Biyernes, Hulyo 29, 2011

GUTOM NA MAGING BANAL by Gary Wilkerson

Mayroong isang (Scottish) pastor na nagngangalang Robert Murray McCheyne na namatay sa edad na 29. Bago siya pumanaw nagdala siya ng isang malaking panggising sa kanyang iglesya. Itong linggong ito nabasa ko ang isang talatang sinasabi mula sa taong ito ng Diyos, sinabi niya, "Ang dakilang pangangailangan ng aking mga tao ay ang aking kabanalan."

Mayroon tayong nag-uumapaw sa dami ng mga mahuhusay magsalita ng mga mangangaral, lubhang nagdadamihang mga karismatikong mga personalidad, labis sa daming mga kilalang pinuno. Ang kailangan natin ay mga banal na mga tao ng Diyos. Ang mga tao ay nangangailangan na makakita ng mga pinuno na hindi lamang marurunong sa ministeryo; kailangan nila na makakita na may pusong banal.

Ang isang pastor ay hindi maaring dalhin ang kanyang kongregasyon sa kalaliman ni Cristo ng higit pa sa kanyang nararanasan mismo.

Ano ang kalalabasan ng isang iglesya na may mga nakamamanghang mga programa, mga nagniningning na mga pinuno, nag-uumapaw na mga dumadalo at mga modernong gusali ngunit walang pangitain sa kanya mismong mga banal na tao? Ano ang mabuting ibubunga mula sa mga nakaaakit na mga tagapagsalita na gumagawa ng mga nakaaaliw na mga pagkakataon kung ang namumunong ito ay hindi isang tao na nagnanasa na yumuko sa kanyang kabiguan at nakahandang magpakumbaba kung gaano siya at ang kanyang kongregasyon mula sa isang banal at kamangha-manghang Diyos.

Ang ating iglesya ay madalas na punung-puno ng mga katatawanan at alam natin ito ngunit hindi ito binabago sapagkat ang mga namumuno ay hinahayaan ito sa halip na malungkot tungkol dito. Ang kalagayan sa iglesya ay sadyang isang larawan ng katotohanan na nasa puso ng pastor. Ang liwanag na nanggagaling mula sa isang basag na sisidlan ay higit na daig ang nagdadamihang relihiyosong nanglilibang. Sinabi ni Pablo na maaring magkaroon ka ng maraming tagapagturo ngunit ilan lamang ang mga ama. Ngayon maari niyang nasabi na maaring marami kang mga dalubhasang mga nasa igleya ngunit ilan lamang ang tunay na banal.

Ang mga pahayag ni R.M. McCheyne ay higit na kailangan sa panahong ito kaysa noong una siyang nagsalita sa isang naikompromisong iglesya sa Scotland. Ngunit hindi lamang ang kanyang salita kundi ang kanyang halimbawa, ang kapangyarihan ng kanyang pulpito at ang epekto ng kanyang ministeryo na nagpalakas sa kanyang mga salita. Ang kanyang mga salita ay may dalang kapangyarihan sa likod ng buhay na may dalang kadalisayan.

Ikaw ba ay gutom na maging banal na lalaki o babae ng Diyos? Mayroon lamang isang paraan para makita itong maganap. Ito ay ang ilatag ang magkasamang makataong pagsisikap para mapagsumikapan ang sariling pagiging matuwid at ganap na mabihisan ng damit ni Cristo at payak na tanggapin ang tinapos na gawain ni Cristo sa krus.

Ang kabanalan ay higit pa sa sariling pagbaliktad sa kasalanan; ito ay ang ganap na pagsuko kay Cristo na nagpapakawala ng dakila at maluwalhating damdamin para sa kabanalan. Hindi ko ninanais na patuloy na makipagbuno sa aking ama. Nais kong makita ang wangis ni Cristo sa akin ang kapunuan ng isang bagong tao na kanyang nilikha.