Miyerkules, Hulyo 13, 2011

ANG ESPIRITU SANTO AY NANDITO

Sa Iglesya ng Times Square, umaawit kami ng kantang may palakpak na ganito:

Pababain mo siya, Panginoon, pababain mo siya

Panginoon, hayaan mong bumaba ang Espiritu Santo

Kailangan namin siya, Panginoon, pababain mo siya

Ang katotohanan ay, ang Espiritu Santo ay nandito na. Bumaba siya galing sa langit sa Pentekostes at hindi na siya umalis!

Ipinangako ni Jesus, “Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo” (Juan 14:16-17).

Pansinin ang kataga na ginamit ni Jesus dito: “Ngunit nakikilala ninyo siya.” Kamakailan, habang binabasa ko ang mga salitang iyon, hindi ko maalis ito. Napag-isip-isip ko na wala talaga akong kaalaman tungkol sa Espiritu Santo.

Ang iglesya ay maraming sinasabi tungkol sa Espiritu Santo. Pinag-uusapan natin ang tungkol sa mapuspos ng Espiritu, mamuhay at lumakad sa Espiritu, ang magkaroon ng handog Espiritu, ang matanggap ang kaaliwan ng Espiritu.

Gayunman maaring malaman ang lahat ng doktrina ng Espiritu Santo at patuloy pa rin hindi kilala. Kung tatanungin ko kayo, “Tinanggap na ba ninyo ang Espiritu Santo?” paano ninyo sasagutin ito?

Ang ilan ay maaring sabihin na, “Tinanggap ko ang Espiritu ng ako ay iniligtas ni Jesus. Ang Espiritu Santo ang nagdala sa akin sa kaharian ni Cristo.” Ang iba ay sasagot nang, “Oo, tinanggap ko na ang Espiritu Santo, sapagkat ako y nagsalita sa ibang wika nang pumasok siya sa buhay ko. Nanalangin ako sa Espiritu, at ang ibang wika ay patunay na tinanggap ko siya.”

Gayunpaman, ang tanggapin ang Espiritu ay higit pa sa minsanang karanasan. Ang salitang “tanggapin” ay nangangahulugan na “panghawakan yaong ipinagkaloob.” Sa madaling sabi, ang pagtanggap ay ang paghahangad ng malawakang kapasidad para sa higit pang karunungan ng kung sino ang Espiritu at tungkol saan ang kanyang ministeryo. Sa katunayan, ang Espiritu Santo ay hindi matatanggap ng sinuman hanggang siya ay pinayagan na pangasiwaan ng ganap ang templo ng taong iyon.

Tinanong ni Pablo ang mga taga Galacia, “Paano ninyo tinanggap ang Espiritu? Tinanggap ninyo ba siya sa pamamagitan ng pananampalataya?” At ipinahayag niya, “Ipinahayag mo sa pamamagitan ng pananampalataya na kung ano ang nalalaman mo tungkol sa Espiritu ay tinanggap mo sa pamamagitan ng pananampalataya. Kayat, mayroon bang patuloy na “ministeryo ng Espiritu’ sa iyo sa pamamagitan ng pananampalataya? Ginagamit mo ba ang pananampalataya para lalong lumalim sa Espiritu?”