Tayo na nakaaalam ng katuwiran ni Cristo ay hindi mamumuhay katulad noong mga nawalan ng pag-asa. Tayo ay pinagpala sa magkasamang pag-ibig at takot sa Diyos. At ang kanyang kalooban para sa atin sa pinakamadilim, sa pinaka-nakakikilabot na panahon ay makamit natin ang kagalakan at kaluguran niya. Kahit na nakikita natin na ang paghuhusga ay naglalaglagan sa paligid natin, tayo ay aawit, sisigaw at magbubunyi—hindi dahil sa ang paghuhusga ay dumating kundi hindi dahil dito.
Ang Isaias 51:11 ay nagsimula sa salitang Samakatuwid, nangangahulugan na “Sa paliwanag ng kasasabi ko pa lamang.” Ano ang kasasabi pa lamang ng Diyos dito? Ipinaalala niya sa kanyang mga tao, “Ikaw rin ang tumuyo sa dagat at nagpalitaw ng daan sa gitna ng tubig, kaya nakatawid ng maayos ang bayang iyong iniligtas” (Isaias 51:10), nangangahulugan na, “Ako pa rin si Yahweh, ang Luma ng mga Araw, ang taga-gawa ng mga himala. At ang aking mga bisig ay malakas pa rin para iligtas kayo.”
Kaya, ano ang nais ng Diyos na malaman nila sa paliwanag ng katotohanang ito Sinabi niya ito sa isang talata lamang, Isaias 51:11:
- “Samakatuwid ang mga tinubos ng Panginoon ay muling babalik, at darating na umaawit para kay Zion.” Sa ibang salita: magkakaroon ako ng mga tao na babalik sa akin na may pagtitiwala, pananampalataya at pananalig. Inalis nila ang kanilang pagtingin sa kung anuman ang kalalagayan na nakapaligid sa kanila. At muli nilang makakamit ang kanilang awit ng kagalakan.”
- “Walang katapusang kagalakan ay mapapasakanila.” Ang kagalakan na mararanasan ng mga tao ng Diyos ay hindi lamang para isang umaga ng Linggo, isang linggo o isang buwan. Mananatili ito ng mga taon, sa gitna ng kahirapan, maging hanggang sa katapusan.
“Makakamit nila ang kagalakan at kaluguran.” Ang Diyos ay titingin sa mga panahon at sinabi,
- “Magkakaroon ako ng mga tao na magkakamit ng kagalakan, kukunin ito, panghahawakan ito. Iingatan nila ito, at ito ay magiging kanila.”
- “Ang pighati at pagdadalamhati ay lalayo.” Hindi ito nangangahulugan na ang ating mga pagdurusa ay matatapos na. Nangangahulugan ito na ang ating pananalig sa Diyos ay maglalagay sa atin sa ibabaw ng bawat kirot at pagsubok. Ang mga bagay na ito ay hindi tayo mananakawan ng ating kagalakan at kaluguran kay Cristo.