Miyerkules, Marso 18, 2009

ANG BAGONG TEMPLO NG SASERDOTE

Basahin ng maingat ang Ezekiel 44:15-16. Ang Hebreong pangalan na Zadok ay nangangahulugan ng “tama o matuwid.” Pinatutungkulan ni Exekiel dito ang isang lalaki na nagngangalang Zadok na nagsilbing saserdote sa pamunuan ni David. Ang matuwid na lalaking ito ay hindi nag-alinlangan sa kanyang katapatan kay David o sa Panginoon. Nanindigan siya katabi ng hari at sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, sa anumang hirap o kaluwagan. Si Zadok ay laging nanatiling tapat kay David, sapagkat alam niya na ang hari ay pinili ng Diyos.

Sapagkat si Zadok ay nanatiling tapat sa lahat ng bagay, kumatawan siya sa isang ministeryo na kilala sa katapatan nito sa Panginoon. Katunayan, si Zadok ay isang nangungunang halimbawa ng isang tunay na ministro ng Diyos—nakahiwalay mula sa sanlibutang ito, nagkukulong kasama ang Panginoon, palagiang nakaririnig mula sa langit. Ang ganitong ministro ay kinikilala ang kanyang nangungunang gawain bilang mananalangin: hinahanap ang Diyos araw-araw, patuloy na nakikipag-isa sa Espiritu Santo at nagmiministeryo kay Jesus.

Ang mga saserdote ng bagong templo ay tapat na tumayo sa harapan ng Panginoon bago pa sila tumayo sa harap ng konggregasyon. Gumugugol sila ng mahahalagang sandali sa presensiya ng Panginoon, hanggang sila ay mapuno ng mensahe na nag-aapoy sa kanilang mga espiritu. At kapag sila ay lumitaw mula sa presensiya ng Diyos, kaya nilang mangusap ng tuwiran sa puso ng mga tao. Ang kanilang mensahe ay makararating kung saan man nakatira ang mga tupa, sapagkat ito ay nanggaling ng tuwiran mula sa trono ng Diyos.

Sinabi ng Panginoon ang tungkol sa pagkasaserdote ni Zadok, “Ang mga ministrong ito ay papasok sa aking santuwaryo at tatayo sa harap ko. Lalapit sila sa aking mesa at magmiministeryo sa akin. At iingatan nila ang aking kahalagahan.”

Sa bago, huling mga araw ng santuwaryo, alam ng mga saserdote ng santuwaryo na ang kanilang nasa gitnang gawain ay ang magministeryo sa Panginoon. Ang ministeryo ay kinabibilangan ng bawat mangingibig ni Jesus na nagnanais na maglakad sa katuwiran. Katunayan, nakita natin ang “saserdote ng mga mananampalataya” ay umaalingawngaw sa kabuuan ng aklat ng Bagong Tipan. Sinabi sa atin ni Juan, “Ginawa niya tayong isang liping maharlika upang maglingkod sa Diyos at kanyang Ama bilang saserdote” (Pahayag 1:6). Isinulat ni Pedro, “Wari’y mga batong buhay, maging sangkap kayo ng isang templong espirituwal. At bilang saserdoteng nakatalaga sa Diyos, maghandog kayo sa kanya ng mga haing espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos dahil kay Jesu-Cristo” (1 Pedro 2:5).

Maaring wala kang katibayan ng pagmiministeryo mula anumang iglesya. Maaring hindi ka nanggaling sa seminaryo. Maaring hindi ka nakapangaral ng sermon. Ngunit ikaw ay katulad din na tinawag at inordina na maglingkod sa pagkasaserdote ni Zadok na katulad ng mga higit na kilalang mangangaral at ebanghelista. Ang parehong Tipan ay punung-puno na niliwanag: Ang bawat isa sa atin ay hahawak ng tanggapan ng saserdote at gaganap sa mga tungkulin ng saserdote.

Kaya, ikaw ay nagtataka, paano mo ito gagampanan? Gagampanan mo ito sa pamamagitan ng pagmiministeryo unang-una para sa Panginoon. Mag-aalay ka ng mga sakripisyo para sa kanya—sakripisyo ng pagpupuri, ng paglilingkod, ipagkakaloob mo lahat ang iyong puso, espiritu, isipan at lakas. Tinawag ka niya para mabilang sa kanyang makaharing pagkasaserdote. Kung ganon, ikaw ay magmiminsteryo sa iba pagkatapos lamang na ikaw ay nakapagministeryo na sa kanya. Ito ay nangangahulugan na hindi ka magpapakita sa tahanan ng Diyos sa bawat linggo na walang-laman at tuyot, umaasa na may mga mensahe mula sa mga mangangaral na pag-aapuyin ka. Hindi, kailangang darating kang handa na magministeryo sa Panginoon na may dalang puso ng pagpupuri.