Miyerkules, Mayo 27, 2009

ANG DIYOS AY TAPAT SA LAHAT NG PANAHON

Si Gwen at ako ay nakipag-usap kamakailan sa isang makadiyos na babae na narating na ang pinakadulo ng kanyang pagtitiis. Ang pamilya ng babaeng ito ay nakita na ang di-kapani-paniwalang pagdurusa. Gumigising siya bawat araw na may maitim na ulap ng kirot na nakasabit sa kanyang tahanan. Gumugol siya ng maraming oras sa pananalangin at tumatawag sa Panginoon para humingi ng tulong, at ang kanyang mga kaibigan ay tumayong kasama siya sa kanyang pamamagitan.

 

Ngunit bawat buwan na dumaan, ang mga bagay ay walang pagbabago. At nang makakita siya ng munting pag-asa, ang mga bagay ay nabalik sa dati, at ang lahat ay lumala. Nakikinig siya sa mensahe o nagbabasa ng mga bagay na maaring magbigay inspirasyon sa kanyang pananampalataya, at sinubukan niyang magpatuloy. Ngunit ngayon siya ay lubusan nang napagod. Lagi siyang umiiyak. Halos din na siya makatulog. Siya ay malayo sa pagtatanong bakit mayroong mga bagay na mistulang wala ng katapusan ang pagdurusa at kirot. Ngayon siya ay mistula na lamang umaasa na makakita ng munting liwanag sa dulo ng madilim na yungib ng kalungkutan.

 

Sinabi niya sa amin, “Narating ko na ang lugar na kung saan ay nadama ko na ang karapatan na maari na akong sumuko. Nagawa ko na ang lahat nang hiningi ng Diyos. Nanalig ako, hinanap ko siya, naging tapat ako sa iglesya at sa pagbabasa ng kanyang Salita. Gayunman, wala pa rin akong nakitang kagaanan. Nadama kong nag-iisa ako at wala ng pag-asa, nalulumbay. Wala na akong pakiramdam dahilan sa patuloy na hindi nawawalang isipin na lalo lamang lumalala kahit na ako ay nagsusumikap na sumunod. Ngayon kailangan kong paglabanan ang pag-iisip na ito: ‘May karapatan akong madama ang ganito sapagkat hindi ko makita ang katapusan sa aking paghihirap.’”

 

Masigasig kaming nananalangin para sa kanya at sa kanyang pamilya. Naniniwala kami na hindi siya susuko sa pakikipaglaban at ang Panginoon ay magpapadala ng tulong sa kanya at magpapalakas loob sa kanya. Ngunit ang sinabi niya tungkol sa kanyang kawalan ng pag-asa ay tunay na humipo ng isang bagay sa loob ng aking kaluluwa. Maraming mananampalataya ay dumating sa katulad na kalagayan ng kawalan ng pag-asa, at sa kalungkutan sila man ay tumangis, “Mayroon akong karapatan na huminto na sa pakikipaglaban. Mayroon akong karapatan na magalit. Mayroon akong karapatan na tanungin ang Diyos. Kailangan niya sasagutin ang aking daing? Pinabayaan na ba ako ng Panginoon?”

 

Sa kawalan ng pag-asa ni Job, tumangis siya, “Sa magkabi-kabila , ako’y kanyang hinampas, parang kahoy na binunot at iniwang nakabagsak, galit niya ay matindi, ang poot ay nag-aalab; sa akin ang turing niya ay kaaway, isang sukab” (Job 19:10-11). Idinagdag ni Job: “Hinarangan ang landas ko, hindi ako makaraan; binalot ng kadiliman ang landas kong lalakaran” (19:8).

 

Ang mga ito ba’y kilala ninyo? Ito ba’y katulad ng pakikipaglaban ninyo? Ito ba’y ang paghihirap ng taong kilala ninyo? Minamahal, ang Diyos ay mahabagin. Hindi siya tatalikod sa  inyo mula sa inyong pagsubok. Hindi niya ito panghahawakan laban sa inyo dahilan sa inyong pagpapahayag ng inyong isipan kapag ikaw ay bagsak na at nasasaktan. Si Job ay nakalabas sa kanyang pagsubok sa lugar ng pag-asa, kaya’t ikaw man ay ganoon din.

 

 “Sa dakong silangan, hindi siya matagpuan; wala rin siya sa gawing kanluran. Di ko rin makita sa dakong hilagaan, sa bandang timog, wala ni bakas man. Ngunit batid ng Diyos ang aking bawat hakbang; kahit na subukin n’ya, ako’y parang gintong lantay” (Job 23:8-10).