Minsan ako ay umabot ng isang linggo na umiiyak sa harapan ng Panginoon, dumadaing sa kanya para sa isang mensahe ng kaaliwan at pag-asa para sa lahat ng mga namimighating mga mananampalataya na sumusulat sa aming ministeryo. Habang gumagawa sa lunsod ng Nuweba York na kasama ang mga lulong sa mga ipinagbabawal na droga, mga lasenggo at mga walang tahanan, ako ay nanalangin, “Panginoon, kahit saan ako lumingon nakikita ko ay pighati, pasakit, kalungkutan at kaguluhan. Ano ang mensahe ang maari kong maibigay doon sa mga may mahigpit na pangangailangan? Ano ang sasabihin mo sa kanila? Tunay na nag-alala ka sa mahahalagang mga taong ito. Tunay na matagal mo nang nais magbigay ng mensahe na makapagpapalaya sa kanila.”
Ang Panginoon ay nagkaloob sa akin ng pag-asa na magbibigay siya ng pamamaraan para palakasin ang bawat anak niya na malabanan ang kaaway. Ang lakas na ito ay nanggagaling lamang sa pagkain ng Tinapay na ito na nanggaling sa langit. Ang ating espirituwal na kalusugan ay umaasa na makarating ang Tinapay na ito sa atin.
Makinig na mabuti sa mga salita ni Jesus: “Buhay ang Ama na nagsugo sa akin at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin” (Juan 6:57). Si Jesus ay mayroong malapit na pakikipag-isa sa Ama, at ganap na ipinagkatiwala na gagawin lamang ang kanyang kalooban, na ang salita ng Ama ay siya lamang na pagkain at inumin niya. Si Jesus ay araw-araw na inaalalayan sa pamamagitan ng pakikinig at ang makita kung ano ang kalooban ng Ama, na siyang bunga ng kanyang maramimg sandali ng kanyang pakikipag-isa sa kanya.
Sinabi ni Cristo sa kanyang mga disipulo, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman…Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin” (Juan 4:32 at 34). Inuutos niya rin sa akin, “Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan” (Juan 6:27). Hindi natin dapat na pangahasan na makaligtaan ang lihim ng lakas; maging si Cristo ay nabuhay sa pamamagitan ng Ama, kailangan din natin matanggap ang ating buhay sa pamamagitan ng pagpapakain kay Cristo.
Nang ang mga anak ng Israel ay nasa ilang, ang biyaya na umalalay sa kanila ay ipinagkakaloob araw-araw. Sa pamamagitan ng halimbawang ito ipinapahayag ng Diyos sa atin na ang kinain natin kay Crsito ay hindi masasangkapan ang ating pangangailangan ngayong araw na ito. Kailangan tanggapin natin na magugutom tayo sa espirituwal at manghihina at walang makakatulong nang walang pang-araw-araw na sangkap ng sariwang Tinapay na galing sa langit. Kailangan tayong lumapit sa mesa ng Panginoon araw-araw.