Huwebes, Hulyo 21, 2011

ANG ATING MAASAHANG TAGAPAYO

Hindi ako nagbibigay ng payo sa pananalapi—ngunit ako ay may ugnayan sa natatangi at nag-iisang maasahang tagapayong tagasanlibutan! Sa bawat katanungan ko sa anumang usapin, ang aking pinagkakatiwalaang tagapayo ay may kasagutan. Siya ay matagal nang nasa ating ministeryo mula sa umpisa. Nang inilipat natin ang ating tanggapan sa lunsod ng Nuweba York, kasama natin siya sa paglipat. At siya ang nanguna sa lahat ng transaksyong pang-estadong ariarian na ating ginawa dito. Tinulungan niya tayong bilhin ang makasaysayang Sinehan ng Mark Hellinger sa Broadway, na kung saan ngayon ginagawa ang mga paglilingkod sa Iglesya ng Times Square.

Gayunman hindi lamang siya ang ating tagapayong pinansyal at sa pang-estadong ariarian, siya rin ang ating abogado, pang-pamilyang tagapayo, at gabay sa paglalakbay. Katunayan, ginagabayan niya tayo sa halos lahat ng ating ginagawa at kinahaharap. Yaong huling pagkakataon na nakausap ko siya (na kaninang umaga), isiniguro niya sa akin na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng mga matatatag na paggabay para sa atin maging sa mga mahihirap na pagkakataon. Sinabi niya na wala tayong dapat alalahanin.

Higit sa lahat, ang aking tagapayo ay payag na tawagan ko siya kahit araw-araw at anumang oras sa araw na iyon. Pinalakas ang loob ko ng aking tagapayo, “Wala kang dapat na anumang alalahanin. Napagdaanan ko na ang lahat ng uri ng mga ganitong bagay maraming ulit dati pa.” Nakakamangha na makita sa Bibliya sa tuwi-tuwina, sa anumang mabibigat na pinagdadaanan, na ang Diyos ay palaging may malapit na ugnayan sa kanyang mga tao.

Ang Panginoon ay may ugnayan ka David, ang mang-aawit, nang maranasan niya ang mga paghihirap. Si David ay bumalik kasama ang kanyang mga kawal sa Ziklag at natagpuan niya na ang kanyang bayan ay tinupok na abo ng mga tulisan (tingnan ang Samuel 30). Ang tahanan ni David ay winasak at ang kanyang pamilya ay binihag—walang anumang itinira. Ang lahat ng pinaghirapan niya—ang kanyang mga alagang hayop, mga gamit sa bahay, mga ariarian niya—ay naglahong lahat. Walang mabalingan si David ng mga sandaling iyon, habang ang kanyang mga kawal ay halos pamatuhin siya dahil isinama niya sila lahat sa labanan at iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay na walang nagbabantay.

Sinabi ng Kasulatan na si David ay lumapit sa kanyang tagapayo (at akin din): “Nagtanong si David kay Yahweh, "Hahabulin po ba namin ang mga tulisang iyon? Mahuhuli ko po kaya sila?" "Sige, habulin ninyo. Maaabutan ninyo sila at maililigtas ang kanilang mga bihag," sagot ni Yahweh” (1 Samuel 30:8). Sinunod ni David ang payo sa kanya—at nabawi niya ang lahat!