Biyernes, Hulyo 22, 2011

ANG DALHIN SI CRISTO SA BAWAT KRISIS

Sa Daniel 3, si Haring Nebucadnezar ay nagtayo ng isang malaking, ginintuang rebulto na may taas na 90 talampakan at ipinatawag ang lahat ng pinuno mula pa sa lahat ng kanyang nasasakupan para sa pag-aalay na seremonya. At pagdating nila, gayunpaman, ipinag-utos ni Nebucadnezar na silang lahat ay yumuko at sumamba sa harap ng idolo at kapag sumuway sila, mamamatay sila.

Ang tatlong kaibigan ni Daniel sina—Shadrac, Meshac at Abenedgo—ay tumutol na sumamba. Ang mga lalaking ito, kasama si Daniel, ay binihag mula sa Jerusalem. Pangkaraniwan lamang noong mga panahong iyon na maparusahan ang mga sumusuway sa mga ipinag-uutos ng hari sa pamamagitan ng paghagis sa kanila sa nag-aapoy na pugon (tingnan ang Jeremiah 29:22).

Nang dinala ng mga guwardiya ang tatlong lalaking Hebreo sa harapan ng hari, sinigawan sila, “Sinabi niya, "Shadrac, Meshac, at Abednego, totoo bang hindi kayo naglilingkod sa aking mga diyos ni sumasamba sa rebultong ginto na aking ipinagawa? Iniuutos ko sa inyong lumuhod kayo at sumamba… Kung hindi, ipahahagis ko kayo sa naglalagablab na pugon” (Daniel 3:14-15).

Ang tatlong kaibigan ni Daniel ay tuluyan nang inihagis sa pugon. Ngunit nagtaka ang hari. Walang natutupok na mga katawan, walang amoy ng nasusunog na katawan. Sumilip siya sa apoy—at namangha sa kanyang nakita!

Ang tatlong lalaki ay naglalakad sa ibabaw ng mga baga. Ang nasunog lamang ay ang mga lubid na nagtatali sa kanila—at ngayon nakataas ang kanilang mga kamay, nagpupuri sa Diyos. Kinausap ni Nebucadnezar ang isa sa kanyang kasama at sinabi, “Ilang lalaki ang ating inihagis sa apoy?”
“Tatlo, kamahalan,” ang sagot nila.

"Bakit apat ang nakikita kong walang gapos at naglalakad sa gitna ng apoy nang hindi nasusunog? At ang tingin ko sa ikaapat ay parang anak ng mga Diyos!" (tingnan ang Daniel 3:24-25).

Dumating si Jesus sa panahon ng pighati ng tatlong lalaking ito sa isang dahilan—para sa kanilang kapakanan lamang! Dumating siya para aliwin at iligtas sila sapagkat iniibig niya sila. Ang Panginoon ng kaluwalhatian ay ibingay ang sarili niya para sa kanila sa sandali ng kanilang kapighatian—sapagkat sila ay ganap na nagtitiwala sa kanya!