Sinabi ni Pablo: “Pakinabang ang kamatayan” (Filipos 1:21). Ang ganitong usapan ay ganap na banyaga sa ating makabagong espirituwal na pananalita. Tayo ay naging parang mananamba ng buhay, na kaunti lamang ang pagnanais na umalis para makasama ang Panginoon.
Sinabi ni Pablo, “Sa dalawang hangarin. Ang ibig ko’y pumanaw na sa buhay na ito upang makapiling ni Cristo, yamang ito ang lalong mabuti para sa akin” (Filipos 1:23). Gayunman, para sa kapakanan na turuan ang mga nagbago, naisip niyang mabuti pang “manatiling nakatago.” O, sa pagkakalagay niya, “mamuhay sa laman.”
Hindi ba nakapangingilabot si Pablo? Mayroon ba siyang hindi malusog na pagkapit sa kamatayan? Nagpakita ba si Pablo ng kawalan ng paggalang sa buhay na ipinagpala sa kanya ng Diyos? Hindi! Ipinamuhay ni Pablo ang buhay ng sagaran. Para sa kanya, ang buhay ay isang handog, at ginamit niya ito ng maayos upang makipaglaban ng isang mabuting pakikipaglaban. Napagtagumpayan niya ang takot ng “sundot ng kamatayan” at masasabi na niya ngayon, “Mabuti pang pumanaw na upang makapiling si Cristo kaysa mabuhay sa laman.”
Yaong mga pumanaw sa Panginoon ang mga nagwagi; tayong mga natira ay mga talunan. Hindi kamatayan ang ganap na lunas: ito ay ang muling-pagkabuhay! Kamatayan ang daan, at minsan ang daang iyan ay masakit. Gaano man kabigat ang sakit at pagdurusa ang danasin ng mga katawang ito, hindi ito karapat-dapat na ihambing sa di-maipaliwanag na kaluwalhatian na naghihintay doon sa mga nagtiis sa paraang ito. Anumang mensahe tungkol sa kamatayan ay bumabagabag sa atin. Sinusubukan natin na balewalain maging isipin man lamang ito. Naghihinala tayo na yaong mga nagpapahayag tungkol dito ay nakapangingilabot. Paminsan-minsan napag-uusapan natin ano kaya ang katulad ng langit, ngunit kadalasan ang paksa tungkol sa kamatayan ay bawal.
Ang laki ng pagkakaiba ng mga naunang Kristiyano! Madalas mangusap si Pablo tungkol sa kamatayan. Katunayan, ang muling-pagkabuhay natin mula sa kamatayan ay binanggit sa bagong Tipan bilang ating “pinagpalang pag-asa.” Ngunit sa panahon ngayon, ang kamatayan ay ibinilang na nanghihimasok at humahadlang sa ating magandang pamumuhay na nakasanayan na natin. Lubos na ginugulo natin ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng mga materyal na bagay na dahilan para tayo ay malagay sa kaburakan ng buhay. Nabitag tayo ng materyalismo ng sanlibutan. Hindi natin matanggap ang isipin na iiwan natin ang ating magandang bahay, magagandang gamit, ang ating malalambing na minamahal. Iniisip lamang natin, “ang mamatay ngayon ay isang malaking kawalan. Iniibig ko ang Panginoon, ngunit kailangan ko ng panahon para matamasa ko ang aking mga ari-arian. Ako’y may asawa. Mayroon pa akong kailangang patunayan. Kailangan ko pa ng mahabang panahon.”
Napansin mo ba halos walang usapan, sa mga panahon ngayon, tungkol sa langit o tungkol sa paglisan dito sa lumang sanlibutan? Sa halip, tayo ay binobomba ng mga pahayag kung paano magagamit ang ating pananampalataya para higit pang magkaroon ng maramimg pag-aari. Isang napakaliit na kaisipan ng walang-hanggang layunin ng Diyos. Hindi kataka-taka maraming Kristiyano ay takot sa usaping kamatayan. Ang katotohanan ay, malayo pa tayo sa pang-unawa sa tawag ni Cristo para talikdan ang sanlibutan at lahat ng pagkakabuhul-buhol nito. Tinatawag niya tayo upang mamatay, ang mamatay ng hindi nagtatayo ng mga memoryal para sa ating mga sarili, ang mamatay na hindi nag-aalala kung paano tayo maaalala pag tayo ay wala na. Si Jesus ay hindi nag-iwan ng sariling-talambuhay, maraming bahagi ng himpilan, walang unibersidad o kolehiyo ng Bibliya. Wala siyang iniwan para mapanatili ang kanyang alaala, maliban sa tinapay at alak.