Ang kasaysayan ng Suwail na Anak ay ganap na alam ng marami, kayat hindi ko na iisa-isahin pa ang kuwento. Ngunit nais kong sabihin, na ito ay hindi nangangahulugan na tungkol sa nawawalang anak. Sa halip, ito ay tungol sa kagalakan ng ama.
Sa katotohanan, ang talinhaga ng Suwail na Anak ay tungkol sa pagbabalik (Lucas 15:11-31) ngunit hindi tungkol lamang sa anak na sa wakas ay umuwi na. Ito ay tungkol din sa kung ano ang nagpapanatili sa anak na manatili sa tahanan. Ito ay tungkol sa grasya, sa kapatawaran at panunumbalik. Basahin muli ang salaysay na ito, at mapupuna mo na ang salaysay ay hindi doon nagwawakas sa kanyang pagbabalik—at ito ay makabuluhan.
Ano ang nakapagpapanatili sa anak para tumigil sa tahanan? Ito ay ang kaalaman na sa kanya ay nagagalak ang ama! “Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.' At sila nga'y nagdiwang…narinig nito ang tugtugan at sayawan” Lucas 15:24-25).
Ni hindi man lamang pinagsabihan ng ama ang anak na suwail, o kinondena man lang, ni hindi binanggit ang kanyang pagalayas. Sa halip, nagpahanda pa ng piging at inanyayahan ang lahat ng kanilang mga kaibigan at mga kapitbahay. Ang amang ito ay lubhang nanabik sa anak na umuwi na, at ngayon nangyari na nga ito.
Tumutol pa ang Suwail noong una, sinabi sa kanyang ama, “Huwag na po, hindi ako karapatdapat.” Ngunit hindi siya inintindi ng ama, nagpakuha ng balabal para ilagay sa kanya, singsing sa kanyang daliri at sapin sa kanyang mga paa. Ngayon ang lahat ng ariarian ng ama ay muling nakahanda na ilaan para sa kanya. At nagkaroon ng malaking pagdiriwang, mga tugtugan, sayawan at kainan.
Naniniwala ako na pag-ibig ang nagdala sa batang ito para bumalik. Ngunit ang kagalakan ng ama ang nakapagpanatili sa kanya doon! Nakita mo, na ang Suwail na anak ay napanatili sa pamamagitan ng simpleng kagalakan ng ama na makita siyang bumabangon tuwing umaga at manatiling nasa tahanan. Ang ama ay nagagalak na makapiling siyang muli. Higit pa doon, ang lahat na tungkol sa buhay ng batang ito na kinain ng uod ay muling napanumbalik.
Marami akong nakilalang mga dating lulong sa ipinagbabawal na droga ang katulad ng Suwail na anak. Nakatingin lamang sila sa mga naaksayang mga panahon dahilan sa kanilang bisyo: isang asawa, mga anak, isang ministeryo. Nadama nila ang pamamalo ng Panginoon at iyan ay maaring nakapagdaramdam, ngunit nagpahayag si Jesus sa talinhagang ito, “Walang malalayo sa aking kaharian. Gagawin kang lalong matatag sa pamamgitan ng mga ito. Nasa tahanan ka na ngayon at ang grasya ay panunumbalikin kang buong-buo.”