Mayroong nakasulat sa orihinal na Hebreo na ganap na nagbigay pagpapala sa akin, at nais kong ibahagi ito sa inyo. “Palapit na ng palapit ang sa aki’y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong isinulit. Ngunit ikaw, Panginoon, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitawan mo sa akin ay totoo” (Awit 119:150-151, sa salin ni Helen Spurrell).
Ang mga kampon at kapangyarihan ng demonyo ay nakapaligid kay David, nagpipilit na dalhin siya at ang Israel sa pagkawasak. Gayunman itong tao ng Diyos ay nagpatotoo habang palapit ang kaaway, nagtitiwala siya na ang Panginoon ay higit pang lalapit sa kanya. Sinabi ni David na hawak siya ng Diyos sa kanyang kanang kamay, inaakay siya sa bawat paglusob ng kaaway.
Dito sa patotoo ni David ay isang kahanga-hangang pangako para sa iyo at sa akin. Nakatitiyak tayo na si Satanas ay nakahandang wasakin, guluhin at hilahin pababa ang lahat na nagmamahal sa Panginoon. Gagawin lahat ng kaaway sa abot ng kanyang kapangyarihan na dalhin tayo sa bingit ng kawalan ng pag-asa, kalituhan, pagkakasala at pagkondena.
Mayroon ka bang anumang makasalanang, “nagbabalak na tumutugis” na padating sa iyo ngayon? Nakapangingibabaw na tukso? Pagsubok? Kabigataan sa pananalapi? Suliranin sa samahan ng mag-asawa at sa pamilya? Suliranin sa negosyo? Kapag ang mga tumutugis sa iyo ay nakalapit sa iyo na may masamang balak na wasakin ka, huwag manghina: ang Panginoong Diyos ay higit pang malapit. Siya ay nasa iyong tabi – at kung siya ay nasa iyong tabi, siya ay kikilos para sa iyo. Hindi ko mawari na ang Diyos ay katabi ng sinumang anak niya at nakaupo lamang na hinahayaan ang diyablo na abusuhin siya o guluhin ang kanyang minamahal sa anumang paraan.
Basahin ang Awit 68:1-4 at tingnan kung ano ang ipinangako ng Diyos para sa iyo, kung ikaw ay magtitiwala sa kanya. Maari mong angkinin ang apat na talatang ito ngayon at sa buong taon. Kabisahin ang mga talatang ito, manindigan dito, at ang Diyos ay hahabulin ang iyong kaaway.