Biyernes, Mayo 29, 2009

PAGBATI SA MAHAL NA PANGALAN NG ATING PANGINOONG JESUS

Ang mga sumunod na salita ay ibinigay sa akin mula sa Espiritu Santo. Ito ay para doon sa mga nangangailangan ng kasagutan sa panalangin, doon sa mga nangangailangan ng tulong sa sandali ng kaguluhan, at doon sa mga handa at payag na galawin ang puso ng Diyos ayon sa kanyang Salita:

 

  1. Panghawakan ang ipinagkasundong pangako sa Awit 46:1: “Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Ang pariralang “nakahanda” ay nangangahulugan ng palagiang nakahanda, madaliang maaabot. Ang pananampalataya ay kailangang mamahinga sa katiyakan na ang Espiritu ng Diyos ay namumuhay sa iyo sa lahat ng oras ng araw at gabi, ng patuloy. At dahil siya ay nananahan sa iyo, nakikinig siya sa bawat pananalangin mo sa isipan at mga daing. Alam natin na kapag nadinig tayo, ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan. Katunayan, uugain ng Espiritu Santo ang langit at lupa para sa kaninumang anak ng Diyos na nagbibigay ng panahon na magbuhos ng kanyang puso sa Ama na hindi nagmamadali sa kanyang presensiya.

  1. Basahin at manalig sa Awit 62:5-7. Ito ang dalangin ni David na humipo sa puso ng Diyos. Sinabi ni David, na may kakanyahan, “Tanging sa Diyos lamang ako umaasa; ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang Tagapagligtas, ‘Tagapagtanggol ko at aking kalasag. Akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang kaligtasan ko’t aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang; malakas ko siyang tagapagsanggalang, matibay na moog na aking kanlungan”.

Kapag ikaw ay lubusang umaasa sa Panginoon lamang – kapag huminto kang tumingin sa tao para sa tulong, at magtiwala sa Diyos para sa sobrenatural – walang anuman ang makauuga sa iyo. Walang anumang makauuga sa iyo sa kawalan ng pag-asa. Ipinahayag ni David, “Tanging siya lamang ang Tagapagligtas” (Awit 62:6).

 

3.         Narito ang puso ng lahat ng ito, ang lihim sa umiiral  na dalangin na natutunan ng bawat banal sa kabuuan ng kasaysayan: “ANG PAGBUBUHOS NG PUSO SA HARAPAN NG DIYOS. “Magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasanin na ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8). Si Ana ay ang ating halimbawa. Wala ng pag-asang magkaanak, “ibinuhos” niya ang kaluluwa niya sa Panginoon. At, sinabi ng Kasulatan, “Magkatotoo po sana ang inyong magandang hangarin para sa akin” (1 Samuel 1:18).

 

Maririnig ng Diyos at sasagutin ka niya kapag nakita niya na ikaw ay pumayag na isara ang tinig ng sanlibutan sa isang panahon. Idaing ang laman ng iyong puso, ibuhos ang iyong kaluluwa sa harapan niya, at magtiwala na sasagot siya. Dumating na ang panahon para sa pagkabali sa harapan ng Panginoon, para sa pananampalataya na isinilang sa pamamagitan ng pagsisisi. Sundin ang mga pamamaraan ng Kasulatan, at maririnig at sasagot ang Diyos.

Huwebes, Mayo 28, 2009

SI CRISTO AY NAGHAHARI!

Madalas ang mga tao ay sumusulat sa amin nagsasabi na, “Wala akong makausap na iba, walang mabahagian ng aking dalahin. Walang sinuman ang may panahon para makinig sa aking mga daing. Kailangan ko ng kasama na maari kong pagbuhusan ng laman ng puso ko.”

 

Si Haring David ay napaliligiran ng mga tao. Siya ay may asawa na may malaking pamilya, at maraming kasamahan sa kanyang tabi. Gayunman, nadidinig din natin ang katulad na hinaing maging kay David: “Kanino ako pupunta?” Ito ay nasa ating mismong kalikasan na hanapin ang isang tao, na may mukha, mata at tainga na makikinig sa atin at magpapayo sa atin.

 

Nang si Job ay napangibabawan ng kanyang mga pagsubok, tumangis siyang may kalungkutan: “Paniwalaan sana ang aking sinasabi, pagkat ito ay totoo, pawang walang pasubali, Diyos na rin ang makapagsasabi kung ang bintang ng kaaway ay isa-isang isusulat” (Job 31:35). Binigkas niya ang mga daing na ito habang nakaupo sa harap na sinasabing mga kaibigan niya. Gayunman ang mga kaibigang iyon ay walang simpatiya sa pagdurusa ni Job. Sa halip, sila ay tagapagdala ng kawalan ng pag-asa.

 

Sa kanyang kalungkutan, si Job ay sa Panginoon lamang tumingin: “Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, na siyang magsasabi na tunay akong mabuti…Sa Diyos ko na idudulog itong aking katayuan” (Job 16:19-20). Sa Awit, hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na ganoon din ang gawin: “Sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8) isinulat din ni David sa Awit 142:

 

Ako ay humingi ng tulong sa Diyos, ako ay dumaing, sa kanya’y lumuhog; ang aking dinala’y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko’y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya. Sa landas ng aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako’y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako’y dumalangin; pagkat siya lamang ang lunas sa akin” (142:1-5) 

 

Naniniwala ako na sa aking puso ang mensaheng ito ay isang paanyaya sa iyo mula sa Espiritu Santo na humanap ng isang pansariling lugar na kung saan ay maari mong ibuhos ang iyong kaluluwa sa Panginoon. Ibinuhos ni David ang kanyang reklamo at ikaw man ay ganon din. Maari kang makipag-usap kay Jesus tungkol sa kahit anong bagay – ang iyong mga suliranin, ang iyong pangkasalukuyang pagsubok, ang iyong pananalapi, ang iyong kalusugan – at sabihin sa kanya kung gaano ka nadadaig, maging kung gaano ka nawawalan ng pag-asa. Maririnig ka niya na may pagmamahal at habag, at hindi niya babale-walain ang iyong mga daing.

 

Sinagot ng Diyos si David. Sinagot niya si Job. At sa daan-daang taon sinagot niya ang daing ng mga puso ng lahat na nagtitiwala sa kanyang mga pangako. Kahalintulad, ipinangakao niya na diringgin ka niya at gagabayan ka. Katunayan, ipinangako niya sa pamamagitan ng pagsumpa na magiging lakas mo. Magtungo sa kanya, at ikaw ay lalabas na napagbago.

Miyerkules, Mayo 27, 2009

ANG DIYOS AY TAPAT SA LAHAT NG PANAHON

Si Gwen at ako ay nakipag-usap kamakailan sa isang makadiyos na babae na narating na ang pinakadulo ng kanyang pagtitiis. Ang pamilya ng babaeng ito ay nakita na ang di-kapani-paniwalang pagdurusa. Gumigising siya bawat araw na may maitim na ulap ng kirot na nakasabit sa kanyang tahanan. Gumugol siya ng maraming oras sa pananalangin at tumatawag sa Panginoon para humingi ng tulong, at ang kanyang mga kaibigan ay tumayong kasama siya sa kanyang pamamagitan.

 

Ngunit bawat buwan na dumaan, ang mga bagay ay walang pagbabago. At nang makakita siya ng munting pag-asa, ang mga bagay ay nabalik sa dati, at ang lahat ay lumala. Nakikinig siya sa mensahe o nagbabasa ng mga bagay na maaring magbigay inspirasyon sa kanyang pananampalataya, at sinubukan niyang magpatuloy. Ngunit ngayon siya ay lubusan nang napagod. Lagi siyang umiiyak. Halos din na siya makatulog. Siya ay malayo sa pagtatanong bakit mayroong mga bagay na mistulang wala ng katapusan ang pagdurusa at kirot. Ngayon siya ay mistula na lamang umaasa na makakita ng munting liwanag sa dulo ng madilim na yungib ng kalungkutan.

 

Sinabi niya sa amin, “Narating ko na ang lugar na kung saan ay nadama ko na ang karapatan na maari na akong sumuko. Nagawa ko na ang lahat nang hiningi ng Diyos. Nanalig ako, hinanap ko siya, naging tapat ako sa iglesya at sa pagbabasa ng kanyang Salita. Gayunman, wala pa rin akong nakitang kagaanan. Nadama kong nag-iisa ako at wala ng pag-asa, nalulumbay. Wala na akong pakiramdam dahilan sa patuloy na hindi nawawalang isipin na lalo lamang lumalala kahit na ako ay nagsusumikap na sumunod. Ngayon kailangan kong paglabanan ang pag-iisip na ito: ‘May karapatan akong madama ang ganito sapagkat hindi ko makita ang katapusan sa aking paghihirap.’”

 

Masigasig kaming nananalangin para sa kanya at sa kanyang pamilya. Naniniwala kami na hindi siya susuko sa pakikipaglaban at ang Panginoon ay magpapadala ng tulong sa kanya at magpapalakas loob sa kanya. Ngunit ang sinabi niya tungkol sa kanyang kawalan ng pag-asa ay tunay na humipo ng isang bagay sa loob ng aking kaluluwa. Maraming mananampalataya ay dumating sa katulad na kalagayan ng kawalan ng pag-asa, at sa kalungkutan sila man ay tumangis, “Mayroon akong karapatan na huminto na sa pakikipaglaban. Mayroon akong karapatan na magalit. Mayroon akong karapatan na tanungin ang Diyos. Kailangan niya sasagutin ang aking daing? Pinabayaan na ba ako ng Panginoon?”

 

Sa kawalan ng pag-asa ni Job, tumangis siya, “Sa magkabi-kabila , ako’y kanyang hinampas, parang kahoy na binunot at iniwang nakabagsak, galit niya ay matindi, ang poot ay nag-aalab; sa akin ang turing niya ay kaaway, isang sukab” (Job 19:10-11). Idinagdag ni Job: “Hinarangan ang landas ko, hindi ako makaraan; binalot ng kadiliman ang landas kong lalakaran” (19:8).

 

Ang mga ito ba’y kilala ninyo? Ito ba’y katulad ng pakikipaglaban ninyo? Ito ba’y ang paghihirap ng taong kilala ninyo? Minamahal, ang Diyos ay mahabagin. Hindi siya tatalikod sa  inyo mula sa inyong pagsubok. Hindi niya ito panghahawakan laban sa inyo dahilan sa inyong pagpapahayag ng inyong isipan kapag ikaw ay bagsak na at nasasaktan. Si Job ay nakalabas sa kanyang pagsubok sa lugar ng pag-asa, kaya’t ikaw man ay ganoon din.

 

 “Sa dakong silangan, hindi siya matagpuan; wala rin siya sa gawing kanluran. Di ko rin makita sa dakong hilagaan, sa bandang timog, wala ni bakas man. Ngunit batid ng Diyos ang aking bawat hakbang; kahit na subukin n’ya, ako’y parang gintong lantay” (Job 23:8-10). 

Martes, Mayo 26, 2009

NAWA’Y MAGLIWANAG SA INYO ANG PAG-IBIG NG DIYOS

Ang mga salita ni Jesus ay sumagi sa aking kaluluwa: “Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramitin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6:31-32).

 

Nagbabala si Jesus tungkol sa hilig ng makasalanan na mabagabag. Sinabi niya sa atin na ang pagkabalisa – tungkol sa ating mga trabaho, sa ating pamilya, sa ating kinabukasan, sa ating pananatili – ay pamamaraan ng makasalanan. Ito ay ang saloobin ng mga walang Amang nasa langit. Hindi nila kilala ang Diyos sa paraan na nais niya na makilala siya: isang mapangalaga, nagbibigay, nagmamahal na Amang nasa langit. Sa lahat ng naniniwala, hindi sapat na makilala lamang ang Diyos bilang isang Pinakamakapangyarihan, ang Lumikha, ang Panginoon ng lahat. Nais niya ring makilala natin siya bilang Amang nasa langit. “Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (talata 32).

 

 “Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas” (talata 34). Sa pamamagitan ng simpleng mga salitang ito, iniutos ni Jesus sa atin: “Huwag isipin, sa isang pagkabalisa sa kung ano ang maaring mangyari o hindi mangyayari sa kinabukasan. Hindi mo maaring baguhin ang anuman. At hindi ka makatutulong sa anuman sa pamamagitan ng pagkabalisa. Kapag nabalisa ka, ginagawa mo lamang kung ano ang ginagawa ng makasalanan.

 

At pagkatapos ay sinabi ni Jesus, “Ngunit pagsumikapan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat nang kailangan ninyo” (talata 33). Sa ibang salita, kailangang magpatuloy tayong umiibig kay Jesus. Kailangang magpatuloy tayo, ibigay ang lahat ng ating dalahin sa kanya. At tayo ay mamahinga sa kanyang katapatan. Ang ating Amang nasa langit ay titiyaking tayo ay matutustusan sa lahat ng ating mga pangangailangan sa buhay.

 

Iniisip ko kung ang mga anghel ay nalilito sa lahat ng pagkabalisa at pagkabagabag noong mga umaangkin na nagtitiwala sa Panginoon. Doon sa mga makalangit na nilikha, maaring ito ay nakaiinsulto sa Diyos na tayo ay mabalisa na para bang wala tayong Amang mapagmahal na nasa langit. Isang nakagugulong katanungan na maaring tanungin ng mga anghel sa kanilang sarili:

 

 “Hindi ba sila naniniwala sa Isa na umiibig sa kanila? Hindi ba niya sinabi na alam niya ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi ba nila alam na ipinadala tayo ng Ama para siyang mangalaga sa kanila sa panahon ng panganib? Hindi ba sila naniniwala na siya na nagpapakain sa mga ibon , sa mga isda, sa buong kaharian ng mga hayop ay magpapakain at magdadamit sa kanila? Paano pa silang mababalisa kung alam nilang nasa Diyos ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng kayamanan, at kayang ibigay ang pangangailangan sa lahat ng nilikha? Paano pa nilang maakusahan ang kanilang Amang nasa langit ng pagpapabaya, na para bang hindi siya tapat sa kanyang Salita?

 

Umaawit ang mga ibon, habang tayo ay nagrereklamo at nagpapahayag ng takot at pagkabalisa. Ang mga bulaklak ng bukid ay mataas na nakatayo sa kanilang kaluwalhatian, habang tayo ay nalalanta  at yumuyuko sa harap ng mahinang hangin ng masamang kapalaran. Ang sumunod na tula ay inilagay itong maiksi:

 

Sinumbatan sila ng mga ibon

sa  pamamagitan ng kanilang masasayang awitin;

ang mga bulaklak  ay nagturo sa kanya na ang mabalisa ay mali.  

           Isipin kung gaano siya nangangalaga,

o minamahal na anak, para sa ‘yo.” 

”Huwag matakot,” bulong ng bulaklak; “mula noon siya ay inihanay.

ang  margarita. Paano pa silang matatakot?”

At huwag maguluhan, hanggang ang gulo ay guluhin ka.

Dadalawahin mo lang ang gulo, at guguluhin din ang iba.

  

Tiyak na may Ama kang nasa langit. Magtiwala sa kanya! 

Lunes, Mayo 25, 2009

HINDI KAILANMAN TAYO BINIGO NG DIYOS

Anuman ang mangyari sa ekonomiya, anumang ang kagipitang ating hinaharap, anuman ang kalungkutan o kaguluhan ang dumating sa atin – ANG ATING PINAGPALANG PANGINOON ANG NANGUNGUNA AT NANGANGALAGA SA ATIN SA BAWAT HAKBANG.

 

Itinatwa din sa huli ng Diyos yaong kanyang iniligtas palabas ng Egipto, sapagkat sila ay nagduda at nilimitahan siya pagkatapos na sila ay palayawin sa kanyang mapagmahal na mga kamay. Hindi ito mistula lamang na nais ng Diyos na tayo ay magtiwala sa kanya sa panahon ng kagipitan – ipinag-uutos niya ito. Ito ang dahilan kung bakit ang Kasulatan ay matatag na nagbabala sa atin laban sa kawalan nang paniniwala. Sinabihan tayo na ipinagdadalamhati ng Panginoon at isinasara sa atin ang bawat pagpapala at mabuting gawa na kanyang ipinangako. Ang ating kawalan ng paniniwala ay “binale-wala” ang bawat pangako.

 

Para sa amin sa lunsod ng Nuweba York, hindi ito isang patay na teolohiya. Kailangang ipamuhay namin ang aming ipinangangaral para manatili sa bawat araw. Kung hindi kami lubusang nagtitiwala sa mga pangako ng Panginoon at umasa kay Jesus sa lahat ng nasa amin, kami ay maninigas sa takot at pagkasindak. Ang mga kalsada dito ay parang lugar ng digmaan; ang mga tao ay nabubuhay sa patuloy na takot at panganib, at ang mga istambay ay pinapatay kaliwa’t kanan. Ang halaga para mangalaga para doon sa aming pinagmiministeryuhan ay lubhang mabigat, at ang pangangailangan ng mga nagigipit na mga tao ay lubhang napakalaki. KUNG HINDI KAMI MAMAMAHINGA SA MATATAG NA MGA PANGAKO NG DIYOS, KAMI AY MADADAIG.

 

Ngunit hindi kami nadadaig – hindi kami natatakot. Habang lalong dumadami at lumalala ang mga suliranin, lumalago kaming malakas sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Biyernes, Mayo 22, 2009

NAWA’Y BIGYAN KAYO NG DIYOS NG KAPAYAPAAN AT KAPAHINGAHAN SA INYONG PUSO

Naniniwala ako sa mga himala! 

 

Mayroong isang ina sa aming iglesya na kasapi sa koro na nananalangin para sa kanyang anak sa maraming taon na. Nahulog siya sa kasalanan bilang isang kabataan. Nanalangin siya, “Diyos ko, anuman ang dapat mangyari iligtas mo siya.” Sa halip na lumapit kay Cristo, siya’y naging isang Muslim. Sa sumunod na pitong taon, ibinaon niya ang sarili niya sa maladimonyong doktrina. Ngunit ang ina niya ay patuloy na nananalangin. Dinala ng Islam ang bata sa malalim na pagkalumbay. Sa kanyang di-kapani-paniwalang kalumbayan, tumalon siya mula sa ika-anim na palapag ng gusali, umasang mamatay siya. Sa halip, bumagsak siya sa kanyang mga paa, nadurog ang maraming buto – at siya’y nabuhay. Noong nagdaang Linggo, lumakad siyang pilay patungo sa aming entablado at sinabi kung paanong mahimalang iniligtas siya ni Cristo. Ang kanyang ina ay nakaupo sa koro, pinupuri ang Diyos at inaalala ang marami niyang taon ng maraming luha at oras sa pananalangin. Nadinig ng Diyos ang kanyang tangis.

 

Salamat sa Diyos para sa mga himala sa araw na ito!

 

Isang nakababatang lalaki sa aming iglesya ay nangusap ng tungkol sa isang panalangin na gagamitin siya ng Diyos sa kanyang paaralan, na nandoon sa malapit sa Ground Zero at sa ginibang Kambal na Gusali. Siya at isang kaibigan ay nagsimulang tumayo sa labas ng paaralan araw-araw, malakas na nananalangin. Mayroong mga nangutya sa kanila, ngunit may ibang sumama sa kanila. Nagbigay daan ito sa paaralan at pinayagan silang magdaos ng pag-aaral ng Bibliya sa paaralan. Ang nakababatang lalaki ay labis na nagalak, at ngayon ilang mga guro ay sumama na rin. Sinabi niya, “Maiisip mo ba na gagamitin ng Diyos ang isang nakababatang hindi kilala na katulad ko? Gumagawa pa rin ng himala ang Diyos.”

 

Salamat sa Diyos, siya pa rin ang gumagawa ng himala!

 

Isang bata pang lalaki sa bilangguan ay sumulat ng liham sa amin na ganap na nakapag-pauga sa akin. Pag-usapan ang tungkol sa mga himala! Narito ang kanyang isinulat na bawat salita:

 

“David, natanggap ko ang iyong mga sermon mula sa mga liham. Isa ako sa  namaril sa isang paaralan. Ako ang kanilang binintangan na siyang nagsimula ng lahat ng iyon. Noong Oktubre 1, 1997, nagpunta ako sa mataas paaralan ng Pearl at pinatay ang dalawang estudyante at nakasugat sa pito pa. Pinatay ko rin ang aking ina bago pa nangyari ito. Bago ako napunta sa bilangguan ako ay naligtas. Kung mayroon mang paraan kung paano ako makatutulong sa iyong ministeryo, ay nanaisin ko. Marahil ay maibibigay ko sa iyo ang aking patotoo. Gagawin ko ang lahat para makatulong. Lagi kong kinasasabikan ang iyong sermon sa bawat buwan…”

 

Oo, naniniwala ako sa mga himala!

Huwebes, Mayo 21, 2009

SI SATANAS AY WALANG KARAPATAN NA GULUHIN KA AT ANG IYONG PAMILYA.

MAGTIWALA SA DIYOS PARA SA IYONG KALIGTASAN!

 

Pinakawalan ng Diyos ang kanyang nakagugulat na kapangyarihan ng pagliligtas para doon sa mga lubusang nagtitiwala sa kanya. Doon sa mga “gumugiray” sa pananampalataya, nababalisa at nababalisa, ay hindi maililigtas sa bitag ni Satanas.

 

Ang sagot ay simple lamang, gayunman ang marami sa atin ay hindi maintindihan ito. Patuloy tayong namumuhay sa kaguluhan at takot, habang nasa ating mga daliri ay ang lahat ng mahahalagang pangako na kailangan para makaligtas tayo mula sa kagipitan sa buhay na ito. Kinamumuhian ng Diyos ang kawalan natin ng paniniwala, higit na dahilan nito ay sapagkat itinatali nito ang kanyang mga kamay at pinipigilan tayong matamasa ang kaluwalhatian niyang itinadhana niya.

 

HINDI TAYO MAKAPAGPAPATULOY DITO SA NUWEBA YORK NA WALANG GANAP NA PAGTITIWALA SA PANGINOON. Ang mga suliranin ay lubhang nakapananaig. Milyong mga tao ay namumuhay ng nasa siksikang kalagayan. Ang lunsod ay nasa gitna ng karahasan, bawal na droga, pagpatay, bagong sakit na TB na dala ng hangin, ang salot na sakit na AIDS. Ang ating mga manggagawa na nangangaral araw-araw sa mga may sakit na nakatira sa kalye at walang mga tahanan na nagdadala ng sakit ay hindi natatakot. Nagtitiwala sila na pangangalagaan sila ng Panginoon at palakasin sila sa ganitong gawain.

 

Nagpapasalamat ako sa Diyos hinayaan kaming maging daan sa pagtataguyod ng isang lumalagong iglesya sa Broadway, na may libu-libong mga buhay na hinihipo. Ngunit hindi kami nagpunta sa Nuweba York para lamang magtatag ng iglesya. Nagpunta kami para gawin ang gagawin din ni Jesus: ang magministeryo sa mahihirap, sa nagugutom, sa mga walang tahanan, sa mga lulong sa droga, ang pinakamalala sa mga makasalanan.

 

Nagagalak kami na hinayaan kami ng  Diyos na madala ang nakatutubos na mabuting balita ni Cristo sa marami na minsan ay ipinalagay na wala ng pag-asa kung ihahalintulad sa makataong kalagayan. Isang maliit na hukbo ay nailigtas na mula sa kalye, at araw-araw marami pa ang naililigtas.

 

PINATUTUNAYAN NG DIYOS ANG KANYANG KAPANGYARIHAN SA LAHAT NG NAKAPUPUKSANG PUWERSA NG IMPIYERNO. At ipakikita niya ang kanyang kapangyarihan para sa inyo, rin, sa pagsubok na iyong hinaharap. Amen!

Miyerkules, Mayo 20, 2009

PAGPALAIN AT INGATAN KA NG PANGINOON

Nanalangin ako ng masigasig para dito sa mga talatang ito, at habang nananalangin tungkol sa kung ano ang ipasusulat sa akin Panginoon para dito, ibinulong sa akin ng Espiritu Santo ng maliwanag: “Palakasin ang loob ng mga tao ng Diyos. Sabihin sa kanila kung gaano sila kamahal ng Panginoon at kung gaano niya kinalulugdan ang kanyang mga anak.”

 

Naniniwala ako na ito ay mahalagang salita para sa maraming nagbabasa ng mensaheng ito. Kailangang marinig mo ng malalim, sa mga sandaling ito, na ang Panginoon ay iingatan ka, at sa pangakasalukuyan mong sandali ng pagsubok ay nalulugod siya sa iyo. Narito ang nakasulat na naniniwala ako na kailangan mong matanggap bilang pansariling salita na galing sa kanya ngayon:

 

 “Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, kung ikaw’y itinutuwid, huwag mababagot mandin pagkat lahat ng mahal niya’y itinutumpak ng daan, at ang anak ng minamahal, sinasaway ng magulang” (Kawikaan 3:11-12).

 

Kahit na ang iyong pinagdadaanan sa ngayon ay may pagmamahahal na pagdisiplina, tandaan ito ay tiyak na hudyat na mahal ka ng iyong Ama at siya ay nalulugod sa iyo. Kung tatanggapin mo ang kanyang salita – na labis na iniibig ka niya  at nagagalak para sa iyo – malalaman mo na ang lahat ay naisasaayos para sa iyong kabutihan, at ang mga hakbang mo ay tunay na iniutos niya.

Martes, Mayo 19, 2009

IDINADALANGIN KO NA INYONG IKINALULUGOD ANG PRESENSIYA NG PANGINOON

Mayroong nakasulat sa orihinal na Hebreo na ganap na nagbigay pagpapala sa akin, at nais kong ibahagi ito sa inyo. “Palapit na ng palapit ang sa aki’y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong isinulit. Ngunit ikaw, Panginoon, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitawan mo sa akin ay totoo” (Awit 119:150-151, sa salin ni Helen Spurrell).

 

Ang mga kampon at kapangyarihan ng demonyo ay nakapaligid kay David, nagpipilit na dalhin siya at ang Israel sa pagkawasak. Gayunman itong tao ng Diyos ay nagpatotoo habang palapit ang kaaway, nagtitiwala siya na ang Panginoon ay higit pang lalapit sa kanya. Sinabi ni David na hawak siya ng Diyos sa kanyang kanang kamay, inaakay siya sa bawat paglusob ng kaaway.

 

Dito sa patotoo ni David ay isang kahanga-hangang pangako para sa iyo at sa akin. Nakatitiyak tayo na si Satanas ay nakahandang wasakin, guluhin at hilahin pababa ang lahat na nagmamahal sa Panginoon. Gagawin lahat ng kaaway sa abot ng kanyang kapangyarihan na dalhin tayo sa bingit ng kawalan ng pag-asa, kalituhan, pagkakasala at pagkondena.

 

Mayroon ka bang anumang makasalanang, “nagbabalak na tumutugis” na padating sa iyo ngayon? Nakapangingibabaw na tukso? Pagsubok? Kabigataan sa pananalapi? Suliranin sa samahan ng mag-asawa  at sa pamilya? Suliranin sa negosyo? Kapag ang mga tumutugis sa iyo ay nakalapit sa iyo na may masamang balak na wasakin ka, huwag manghina:  ang Panginoong Diyos ay higit pang malapit. Siya ay nasa iyong tabi – at kung siya ay nasa iyong tabi, siya ay kikilos para sa iyo. Hindi ko mawari na ang Diyos ay katabi ng sinumang anak niya at nakaupo lamang na hinahayaan ang diyablo na abusuhin siya o guluhin ang kanyang minamahal sa anumang paraan.

 

Basahin ang Awit 68:1-4 at tingnan kung ano ang ipinangako ng Diyos para sa iyo, kung ikaw ay magtitiwala sa kanya. Maari mong angkinin ang apat na talatang ito ngayon at sa buong taon. Kabisahin ang mga talatang ito, manindigan dito, at ang Diyos ay hahabulin ang iyong kaaway.

Lunes, Mayo 18, 2009

MAGBUNYI SA PANGINOON AT MAGALAK!

Sa aklat ni Judas, nabasa natin ang panahong padating na lubhang masama at labis na makasalanan. Ang Diyos ay darating na kasama ang sampung libong mga banal para magpatupad ng hatol para sa lahat ng makasalanang gawain. Hinulaan ni Judas ang mga lalaki ay ilalagay sa kanilang maruming pagnanasa, magiging mga mangungutya, makalaman, “bumubula sa sariling kahihiyan” (Judas 13). Ito ay kabibilangan ng isang lipunan ng tiwali na tutungo sa “kakaibang laman,” tumutukoy sa salot na laganap na omoseksuwal.

 

Ngayon, hindi lamang ang Amerika ang nasyon na naghahagis sa isang tabi ng moral na pagkahinahon. Ang pagguho ng moral ay laganap sa sanlibutan, at ito ay nagiging malawakan na si Satanas ay isinusuka ang kasuklaman ng impiyerno sa sansinukuban. Ito ang panahon, na nagbabala ang Kasulatan, na kung saan ang diyablo ay tutuksuhin ang mga pinili ng Diyos.

 

Si Judas ay nakatingin sa parating nitong teribleng, makasalanang panahon at may nakita pang iba, iba na higit na makapamukaw sigla at mahimala. Sa gitna ng lahat ng imoralidad at nagpapatung-patong na pagkahamak, nasaksihan niya ang mga tao na “hinirang ng Diyos – mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at iningatan ni Jesu-Cristo” (Judas 1).

 

Gaano man maging tiwali ang sanlibutan sa parating na panahon – gaano man maging maladiyablo ang pamamahayag, telebisyon at mga sine, gaano man lumago ang pagsamba sa diyablo, gaano man kalalim ipilit ng omoseksuwal ang kanilang binabalak sa lipunan, kahit na maglakad ang diyablo sa ating mga kalsada – iingatan ng Diyos ang kanyang mga anak. IIngatan niya para sa kanya ang sinantipikahang, mga banal na tao. Ilalayo niya sila sa masasama, at magiging matatag sa kanilang pananampalataya at debosyon, habang ang mga hindi makadiyos ay mauuwi sa pagkawasak.

 

Makinig sa salita ng Panginoon: “Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan – ang espiritu, kaluluwa, at katawan – hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito” (1 Tesalonica 5:23-24).

 

Sinabi ni David, “Ang mahal ni Yahweh, hindi itatakwil. Sila’y iingatan magpakailanman” (Awit 37:28).“Kami. O Yahweh, lagi mong ingatan, sa ganitong lahi huwag pabayaan; kami’y naliligid sa lahat ng lugar, kung alin ang liko’y siyang tinatanghal!” (Awit 12:7-8).

 

Hayaang ang mga panalanging ito ng apostol Pablo ay maging sa inyo at akin sa panahon ng kasamaan at kaguluhang padating: “Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit” (2 Timoteo 4:18).

 

Magbunyi!   Ipinangako ng Diyos na iingatan yaong mga lubos na nagtitiwala sa kanya.

Biyernes, Mayo 15, 2009

PAGBATI SA DAKILANG PANGALAN NI CRISTO

Habang aking inihahanda ang pagsusulat sa mensaheng ito, ang Espiritu Santo ay maliwanag na nangusap sa akin: “Turuan ang mga tao. Pagpalain sila sa pamamagitan ng aking Salita.”  Panginoon, nanaisin ko, ngunit ano ang nais mong sabihin ko? Kailangang ilagay mo sa aking espiritu ang tamang salita para sa mga panahong ito.

 

Narito kung ano ang natanggap ko mula sa Panginoon. Inaasahan ko na matanggap ninyo ito at tunay na matuto. Marahil ikaw yaong isa na inihanda ng Diyos na makatanggap ng salita ng pagpapalakas loob sa mga sandaling ito:

 

  • Nais ng Diyos na maniwala ka sa mga ipinahayag niya sa iyo, lalo na tungkol sa pagpapagaling at paggabay. (Tingnan Juan 4:48-50.)

Sinabi ni Jesus sa isang matuwid na lalaki na ang kanyang anak ay gagaling. “Ang lalaki ay naniwala sa salita na sinabi ni Jesus sa kanya at nagpatuloy sa kanyang patutunguhan.” Ang lalaking ito ay naniwala sa salita ng Panginoon, at ang kanyang anak ay gumaling sa sandali ring iyon.

 

  • Ang Panginoon ay sasagutin ang hinaing ng iyong puso ayon sa kanyang maraming mapagmahal na kahabagan. Ang kanyang tiyempo ay laging eksakto, kaya maghintay. (Tingnan ang Awit 69:13-14, 16-18, 32-33).

Sa talatang ito kailangang ipagpalit mo ang “maladimonyong kapangyarihan” para sa “kaaway.” Ang tunay mong kaaway ay si Satanas, na namumuhi sa iyong patuloy na paglalakad ng malapit sa Panginoon.

 

  • Narito ang natatanging salita para sa iyo lamang. Oo, maraming mga tao ay makatatanggap ng katulad na salita sa mensahe kong ito dito, ngunit ang Espiritu Santo ay may sariling paraan ng pagbibigay ng Salita ng Diyos sa maraming naiibang pamamaraan sa maraming mananampalataya.

Basahin ang Awit 145. Bago mo basahin ito, manalangin na mangusap ang Espiritu Santo sa iyo sa isa o dalawang talata nito. Alam ko na nangusap ang Panginoon nito sa aking puso, na kayo ay matututo sa Awit 145.

 

 (ang talata 14 ay isa na itinuro sa akin para sa iyo, ngunit ang Espiritu ay maaring may ituro pang iba para sa iyo.)

 

Nawa’y bigyan kayo ng Diyos ng Espiritu Santo para makipaglaban, para maiwaksi ang diyablo at maihagis itong palayo. 

Huwebes, Mayo 14, 2009

NAWA’Y MANGIBABAW ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS SA IYONG PUSO

Nililiwanag ng Espiritu sa akin ang lahat ng aking dalangin ay walang halaga maliban kung ito ay ipinanalangin ng may pananampalataya. Maari akong tumangis, mag-ayuno, mamagitan, magdusa at magpakasakit sa pananalangin, gayunman ay wala itong halaga sa Panginoon – maliban kung ito ay ginawa ko na may pananampalatayang parang isang bata.

 

Ang Diyos ay hindi kikilos para sa atin kung walang pananampalataya sa kanya. Sinabi ng Salita, “Huwag umasang tatanggap ng anuman  mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ng isip at di alam kung ano talaga ang ibig” (Santiago 1:7-8).

 

Ipinag-utos ng Panginoon sa atin na magtiwala sa kanya. Gayunman madalas ay lubhang maliit lamang ang pagtitiwala natin sa kanya, lubhang maliit lamang pananampalataya natin sa kanyang kagustuhan at nais na tugunin ang daing ng ating puso. Kapag tayo ay nasa langit na, mamamangha tayo na matuklasan ang lahat ng pagpapala, kapayapayaan at kapangyarihan na mayroon tayong pinanghahawakan ngunit hindi natin ginamit sapagkat mahina ang ating pananampalataya.

 

LUBOS AKONG  INUGA NG ESPIRITU SANTO NA HAMUNIN KAYO NA PALAKASIN ANG INYONG PANANAMPALATAYA. Hingin sa Panginoon na patawarin kayo sa kawalan ng paniniwala at bahain ang inyong kaluluwa ng pagtitiwala sa kanyang kagustuhan na higit pang tugunin ang inyong mga tapat na panalangin.

 

Nais ba ninyo ng paglago sa pananampalataya? Kapag kayo ay nanalanging muli gamitin ang mga sumusunod na Kasulatan para mangatuwiran sa Panginoon. Hindi niya itatanggi ang kanyang sariling Salita. Panghawakan ang mga ito:

 

·         Awit 62:8

·         Awit 91:4

·         Awit 56:3

·         Kawikaan 30:5

·         Jeremias 29:10-14

 

Kumapit sa pananampalataya! Tutugunin niya kayo, at sa lalong madaling panahon.  

Miyerkules, Mayo 13, 2009

PAGBATI SA KAHANGA-HANGANG PANGALAN NG PANGINOON

Aking pinag-ninilay-nilay nitong mga ilang araw na nakalipas ang Awit 142 at 143. Aking iminumungkahi sa inyo na magbigay ng panahon dito sa makapangyarihang kabanatang ito ng Awit para mapalakas ang loob ninyo.

 

Ako ay interesado sa kung ano ang pinagdaanan ni David nang kanyang sinabi, “Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya” (142:3). Inulit niya ito sa talatang 143:4, “Ako’y handa nang magtaas ng kamay , sapagkat wala nang pag-asa ang buhay.” Tunay na sinasabi ni David sa Diyos , “ ako’y nalulunod sa suliranin. Ako ay nilulusob ng mga kaaway. Pinabagsak ako nito. “Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako’y di makagulapay; Iligtas mo ako sa mga kaaway…sa suliranin ko ako ay hanguin” (142:6-7).

 

Mga mga minamahal, ang mga salitang ito ay isinulat para sa ating mga kapakanan, para sa ating panuntunan. Narito ang nagpapalakas ng loob para sa lahat ng tao ng Diyos na dinadaig ng mga  kagipitan at mga kaguluhan. Ang ilan ay nalulunod sa kagipitan sa pananalapi, bagsak sa pagkakautang. Maraming mga mananampalataya ay halos hindi mapagtama ang kanilang hawak sa kanilang mga pangangailangan. Maraming mga balo at matatandang mag-aasawa ay halos di na makagulapay.

 

Madalas ako ay naakusahan na lubhang malungkot at negatibo. Sinasabi ng mga tao na walang nagnanais na makarinig ng masamang balita, na kanilang iwinawaksi ang mga mangangaral na nagpapahayag tungkol sa kirot, pagdurusa at mga kaguluhan. Ngunit ang totoo ay, marami sa atin ay namumuhay sa sanlibutan na kung saan ang buhay ay madalas na hindi makayanan. Katulad ni David, humaharap tayo sa baha ng mga kaguluhan; tayo ay nasasaktan kahit na tayo ay nasa katuwiran. Nagpapakatatag tayo sa karamdaman, kamatayan ng minamahal, panahon ng kalituhan, hindi alam kung ano ang gagawin sa susunod. Humaharap tayo sa mala-impiyernong paglusob ni Satanas laban sa ating pananampalataya.

 

Ito ay sa panahon ng nakadadaig na pagkakataon tayo natututo na hanapin ang Diyos at matutunan na dumaing sa ating kagipitan. Sinabi ni David, “Ang aking dinala’y lahat kong hinaing at ang sinabi ko’y pawang suliranin” (142:2). “Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, tapat ka’t matuwid, kaya ako’y dinggin” (143:1). Kayo ba ngayon ay dinadaig ng mga pangyayari sa inyong buhay? Gawin ang ginawa ni David:

 

  •  “Ako’y dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw” (143:6). 
  •  “Kung ikaw ay magkubli…Ako ay umasa sa ‘yo nagtiwala, na kung  umumaga’y ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo’y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid” (143:7-8).

  •  “Ako ay umasang ‘yong isasanggalang, kaya iligtas mo ako sa kaaway. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo’y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ang nangakong ako’y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag” (143:9-11).

Palakasin ang loob. Hawak ng Diyos ang lahat! Ibibigay niya ang inyong pangangailangan sa tamang panahon.  

Martes, Mayo 12, 2009

ANG INYONG PAKIKIPAGLABAN AY SA PANGINOON (tingnan ang 2 Cronico 20;: 5)

Ang dahilan kung bakit isinusulat ko ito ay para paalalahanan kayo na ang pakikipaglaban na hinaharap ninyo ay hindi sa inyo, kundi ito ay sa Diyos. Kung kayo ay anak niya, makatitiyak kayo na si Satanas “ay magngangalit laban sa inyo.”

 

Sa 2 Cronico 20, marami ay galit laban sa mga tao ng Diyos. Ang Haring Josafat at ang kanyang mga tao ay itinalaga ang kanilang mga puso para hanapin ang Panginoon at mag-ayuno. Ang Hari ay dumaing sa Diyos ng isang panalangin na marami sa atin ay ipinanalangin sa ating espirituwal na paglalakbay: “Hindi naming kayang sagupain ang gayong karaming kaaway. Hindi naming malaman ang aming gagawin. Ikaw lamang ang aming pag-asa” (20:12). “Ang Espiritu nito’y bumaba sa gitna ng kongregasyon… sinasabi na, Huwag ninyong sirain ang inyong loob. Huwag kayong matakot dahil sa makapal na kaaway. Ito’y ipakikipaglaban niya para sa inyo” (20:14-15).

 

Ibinigay ni Isaias ang babalang ito sa lahat ng puwersa ng kadiliman: “Sino sa akala ninyo ang iyong inuyam at inaglahi? Nilapastangan mo ako, Ang kabanal-banalang Diyos ng Israel!” (Isaias 37:23).

 

Sinabi ng Diyos sa kanyang mga tao sa Israel, at sinasabi niya rin sa atin ngayon: “Ang pakikipaglaban ay hindi laban sa iyo. Ito ay ang pagngangalit ni Satanas laban sa akin, sa Panginoon na nananahan sa akin.” Sinabi ng Diyos kay Satanas, “Lahat mong gawain ay nababatid ko, di lingid sa akin anumang balak mo” (37:28).

 

Tanong ko sa iyo: nasaan ang pakikipaglaban mo? Sa inyong pagsasama bilang mag-asawa? Sa iyong negosyo o trabaho? Sa iyong pananalapi? Sa iyong kalusugan? Ang iyo bang pakikipaglaban ay lalong sumusidhi araw-araw? Kung mayroon kang puso para kay Jesus at pagnanais na kumapit sa kanya, haharapin mo ang galit ng impiyerno. Ngunit iyon ay hindi mo pa rin pakikipaglaban. Madali mong matatapos ang iyong pakikipaglaban kapag pinili mo – ay basta sumuko ka na at bumigay sa iyong takot at pagdududa. Hindi papansinin ni Satanas yaong mga nawalan na ng tiwala sa Panginoon.

 

Oo, ang pakikipaglaban ay sa Panginoon, ngunit mayroon tayong bahagi dito – at iyan ay ang magtiwala at manalig sa kanyang mga pangako sa harap ng kawalan ng pag-asa at sa mga bagay na mukhang di maari. “Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo na tila di alintana ni Yahweh ang kabalisahan mo, at tila di pansin ang iyong kaapihan?” (Isaias 40:27).

 

Hinihingi ng pananampalataya na isuko ko ang lahat ng aking suliranin – lahat ng malubha kong kalalagayan, lahat ng aking mga takot, lahat ng aking mga pagkabagabag – sa kamay ng Panginoon. Kapag nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya, at alam ko na ang aking pakikipaglaban ay higit sa aking kakayanan, kailangang ibigay ko na sa kanyang mga kamay.

 

Alam ng ating Panginoon ang pagngangalit ni Satanas, kailangan na tunay tayong maniwala na kikilos siya. Ililigtas niya tayo sa  mga baha at mga apoy at hahabulin ang ating mga espirituwal na kaaway. Narito ang Salita ng Diyos tungkol sa kung ano ang gagawin niya: “Dahil sa galit mo’t paglaban sa akin at paghahambog mong hindi nalilihim, kaya ang ilong mo’y kakawitin ko at ang bibig mo’y lalagyan ng bokado at ibabalik ka sa pinanggalingan mo” (Isaias 37:29).

 

Kung maagpapakatatag ka sa iyong pananalig – nagtitiwala sa kanya, namamahinga sa kanyang mga pangako, iwinawaksi ang lahat ng kasinungalingan ni Satanas na pumapasok sa isipan mo – kung ganon ay umasa na ang Diyos ay darating sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa iyong kalagayan at magdadala ng hindi inaasahang pagtatapos ng iyong pakikipaglaban. Gagalawin niya ang langit at lupa para iligtas ka at para gumawa ng paraan. Ang daan palabas ay ang magtiwala, magtiwala! :”Maging pagbabaka ay mapatitigil” (Awit 46:9).

Lunes, Mayo 11, 2009

SANA’Y ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS AY MANAHAN SA INYO

Isang Kristiyanong babae ang lumapit sa akin kamakailan na mukhang emosyonal at tinanong ako kung narinig ko ang pinakahuling balita. Ito ay tungkol sa kaguluhan sa Pakistan. “Maniniwala ka ba kung ano ang nangyayari?” Itinanong niya. “Bawat araw ay masamang balita. Ang Pakistan ay may kakayahang nuklear. Maaring mangibabaw ang mga terorista isang araw at ilang  wala sa pag-iisip na pinuno ay makapaglunsad sa atin sa isang nuckear na digmaan.” Iiling-iling , sinabi niya na, “Talagang natatakot ako. Ang mga bagay ay wala nang kontrol.”

 

Sa ngayon, ang mga tao natatakot sa mga nangyayari sa sanlibutan. Nakikita natin na nangyayari na ang babala ni Jesus, na isang araw ay darating na kung saan ang mga puso ng tao ay babagsak sa takot habang nasasaksihan nila ang mga bagay na dumarating sa sanlibutan.

 

Yaong mga nakatatanggap ng aking mga buwanang mensahe ay alam na sa mga nagdaang mga taon ako ay nagbigay ng mga babala tungkol sa padating na kaguluhan. Nagbabala ako na ang pagbagsak ng kaguluhan ay darating at mangyayari. Gayunman ito ay ipinangaral ko na may luha.

 

Ngayon hayaang ninyong bigyan ko kayo ng isang maliwanag na salita mula sa puso ng Diyos, isang salita ng pagpapalakas-loob. Kahit na may mga nakatatakot na mga balita, nasa pangangalaga pa rin ng Diyos ang lahat.

 

Narito ang Salita na kailangang panghawakan nating mga mananampalataya habang rumaragasa ang bagyo sa paligid natin, salita na ibinigay sa atin ni Jesus: “Huwag kayong mabalisa, huwag kayong matakot” (Juan 14:27). Ito ang panahon ng kaguluhan. Ngunit sa mga ganitong panahon ang Salita ng Diyos ang ating nagiging lakas at pag-asa.

 

  •  “Ikaw, O Yahweh, ang tagapagatanggol ng api-apihan sa gitna ng gulo at mga panganib ay kutang matibay, lubos ang tiwala ng kumikilala sa iyong pangalan, sapagkat wala pang dumulog sa iyo na iyong tinanggihan” (Awit 9:9-10).

  •  “Iingatan ako kapag may bagabag, sa banal na templo’y iingatang ligtas, itataas niya sa batong matatag” (Awit 27:5).

Naniniwala ako na ang mas nakatatakot, na magulong panahon  ay padating pa lamang. At wala akong nakikita kundi patuloy na pagsidhi ng kawalan ng pag-asa para doon sa mga wala sa mga pang-araw-araw na Salita ng Diyos at nanalangin at nakikipag-usap sa Panginoon. Ang Salita ang nagpapaangat sa ating espiritu at namumunga ng pananalig. Sanayin ninyo ngayon ang inyong mga sarili na buksan ang Bibliya sa umaga at simulan ang araw ninyo na pinalalakas ang loob ninyo sa pamamagitan ng kanyang mga mahahalagang pangako. At makipag-usap sa Panginoon, habang inihahanda ninyo ang inyong sarili para sa araw na iyon. Hilingin sa Espiritu Santo na palakasin ang inyong pananalig at pag-asa.

 

Mayroon  sa Kasulatan na inuulit-ulit ko ng maraming beses araw-araw. Hinihikayat ko rin kayo na ito ay angkinin at manalig dito: “Ipagtiwala ninyo sa kanya ang inyong mga kabalisahan sapagkat siya ang kumukupkop sa inyo” (1 Pedro 5:7).

Biyernes, Mayo 8, 2009

PARA SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI AT KALUWALHATIAN

Habang nakaupo ako sa aking tanggapan humihiling sa Panginoon paano ko kayo pagpapalain, payak kong nadama na bigyan kayo ng bagay mula sa kanyang Salita.

 

Inialok ko ang sumunod na Kasulatan, nagtitiwala na isa dito ay salitang para sa iyo. Alam ko na tapat ang Diyos na magpadala ng natatanging salita kapag ito ay kinakailangan. At naniniwala ako na mayroon ditong natatanging para sa iyo.

 

  1. Awit 32:6-8: “Ang lahat ng tapat, sa panahong gipit dapat manalangin, upang bumugso man ang malaking baha’y di sila abutin. Kublihan ko’y ikaw, ikaw ang sasagip kung nababagabag. Aking aawitin ang pagkakalinga at ‘yong pagliligtas. Ang sabi ni Yahweh, ‘Aking ituturo ang ‘yong daraanan, Ako ang sa iyo’y magbibigay-payo, kita’y tuturuan.”

  1. Awit 31:6-8: “Ikaw’y namumuhi sa nananambahan sa walang halagang mga diyus-diyusan; ngunit ako, Yahweh, sa iyo’y nananawagan. Magbubunyi ako, lubhang magagalak, sa iyong pag-ibig na di kumukupas, ang pagdurusa ko’y iyong mamamalas, maging suliranin ay batid mong lahat. Di mo itinulot ako sa kaaway, kinupkop mo ako at iyong iningatan.”

  1. Awit 41:1-3: “Mapalad ang isang taong tumitingin sa mahirap, si Yahweh ang tumutulong kung siya ay may bagabag. Buhay niya’y iingatan, yamang siya ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya’y ituturing na mapalad. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkakasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.”

  1. Awit 31:1, 5: “Sa iyo, O Yahweh, ako’y lumalapit upang ingatan mo, nang hindi malupig…kupkupin mo ako at iyong ingatan, ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan; ikaw ang aking Diyos na tapat at tunay.”

  1. Awit 56:8, 9, 11: “Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko’y may talaan ka ng ingat. Kung sumapit ang sandaling ako sa iyo ay humibik, ang lahat ng kaaway ko ay tiyak na malulupig; pagkat aking nalalamang, ‘Diyos ang nasa aking panig’”. Lubos akong umaasa’t may tiwala ako sa Diyos kung tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.”

  1. Awit 86:17: “Pagtulong sa aki’y iyong patunayan, upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nila yaong katibayan na ako’y maliw mo at tinutulungan.”

  1. Awit 88:1-3: “Panginoong Diyos, tumawag ako sa iyo kung araw, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan. Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan, sa aking pagdaing ako ay tulungan. Ang kaluluwa ko ay nababahala’t lipos ng hilahil dahilan sa hirap wari’y malapit na akong malibing.”

Pakiguhitan sa ilalim ang bahgi ng Kasulatan na ipinatotoo sa iyo ng Espiritu. Maniwala dito! Ipinadala ito sa iyo ng Diyos ngayon.

Huwebes, Mayo 7, 2009

NAGPAPASALAMAT KAMI SA MARAMI’T IBA-IBANG KAHABAGAN AT PAGMAMAHAL NG DIYOS

Ako’y dinala ng Espiritu Santo na sumulat sa inyo tungkol sa pagbubukas ng Diyos sa mga nakasarang pinto. Mayroon nagbabasa nito ay makapaghahambing agad dito, sapagkat humaharap ka sa isa o higit pang  nakasarang mga pintuan. Nariyan, sa harap mismo ng iyong mukha, pintuang mistulang laging nakasara. Maaring ito ay malubhang suliranin sa pananalapi, at nanalangin ka na sana’y may pintuan ng oportunidad na bubukas. Gayunman, anumang subukan mo ay bigo; ang pintuan ay ayaw bumukas.

 

Hindi ko alam kung anong pintuan para sa iyo ang ayaw bumukas, ngunit sa nakararami ang parehong pintuan at bintana ng langit ay nakasara. Ang langit ay mistulang tanso at mistulang di mapapasok. Ang pintuang ito na tinutukoy ko ay ilang paksa, ilang kalalagayan, ilang pangangailangan na labis mong ipinanalangin. Maaring ito ay isang kagipitan na himala lamang ang magiging kalutasan. At hindi ka pa rin nakakatanggap ng kasagutan sa iyong patuloy na pananalangin at kahilingan sa Panginoon.

 

Sa Pahayag, tinukoy ni Cristo ang sarili niya bilang siya na MAY HAWAK NG SUSI NI DAVID, WALANG MAKAPAGSASARA NG ANUMANG BUKSAN NIYA (3:7). Ito ay nakapaloob sa liham na ipinadala niya sa mga mananampalataya sa lumang Piladelpia, isang iglesya na pinuri ng Panginoon sa paghawak nito sa kanyang salita ng pasensiya at di kailanman itinanggi ang kanyang pangalan. Sa madaling sabi, sa pinakamatindi nilang pagsubok, ang mga taong ito ay nanindigan ng tapat sa Salita ng Diyos. Hindi nila inakusahan ang Panginoon ng pagpapabaya sa kanila o nagbingibingihan sa kanilang mga daing.

 

Katunayan, si Satanas ay dumating sa kanila na puno ng kasinungalingan. Ang kanyang mga kampon at kapangyarihan ng kadiliman, sinungaling na espiritu ay bumuhos ng dumi ng impiyerno, sinabi na isinara na ng Diyos ang lahat ng pintuan, na siya ay hindi karapatdapat sa pagsamba at pananampalataya. Ngunit ang mga mananampalatayang ito, na siyang sinabi ni Jesus na mahina, ay patuloy na nagtitiwala, matiyagang naghihintay sa Diyos na buksan ang pintuan. Hawak niya ang bawat susi sa bawat pintuang nakasara – at siya lamang ang nagtatalaga sa harap natin para buksan ang pintuan.

 

Narito kung ano ang ipinangako ng Panginoon sa kanila at ito ay pangako rin para sa atin:

 

“Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong sanlibutan” (3:10).

 

Ang oras na ito ng tukso ay nasa atin ngayon. Pinanghahawakan nito ang mga di kapani-paniwalang pagsubok ng pananampalataya na labis na dakila at labis na nag-aapoy at marami ay mahuhulog sa kawalan ng paniniwala. Katunayan, isang matinding pagbagsak mula sa matiyagang pananampalataya ay nasa sanlibutan ngayon. Ngunit ikaw – sapagkat patuloy kang nagtitiwala sa kanyang mga pangako, at handang mamatay sa pananampalataya kahit na hindi mo nakita na natupad ang mga pangako – ikaw ay ilalayo mula dito sa pangmalawakang pansalibutang tukso ng kawalan ng pananampalataya. Nadinig ng Diyos ang iyong mga daing, at alam niya ang tamang sandali, ang tamang oras, para buksan ang lahat ng pintuan. Kaya, huwag susuko. Huwag magdududa. Manindigan sa kanyang mga pangako. Hindi ka niya bibiguin

Miyerkules, Mayo 6, 2009

PURIHIN ANG DIYOS SA KANYANG MAPAGMAHAL NA KAHABAGAN.

Mayroon akong maiksing mensahe para doon sa mga dumadanas ng makirot, nakagagaping katayuan. Hindi ako nangungusap doon sa mga dumadanas ng kapahingahan mula sa paghihirap, sa mga wala sa anumang kagipitan o kalungkutan. Salamat sa Diyos sa mga panahong iyon ng tahimik na kapahingahan.

 

Sa halip, nakatanggap ako ng maraming liham mula sa mga minamahal na mga tagasunod ni Jesus na namumuhay na mayroong hindi kapani-paniwalang kalungkutan at panahon ng mga kagipitan: paghihiwalay, mga anak na nasa droga  o nakabilanggo, namatayan ng asawa. Isang babae na lubos na may pag-ibig sa Panginoon ay nagdadalamhati sa pagkamatay ng tatlo niyang anak, na namatay sa sunog. Isang pastor na nagdadalamhati para sa kanyang asawa, na iniwan siya at ang mga anak niya na ipinagpalit sila sa isang tomboy na mangingibig. Ito ay patuloy na nagpapatuloy, habang maraming makadiyos na mga tao ay may dalahing mga kalungkutan  at kirot.

 

Mayroon akong mensahe sa inyo na nagdudusa ng kalungkutan, nagdadalamhati o nabubuhay sa kirot. Sa Awit 40, dumaing si David, “Kay rami na nitong mga suliranin na sa karamiha’y di kayang bilangin…sana’y iligtas mo ako, Panginoon! Ngayo’y gawin mo na ang iyong pagtulong” (Awit 40:12-13). “Silang lumalapit sa iyo’y dulutan ng ligaya’t galak na walang kapantay…Mahina man ako at wala nang lakas, ngunit sa isip mo’y di mo kinakatkat. O aking katulong at Tagapagligtas – Yahweh, aking Diyos, h’wag kang magluwat!” (Awit 40:16-17).

 

Labis akong pinagpala at inaliw sa isang linyang ito sa talatang 17: “Sa isip mo’y di mo kinakatkat.” Isipin mo ito. Ang Panginoong Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, ang Diyos ng sansinukuban, ay iniisip ang tungkol sa akin.

 

Maging sa ngayon, sa mga oras na ito, ang isipan niya ay tungkol sa  iyo, sa sandali ng iyong pangangailangan.

 

Nang ang Israel ay nasa pagkakabihag sa Babilonya, nagluluksa sa pagkawala ng mga tahanan at mga kaanak, pinagtitiisang pagdadalamhati at kagipitan, nagbigay ng salita ang Diyos para sa kanila sa pamamagitan ni Jeremias: “Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap” (Jeremias 29:11). Sinabi ng Diyos sa kanyang mga tao, “Kung maganap na ito, kayo’y tatawag, lalapit at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Ako’y hananapin ninyo’t masusumpungan kung buong puso ninyo akong hahanapin”

 

Hindi galit ang Diyos sa inyo. Banal na mga tao ay nagkakasakit, kaya’t huwag mag-alinlangan sa pananalig sa kanya. Sa panahon ng kagipitan at damdamin ng kalungkutan at pagdadalamhati, magtungo sa pananalangin. Ibuhos ang puso mo sa Panginoon. Iniisip ka niya – at siya ay kumikilos para sa iyo.

Martes, Mayo 5, 2009

ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA KANYANG MGA TAO AY HINDI KAILANMAN MABIBIGO

Habang binabasa ko ang Awit 13, ako’y napukaw na magpadala sa inyo ng ilang salita ng pagpapasigla na aking namalayan dito sa pinagpalang kabanatang ito.

 

Isinulat ni David ang mga salitang nakapalaman sa Awit na ito. Itinanong niya, “Gaano katagal mo akong lilimutin, Panginoon? Gaano mo katagal itatago ang iyong mukha sa akin? Gaano katagal akong magdadala ng kalungkutan sa aking puso araw-araw? Gaano katagal makapagmamataas ang kaaway sa akin?

 

May tunog itong na parang nadama ni David na tuluyan na siyang iniwan ng Diyos para magdusa, na gumising bawat araw na may kalungkutang bumabalot sa kanya. Sa isang panahon, nagsalita si David ng kawalan ng pag-asa: “Diyos ko, ang damdamin bang ito ng pag-iisa ay mananatili habang-buhay? Kailan sasagutin ang aking mga dalangin?

 

Kapag ang kaguluhan ay dumating sa atin kahit na alam natin na iniibig natin ang Panginoon – kapag ang kaligtasan ay mistulang malayo at wala ng pag-asa – tayo ay nanghihina dala ng kabigatan. Sa mga sandaling ito, mayroong nakababasa ng mga salitang ito na nanghihina sa ilalim ng matinding kabigatan sa isang kalagayan na mukhang wala ng kalutasan. Sila ay nasa bingit ng kawalan ng pag-asa, umaasa na ang paghupa ay darating lamang kung magkakaroon ng pahinga sa kanilang mga pagsubok.

 

Sa gitna ng sarili niyang pagsubok, nagtanong si David, “Gaano pa katagal akong tatanggap ng payo sa aking espiritu?” Naghanda siya ng balakin kada balakin, nagsusumikap na umisip ng paraan para makaiwas sa kanyang kagipitan – ngunit ang lahat ng kanyang balak, lahat ng pinaghandaan ay nabigo. Ngayon wala na siyang maisip pa, wala ng iba pang paraan. Siya ay nasa katapusan na ng lahat.

 

Gaano kasakit na makita ang isang munting pag-asa, kahit kaunting sikat ng araw, ngunit ang kawalan ng pag-asa ay muling dumating. Ilagay sa isipan, na ang lahat ng ito ay nangyayari sa makaDiyos na tao, sa isang malapit sa puso ng Diyos. Si David ay isang lalaki na nagpatotoo na mayroon siyang dakilang pananalig sa Panginoon. Gayunman, katulad natin, si David ay dumaan sa panahon ng kagipitan, katulad ng ipinahayag niya dito sa Awit.

 

Paano nakaahon si David dito sa balon ng kawalan ng pag-asa? “Magtitiwala ako sa iyong kahabagan… ako’y aawit.”

 

Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga dahilan para manatiling nagtitiwala sa panahon ng inyong pangkasalukuyang mga pagsubok:

 

  • Gaano man magngalit ang bagyo, ang ating pinagpipitagang Panginoon ay patuloy na magpapakain sa mga ibon, dadamitan ang mga bulaklak ng kabukiran, at magtutustos sa karagatan ng puno ng mga isda sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. “Ang iyong Amang nasa langit ay nagpakain sa kanila…” Walang ibong babagsak sa lupa na hindi nakikita ng Ama. 
  • Anong uri ng Ama ang magpapakain sa lahat ng nilalang sa lupa at pagkatapos ay pababayaan ang kanyang mga anak? Hinikayat tayo sa mabuti ni Jesus para “huwag bigyan ng pansin” ang mga pang-araw-araw na pangangailangan at suliranin, “sapagkat inaalala ka niya.”

Tunay, na iniibig kayo ni Jesus, at hindi siya magbibingi-bingihan sa iyong mga daing. Panghawakan ang kanyang mga pangako. Magpatul;oy sa pananalig. Manatiling naghihintay sa kanya. Hindi ka niya pababayaan.