Biyernes, Mayo 1, 2009

PAGPALAIN KA NG DIYOS AT MANATILI SA KAPAYAPAAN

Inudyukan ako ng Espiritu Santo na basahin ang Exodo 12, na naglalaman ng mga pangyayari tungkol kaligtasan ng Israel mula sa Egipto.

 

Sa bawat pintuan ng tahanan sa Israel, ay may pahid ng dugo ng tupa sa magkabilang poste at katangan nito. Ito ay para pangalagaan ang mga tao ng Diyos mula sa pagdaan ng anghel ng kamatayan. Nang dumating ang araw na iyon, maraming mga Israelitas ay nagmartsa mula sa pagkakabilanggo, kasama na ang 600,000 na mga lalaki kasama na ang mga babae at mga bata. “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang mga hukbo ni Yahweh” (Exodo 12:41).

 

Sa sumunod na kabanata, huminto ako sa ikatlong talata, na mababasa: “Alalahanin niyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkaalipin sa bansang Egipto” (Exodo 13:3). Ang mga tao ng

Diyos ay napalaya sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng pamamaraan ng tao.

 

Ipinahayag ni David, “Ang Diyos ang aking muog na kanlungan ang nangangalaga sa aking daraanan…mula sa ilalim ng tubig sa dagat, iniahon ako’t kanyang iniligtas; iniligtas ako sa mga kaaway, na di ko makayang mag-isang labanan…pinagkaloobang magtagumpay lagi, ang abang lingkod mong hinirang na hari, di mo pinabayaan ang iyong pinili, na si Haring David at ang kanyang lahi” (Samuel 22:33, 17, 18, 31).

 

Ang ating pananampalataya at lakas ay maaring manghina, ngunit sa panahon ng ating kahinaan tayo ay binigyan ng Diyos ng mga nakakagulat na mga pangako para mapanibago at mapalakas tayo

 

  •  “Pinalakas mo ako para sa labanan” (2 Samuel 22:40).

  •  “Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan (1 Samuel 2:4).

  • “Si Yahweh ang nagbibigay ng lakas sa mga hirang, at siya ring nagpapala upang sila’y matiwasay” (Awit 29: 11).

  • “Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal, siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan” (Awit 68:35).

  • “Ngayong ako’y matanda na h’wag mo akong babayaan, katawan ko’y mahina na kaya ako’y h’wag iiwan…Pagka’t ikaw, Panginoon ay malakas at dakila”  (Awit 71:9, 16).

  •  “Ang sa iyo umaasa’y masasabing mapalad din…habang sila’y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Sion ang Diyos nilang hinahanap” (Awit 84:5, 7). 

Mga minamahal, naniniwala ba kayong ang Diyos natin ay malakas? Kung siya ay malakas, walang kapangyarihan ang maaring humarap sa kanya. Kung ganon, isuko ang lahat sa kanyang makapangyarihang kamay ng lakas at kapangyarihan. Gagawa siya ng paraan. Higit sa lahat, maniwala sa salitang ito: “Noon ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako” (Awit 138:3).

 

Mahalin at pagpalain kayo ng Diyos.