Biyernes, Mayo 22, 2009

NAWA’Y BIGYAN KAYO NG DIYOS NG KAPAYAPAAN AT KAPAHINGAHAN SA INYONG PUSO

Naniniwala ako sa mga himala! 

 

Mayroong isang ina sa aming iglesya na kasapi sa koro na nananalangin para sa kanyang anak sa maraming taon na. Nahulog siya sa kasalanan bilang isang kabataan. Nanalangin siya, “Diyos ko, anuman ang dapat mangyari iligtas mo siya.” Sa halip na lumapit kay Cristo, siya’y naging isang Muslim. Sa sumunod na pitong taon, ibinaon niya ang sarili niya sa maladimonyong doktrina. Ngunit ang ina niya ay patuloy na nananalangin. Dinala ng Islam ang bata sa malalim na pagkalumbay. Sa kanyang di-kapani-paniwalang kalumbayan, tumalon siya mula sa ika-anim na palapag ng gusali, umasang mamatay siya. Sa halip, bumagsak siya sa kanyang mga paa, nadurog ang maraming buto – at siya’y nabuhay. Noong nagdaang Linggo, lumakad siyang pilay patungo sa aming entablado at sinabi kung paanong mahimalang iniligtas siya ni Cristo. Ang kanyang ina ay nakaupo sa koro, pinupuri ang Diyos at inaalala ang marami niyang taon ng maraming luha at oras sa pananalangin. Nadinig ng Diyos ang kanyang tangis.

 

Salamat sa Diyos para sa mga himala sa araw na ito!

 

Isang nakababatang lalaki sa aming iglesya ay nangusap ng tungkol sa isang panalangin na gagamitin siya ng Diyos sa kanyang paaralan, na nandoon sa malapit sa Ground Zero at sa ginibang Kambal na Gusali. Siya at isang kaibigan ay nagsimulang tumayo sa labas ng paaralan araw-araw, malakas na nananalangin. Mayroong mga nangutya sa kanila, ngunit may ibang sumama sa kanila. Nagbigay daan ito sa paaralan at pinayagan silang magdaos ng pag-aaral ng Bibliya sa paaralan. Ang nakababatang lalaki ay labis na nagalak, at ngayon ilang mga guro ay sumama na rin. Sinabi niya, “Maiisip mo ba na gagamitin ng Diyos ang isang nakababatang hindi kilala na katulad ko? Gumagawa pa rin ng himala ang Diyos.”

 

Salamat sa Diyos, siya pa rin ang gumagawa ng himala!

 

Isang bata pang lalaki sa bilangguan ay sumulat ng liham sa amin na ganap na nakapag-pauga sa akin. Pag-usapan ang tungkol sa mga himala! Narito ang kanyang isinulat na bawat salita:

 

“David, natanggap ko ang iyong mga sermon mula sa mga liham. Isa ako sa  namaril sa isang paaralan. Ako ang kanilang binintangan na siyang nagsimula ng lahat ng iyon. Noong Oktubre 1, 1997, nagpunta ako sa mataas paaralan ng Pearl at pinatay ang dalawang estudyante at nakasugat sa pito pa. Pinatay ko rin ang aking ina bago pa nangyari ito. Bago ako napunta sa bilangguan ako ay naligtas. Kung mayroon mang paraan kung paano ako makatutulong sa iyong ministeryo, ay nanaisin ko. Marahil ay maibibigay ko sa iyo ang aking patotoo. Gagawin ko ang lahat para makatulong. Lagi kong kinasasabikan ang iyong sermon sa bawat buwan…”

 

Oo, naniniwala ako sa mga himala!