Miyerkules, Hulyo 6, 2011

ISANG BUHAY NG PANANALANGIN

Ang Espiritu Santo ay dumating upang pagnunahan tayo sa buhay ng pananalangin. “Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin” (Roma 8:26).

Isaalang-alang kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa ginagampanan ng Espiritu Santo sa ating buhay ng pananalangin. Nalilito tungkol sa panalangin, ginagawa itong mistulang pinahihirap. Magpunta sa anumang tindahan ng aklat ng Kristiyano at matatagpuan ang hindi mabilang na mga aklat tungkol sa paksang ito, puno ng mga detalyadong pamamaraan tungkol sa pananalangin.

Itong maraming mga kaalaman sa isip ay maaring magdala ng lahat ng uri ng mga tanong tungkol sa pananalangin:

  • Kalian nagiging tagapamagitan ang panalangin?
  • Ang pamamagitan ba ay nasusukat sa pamamagitan ng kapusukan ng loob, maingay na pananalita, o ang haba ng oras na ginugugol mo sa pagluhod?
  • Ako ay inatasan na manalangin ayon sa kalooban ng Diyos, ngunit paano ko malalaman ang kalooban niya?
  • Paano ako mananalangin? Ang pananalangin ba sa isipan ay ibinibilang?
  • Ano talaga ang dapat kong ipanalangin?

Ang ganitong kalituhan ay sadyang nakapananaig at ito ay nagdudulot sa marami para umiwas manalangin.

Walang ibang panahon na kung kalian ang pananalangin ng mga tao ng Diyos ay higit na kinailangan ng higit sa ngayon. Tayo ay nabubuhay sa sanlibutan na nauwi na sa kaguluhan. Ang mga pangyayari sa buong mundo ay lalo pang lumalala, nagkakaisa na nakawan ang tao ng kapayapaan, ang lipunan sa bawat lugar ay naghahanap ng pangagalingan ng kaaliwan. Ngunit hindi nila matagpuan ito sa mga patay na relihiyon, o maging sa mga kawanggawa.

Sinabi ng Bibliya sa atin, “Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya” (Juan 14:17).

Ang isa sa mga mabibigat nating dapat pahalagahan ay ang mapanatili natin ang isang buhay na nanalangin. Kapag nagpabaya tayo sa pananalangin, sinasaktan natin ang Espiritu ng Diyos. Oo, posible natin masaktan ang Espiritu Santo. Sinabi ng sapat ni Pablo nang sinabi niya na, “At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos” (Efeso 4:30).

Katunayan, ibinabahagi ng Espiritu ang sakit na nadarama ng Diyos tungkol sa kawalan ng pananalig ng kanyang mga tao at kawalan ng pananalangin. Isaalang-alang ang ilang makapangyarihang pamamaraan ng Espiritu santo na ginagampanan niyang bahagi sa ating mga panalangin:

  • Sa pamamagitan ng panalangin inihahayag ng Espiritu Santo ang presensya ni Cristo sa atin.
  • Sa pamamagitan ng panalangin sineselyuhan ng Espiritu ang mga pangako ng Diyos sa ating mga puso.
  • Sa pamamagitan ng panalagin ang Taga-aliw ay nangungusap ng pag-asa sa atin.
  • Sa pamamagitan ng panalangin pinakakawalan ng Espiritu ang ilog ng aliw, kapayapaan at kapahingahan sa ating mga kaluluwa.