya. Inayos niya ang kanyang mga supling at sinabi, “hindi ko alam kung saan ako nakaligta, ngunit hindi naming magagawa ito mula rito. Pupunta kami sa Egipto!”

Ang magandang balita ay, ang ating kabiguan ay madalas na nagdadala sa atin para makabuo ng matatag na pananampalartaya. Gayunpaman, humaharap tayo sa anumang maaring mangyari kapag lumayo tayo sa daan ng pananampalataya at kumilos ayon sa ating mga laman.

Lunes, Marso 16, 2009

ANG LIHIM NG PRESENSIYA NG DIYOS

Sa Awit3 1, ipinakilala ni David sa atin ang pariralang “ang lihim ng iyong presensiya.” Isinulat niya, “Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan sa mga anak mong may takot na taglay; Kagila-gilalas malasin ninuman, ang pagkalinga mo sa mga hinirang na nangagtiwala sa iyong pagmamahal. Iyong kinalinga at iningatan mo laban sa adhika ng masamang tao; dinala sa ligtas na dakong kublihan, upang di hamakin ng mga kaaway” (Awit 31:19-20).

May sinasabi si David na lubhang malalim dito: “Ang lahat na tunay na lakas ay nanggagaling mula sa paglapit sa Panginoon. Ang sukatan ng ating lakas ay ayon sa ating pagiging malapit sa kanya!” Sa madaling sabi, kung gaano tayo kalapit kay Jesus, ganoon din tayo magiging malakas. At ang lahat ng lakas na ating kakailanganin ay manggagaling lamang sa pamamagitan ng ating lihim na pamumuhay sa pananalangin. Kung tayo lamang ay lalapit kay Cristo, siya ay lalapit din sa atin, bibigyan niya tayo ng sariwang lakas araw-araw. Ito ang lihim ng kanyang presensiya!

Sa Lumang Tipan, ang presensiya ng Panginoon ay may kaugnayan sa arko. Naniniwala ang Israel na kung saan man naroroon ang arko, ang presensiya ng Diyos ay nandoon din. At kaya, kung saan man maglakbay ang tao, dala nila ang arko. Nakita natin ang halimbawa ng ganitong pananampalataya tungkol sa presensiya ng Panginoon na kasama ang arko sa 1 Samuel 4.

Ang diyablo ay ganap na takot sa presesiya ng Panginoon sa ating mga buhay. Nanginginig siya sa isip man lamang ng pagiging malapit ng mananampalataya kay Cristo. Kaya, kapag nakita ka ng pulutong ng diyablo sa iyong pagluhod sa bawat araw, sa presensiya ng Amang nasa langit, ang buong impiyerno ay nagtutumangis, “Ang Diyos ay kasama ang mananampalatayang ito. Ang isang ito ay may banal na presensiya. Ano ang magagawa natin sa katulad niya?”

Ito ang dahilan kung bakit gagawin ni Satanas ang lahat para maagaw niya ang presensiya ng Panginoon sa iyong buhay, Ito ang dahilan kung bakit ibabagsak niya ang iyong espiritu sa pagdududa at takot. Gusto nyang tuyuin ang lahat ng iyong lakas! Gagamitin niya ang lahat ng bagay na maari niyang gamitin, kahit na ang “mabuting” bagay, para mailayo ka niya sa paggugol mo ng iyong sariling panahon kasama si Cristo. Alam niya na ang iyong panahon kasama si Cristo ay ginagawa kang matagumpay laban sa takot at mga pagkabalisa sa panahong ito!

Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos na maari tayong manalangin ng walang humpay. Ito ang tahimik na pananalangin, kahit saan, kahit anong oras. Naniniwala ako na ang aking pinakamahalagang pananalangin ay yaong mga tahimik na bulong ng pasasalamat na siya kong inihahandog sa kanya sa buong araw. Ito ang naglalagay sa akin sa kamalayan ng kanyang presensiya.

ANG LIHIM NG PRESENSIYA NG DIYOS

Sa Awit3 1, ipinakilala ni David sa atin ang pariralang “ang lihim ng iyong presensiya.” Isinulat niya, “Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan sa mga anak mong may takot na taglay; Kagila-gilalas malasin ninuman, ang pagkalinga mo sa mga hinirang na nangagtiwala sa iyong pagmamahal. Iyong kinalinga at iningatan mo laban sa adhika ng masamang tao; dinala sa ligtas na dakong kublihan, upang di hamakin ng mga kaaway” (Awit 31:19-20).

May sinasabi si David na lubhang malalim dito: “Ang lahat na tunay na lakas ay nanggagaling mula sa paglapit sa Panginoon. Ang sukatan ng ating lakas ay ayon sa ating pagiging malapit sa kanya!” Sa madaling sabi, kung gaano tayo kalapit kay Jesus, ganoon din tayo magiging malakas. At ang lahat ng lakas na ating kakailanganin ay manggagaling lamang sa pamamagitan ng ating lihim na pamumuhay sa pananalangin. Kung tayo lamang ay lalapit kay Cristo, siya ay lalapit din sa atin, bibigyan niya tayo ng sariwang lakas araw-araw. Ito ang lihim ng kanyang presensiya!

Sa Lumang Tipan, ang presensiya ng Panginoon ay may kaugnayan sa arko. Naniniwala ang Israel na kung saan man naroroon ang arko, ang presensiya ng Diyos ay nandoon din. At kaya, kung saan man maglakbay ang tao, dala nila ang arko. Nakita natin ang halimbawa ng ganitong pananampalataya tungkol sa presensiya ng Panginoon na kasama ang arko sa 1 Samuel 4.

Ang diyablo ay ganap na takot sa presesiya ng Panginoon sa ating mga buhay. Nanginginig siya sa isip man lamang ng pagiging malapit ng mananampalataya kay Cristo. Kaya, kapag nakita ka ng pulutong ng diyablo sa iyong pagluhod sa bawat araw, sa presensiya ng Amang nasa langit, ang buong impiyerno ay nagtutumangis, “Ang Diyos ay kasama ang mananampalatayang ito. Ang isang ito ay may banal na presensiya. Ano ang magagawa natin sa katulad niya?”

Ito ang dahilan kung bakit gagawin ni Satanas ang lahat para maagaw niya ang presensiya ng Panginoon sa iyong buhay, Ito ang dahilan kung bakit ibabagsak niya ang iyong espiritu sa pagdududa at takot. Gusto nyang tuyuin ang lahat ng iyong lakas! Gagamitin niya ang lahat ng bagay na maari niyang gamitin, kahit na ang “mabuting” bagay, para mailayo ka niya sa paggugol mo ng iyong sariling panahon kasama si Cristo. Alam niya na ang iyong panahon kasama si Cristo ay ginagawa kang matagumpay laban sa takot at mga pagkabalisa sa panahong ito!

Biyernes, Marso 13, 2009

ISANG KASAGUTAN NG PASTOR SA “ISANG NAPAKAHALAGANG BABALA”

Tungkulin ng isang tunay na propeta ang magbabala. Narinig natin kamakailan ang ganitong babala ng padating na mapanganib na mga araw. Ang propeta ay katulad ng isang tao na nagbababala sa pastol na may padating na mga mapanagpang na lobo.

At ito ay naging tungkulin ng pastol na nararapat na maunawaan ang babala at gabayan yaong mga nasa kanyang pangangalaga para maging handa at ligtas. Hindi ako isang propeta. Isa lamang akong lokal na mangangaral. Tinanong ko ang aking sarili kung ano ang gagawin ko sa aking pagkadinig ng babala mula sa Diyos. Ano ang dapat kong sabihin doon sa mga nasa ilalim ng aking pastoral na pangangalaga?

Una, nais kong marinig ng mga tao ko ng maliwanag ang salita. Kung ano ang sinasabi nito at kung ano ang hindi sinasabi nito? Ang ilan ay nakarinig ng mga sunog at pandarambong at ang mga puso nila ay napuno ng takot. Kailangang bigyan ko ng katiyakan ang aking mga tao na ang Diyos ay laging ganap na may pangangalaga sa lahat ng bagay. Ang Diyos ay makapangyarihan. Walang nangyayari na labas sa kanyang kaalaman at pagsangguni, at ang lahat ay nangyayari para sa kanyang ultimo, at pinakamataas na kaluwalhatian. Kahit na sa pinakamagulong panahon, alam ng ating Diyos ang kanyang ginagawa.

Pangalawa, nais kong malaman ng mga pinaglilingkuran ko ang dalawang bagay tungkol sa poot ng Diyos. Una, ang ilang pinuno ng iglesya ay malungkot na nahulog sa panlilinlang na walang katotohanan ang poot ng Diyos. Sinabi sa Roma 1:18, “Nahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong sumisiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.” Ang iba ay kumikilos na hindi makaDiyos, ang iba ay hindi makaDiyos sa kanilang pagsiil tungkol sa katotohanan ng poot ng Diyos. Ang ibang pinuno ay binabawasan, binabalewala at tinutuya pa man din yaong mga nagpapaalala ng katiyakan ng poot ng Diyos. Sinabi rin sa Roma 2:5 sa atin ng maliwanag na ang poot ng Diyos ay para doon sa mga ang puso ay nagmamatigas at ayaw magsisi. Ito ay nagbibigay daan sa pangalawang elemento ng pag-unawa sa poot ng Diyos. Hindi ito kailanman maaring ibuhos sa mga anak ng Diyos. Sa Juan 2:2 “Sapagkat si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.” Ang salitang pagtatakip-sala ay “pagsupil sa poot.” Isang kamangha-manghang grasya, isang kaligtasan! Ang poot ng Diyos sa aking paghihimagsik at kasalanan ay nasupil na sa Krus ni Cristo. Dumarating ang taghirap; pumapatak ang ulan maging sa mga makatarungan ngunit ang poot ng Diyos ay hindi.

Panghuli, kailangan kong gabayan ang mga alaga na ipinagkaloob sa akin na may pagmamahal at katinuan. Kapag may lobo o bagyong padating, ako bilang pastol ay kailangan na alam ko ang kalagayan ng aking mga alaga. Mayroon bang nakaupo sa bakod? Bigyang babala sila na hindi ito ang panahon para sa kompromiso o malapit na pagsanib sa sanlibutan. Ang magsaya sa bahay ng isang taga Egipcio sa gabi ng Pesah (Passover) ay hindi magandang balak. Ito ang panahon na kailangang maging malapit sa Pinunong Pastol. Ito rin ang pagkakataon na tawagin natin yaong mga nasa labas ng tarangkahan. Si Jesus ang Pintuan at binuksan niya ang kanyang puso. Ang kanyang panawagan sa lahat ay lumayo sa poot na padating. Higit pa sa paghalukipkip sa likod ng pintuan na may dalawang kandado o tumakas patungo sa bukiran, ito ay panawagan mula kay Jesus na dalhin mo ang iyong buhay sa kanyang pangangalaga.

Kapag ang propeta ay dumating na may dalang mensahe ng babala, kadalasan ang mga tao ay humihingi sa kanya ng tuwirang payo tungkol sa kung ano ang gagawin kapag nangyari ito. May panahon na, nagbibigay ang Diyos ng salita, ngunit kadalasan ay bahala na ang pastol, at higit pa dito, bahala ang bawat tao ng Diyos na tanggapin ang salita para siya na ang bahala para sa kanyang pamilya. Katulad ng Pastor na siyang nangunguna sa kanyang iglesya, ang tao ng Diyos ay siyang dapat mangalaga sa kanyang sariling pamilya. Kapag may dumating na nagbababala na may padating na mga lobo, hindi niya katungkulan na sabihin kung ano ang gagawin nila. Makaririnig tayo mula sa Diyos. Narinig ni Jose na maghanda ng mga pagkain para sa isang panahon na padating (Genesis 41). Narinig ni Moises na sinabi ng Diyos na tumanggap ng handog mula sa mga taga-Egipcio para sa kanilang paglalakbay (Exodo 12). Tayo man ay makaririnig din mula sa Diyos para sa ating kalagayan. Naririnig ng mga tupa ang tinig ng Pastol.

Si Jesus---sa mga oras na ito, sa bagyong ito---ay hindi lamang gagabayan ang kanyang mga tao at aliwin ang kanyang mga alaga kundi bibigyan niya din ng katatagan, tiwala sa sarili at magkaroon ng puso na maglingkod doon sa mga naguguluhan sa kanilang mga kagipitan. Minsan isang propeta ang nagpunta kay Pablo at nanghula na kung pupunta siya sa Jerusalem siya ay dadakpin at ibibilanggo. Tapat ang propeta na ibigay ang kanyang salita; na kay Pablo na na makarinig mula sa Diyos kung paano niya haharapin ang babalang iyon. Si Pablo, pagkatapos niyang marinig ang hula, ay nagpasiya pa ring magpunta sa Jerusalem---handang ibigay ang buhay niya para sa mabuting balita (Gawa 21). Ilang mga iglesya na nakalagay sa mga lunsod ay mangangailangan ng espirituwal na lakas at simpatiya. Marahil ang karunungan ni Pablo sa Efeso 5:15-18 ay nangungusap ng mga tungkol sa mga kakailanganin nito, “Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. Huwag kayong maglalasing sapagkat nakasisira iyan ng maayos na pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyong mapuspos ng Espiritu Santo.”

Miyerkules, Marso 11, 2009

LUBOS NA KAPAYAPAN

Sa panahon ng kaguluhan, ang mapagtiwalang mga tao ng Diyos ay pagpapalain ng lubos na kapayapaan.

Ipinahayag ni Yahweh, “Bibigyan ko ng kapayapaan ang lahat, maging nasa malayo o nasa malapit. Ang aking bayan nga ay aking pagagalingin” (Isias 57:19). Ang salitang Hebreo para sa “kapayapaan” dito ay “lubos na kapayapaan.”Naniniwala ako na habang tayo ay napaliligiran ng kasaligutgutan at kaguluhan ng isip sa mga darating na mga araw, ang Amerika ay makasasaksi ng dakilang patotoo ng kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos na hindi pa nito nakikita.

Paano? Ang buong Amerika ay makikita na ang maraming mga tao ng Diyos ay mayroong lubos na kapayapaan niya! Sa panahong iyon ang Panginoon ay magtatatag ng mga tao na pinagkalooban ng kanyang ganap, lubos na kapayapaan—kapayapaan na maging si Cristo ay siyang tinatamasa niya ngayon sa kanang kamay ng Ama. At tayo ay mamumuhay, kikilos at hihinga sa kahanga-hangang kapayapaan na iyon.

Sinabi ng Kasulatan na iingatan ng Diyos ang lahat ng nagtitiwala sa kanya. “Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga taong tapat na tumatalima at nagtitiwala sa iyo” (Isaias 26:3). At sa mga sandaling ito, maraming mga tao ng Diyos ay ginagawa ang pakikipagkasundong ito sa kanya: “Itutuon ko ang aking puso para hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay, anuman ang dumating. Ibibigay ko ang aking lahat at lahat ng ako sa kanya. Naniniwala ako na ang kanyang paghuhusga ay darating na – kaya ihahanda ko ang aking sarili para sa kanya bilang nobya niya!”Unang ginawa ng Diyos ang kanyang pangako ng lubos na kapayapaan doon sa mga taga Judea na dumadanas ng malaking pagkastigo ng Panginoon sa kanilang lupain. Ibinabagsak ng Diyos ang lahat ng matataas na kutang-tanggulan at mga pader, lahat ng karangyaan at kayamanan na sinasandalan ng mga tao. “…at magiging alabok” (Isaias 25:12). Maging ang natitirang tapat na nanatiling nagtitiwala sa Diyos ay kinilabutan sa kaibuturan nila. Gayunman sa panahong iyon, sinabi ng Diyos kay Isaias na tiyaking muli sa mga tapat na mananampalataya: “Iingatan kayo ng Panginoon sa kanyang lubos na kapayapaan – kung magtitiwala lamang kayo sa kanya!” Sinabi ng propeta, “Ikaw ang nagbibigay sa amin ng kasaganaan.” (26:12). Sa ibang salita: “Ilalagay ng Diyos sa ating mga puso mismo ang kanyang sariling kapayapaan. Gusto niyang bigyan tayo ng isang kapayapaan na hindi mayayanig.

Kahalintulad ngayon, kapag hinambalos ng kaguluhan ang Amerika – kapag ang nagbabalang balita ay nagsimulang magdala ng kabiglaanan ng takot sa buong bansa, at ang mga kaguluhan ng isip ay lumaganap – ang mga tao ng Diyos ay hindi maiiwasan ang damdamin ng dambuhalang alon ng pagkabalisa ng mga tao. Tama nga iyon – madadama ko ito, madadama ninyo ito; lahat ng Kristiyano ay madadama ito.

Kapag ang ganitong damdamin ay hindi maiiwasan; likas lamang sa mga tao na magkaroon ng ganitong malagim na kaguluhan. Gayunman, kasabay nito, ilalagay ng Diyos sa atin ang mga pangangailangan na kakailanganin para makagawa ng madaliang pagsupil ng bawat nakatatakot na isipin at madala ito sa katotohanan ni Cristo. At ang Espiritu niya ay pupunuan ang ating mismong pagkatao ng kanyang lubos na kapayapaan!

Martes, Marso 10, 2009

SINO ANG NAKAISIP NG GANITONG BALAK NG PANANATILING BUHAY

“Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Elias: Umalis ka rito at magtago sa batis ng Carit, sa silangan ng Jordan” (1 Hari 17:2-3).

Habang si Elias ay nakatingin sa parating na kagipitan, ang mga bagay ay nagmukhang wala ng pag-asa para sa kanya. Ngunit ang Diyos ay may tiyak na plano ng pananatiling buhay sa kanyang isipan para sa kanyang tapat na lingkod. Inutusan niya ang propeta, “Pumunta sa silangan ng Jordan at matatagpuan mo ang Carit, isang maliit na batis na umaagos. Makukuha mo ang lahat ng tubig na maiinom na kakailanganin mo mula sa batis na iyon. Dagdag pa, naisaayos ko na ang pagkain na dadalhin sa iyo araw-araw, ng aking tagapagdala na mga uwak!”

Paanong mayroon tao, sa milyong taon, ay makakaisip ng ganitog uri ng pananatiling buhay? Paanong maiisip ni Elias na siya ay papupuntahin sa isang nakatagong batis para makatagpo ng maiinom na tubig, na kung saan ay wala kang makikita kundi puro tuyo kahit saang bahagi ng lupang iyon? Paano niya maiisip na dadalhan siya ng tinapay araw-araw ng mga uwak na siyang kumakain ng kahit anong matikman ng tuka nila?

Sa huli, naging mahirap ang mga oras para kay Elias, sapagkat ang batis ay natuyo na. Ngunit ang Diyos ay muling kumilos, nagbigay sa propeta ng panibagong patutunguhan. Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, “Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang balo na magpapakain sa iyo roon” (t.9). Muli, itinanong ko—paano maiisip ninuman na mayroong isang balo, sa gitna ng kagipitan, ay makapagpapakain ng isang lalaki ng maraming araw, linggo, at mga buwan? Ngunit ang katunayan ay, ginagamit ng Diyos ang pinakahamak, walang kawawaang mga bagay ng sanlibutang ito para sa kanyang kaluwalhatian. Kaya sinabi niya kay Elias, “Kung pupunta ka sa kanya at gagawin ang sinabi ko, mananatili kang buhay. Makinig ka sa akin—sundin mo ang aking mga ipinag-uutos—at makakaligtas ka!”

Ang katunayan ay nakapananaig: Ang Diyos—ang ating tagapayo, manananggol at dalubhasa sa pananatiling buhay—ay mayroong masusing plano para sa bawat isang mga anak niya, para tulungan tayo na harapin ang pinakamahirap na katayuan sa buhay natin!

Lunes, Marso 9, 2009

ISANG DAGDAG NA PAHAYAG

“Kung ang pinagsimulan ay mawawasak, ano ang dapat gawin ng mga makatuwiran?”

Kamakailan ako ay napilitang ipadala ang isang NAPAKAHALAGANG pahayag na nagbababala ng padating na malaking kalamidad --- bagay na makababahala at makapanginginig maging sa mga pinili ng Diyos.

Isng Obispo ang nagtanong, “Wala bang dagdag na pahayag: Paano haharapin ng mga makatuwiran ang ganoong pahayag?”

Masasagot ko lamang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kung ano ang pahayag sa aking puso ng Espiritu Santo at kung ano ang gagawin ko. Ibinahagi ko na ako ay binigyan ng direksiyon na maghanda ng mga pagkain na sapat para sa isang buwan---sapagkat nasaksihan ko ang sindak sa panahon ng terorismo. Iyan ay pansariling pahayag sa bawat-isa.

Ito ang narinig ko na ipinahahayag ng Espiritu Santo sa aking puso tungkol sa aking sariling espirituwal na kasagutan sa padating na kalamidad. Ito ay ang simpleng ito lamang --- MAGPAKATATAG AT TINGNAN ANG KALIGTASAN MULA KAY YAHWEH.

Sumagot si Moises, “Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lamang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan. Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, wala kayong gagawing anuman” (Exodo 14:13-14).

Ito ang anyo ng pananampalataya sa mukha ng kalamidad. Ano ang magagawa ng Israel sa bingit ng Pulang Dagat? Ang hukbo ng Paraoh ay palusob na, mga bundok sa magkabilang panig, at nandoon ang dagat sa harapan. Nagtutumangis sila, “Gumawa ka ng paraan!”

Nagtutumangis sila sa kawalan ng pag-asa. Kaya bang tuyuin ng mga tao ng Diyos ang dagat? Patagin ang bundok? Lumaban sa makapangyarihang hukbo na walang mga sandata? Sila ay nasa kalagayan na kahila-hilakbot, nakasisindak na katayuan. Nanginginig sa takot ang mga tao ng Diyos---at sa sandaling ito ng sindak ay nagmula ang pahayag ng Diyos. May kakanyahan:

“Magpakatatag. Huwag matakot. Ito ang sandali ng kaligtasan. Masasaksihan ninyo ang pagbagsak ng simulain ng isang makapangyarihan sa sanlibutan. Ngunit sa mga sandali ring iyon, ipaglalaban ko kayo. Panghawakan ninyo ang inyong kapayapaan—magpakatatag at tingnan ninyo ang gagawin ko.”

Mga minamahal, ang aking babala ay isang tinig lamang kasama ng marami na nagsasabi ng katulad na mga sinasabi ko. Maaring matakot tayo sa isang panahon, ngunit yaong tunay na nakakakilala sa Diyos ay madaliang aaliwin ng Espiritu Santo. Tayo ay babautismuhan ng isang dakilang kapayapaan—isang sobrenatural na katahimikan—na magiging patotoo sa mga natatakot na nakararami.

Sabado, Marso 7, 2009

ISANG MAHALAGANG MENSAHE

Ako ay pinilit ng Espiritu Santo na ipadala ang mahalagang mensaheng ito sa lahat ng nakatala sa aming talaan ng liham, at sa mga kaibigan at sa mga obispo na nakilala namin sa lahat ng dako ng sanlibutan.

ISANG KALAMIDAD NA GIGIMBAL SA BUONG SANLIBUTAN AY MALAPIT NG MANGYARI.

ITO AY NAKASISINDAK, NA TAYONG LAHAT AY MANGINGINIG SA TAKOT---MAGING ANG MGA MAS HIGIT NA MAKA-DIYOS SA ATING LAHAT.

Sa loob ng sampung taon ako ay nagbabala ng libu-libong sunog na darating sa lunsod ng Nuweba York. Sasalikupin nito ang nagraramihang bahagi ng mga naglalakihang mga gusali, kasama na ang NewJersey at Connecticut. Ang mga mayor na lunsod sa buong Amerika ay makararanas ng mga kaguluhan at mga naglalagablab na mga apoy---katulad ng nakita natin sa Watts, Los Angeles, maraming taon na ang nakakalipas.
Magkakaroon ng mga kaguluhan at mga sunog sa mga lunsod sa buong sanlibutan. Magkakaroon ng mga pamdarambong---kasama na ang iglesya ng Times Square, pati na ang lunsod ng Nuweba York. Ang ating nararanasan sa ngayon ay hindi isang pagbagsak ng ekonomiya, hindi rin isang katamlayan ng kasalukuyang kalagayan. Tayo ay nasa ilalim ng poot ng Diyos. Sa Awit 11 ito ay nakasulat.

“Ano ang magagawa ng mabuting tao, kung pati saligan ng kanyang pag-asa’y gumuho ng ganap, at wala ng saysay?” (t.3).

Hinahatulan ng Diyos ang mga rumaragasang kasalanan ng Amerika at ng mga bansa. Winawasak niya ang mga sekular na pundasyon.

Ang propetang si Jeremias ay nakiusap sa makasalanang Israel, “Kaya nga, sabihin mo sa mga naninirahan sa Juda at sa Jerusalem na may binabalak na ako laban sa kanila. Sabihin mo na tigilan na nila ang makasalanang pamumuhay at magbago na sila. At isasagot nila’y ‘Hindi!’ Lalo pa kaming magmamatigas at magpapakasama” (Jeremias 18:11-12).

Sa Awit 11:6.nagbabala si David, “Yaong masasama’y pinahahatdan n’ya ng bagang maningas—apoy na asupre, upang pahirapan sa matinding alab. Si Yahweh ay tapat” (t.7). Ito ang makatuwirang hatol—katulad ng hatol sa Sodoma at sa salinlahi ni Noah.

ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA MAKATUWIRAN? PAANO NA YAONG TUNGKOL SA MAHALAGANG KAPAYAPAAN NG MGA TAO NG DIYOS?

Una, bibigyan ko kayo ng isang praktikong salita na nanggaling sa aking sariling direksyon. Maghanda sa inyong taguan ng mga kailangang pagkain para sa loob ng 30 araw, mga gamit na pambanyo at iba pang mahahalagang bagay na kinakailangan. Sa mga mayor na lunsod, ang mga tindahan ay naubos ang mga laman sa loob lamang ng isang oras sa senyas pa lamang ng parating na kapahamakan.

At sa aming espirituwal na reaksiyon, mayroon lamang kaming dalawang pagpipilian. Ito ay binalangkas sa Awit 11. “Lumipad ka agad katulad ng ibon tungong kabundukan.” O katulad ng sinabi ni David, “Ang Diyos na si Yahweh ay matatagpuan sa banal na templo. At doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono; at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao” (t.4). “Sa Panginoong Diyos ipinagtiwala yaring kaligtasan” (t.1).

Sasabihin ko sa aking espiritu: Walang dahilan para tumakbo…walang dahilan para magtago. Ito ay makatuwirang gawain ng Diyos. Aking panghahawakan at titingnan ang ating Panginoon sa kanyang trono, sa kanyang mapagmahal na pagtingin, mapagmahal na kabutihan na nakatanaw sa bawat hakbang na aking nilalakaran—nananalig na ililigtas niya ang kanyang mga tao kahit na sa mga baha, sa mga sunog, mga kalamidad, mga pagsusulit at mga pagsubok na lahat ng uri.

Paalala: Hindi ko alam kung kailan ito mangyayari, ngunit alam ko na hindi na magtatagal. Ikinukumpisal ko ang aking espiritu sa inyo. Kayo na ang bahala sa mensaheng ito ayon sa inyong pagkakaunawa.

Pagpalain at ingatan kayo ng Diyos.

Kay Kristo,
DAVID WILKERSON

Biyernes, Marso 6, 2009

ANG MAKILALA ANG AMA

Naniniwala ako na ang ating mga anak ay nakilala ang ating kalikasan at katauhan para sa kanila lalo na sa panahon ng kanilang mga kagipitan. Kapag sila ay nasa gitna ng kirot, pagdurusa at pangangailangan, nakikilala nila ang ating malalim na pangangalaga at pagbibigay para sa kanila. Habang lumalaki ang aking mga anak, hindi ko na kailangan ipaliwanag sa kanila kung sino ako. Hindi ko na kailangan sabihin, “Ako ang inyong ama—ako ay pasensiyoso, mabait, puno ng kahabagan at pag-ibig para sa inyo. Malambot ang puso ko para sa iyo, handang magpatawad sa iyo sa lahat ng pagkakataon.” Katawa-tawa ito para sa akin kung gagawin ko ang ganitong pahayag. Bakit? Natutunan ng mga anak ko ang tungkol sa pagmamahal ko sa kanila sa panahon ng mga karanasan nila sa kanilang mga kagipitan. At ngayon, malalaki na sila at mga may asawa na at mga sarili nang mga anak, ang mga anak kong lalaki at babae ay nakikilala ako sa pamamagitan ng mga bagong karanasan. Higit pa nila akong nakilala sa pamamagitan ng aking pakikitungo at pagkilos para sa kanila sa bagong panahon na ito ng mga pangangailangan sa kanilang mga pamumuhay.

Ganoon din para sa atin, kung paano kilalanin ang ating Amang nasa langit. Mula sa panahon ni Adan hanggang sa krus ni Cristo, binigyan ng Panginoon ang kanyang mga tao ng patuloy na lumalagong pahayag ng kanyang katauhan. Gayunman hindi niya ito ginawa sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala kung sino siya. Hindi niya sinubukan na ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan lamang ng pagpapakilala, “Ang mga sumusunod na pangalan ay nagpapahayag ng kanyang kalikasan. Ngayon, humayo at pag-aralan ito, at matutuklasan mo kung sino ako.”

Ang pakahulugan sa Hebreo (pangalan) ay naglalarawan ng mga nakamamanghang kaluwalhatian at panustos na nakabalot sa pangalan ng ating Panginoon. Gayunman, ipinahayag ng Diyos ang mga aspetong ito ng kanyang kalikasan sa kanyang mga tao sa pamamagitan ng paggawa mismo nito para sa kanila kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili. Nakita niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak, nakita niya ang parating na mga stratehiya ng mga kaaway laban sa kanila, at sobrenatural na namagitan para sa kanila.

Hinihikayat ko kayo na kilalanin ang inyong Amang nasa langit ng dahan-dahan, may katiyakan, sa pamantayan ng puso. Hilingin sa Espiritu Santo na ipaalala sa inyo ang maraming mukha ng makalangit na panustos na ibinigay ng Diyos sa panahon ng inyong pangangailangan. At pagkatapos ay hilingin sa Espiritu na itatag sa inyo ang tunay na may pusong kaalaman ng Ako—ang Diyos na siyang tangi ninyong kailangan, sa lahat ng sandali.

Huwebes, Marso 5, 2009

ANG PINAKADAKILANG PAGSUBOK SA LAHAT

“Itinapat ni Moses ang kanyang tungkod sa ibabaw ng dagat. Magdamag na pinaihip ni Yahweh ang isang malakas na hangin mula sa silangan at nahati ang tubig” (Exodo 14:21).

Sa harapan ng mga taga Israelitas ay isang daan na magdadala sa kanila sa kaligtasan. Sa malubhang kalagayang yaon, nais ng Diyos na tingnan ng kanyang mga tao ang mga pader na iyon at manalig na pipigilan niya ang tubig hanggang sila ay makarating ng ligtas sa kabilang panig. Sa madaling sabi, nais ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magkaroon ng pananalig na nagpapahayag ng, “Siya na nagsimula ng himalang ito para sa atin ay siya ring tatapos nito. Napatunayan na niya sa atin na siya ay tapat.”

“Habang nakatingin tayo sa nakalipas, nakita natin na ang lahat ng ating mga takot ay nasayang lamang. Hindi tayo dapat natakot ng makita natin ang mga taga Egipto na parating. Naglagay ang Diyos ng sobrenatural na pader ng kadiliman para pangalagaan tayo mula sa kanila, at hindi tayo dapat na natakot sa kanilang mga pananakot sa buong magdamag na iyon. Sa buong panahon na iyon, ang Diyos ay nagbigay sa atin ng iluminasyong liwanag, habang ang ating mga kaaway ay binulag ng kadiliman. Atin ding sinayang ang ating mga takot doon sa mga nagngangalit na hangin, samantalang sa habang panahon na iyon ay ginagamit ito ng Diyos para gumawa ng daan ng ating kaligtasan.

“Nakita natin ngayon na hangad lamang ng Diyos na gumawa lamang ng kabutihan para sa atin. Nakita natin ang kanyang kapangyarihan at kaluwalhatian para sa atin. Ngayon ay yari na ang ating mga loob na hindi na mamumuhay sa takot. Hindi na mahalaga sa atin kung ang mga pader ng tubig ay guguho. Mabuhay o mamatay tayo ay sa Panginoon.”

Mayroong dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya sa puntong ito. Sila ay haharap sa isang paglalakbay sa ilang. Magpapakatatag sila sa pagkawala, panganib at pagdurusa. Kaya sinabi niya, “Nais kong malaman ng mga tao ko na kabutihan lamang ang gagawin ko para sa kanila. Ayokong matakot sila na mamatay sa tuwinang sila ay haharap sa panganib. Gusto ko ang mga tao na hindi takot sa kamatayan, sapagkat alam nila na ako ay mapagkakatiwalaan sa lahat ng mga bagay.”

Ang tunay sa sumasamba ay hindi isang sumasayaw kapag napagwagian ang isang tagumpay. Hindi ito ang tao na umaawit mga papuri sa Diyos kapag nagapi ang kalaban. Iyan ang ginawa ng mga Israelitas. Nang hinati ng Diyos ang dagat at sila ay nakarating sa kabilang panig, nag-awitan sila at nagsayawan, pinuri ang Diyos at pinarangalan ang kanyang kadakilaan. Gayunman, pagkatapos ng tatlong araw, itong mga tao ring ito ay mapait na nagbubulungan laban sa Diyos at kay Marah. Sila ay hindi mga sumasamba—sila ay mga mabababaw na taga-sigaw lamang!

Ang tunay na sumasamba ay isang tunay na nananalig sa Diyos sa gitna ng bagyo. Ang pagsamba ng taong ganito ay hindi sa salita lamang, kundi sa uri ng kanyang pamumuhay. Ang kanyang mundo ay may kapahingahan sa lahat ng sandali, sapagkat ang pagtitiwala niya sa katapatan ng Diyos ay hindi kayang yanigin. Hindi siya takot sa hinaharap, sapagkat hindi na siya takot na mamatay.

Nakita ko at ni Gwen ang ganitong uri ng hindi nayayanig na pananampalataya mula sa aming labindalawang-taong apong babae si Tiffany, nakaupo sa tabi ng kanyang higaan sa nalalabi niyang mga araw, napagmasdan namin sa kanya ang kapayapaan na higit pa sa aming pang-unawa. Sinabi niya sa akin, “ Lolo, nais ko nang umuwi. Nakita ko si Jesus, at sinabi niya sa akin na nais niya ako doon. Ayoko na dito.” Nawala na lahat kay Tiffany ang lahat ng takot at pagkawala.

Iyan ang kapahingahan na gusto ng Diyos para sa kanyang mga tao. Ito ang pananalig na nagsasabi na katulad ni Pablo, at katulad ni Tiffany, “Mabuhay o mamatay, ako ay sa Panginoon.” Ito ang uri ng tunay ng sumasamba.

Dumadalangin ako na ang lahat ng bumabasa ng mensaheng ito ay kayang sabihin sa gitna ng kanilang mga kapighatian: “Oo, maaring bumagsak ang ekonomiya. Oo, maaring humaharap pa rin ako sa madilim, na binabagyong magdamag. Ngunit napatunayan na ng Diyos ang kanyang katapatan sa akin. Kahit ano pa ang dumating, magpapahinga ako sa pag-ibig iya sa akin.

Miyerkules, Marso 4, 2009

ANG PAGSISIKAP NG ISANG MANANAMBA

Isinalarawan ng Exodo 14 ang isang di-kapani-paniwalang sandali sa kasaysayan ng Israel. Ang mga Israelitas ay kaaalis lamang ng Egipto sa ilalim ng sobrenatutral na direksyon ng Diyos. Ngayon sila’y nagngangalit na tinutugis ng hukbo ng Paraoh. Ang mga Israelitas ay dinala sa isang lambak na napalilibutan sa magkabilang bahagi ng matatarik na bundok, at sa kanilang harapan ay dagat. Hindi pa nila alam, ngunit ang mga taong ito makararanas ng pinakamadilim, binabagyong gabi ng kanilang mga espiritu. Humaharap sila sa isang nakapagdurusang gabi at pagkasindak at kawalan ng pag-asa na susubok sa kanilang natitirang kakayahan.

Naniniwala ako na ang talatang ito ay may kinalaman sa lahat sa kung paano ginagawa ng Diyos ang kanyang mga tao na maging mga mananamba. Katunayan, walang anumang kabanata sa BIbliya ang naglarawan nito ng ganito kahalaga. Nakita mo, ang mga mananamba ay hindi nabuo sa panahon ng pagmumuling buhay, sa mabuti, maaraw na panahon, o panahon ng tagumpay o kalusugan. Ang mga mananamba ng Diyos ay nabuo sa panahon ng binabagyong mga gabi. At kung paano natin hinarap ang mga bagyo ang siyang tangi lamang na makapagpapasiya kung anong uri tayo ng mananamba.

Ang Hebreo 11 ang nagbigay sa atin ng imahe ni Jacob sa kanyang katandaan: “Dahil sa pananalig sa Diyos, iginawad ni Jacob ang pagpapala sa dalawang anak ni Jose bago siya namatay. At humawak siya sa puno ng kanyang tungkod at sumamba sa Diyos” (Hebreo 11:21). Bakit ito inilarawan ni Jacob sa ganitong paraan sa kanyang mga huling araw?

Alam ni Jacob na malapit na siyang mamatay. Kaya nakita natin siya na nagbibigay ng kanyang pagpapala sa kanyang mga apo. Kaya, ano ang ginawa ni Jacob habang tinitingnan niya ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay? Siya ay dinala sa pagsamba. Walang isa mang salita ang sinabi ng lalaking ito. Gayunman, habang nakahawak sa kanyang tungkod, nagmumuni sa mga ibinigay sa kanya ng Diyos, “Siya’y sumamba.”

Sumamba si Jacob sa Diyos sa mga sandaling ito sapagkat ang kanyang espiritu ay may kapahingahan. Napatunayan niya sa Diyos ang kanyang katapatan higit sa anumang anino ng pagdududa. At ngayon nagpasiya ang matandang ito, “Hindi naging mahalaga anumang pakikipaglaban ang pinagdaanan ko. Pinatunayan ng Diyos ang katapatan niya sa akin. Lagi siyang matapat. O Panginoon, Makapangyarihang Diyos, sinasamba kita!”

Lunes, Marso 2, 2009

HUWAG MATAKOT SA KAUNTING PAGDURUSA

Ang muling-pagkabuhay ni Cristo ay nasundan ng maiksing panahon ng pagdurusa. Tayo ay namatay! Tayo ay nagdurusa! Mayroong kirot at kalungkutan.

Ayaw nating magdusa o masaktan. Ang gusto natin ay kaligtasang walang pagdurusa, sa sobrenatural na pamamagitan. “Gawin mo ito, o Diyos,” sapagkat ako ay mahina at palaging mahina. Gawin mong lahat ito habang ako ay patuloy sa aking gawi, naghihintay sa sobrenatural na kaligtasan.”

Maari nating ibintang ang ating mga kaguluhan sa diyablo. Naghahanap tayo ng tao ng Diyos at umaasa na mapapaalis niya ang diyablo para makapagpatuloy tayo sa ating gawi na walang kirot at pagdurusa. Gawa na lahat! Madaling nalampasan ang mga ito patungo sa mapayapang buhay ng tagumpay. Nais nating mayroong magpatong ng kamay sa atin at paalisin lahat ang pagkatuyot. Ngunit ang tagumpay ay hindi laging walang kasamang pagdurusa at kirot. Tingnan mo ang iyong kasalanan. Harapin mo ito. Pagdusahan mo ito, katulad ni Jesus. Pumasok ka sa kanyang pagdurusa. Kayanin ang pagdurusa sa isang gabi, ngunit ang kagalakan ay laging kasunod sa umaga.

Ang pag-ibig ng Diyos ay nangangailangan ng pagpili. Kung sobrenatural na iniangat tayo sa bawat pakikipaglabn ng walang kirot o pagdurusa, pipigilan nito ang lahat ng mga pagsubok at lahat ng tukso; hindi na magkakaroon ng malayang pagpili at walang pagsubok sa apoy. Ito ay Diyos na pinangingibabawan ang kanyang mga kalooban para sa sangkatauhan. Pipiliin niyang makipagharap sa atin sa ating pagkatuyot at ipakikita sa atin kung paano ito magiging daan sa panibagong buhay ng pananamapalataya.

Ito ang palagiang kalooban ng Diyos na tayo ay magdusa sa pagkatuyot at maging sa kirot. “Kaya’t pati ang mga nagbabata ng hirap ayon sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Maykapal na laging tapat sa kanyang pangako. Itinalaga nila sa kanya ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti” (1 Pedro 4:19).

Salamat sa Diyos, ang pagdurusa ay laging sa maikling panahon bago sa huling tagumpay! “Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan at isang saligang matibay at di matitinag” (1 Pedro 5:10).