Huwebes, Hulyo 7, 2011

ANG MANG-AALIW AY DUMATING NA

Tinawag ni Jesus ang Espiritu Santo na “Mang-aaliw.” Isang bagay ang makilala ang Espiritu Santo bilang ating Mang-aaliw, ngunit kailangan din nating malaman kung paano niya tayo inaaliw, para maibukod natin kung ano ang aliw ng laman at kung ano ang nagmumula sa Espiritu.

Tingnan ang isang kapatid na dinaig ng kalungkutan. Nanalangin ng kaaliwan ng Espiriu Santo at umasa na darating ang kaaliwan iyon bilang isang damdamin. Sa katunayan, sa wari niya ito ay isang uri ng biglaang hininga mula sa langit, katulad ng isang espirituwal na pangpahupa sa kanyang kaluluwa.

Ang ganitong uri ng kapayapaan ay maari talagang madama niya ngunit sa pagsapit ng umaga ay wala na rin ito. Bilang bunga, nagsimula siyang maniwala na tinanggihan ng Espiritu Santo ang kanyang kahilingan. Hindi, hindi kailanman! Hindi tayo inaaliw ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pangunahan ang ating mga damdamin. Ang kanyang pamamaraan ng pang-aaliw ay may malaking pagkakaiba at maliwanag na nakaplano sa Kasulatan. Anuman ang suliranin, pagsubok o pangangailangan, ang kanyang ministeryo ng pangpaaliw ay nagagampanan sa pamamagitan ng pagdadala ng katotohanan: “Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos” (Juan 16:13).

Ang katotohanan ay, ang ating kaaliwan ay sumisibol mula sa ating alam, hindi sa ating nadarama. Katotohanan lamang ang makapangingibabaw sa damdamin! At ang kaaliwang ministeryo ng Espiritu Santo ay nagsimumula sa sinimulang katotohanan: ang Diyos ay hindi galit sa iyo. Iniibig ka niya.

“At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos” (Roma 5:5). Ang kahulugan sa Griyego dito ay higit na mas mabigat kaysa sa iminumungkahi ng pagkakasalin nito, na ang pag-ibig ng Diyos ay sanhi ng “paglagaslas pabulusok” patungo sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ang hindi makayanang dalahin ay maaring sanhi ng takot, kahihiyan, kalungkutan, karamdaman, mga tukso, o kasiran ng loob. Gayunpaman, anuman ang sanhi, ang kaaliwan ay kinakailangan.

Walang ano-anuy isang tinig ang narinig, umaalingawngaw sa bawat sulok ng kaluluwa—ang tinig ng Espiritu Santo—nagpapahayag sa kaluluwa, “Walang anumang maaring makapaghiwalay sa iyo mula sa pag-big ng Diyos.”

Ang katotohanan ay-kapag naniwala ka dito—madalian itong magiging lagaslas ng buhay na tubig, pinapalis ang bawat nakahadlang. “Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo” (Juan 14:26).