Biyernes, Mayo 8, 2009

PARA SA DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI AT KALUWALHATIAN

Habang nakaupo ako sa aking tanggapan humihiling sa Panginoon paano ko kayo pagpapalain, payak kong nadama na bigyan kayo ng bagay mula sa kanyang Salita.

 

Inialok ko ang sumunod na Kasulatan, nagtitiwala na isa dito ay salitang para sa iyo. Alam ko na tapat ang Diyos na magpadala ng natatanging salita kapag ito ay kinakailangan. At naniniwala ako na mayroon ditong natatanging para sa iyo.

 

  1. Awit 32:6-8: “Ang lahat ng tapat, sa panahong gipit dapat manalangin, upang bumugso man ang malaking baha’y di sila abutin. Kublihan ko’y ikaw, ikaw ang sasagip kung nababagabag. Aking aawitin ang pagkakalinga at ‘yong pagliligtas. Ang sabi ni Yahweh, ‘Aking ituturo ang ‘yong daraanan, Ako ang sa iyo’y magbibigay-payo, kita’y tuturuan.”

  1. Awit 31:6-8: “Ikaw’y namumuhi sa nananambahan sa walang halagang mga diyus-diyusan; ngunit ako, Yahweh, sa iyo’y nananawagan. Magbubunyi ako, lubhang magagalak, sa iyong pag-ibig na di kumukupas, ang pagdurusa ko’y iyong mamamalas, maging suliranin ay batid mong lahat. Di mo itinulot ako sa kaaway, kinupkop mo ako at iyong iningatan.”

  1. Awit 41:1-3: “Mapalad ang isang taong tumitingin sa mahirap, si Yahweh ang tumutulong kung siya ay may bagabag. Buhay niya’y iingatan, yamang siya ang may hawak, sa kamay man ng kaaway, hindi siya masasadlak, at doon sa bayan niya’y ituturing na mapalad. Si Yahweh rin ang tutulong kung siya ay magkakasakit, ang nanghina niyang lakas ay ganap na ibabalik.”

  1. Awit 31:1, 5: “Sa iyo, O Yahweh, ako’y lumalapit upang ingatan mo, nang hindi malupig…kupkupin mo ako at iyong ingatan, ang pagliligtas mo sa aki’y pakamtan; ikaw ang aking Diyos na tapat at tunay.”

  1. Awit 56:8, 9, 11: “Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko’y may talaan ka ng ingat. Kung sumapit ang sandaling ako sa iyo ay humibik, ang lahat ng kaaway ko ay tiyak na malulupig; pagkat aking nalalamang, ‘Diyos ang nasa aking panig’”. Lubos akong umaasa’t may tiwala ako sa Diyos kung tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.”

  1. Awit 86:17: “Pagtulong sa aki’y iyong patunayan, upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nila yaong katibayan na ako’y maliw mo at tinutulungan.”

  1. Awit 88:1-3: “Panginoong Diyos, tumawag ako sa iyo kung araw, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan. Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan, sa aking pagdaing ako ay tulungan. Ang kaluluwa ko ay nababahala’t lipos ng hilahil dahilan sa hirap wari’y malapit na akong malibing.”

Pakiguhitan sa ilalim ang bahgi ng Kasulatan na ipinatotoo sa iyo ng Espiritu. Maniwala dito! Ipinadala ito sa iyo ng Diyos ngayon.