Biyernes, Hulyo 29, 2011

GUTOM NA MAGING BANAL by Gary Wilkerson

Mayroong isang (Scottish) pastor na nagngangalang Robert Murray McCheyne na namatay sa edad na 29. Bago siya pumanaw nagdala siya ng isang malaking panggising sa kanyang iglesya. Itong linggong ito nabasa ko ang isang talatang sinasabi mula sa taong ito ng Diyos, sinabi niya, "Ang dakilang pangangailangan ng aking mga tao ay ang aking kabanalan."

Mayroon tayong nag-uumapaw sa dami ng mga mahuhusay magsalita ng mga mangangaral, lubhang nagdadamihang mga karismatikong mga personalidad, labis sa daming mga kilalang pinuno. Ang kailangan natin ay mga banal na mga tao ng Diyos. Ang mga tao ay nangangailangan na makakita ng mga pinuno na hindi lamang marurunong sa ministeryo; kailangan nila na makakita na may pusong banal.

Ang isang pastor ay hindi maaring dalhin ang kanyang kongregasyon sa kalaliman ni Cristo ng higit pa sa kanyang nararanasan mismo.

Ano ang kalalabasan ng isang iglesya na may mga nakamamanghang mga programa, mga nagniningning na mga pinuno, nag-uumapaw na mga dumadalo at mga modernong gusali ngunit walang pangitain sa kanya mismong mga banal na tao? Ano ang mabuting ibubunga mula sa mga nakaaakit na mga tagapagsalita na gumagawa ng mga nakaaaliw na mga pagkakataon kung ang namumunong ito ay hindi isang tao na nagnanasa na yumuko sa kanyang kabiguan at nakahandang magpakumbaba kung gaano siya at ang kanyang kongregasyon mula sa isang banal at kamangha-manghang Diyos.

Ang ating iglesya ay madalas na punung-puno ng mga katatawanan at alam natin ito ngunit hindi ito binabago sapagkat ang mga namumuno ay hinahayaan ito sa halip na malungkot tungkol dito. Ang kalagayan sa iglesya ay sadyang isang larawan ng katotohanan na nasa puso ng pastor. Ang liwanag na nanggagaling mula sa isang basag na sisidlan ay higit na daig ang nagdadamihang relihiyosong nanglilibang. Sinabi ni Pablo na maaring magkaroon ka ng maraming tagapagturo ngunit ilan lamang ang mga ama. Ngayon maari niyang nasabi na maaring marami kang mga dalubhasang mga nasa igleya ngunit ilan lamang ang tunay na banal.

Ang mga pahayag ni R.M. McCheyne ay higit na kailangan sa panahong ito kaysa noong una siyang nagsalita sa isang naikompromisong iglesya sa Scotland. Ngunit hindi lamang ang kanyang salita kundi ang kanyang halimbawa, ang kapangyarihan ng kanyang pulpito at ang epekto ng kanyang ministeryo na nagpalakas sa kanyang mga salita. Ang kanyang mga salita ay may dalang kapangyarihan sa likod ng buhay na may dalang kadalisayan.

Ikaw ba ay gutom na maging banal na lalaki o babae ng Diyos? Mayroon lamang isang paraan para makita itong maganap. Ito ay ang ilatag ang magkasamang makataong pagsisikap para mapagsumikapan ang sariling pagiging matuwid at ganap na mabihisan ng damit ni Cristo at payak na tanggapin ang tinapos na gawain ni Cristo sa krus.

Ang kabanalan ay higit pa sa sariling pagbaliktad sa kasalanan; ito ay ang ganap na pagsuko kay Cristo na nagpapakawala ng dakila at maluwalhating damdamin para sa kabanalan. Hindi ko ninanais na patuloy na makipagbuno sa aking ama. Nais kong makita ang wangis ni Cristo sa akin ang kapunuan ng isang bagong tao na kanyang nilikha.

Huwebes, Hulyo 28, 2011

SA MANIWALA O HINDI

“Ngunit ang sinumang kumakain sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan ay nagkakasala” (Roma 14:23).

Sa maniwala o hindi,
Iyan ang tanong.
Tunay bang lumakad si Jesus sa tubig?
Nagpagaling ng mga ketongin?
Bumuhay ng patay?
Ginawang makakita ang mga bulag?
Pinasunod ang hangin at alon?
Nag-palayas ng mga diyablo?
Nagpagaling ng mga baliw?
Ginawang alak ang tubig?
Para paniwalaan ang lahat ng mga iyan
Kailangan ang tao ay maniwala sa mga himala!
Gayunpaman ay hindi basta naniniwala kay Cristo lamang,
Hanggang hindi siya naniniwala sa mga himala--
Sa kanyang pagkabuhay na muli
At pag-akyat sa langit,
Siya ay alin man sa patay o buhay,
At kung buhay--
Ito ay isang himala!
At ang lahat ng kanyang ginawa ay mahimala.
Paniwalaan lahat ito.
Iyan ang pananampalataya!

Martes, Hulyo 26, 2011

ANG TINAPAY NG KALAKASAN

Minsan ako ay umabot ng isang linggo na umiiyak sa harapan ng Panginoon, dumadaing sa kanya para sa isang mensahe ng kaaliwan at pag-asa para sa lahat ng mga namimighating mga mananampalataya na sumusulat sa aming ministeryo. Habang gumagawa sa lunsod ng Nuweba York na kasama ang mga lulong sa mga ipinagbabawal na droga, mga lasenggo at mga walang tahanan, ako ay nanalangin, “Panginoon, kahit saan ako lumingon nakikita ko ay pighati, pasakit, kalungkutan at kaguluhan. Ano ang mensahe ang maari kong maibigay doon sa mga may mahigpit na pangangailangan? Ano ang sasabihin mo sa kanila? Tunay na nag-alala ka sa mahahalagang mga taong ito. Tunay na matagal mo nang nais magbigay ng mensahe na makapagpapalaya sa kanila.”

Ang Panginoon ay nagkaloob sa akin ng pag-asa na magbibigay siya ng pamamaraan para palakasin ang bawat anak niya na malabanan ang kaaway. Ang lakas na ito ay nanggagaling lamang sa pagkain ng Tinapay na ito na nanggaling sa langit. Ang ating espirituwal na kalusugan ay umaasa na makarating ang Tinapay na ito sa atin.
Makinig na mabuti sa mga salita ni Jesus: “Buhay ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin” (Juan 6:57). Si Jesus ay mayroong malapit na pakikipag-isa sa Ama, at ganap na ipinagkatiwala na gagawin lamang ang kanyang kalooban, na ang salita ng Ama ay siya lamang na pagkain at inumin niya. Si Jesus ay araw-araw na inaalalayan sa pamamagitan ng pakikinig at ang makita kung ano ang kalooban ng Ama, na siyang bunga ng kanyang maramimg sandali ng kanyang pakikipag-isa sa kanya.

Sinabi ni Cristo sa kanyang mga disipulo, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman…Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin” (Juan 4:32 at 34). Inuutos niya rin sa akin, “Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan” (Juan 6:27). Hindi natin dapat na pangahasan na makaligtaan ang lihim ng lakas; maging si Cristo ay nabuhay sa pamamagitan ng Ama, kailangan din natin matanggap ang ating buhay sa pamamagitan ng pagpapakain kay Cristo. 

Nang ang mga anak ng Israel ay nasa ilang, ang biyaya na umalalay sa kanila ay ipinagkakaloob araw-araw. Sa pamamagitan ng halimbawang ito ipinapahayag ng Diyos sa atin na ang kinain natin kay Crsito ay hindi masasangkapan ang ating pangangailangan ngayong araw na ito. Kailangan tanggapin natin na magugutom tayo sa espirituwal at manghihina at walang makakatulong nang walang pang-araw-araw na sangkap ng sariwang Tinapay na galing sa langit. Kailangan tayong lumapit sa mesa ng Panginoon araw-araw.

Lunes, Hulyo 25, 2011

NASAAN ANG TAGUMPAY?

Karamihan sa atin ay alam na ang kasalanan ang ugat ng lahat ng problema—ang ating pangamba, kakulangan, galit, kawalan ng pag-asa. Alam natin na ninanakawan tayo nito ng lakas ng loob na espirituwal at sigla, ngunit ang hindi natin alam ay kung paano madadaig ang “talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin” (tingnan ang Hebreo 12:1).

Alam natin na ang tagumpay laban sa lahat ng ating mga kaaway ay nanggagaling sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Ngunit paano natin makukuha ang kapangyarihan mula sa kanyang gumagapang na halaman patungo sa ating munting sanga? Paano mangyayari ito? Iniibig ko si Jesus, at alam ko na nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan. Alam ko rin na ipinangako niya sa akin ang tagumpay, ngunit ano ang ibig sabihin noon at paano makakamit ang tagumpay?

Nagsisimula pa lamang akong makita ang munting liwanag sa misteryo ng kabanalan. Hinihingi ng Diyos sa akin na gawin ang sumusunod na tatlong bagay para sa sarili kong pagsasaliksik ng ganap na tagumpay laban sa lahat ng aking mga kumukubkob na kasalanan.

  1. Kailangan matutunan ko na magutom sa kabanalan at kamuhian ang aking kasalanan. Ipinapahamak ako ng kasalanan at hindi maaring tumingin ang Diyos sa kasalanan; hindi niya maaring patawarin ito. Ang takot sa Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kalayaan. Huwag asahan na pagbibigyan o bibigyan ng espesyal na mga pribilehiyo. Ang kasalanan ay dapat na ikumpisal at iwaksi.
  2. Kailangan makumbinsi ako na ako ay iniibig ng Diyos kahit na ako ay nagkasala! Kinamumuhian ng Diyos ang aking kasalanan, habang kasabay nito ay ipinadadama niya ang kanyang pag-ibig sa akin na may walang katapusang kahabagan. Ang kanyang pag-ibig ay hindi kailanman maaring makipagkompromiso sa kasalanan, ngunit nakahawak siya sa kanyang nagkakasalang anak na may isang layunin sa isipan—ang baguhin siya.
  3. Kailangan kong tanggapin ang mapagmahal na pagtulong ng aking Ama sa pagtanggi at makapangibabaw. Ang kasalanan ay parang isang pugita na may maraming galamay na sinasadyang wasakin ang aking buhay. Madalang na ang lahat ng galamay nito ay luluwagan ang pagkakahawak nito sa akin ng sabay-sabay. Ito ay isang galamay sa bawat pagkakataon, isang munting tagumpay sa bawat pagkakataon. Iginawad ng Diyos ang Espiritu Santo sa akin na may maliwanag na patutunguhan kung paano makipaglaban, kailan kailangan tumakbo, kung kailan susunod na lalaban. Ang pakikipaglaban sa mga makapangyarihang kalaban ay sa kanya—hindi sa akin. Ako ay isa lamang kawal, na nakikipaglaban sa kanyang digmaan. Nais ng Diyos na ako ay ganap na manalig sa kanya. Ang bahagi ko sa pakikipaglabang ito ay manalig na ako ay ilalabas niya sa labanang ito na tagumpay!

Biyernes, Hulyo 22, 2011

ANG DALHIN SI CRISTO SA BAWAT KRISIS

Sa Daniel 3, si Haring Nebucadnezar ay nagtayo ng isang malaking, ginintuang rebulto na may taas na 90 talampakan at ipinatawag ang lahat ng pinuno mula pa sa lahat ng kanyang nasasakupan para sa pag-aalay na seremonya. At pagdating nila, gayunpaman, ipinag-utos ni Nebucadnezar na silang lahat ay yumuko at sumamba sa harap ng idolo at kapag sumuway sila, mamamatay sila.

Ang tatlong kaibigan ni Daniel sina—Shadrac, Meshac at Abenedgo—ay tumutol na sumamba. Ang mga lalaking ito, kasama si Daniel, ay binihag mula sa Jerusalem. Pangkaraniwan lamang noong mga panahong iyon na maparusahan ang mga sumusuway sa mga ipinag-uutos ng hari sa pamamagitan ng paghagis sa kanila sa nag-aapoy na pugon (tingnan ang Jeremiah 29:22).

Nang dinala ng mga guwardiya ang tatlong lalaking Hebreo sa harapan ng hari, sinigawan sila, “Sinabi niya, "Shadrac, Meshac, at Abednego, totoo bang hindi kayo naglilingkod sa aking mga diyos ni sumasamba sa rebultong ginto na aking ipinagawa? Iniuutos ko sa inyong lumuhod kayo at sumamba… Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon” (Daniel 3:14-15).

Ang tatlong kaibigan ni Daniel ay tuluyan nang inihagis sa pugon. Ngunit nagtaka ang hari. Walang natutupok na mga katawan, walang amoy ng nasusunog na katawan. Sumilip siya sa apoy—at namangha sa kanyang nakita!

Ang tatlong lalaki ay naglalakad sa ibabaw ng mga baga. Ang nasunog lamang ay ang mga lubid na nagtatali sa kanila—at ngayon nakataas ang kanilang mga kamay, nagpupuri sa Diyos. Kinausap ni Nebucadnezar ang isa sa kanyang kasama at sinabi, “Ilang lalaki ang ating inihagis sa apoy?”
“Tatlo, kamahalan,” ang sagot nila.

"Bakit apat ang nakikita kong walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi nasusunog? At ang tingin ko sa ikaapat ay parang anak ng mga Diyos!" (tingnan ang Daniel 3:24-25).

Dumating si Jesus sa panahon ng pighati ng tatlong lalaking ito sa isang dahilan—para sa kanilang kapakanan lamang! Dumating siya para aliwin at iligtas sila sapagkat iniibig niya sila. Ang Panginoon ng kaluwalhatian ay ibingay ang sarili niya para sa kanila sa sandali ng kanilang kapighatian—sapagkat sila ay ganap na nagtitiwala sa kanya!

Huwebes, Hulyo 21, 2011

ANG ATING MAASAHANG TAGAPAYO

Hindi ako nagbibigay ng payo sa pananalapi—ngunit ako ay may ugnayan sa natatangi at nag-iisang maasahang tagapayong tagasanlibutan! Sa bawat katanungan ko sa anumang usapin, ang aking pinagkakatiwalaang tagapayo ay may kasagutan. Siya ay matagal nang nasa ating ministeryo mula sa umpisa. Nang inilipat natin ang ating tanggapan sa lunsod ng Nuweba York, kasama natin siya sa paglipat. At siya ang nanguna sa lahat ng transaksyong pang-estadong ariarian na ating ginawa dito. Tinulungan niya tayong bilhin ang makasaysayang Sinehan ng Mark Hellinger sa Broadway, na kung saan ngayon ginagawa ang mga paglilingkod sa Iglesya ng Times Square.

Gayunman hindi lamang siya ang ating tagapayong pinansyal at sa pang-estadong ariarian, siya rin ang ating abogado, pang-pamilyang tagapayo, at gabay sa paglalakbay. Katunayan, ginagabayan niya tayo sa halos lahat ng ating ginagawa at kinahaharap. Yaong huling pagkakataon na nakausap ko siya (na kaninang umaga), isiniguro niya sa akin na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng mga matatatag na paggabay para sa atin maging sa mga mahihirap na pagkakataon. Sinabi niya na wala tayong dapat alalahanin.

Higit sa lahat, ang aking tagapayo ay payag na tawagan ko siya kahit araw-araw at anumang oras sa araw na iyon. Pinalakas ang loob ko ng aking tagapayo, “Wala kang dapat na anumang alalahanin. Napagdaanan ko na ang lahat ng uri ng mga ganitong bagay maraming ulit dati pa.” Nakakamangha na makita sa Bibliya sa tuwi-tuwina, sa anumang mabibigat na pinagdadaanan, na ang Diyos ay palaging may malapit na ugnayan sa kanyang mga tao.

Ang Panginoon ay may ugnayan ka David, ang mang-aawit, nang maranasan niya ang mga paghihirap. Si David ay bumalik kasama ang kanyang mga kawal sa Ziklag at natagpuan niya na ang kanyang bayan ay tinupok na abo ng mga tulisan (tingnan ang Samuel 30). Ang tahanan ni David ay winasak at ang kanyang pamilya ay binihag—walang anumang itinira. Ang lahat ng pinaghirapan niya—ang kanyang mga alagang hayop, mga gamit sa bahay, mga ariarian niya—ay naglahong lahat. Walang mabalingan si David ng mga sandaling iyon, habang ang kanyang mga kawal ay halos pamatuhin siya dahil isinama niya sila lahat sa labanan at iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay na walang nagbabantay.

Sinabi ng Kasulatan na si David ay lumapit sa kanyang tagapayo (at akin din): “Nagtanong si David kay Yahweh, "Hahabulin po ba namin ang mga tulisang iyon? Mahuhuli ko po kaya sila?" "Sige, habulin ninyo. Maaabutan ninyo sila at maililigtas ang kanilang mga bihag," sagot ni Yahweh” (1 Samuel 30:8). Sinunod ni David ang payo sa kanya—at nabawi niya ang lahat!

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

ANG TUBIG NG BUHAY

Ang propetang si Ezekiel ay binigyan ng isang di-kapani-paniwalang pangitain. Sinabi ng Kasulatan na dinala siya ng kamay ng Diyos sa isang napakataas ng bundok, na kung saan ay may nagpakitang tao “Siya'y tila tanso, may hawak na pising lino, at panukat” (Ezekiel 40:3).

Ang katotohanan, ang tao ay walang iba kundi si Crsito mismo. Inakay niya si Ezekiel sa pintuan ng bahay ng Diyos na kung saan ibinigay niya sa propeta ang isang kahanga-hangang pangitain ng kinahaharap ng mga tao ng Diyos. Ipinahayag nito kung ano ang mangyayari sa katawan ni Cristo habang papalapit na ang katapusan ng mundo. “Bumalik kami sa pintuan ng templo. Sa ilalim nito'y may agos ng tubig papunta sa silangan. Ang templo'y paharap sa silangan. Ang agos ay nagmumula sa gawing timog na bahagi ng templo, sa gawing timog ng altar” (Ezekiel 47:1).

Ang mga larawan ng tubig sa Bibliya ay madalas na kumakatawan sa Espiritu ng Diyos. Ang pangitain ay maliwanag na nagpapahayag ng dakilang pagpupuspos ng Espiritu Santo sa mga huling araw. Ang pangitain ay lubhang nakapangingibabaw sa lawak nito, hindi ito maintidihan ni Ezekiel. Ni hindi siya makapagbigay ng kuru-kuro sa kung ano ang kahulugan nito; ang kaya lamang gawin ay ipagbigay-alam ito. Sa katotohanan, bago pa natapos ang pangitain, huminto ang Panginoon at tinanong si Ezekiel, “Nakita mo ba ito?” tanong ng Diyos, “Nauunawaan mo ba ang kahulugan ng nakikita mo? Nakikita mo ba kung ano ang ipinahahayag ng tumataas na tubig? Alam ko na ang pahayag na ito ay di-kapani-paniwala at kamangha-mangha para sa iyo, ngunit ayaw kong mawaglit ka sa tunay na kahulugan nito. Ang tubig ay nagpapahayag kung paano magtatapos ang lahat.”

Ang propetang si Isaias ay mayroon ding pangitain ng katulad ng tubig na ipinakita sa pangitain ni Ezekiel. Gayunman mayroon pang higit na nakita si Isaias. Ayon kay Isaias, sa mga huling araw ang mga tao ng Diyos ay makakaranas ng malaking pag-iingat laban sa lahat ng maka-satanas na pag-atake: ”Maninirahan tayo sa baybayin ng malalawak na ilog at batis na hindi mapapasok ng sasakyan ng mga kaaway” (Isaias 33:21).

Si Isaias ay nagpapahayag dito ng sasakyang-pandigma na minamaneho ng mga alipin. Ipinakikita niya sa atin ang larawan ng kaaway, ang diyablo, habang sinusubok niyang umatake sa lahat na lumalangoy sa tubig. At ito ay larawan ng ganap na kalituhan.

Maliwanag na ipinakikita sa atin ng Diyos sa mga talatang ito na ang kanyang buhay na tubig ay hindi maaring pakialaman ni Satanas. Bilang patotoo ng Mang-aawit, “Silang nagnanasang ako ay patayin ay iyong igupo at iyong hiyain; at ang nagtatangkang lumaban sa akin, hadlangan mo sila at iyong lituhin. Gawing parang ipa na tangay ng hangin, habang tinutugis ng sinugong anghel. Hayaang magdilim, dumulas ang landas, ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak” (Awit 35:4-6).

Miyerkules, Hulyo 13, 2011

ANG ESPIRITU SANTO AY NANDITO

Sa Iglesya ng Times Square, umaawit kami ng kantang may palakpak na ganito:

Pababain mo siya, Panginoon, pababain mo siya

Panginoon, hayaan mong bumaba ang Espiritu Santo

Kailangan namin siya, Panginoon, pababain mo siya

Ang katotohanan ay, ang Espiritu Santo ay nandito na. Bumaba siya galing sa langit sa Pentekostes at hindi na siya umalis!

Ipinangako ni Jesus, “Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo” (Juan 14:16-17).

Pansinin ang kataga na ginamit ni Jesus dito: “Ngunit nakikilala ninyo siya.” Kamakailan, habang binabasa ko ang mga salitang iyon, hindi ko maalis ito. Napag-isip-isip ko na wala talaga akong kaalaman tungkol sa Espiritu Santo.

Ang iglesya ay maraming sinasabi tungkol sa Espiritu Santo. Pinag-uusapan natin ang tungkol sa mapuspos ng Espiritu, mamuhay at lumakad sa Espiritu, ang magkaroon ng handog Espiritu, ang matanggap ang kaaliwan ng Espiritu.

Gayunman maaring malaman ang lahat ng doktrina ng Espiritu Santo at patuloy pa rin hindi kilala. Kung tatanungin ko kayo, “Tinanggap na ba ninyo ang Espiritu Santo?” paano ninyo sasagutin ito?

Ang ilan ay maaring sabihin na, “Tinanggap ko ang Espiritu ng ako ay iniligtas ni Jesus. Ang Espiritu Santo ang nagdala sa akin sa kaharian ni Cristo.” Ang iba ay sasagot nang, “Oo, tinanggap ko na ang Espiritu Santo, sapagkat ako y nagsalita sa ibang wika nang pumasok siya sa buhay ko. Nanalangin ako sa Espiritu, at ang ibang wika ay patunay na tinanggap ko siya.”

Gayunpaman, ang tanggapin ang Espiritu ay higit pa sa minsanang karanasan. Ang salitang “tanggapin” ay nangangahulugan na “panghawakan yaong ipinagkaloob.” Sa madaling sabi, ang pagtanggap ay ang paghahangad ng malawakang kapasidad para sa higit pang karunungan ng kung sino ang Espiritu at tungkol saan ang kanyang ministeryo. Sa katunayan, ang Espiritu Santo ay hindi matatanggap ng sinuman hanggang siya ay pinayagan na pangasiwaan ng ganap ang templo ng taong iyon.

Tinanong ni Pablo ang mga taga Galacia, “Paano ninyo tinanggap ang Espiritu? Tinanggap ninyo ba siya sa pamamagitan ng pananampalataya?” At ipinahayag niya, “Ipinahayag mo sa pamamagitan ng pananampalataya na kung ano ang nalalaman mo tungkol sa Espiritu ay tinanggap mo sa pamamagitan ng pananampalataya. Kayat, mayroon bang patuloy na “ministeryo ng Espiritu’ sa iyo sa pamamagitan ng pananampalataya? Ginagamit mo ba ang pananampalataya para lalong lumalim sa Espiritu?”

Martes, Hulyo 12, 2011

ANG KAGALAKAN NG AMA

Ang kasaysayan ng Suwail na Anak ay ganap na alam ng marami, kayat hindi ko na iisa-isahin pa ang kuwento. Ngunit nais kong sabihin, na ito ay hindi nangangahulugan na tungkol sa nawawalang anak. Sa halip, ito ay tungol sa kagalakan ng ama.

Sa katotohanan, ang talinhaga ng Suwail na Anak ay tungkol sa pagbabalik (Lucas 15:11-31) ngunit hindi tungkol lamang sa anak na sa wakas ay umuwi na. Ito ay tungkol din sa kung ano ang nagpapanatili sa anak na manatili sa tahanan. Ito ay tungkol sa grasya, sa kapatawaran at panunumbalik. Basahin muli ang salaysay na ito, at mapupuna mo na ang salaysay ay hindi doon nagwawakas sa kanyang pagbabalik—at ito ay makabuluhan.

Ano ang nakapagpapanatili sa anak para tumigil sa tahanan? Ito ay ang kaalaman na sa kanya ay nagagalak ang ama! “Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.' At sila nga'y nagdiwang…narinig nito ang tugtugan at sayawan” Lucas 15:24-25).

Ni hindi man lamang pinagsabihan ng ama ang anak na suwail, o kinondena man lang, ni hindi binanggit ang kanyang pagalayas. Sa halip, nagpahanda pa ng piging at inanyayahan ang lahat ng kanilang mga kaibigan at mga kapitbahay. Ang amang ito ay lubhang nanabik sa anak na umuwi na, at ngayon nangyari na nga ito.

Tumutol pa ang Suwail noong una, sinabi sa kanyang ama, “Huwag na po, hindi ako karapatdapat.” Ngunit hindi siya inintindi ng ama, nagpakuha ng balabal para ilagay sa kanya, singsing sa kanyang daliri at sapin sa kanyang mga paa. Ngayon ang lahat ng ariarian ng ama ay muling nakahanda na ilaan para sa kanya. At nagkaroon ng malaking pagdiriwang, mga tugtugan, sayawan at kainan.

Naniniwala ako na pag-ibig ang nagdala sa batang ito para bumalik. Ngunit ang kagalakan ng ama ang nakapagpanatili sa kanya doon! Nakita mo, na ang Suwail na anak ay napanatili sa pamamagitan ng simpleng kagalakan ng ama na makita siyang bumabangon tuwing umaga at manatiling nasa tahanan. Ang ama ay nagagalak na makapiling siyang muli. Higit pa doon, ang lahat na tungkol sa buhay ng batang ito na kinain ng uod ay muling napanumbalik.

Marami akong nakilalang mga dating lulong sa ipinagbabawal na droga ang katulad ng Suwail na anak. Nakatingin lamang sila sa mga naaksayang mga panahon dahilan sa kanilang bisyo: isang asawa, mga anak, isang ministeryo. Nadama nila ang pamamalo ng Panginoon at iyan ay maaring nakapagdaramdam, ngunit nagpahayag si Jesus sa talinhagang ito, “Walang malalayo sa aking kaharian. Gagawin kang lalong matatag sa pamamgitan ng mga ito. Nasa tahanan ka na ngayon at ang grasya ay panunumbalikin kang buong-buo.”

Lunes, Hulyo 11, 2011

ANG MABUHAY NG WALANG TAKOT

Ipinakita ng Diyos sa atin na maari tayong mabuhay ng walang takot. “Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot…” (1 Juan 4:18). Sa madaling sabi, kung tayo ay mamumuhay sa takot, tayo ay walang malay sa tunay na kahulugan ng dalisay na pag-ibig. Hindi sinasabi ni Juan, “Ang dalisay na pag-ibig para sa Diyos ay nag-aalis ng lahat ng takot,” at hindi niya tinutukoy ang salawahang pag-ibig o hinog na pag-ibig sa mga Kristiyano, na katulad ng mga mungkahi ng ilang mga taga-saling wika. Hindi doon nagmumula ang dalisay na pag-ibig ng mga tunay na mananampalataya.

Katunayan, iniibig natin ang Diyos, isang katunayan na walang kaduda-duda. Ngunit isa-alang-alang kung ano ang sinabi ni Juan tungkol sa dalisay na pag-ibig sa mga naunang kabanata. “Ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig” (4:12, aking italika). Ayon kay Juan, ang unang konsiderasyon ng dalisay na pag-ibig ay ang walang kondisyong pag-ibig para sa ating mga kapatiran kay Cristo.

Ang isang Kristiyano ay maaring magsabi na iniibig niya ang Diyos, na sinusunod niya ang kanyang kalooban, at tapat na ginagampanan ang gawain ng kaharian. Ang ganitong tao ay maaring mananamba o maaring isang nagtuturo ng Salita. Ngunit kung siya ay may sama ng loob o nagsasalita laban sa iba—kung kanyang inilalayo ang sinuman sa katawan ni cristo—naglalakad siya sa kadiliman, at ang espiritu ng kamatayan ay nasa kanya. Ang buhay, ang lahat ng mabuting gawa, ay wala sa ayos sa taong ito. Isa-alang-alang ang sinabi ni Juan sa kanya: “Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa” (1 Juan 2:9).

Kung ikaw ay interesado na mabuhay na walang takot, sinabi ni Juan sa atin na may paraan paano magagawa ito. Ang katotohanan, mayroong dalisay na pag-ibig na nag-aalis ng lahat ng takot at ito ang unang hakbang na dapat nating gawin: “Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan” (1 Juan 4:11). Oo, kailangan munang harapin natin ang ating pakikipag-ugnayan sa katawan ni Cristo.

Ayon kay Juan tayo ay inutusan na magmahalan sa bawat isa katulad ng pagmamahal ni Cristo sa atin ng sa gayon ay mapadalisay natin ang pag-ibig na iyan sa atin. Ano ang ibig sabihin ng ganitong uri ng pag-ibig? Ito ay higit pa sa pagpapatawad, higit pa dito. Ang ibig sabihin nito ay mapatawad ang lahat ng kasalanan sa atin at iaalay ang ating pakikisama. Kailangan nating pahalagahan ang mga nagkasala sa atin na may katulad na pagpapahalaga sa ibang kasapi ng ating samahan. Kapag hinayaan natin na manatili ang pag-ibig ng Diyos sa atin at pinadalisay tayo, ang lahat ng takot ay mawawala.

Biyernes, Hulyo 8, 2011

MABUHAY AT UMIBIG KATULAD NG GINAWA NI JESUS

“Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito” (1 Juan 4:16-17).

Itala ang huling bahagi ng talatang ito. Sinabi ni Juan sa atin na tayo ngayon ay namumuhay na katulad nang pamumuhay ng Panginoon: ang magpatawad at ibigin ang ating mga kaaway. Walang anumang natira sa atin sa paghihiganti, sama ng loob, o ng mabigat na dugo sa ibang lahi—walang anuman para hatulan tayo. At ngayon kailangan malaman natin at lubusang maniwala sa pag-ibig ng Diyos para sa atin.

“Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan” (1 Juan 4:10).

Bukod sa rito, sinabi ni Juan, kailangan walang takot sa kanyang pag-ibig, walang pagdududa dito. Bakit? Sapagkat kapag nagduda tayo sa kanyang pag-ibig para sa atin, tayo ay mabubuhay sa pighati: “Ang takot ay kaugnay ng parusa (4:18). Ang maniwala sa pag-ibig ng Diyos ay nangangahulugan na alam na siya ay matiyaga sa ating mg kabiguan, araw-araw. Naririnig niya ang bawat daing, inilalagay sa sisidlan ang bawat luha, nadarama ang hapis ng ating puso, at nahahabag sa ating mga daing.

Ang ganitong mukha ng pag-ibig ng Diyos ay madiing inilarawan sa Exodo, na kung saan ay hinanap na maipahayag ng Panginoon ang kanyang likas na pag-ibig sa kanyang mga tao. Sinabi niya kay Moses, “Palalayain ko ang Israel,” at sinabi ng Kasulatan: “Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalala niya ang ginawa niyang kasunduan kina Abraham, Isaac at Jacob” (Exodo 2:24).

Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga Egipcio… Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko ang kanilang pagdaing. Kaya't bumaba ako upang sila'y iligtas” (3:7-8).

Naniniwala ka ba na nakikita ng Diyos ang iyong kalagayan at pangangailangan, katulad ng ginawa niya sa Israel? Madalas nating sinasabi, “Si Cristo ang lahat.” Gayunman kapag humarap tayo sa krisis—at kapag ang isa ay sinundan pa ng hindi magagandang pangyayari, ang ating mga dalangin ay mistulang parang hindi sinasagot, at ang bawat pag-asa ay nauumpog—bumababa tayo na may pangamba. Sa katunayan, dinadaig tayo ng takot. Ngunit ang katotohanan ay, hindi kailanman pinababayan ng Diyos ang kanyang mga anak sa panahon ng kanilang hapis, kahit na ang mga bagay ay mistulang wala ng pag-asa. Palagi tayong maaring umasa sa kanya!

Huwebes, Hulyo 7, 2011

ANG MANG-AALIW AY DUMATING NA

Tinawag ni Jesus ang Espiritu Santo na “Mang-aaliw.” Isang bagay ang makilala ang Espiritu Santo bilang ating Mang-aaliw, ngunit kailangan din nating malaman kung paano niya tayo inaaliw, para maibukod natin kung ano ang aliw ng laman at kung ano ang nagmumula sa Espiritu.

Tingnan ang isang kapatid na dinaig ng kalungkutan. Nanalangin ng kaaliwan ng Espiriu Santo at umasa na darating ang kaaliwan iyon bilang isang damdamin. Sa katunayan, sa wari niya ito ay isang uri ng biglaang hininga mula sa langit, katulad ng isang espirituwal na pangpahupa sa kanyang kaluluwa.

Ang ganitong uri ng kapayapaan ay maari talagang madama niya ngunit sa pagsapit ng umaga ay wala na rin ito. Bilang bunga, nagsimula siyang maniwala na tinanggihan ng Espiritu Santo ang kanyang kahilingan. Hindi, hindi kailanman! Hindi tayo inaaliw ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pangunahan ang ating mga damdamin. Ang kanyang pamamaraan ng pang-aaliw ay may malaking pagkakaiba at maliwanag na nakaplano sa Kasulatan. Anuman ang suliranin, pagsubok o pangangailangan, ang kanyang ministeryo ng pangpaaliw ay nagagampanan sa pamamagitan ng pagdadala ng katotohanan: “Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos” (Juan 16:13).

Ang katotohanan ay, ang ating kaaliwan ay sumisibol mula sa ating alam, hindi sa ating nadarama. Katotohanan lamang ang makapangingibabaw sa damdamin! At ang kaaliwang ministeryo ng Espiritu Santo ay nagsimumula sa sinimulang katotohanan: ang Diyos ay hindi galit sa iyo. Iniibig ka niya.

“At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos” (Roma 5:5). Ang kahulugan sa Griyego dito ay higit na mas mabigat kaysa sa iminumungkahi ng pagkakasalin nito, na ang pag-ibig ng Diyos ay sanhi ng “paglagaslas pabulusok” patungo sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ang hindi makayanang dalahin ay maaring sanhi ng takot, kahihiyan, kalungkutan, karamdaman, mga tukso, o kasiran ng loob. Gayunpaman, anuman ang sanhi, ang kaaliwan ay kinakailangan.

Walang ano-anuy isang tinig ang narinig, umaalingawngaw sa bawat sulok ng kaluluwa—ang tinig ng Espiritu Santo—nagpapahayag sa kaluluwa, “Walang anumang maaring makapaghiwalay sa iyo mula sa pag-big ng Diyos.”

Ang katotohanan ay-kapag naniwala ka dito—madalian itong magiging lagaslas ng buhay na tubig, pinapalis ang bawat nakahadlang. “Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo” (Juan 14:26).

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

ISANG BUHAY NG PANANALANGIN

Ang Espiritu Santo ay dumating upang pagnunahan tayo sa buhay ng pananalangin. “Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin” (Roma 8:26).

Isaalang-alang kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa ginagampanan ng Espiritu Santo sa ating buhay ng pananalangin. Nalilito tungkol sa panalangin, ginagawa itong mistulang pinahihirap. Magpunta sa anumang tindahan ng aklat ng Kristiyano at matatagpuan ang hindi mabilang na mga aklat tungkol sa paksang ito, puno ng mga detalyadong pamamaraan tungkol sa pananalangin.

Itong maraming mga kaalaman sa isip ay maaring magdala ng lahat ng uri ng mga tanong tungkol sa pananalangin:

  • Kalian nagiging tagapamagitan ang panalangin?
  • Ang pamamagitan ba ay nasusukat sa pamamagitan ng kapusukan ng loob, maingay na pananalita, o ang haba ng oras na ginugugol mo sa pagluhod?
  • Ako ay inatasan na manalangin ayon sa kalooban ng Diyos, ngunit paano ko malalaman ang kalooban niya?
  • Paano ako mananalangin? Ang pananalangin ba sa isipan ay ibinibilang?
  • Ano talaga ang dapat kong ipanalangin?

Ang ganitong kalituhan ay sadyang nakapananaig at ito ay nagdudulot sa marami para umiwas manalangin.

Walang ibang panahon na kung kalian ang pananalangin ng mga tao ng Diyos ay higit na kinailangan ng higit sa ngayon. Tayo ay nabubuhay sa sanlibutan na nauwi na sa kaguluhan. Ang mga pangyayari sa buong mundo ay lalo pang lumalala, nagkakaisa na nakawan ang tao ng kapayapaan, ang lipunan sa bawat lugar ay naghahanap ng pangagalingan ng kaaliwan. Ngunit hindi nila matagpuan ito sa mga patay na relihiyon, o maging sa mga kawanggawa.

Sinabi ng Bibliya sa atin, “Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya” (Juan 14:17).

Ang isa sa mga mabibigat nating dapat pahalagahan ay ang mapanatili natin ang isang buhay na nanalangin. Kapag nagpabaya tayo sa pananalangin, sinasaktan natin ang Espiritu ng Diyos. Oo, posible natin masaktan ang Espiritu Santo. Sinabi ng sapat ni Pablo nang sinabi niya na, “At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos” (Efeso 4:30).

Katunayan, ibinabahagi ng Espiritu ang sakit na nadarama ng Diyos tungkol sa kawalan ng pananalig ng kanyang mga tao at kawalan ng pananalangin. Isaalang-alang ang ilang makapangyarihang pamamaraan ng Espiritu santo na ginagampanan niyang bahagi sa ating mga panalangin:

  • Sa pamamagitan ng panalangin inihahayag ng Espiritu Santo ang presensya ni Cristo sa atin.
  • Sa pamamagitan ng panalangin sineselyuhan ng Espiritu ang mga pangako ng Diyos sa ating mga puso.
  • Sa pamamagitan ng panalagin ang Taga-aliw ay nangungusap ng pag-asa sa atin.
  • Sa pamamagitan ng panalangin pinakakawalan ng Espiritu ang ilog ng aliw, kapayapaan at kapahingahan sa ating mga kaluluwa.

Martes, Hulyo 5, 2011

ISANG MATAGUMPAY NA IGLESYA

Isang matagumpay na iglesya ay lumalaki maging sa ngayon, galing sa matinding pagsubok ng pananampalataya. Sa mga huling araw na ito ng iglesya ay nanggagaling mula sa mga mahabang araw ng pagdadalamhati at sa naglalagablab na pugon.

Ang Espiritu Santo ay kumikilos na dinadala ng kanyang mga tao sa isang lugar ngnagbabadyang pagkakabali-bali. Inaakay niya sila sa kapahayagan ng kahinaan sa kanilang sariling mga laman upang maipakita sa kanila na siya ay makapangyarihan. Ang kanyang mga tao ay palapit na sa katapusan ng kanilang mga sarili, ang mga nagmamatigas ay dudurugin, hanggang sa dumating sa kanilang isipan na walang ibang laman kundi, “Sundin ang kalooban mo.” At sa lahat ng ito, sila ay naging ganap na umaasa sa Panginoon lamang.

Ito ba’y naglalarawan ng kalagayan mo ngayon? Marahil ikaw ay lumalakad na kasama si Cristo sa maraming taon na, at hindi mo pa naranasan ang isang pagsubok na katulad ng hinaharap mo ngayon. Ang mga bagay na dumarating sa iyo ngayon ay ganap na dinadaig ka na, mga bagay na Diyos lamang ang may maaring magawa para dito. At natuklasan mo na siya lamang ang maaring makapagligtas sa iyo.

Sa mga sandaling ito, ang Islam ay naghahanda na para sa isang huling banal na pakikidigma upang “sakupin ang buong mundo” para kay Allah. Ang mga kampong pinagsasanayan ng mga Islam ay dumarami sa buong mundo na may mensahe ng pagkamuhi. Gayunpaman ang Panginoon ay may mga taong sinasanay, mga tao na gagamitin niya para harapin ang poot ng sanlibutan. Sinasanay niya at binibigyan ng sapat na gamit ng kanyang mapagmahal na kabutihan at kapayapaan. Ang Diyos natin ay Diyos ng pag-ibig, at hindi siya gagamit ng mga bomba, mga sandata, o mga magpapatiwakal na hukbo, kundi ng mga nakapangingibabaw na mga tao na walang takot na may lakas ng Panginoon ng mapagmahal na kahabagan.

Sa buong sanlibutan, ang mga tao ng dumaranas ng mga paghihirap, kapighatian at pahirap. Nakatitiyak ako na may banal na walang hanggang layunin sa kasidhian ng mga espirituwal atpisikal na pakikipaglaban ngayon na pinagtitiisan ng tunay na katawan ni Cristo. “Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi” (Awit 145:9).

Ang ating Panginoon ay mayroon nang plano noon pa man. Ang Diyos mismo ay bumaba at nag-anyo sa kondisyon ng isang tao, namuhay kasama ang mga makasalanan. Pinagtiisan niya ang kanilang pagkamuhi, dinanas ang kanilang pagtanggi, hinarap ang mga di maiisip na pagkutya, at sa lahat ng ito hindi siya kailanman nanglaban.

Hindi kailanman nagtatag ng hukbong mandirigma na gumaganti, mga mamamatay na tao na puspos ng poot. Hindi siya gumamit ng anumang mga sandata. Sa halip, pinabagsak niya ang mga moog sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang mapagmahal na kabutihan. Ang Panginoon ay mayroong isa lamang planong pandigma: magiliw, mahabaging pag-ibig. Sa katunayan, ang pag-ibig ang nagtutulak sa lahat ng kanyang gawain sa sanlibutan. “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Corinto 1:3).

Lunes, Hulyo 4, 2011

ANG DAAN PATUNGO SA TAGUMPAY

Ang napakalaking esirituwal na kabiguan na kasunod ng mala bundok na karanasan ng pagpapala o tagumpay ay pangkaraniwan sa bawat tagasunod ni Jesus. Tinatawag natin ang mga karanasang ito na “tag-tuyot” ngunit ito ay mistulang malalim na pagkakahulog sa espirituwal na kadiliman, isang ganap na pagkakalubog patungo sa isang malaking pagsubok pagkatapos na makilala natin ang espirituwal na hipo ng Diyos.

Matatagpuan natin ang mga tag-tuyot na nagpapahirap sa mga buhay ng mga makadiyos na mga lalaki at babae sa buong Bibliya. Ang mababang panahon sa espiritu ay madalas na dumarating doon sa mga tao na binabalak ng Diyos na gamitin. Katunayan, ito ay pangkaraniwan sa lahat na kanyang sinasanay na maging malalim at malayo na sa kanyang pamamaraan.

Sa iyong pagbabalik tanaw sa iyong sariling tag-tuyot na karanasan, tanungin mo ang sarili mo na kung ang ganitong panahon ay nasundan ng muling pagbabagong Espirituwal sa iyong buhay. Maaring naranasan mo ang sariwang pagkakapukaw, isang taimtim na panalangin, tinatanong ang Panginoon, “Hipuin mo ako, Jesus. Pakiramdam ko ay nanglalamig ako. Alam ko na ang paglilingkod ko sa iyo ay hindi umuusad na ayon sa nararapat. Higit akong gutom na madama ka ng higit pa sa nalalaman ko. At kailangan ko ng sigla para magawa ko ang iyonggawain—para manalangin, iligtas ang naliligaw, magdala ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa. Panumbalikin mo ako, Panginoon. Nais kong gamitin mo ako para sa iyong kaharian sa makabuluhang sukatan.”

Dahil ako ay seryoso sa Diyos, ang mga panalangin mo ay nagsimulang tugunin at nagsimulang madinig mo ng maliwanag ang tinig ng Diyos. Ang pagiging malapit sa kanya ay kahanga-hanga, ang sigla mo ay patuloy na lumalago, at nadarama mo ang pagkilos niya sa buhay na lubos na nadarama.

Pagkatapos isang araw, nagising ka at ang langit ay nagmistulang tanso. Bumagsak ka at hindi mo alam kung bakit. Ang manalangin ay nagmistulang pahirap, at hindi mo na naririnig ang tinig ng Diyos katulad ng dati. Ang pakiramdam mo ay nagmistulang namatay na, ang espiritu mo ay natuyot at nawalan ng laman. Kailangan mo na lamang mamuhay sa pananampalataya.

Minamahal, kung ito ay nangyayari sa iyo ay huwag kang matakot! Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Alam ko ang kanitong uri ng pagbagsak, mula sa tuktok ng bundok pabulusok sa pinakamalalim, sa mistulang isang saglit lamang. Nangusap si Pedro tungkol dito ng may diin, nagpapayo sa atin na huwag isipin na may kakaibang nangyayari sa atin: “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kadakilaan” (1 Pedro 4:12-13).

Hinahayaan ng Panginoon na dumating sa atin ang tag-tuyot sapagkat may layunin siya sa ating mga buhay. Kaya magalak at purihin siya, kahit hindi mo nadaramang nais mo itong gawin.

Biyernes, Hulyo 1, 2011

MAGING HANDA

Sa Mateo 24 gumamit si Hesus ng parabola upang mangaral tungkol sa pagiging handa sa kanyang pagbalik: “Kaya maging handa kayo lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan. Ang tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon sa pagbabalik ng kanyang panginoon. Sinasabi ko sa inyo; pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.

Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapag-paimbabaw. Doo’y tatangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin” (Mateo 24: 44-51).

Itala na si Hesus ay nangungusap tungkol sa mga lingkod dito, pakahulugang mga mananampalataya. Isang alipin ay tinawag na tapat at isa ay masama. Ano ang dahilan bakit tinawag na masama ang huli sa mata ng Diyos? Ayon kay Hesus, ito ay isang bagay na “sasabihin niya sa kanyang puso” (24:48). Ang aliping ito ay hindi nagsasabi sa kanyang isipan at hindi niya ito ipinangangaral. Ngunit iniisip niya ito. Ipinagbili niya ang kanyang puso sa mala-dimonyong kasinungalingan, “Ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik.” Pansinin hindi niya sinabi, “Ang Panginoon ay hindi darating,” ngunit ipinagpaliban niya ang pagbalik.” Sa ibang salita, “Si Hesus ay hindi biglaang darating o kaya’y hindi inaasahan. Hindi siya babalik sa aking panahon.”

Ang “masamang aliping ito” ay malinaw na isang uri ng mananampalataya, marahil isa sa ministeryo. Siya ay inutusan na “magbantay” at “maging handa,” “sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan” (Mateo 24:44). Gayunman ang lalaking ito ay pinagaan ang kanyang budhi sa pagtanggap ng kasinungalingan ni Satanas.

Ipinakita ni Hesus sa atin ang bunga ng ganitong uri ng pag-iisip. Kapag ang isang alipin ay naniniwala na ipinagpaliban ng Panginoon ang kanyang pagbabalik, kung gayon ay wala siyang nakikitang dahilan upang mamuhay na matuwid. Hindi niya kailangan na makipag-isa at mamuhay ng mapayapa kasama ang kapwa alipin. Hindi niya nakikita ang pangangailangan na mapag-ingatan ang pagkaka-isa sa kanyang tahanan at trabaho, sa iglesya. Maari niyang pagmalupitan ang kapwa alipin, akusahan sila, magtanim ng sama ng loob, siraan ang kanilang puri. Katulad ng sabi ni Pedro, ang lalaking ito ay dinadala ng kahalayan. Nais niyang mamuhay sa dalawang mundo, ang mamuhay na makasalanan habang naniniwala na siya ay ligtas mula sa makatuwirang paghuhusga.