Martes, Mayo 31, 2011

SI CRISTO AY NAGHAHARI!

Madalas ang mga tao ay sumusulat sa amin nagsasabi na, “Wala akong makausap na iba, walang mabahagian ng aking dalahin. Walang sinuman ang may panahon para makinig sa aking mga daing. Kailangan ko ng kasama na maari kong pagbuhusan ng laman ng puso ko.”

Si Haring David ay napaliligiran ng mga tao. Siya ay may asawa na may malaking pamilya, at maraming kasamahan sa kanyang tabi. Gayunman, nadidinig din natin ang katulad na hinaing maging kay David: “Kanino ako pupunta?” Ito ay nasa ating mismong kalikasan na hanapin ang isang tao, na may mukha, mata at tainga na makikinig sa atin at magpapayo sa atin.

Nang si Job ay napangibabawan ng kanyang mga pagsubok, tumangis siyang may kalungkutan: “Paniwalaan sana ang aking sinasabi, pagkat ito ay totoo, pawang walang pasubali, Diyos na rin ang makapagsasabi kung ang bintang ng kaaway ay isa-isang isusulat” (Job 31:35). Binigkas niya ang mga daing na ito habang nakaupo sa harap na sinasabing mga kaibigan niya. Gayunman ang mga kaibigang iyon ay walang simpatiya sa pagdurusa ni Job. Sa halip, sila ay tagapagdala ng kawalan ng pag-asa.

Sa kanyang kalungkutan, si Job ay sa Panginoon lamang tumingin: “Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, na siyang magsasabi na tunay akong mabuti…Sa Diyos ko na idudulog itong aking katayuan” (Job 16:19-20). Sa Awit, hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na ganoon din ang gawin: “Sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8) isinulat din ni David sa Awit 142:

Ako ay humingi ng tulong sa Diyos, ako ay dumaing, sa kanya’y lumuhog; ang aking dinala’y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko’y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya. Sa landas ng aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako’y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako’y dumalangin; pagkat siya lamang ang lunas sa akin” (142:1-5)

Naniniwala ako na sa aking puso ang mensaheng ito ay isang paanyaya sa iyo mula sa Espiritu Santo na humanap ng isang pansariling lugar na kung saan ay maari mong ibuhos ang iyong kaluluwa sa Panginoon. Ibinuhos ni David ang kanyang reklamo at ikaw man ay ganon din. Maari kang makipag-usap kay Jesus tungkol sa kahit anong bagay – ang iyong mga suliranin, ang iyong pangkasalukuyang pagsubok, ang iyong pananalapi, ang iyong kalusugan – at sabihin sa kanya kung gaano ka nadadaig, maging kung gaano ka nawawalan ng pag-asa. Maririnig ka niya na may pagmamahal at habag, at hindi niya babale-walain ang iyong mga daing.

Sinagot ng Diyos si David. Sinagot niya si Job. At sa daan-daang taon sinagot niya ang daing ng mga puso ng lahat na nagtitiwala sa kanyang mga pangako. Kahalintulad, ipinangakao niya na diringgin ka niya at gagabayan ka. Katunayan, ipinangako niya sa pamamagitan ng pagsumpa na magiging lakas mo. Magtungo sa kanya, at ikaw ay lalabas na napagbago.

Lunes, Mayo 30, 2011

HINDI KAILANMAN TAYO BINIGO NG DIYOS

Anuman ang mangyari sa ekonomiya, anumang ang kagipitang ating hinaharap, anuman ang kalungkutan o kaguluhan ang dumating sa atin – ANG ATING PINAGPALANG PANGINOON ANG NANGUNGUNA AT NANGANGALAGA SA ATIN SA BAWAT HAKBANG.

Itinatwa din sa huli ng Diyos yaong kanyang iniligtas palabas ng Egipto, sapagkat sila ay nagduda at nilimitahan siya pagkatapos na sila ay palayawin sa kanyang mapagmahal na mga kamay. Hindi ito mistula lamang na nais ng Diyos na tayo ay magtiwala sa kanya sa panahon ng kagipitan – ipinag-uutos niya ito. Ito ang dahilan kung bakit ang Kasulatan ay matatag na nagbabala sa atin laban sa kawalan nang paniniwala. Sinabihan tayo na ipinagdadalamhati ng Panginoon at isinasara sa atin ang bawat pagpapala at mabuting gawa na kanyang ipinangako. Ang ating kawalan ng paniniwala ay “binale-wala” ang bawat pangako.

Para sa amin sa lunsod ng Nuweba York, hindi ito isang patay na teolohiya. Kailangang ipamuhay namin ang aming ipinangangaral para manatili sa bawat araw. Kung hindi kami lubusang nagtitiwala sa mga pangako ng Panginoon at umasa kay Jesus sa lahat ng nasa amin, kami ay maninigas sa takot at pagkasindak. Ang mga kalsada dito ay parang lugar ng digmaan; ang mga tao ay nabubuhay sa patuloy na takot at panganib, at ang mga istambay ay pinapatay kaliwa’t kanan. Ang halaga para mangalaga para doon sa aming pinagmiministeryuhan ay lubhang mabigat, at ang pangangailangan ng mga nagigipit na mga tao ay lubhang napakalaki. KUNG HINDI KAMI MAMAMAHINGA SA MATATAG NA MGA PANGAKO NG DIYOS, KAMI AY MADADAIG.

Ngunit hindi kami nadadaig – hindi kami natatakot. Habang lalong dumadami at lumalala ang mga suliranin, lumalago kaming malakas sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Biyernes, Mayo 27, 2011

IDINADALANGIN KO NA INYONG IKINALULUGOD ANG PRESENSIYA NG PANGINOON

Mayroong nakasulat sa orihinal na Hebreo na ganap na nagbigay pagpapala sa akin, at nais kong ibahagi ito sa inyo. “Palapit na ng palapit ang sa aki’y umuusig, mga taong walang galang sa utos mong isinulit. Ngunit ikaw, Panginoon, ay malapit sa piling ko, ang pangakong binitawan mo sa akin ay totoo” (Awit 119:150-151, sa salin ni Helen Spurrell).

Ang mga kampon at kapangyarihan ng demonyo ay nakapaligid kay David, nagpipilit na dalhin siya at ang Israel sa pagkawasak. Gayunman itong tao ng Diyos ay nagpatotoo habang palapit ang kaaway, nagtitiwala siya na ang Panginoon ay higit pang lalapit sa kanya. Sinabi ni David na hawak siya ng Diyos sa kanyang kanang kamay, inaakay siya sa bawat paglusob ng kaaway.

Dito sa patotoo ni David ay isang kahanga-hangang pangako para sa iyo at sa akin. Nakatitiyak tayo na si Satanas ay nakahandang wasakin, guluhin at hilahin pababa ang lahat na nagmamahal sa Panginoon. Gagawin lahat ng kaaway sa abot ng kanyang kapangyarihan na dalhin tayo sa bingit ng kawalan ng pag-asa, kalituhan, pagkakasala at pagkondena.

Mayroon ka bang anumang makasalanang, “nagbabalak na tumutugis” na padating sa iyo ngayon? Nakapangingibabaw na tukso? Pagsubok? Kabigataan sa pananalapi? Suliranin sa samahan ng mag-asawa at sa pamilya? Suliranin sa negosyo? Kapag ang mga tumutugis sa iyo ay nakalapit sa iyo na may masamang balak na wasakin ka, huwag manghina: ang Panginoong Diyos ay higit pang malapit. Siya ay nasa iyong tabi – at kung siya ay nasa iyong tabi, siya ay kikilos para sa iyo. Hindi ko mawari na ang Diyos ay katabi ng sinumang anak niya at nakaupo lamang na hinahayaan ang diyablo na abusuhin siya o guluhin ang kanyang minamahal sa anumang paraan.

Basahin ang Awit 68:1-4 at tingnan kung ano ang ipinangako ng Diyos para sa iyo, kung ikaw ay magtitiwala sa kanya. Maari mong angkinin ang apat na talatang ito ngayon at sa buong taon. Kabisahin ang mga talatang ito, manindigan dito, at ang Diyos ay hahabulin ang iyong kaaway.

Huwebes, Mayo 26, 2011

NAWA’Y MANGIBABAW ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS SA IYONG PUSO

Nililiwanag ng Espiritu sa akin ang lahat ng aking dalangin ay walang halaga maliban kung ito ay ipinanalangin ng may pananampalataya. Maari akong tumangis, mag-ayuno, mamagitan, magdusa at magpakasakit sa pananalangin, gayunman ay wala itong halaga sa Panginoon – maliban kung ito ay ginawa ko na may pananampalatayang parang isang bata.

Ang Diyos ay hindi kikilos para sa atin kung walang pananampalataya sa kanya. Sinabi ng Salita, “Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ng isip at di alam kung ano talaga ang ibig” (Santiago 1:7-8).

Ipinag-utos ng Panginoon sa atin na magtiwala sa kanya. Gayunman madalas ay lubhang maliit lamang ang pagtitiwala natin sa kanya, lubhang maliit lamang pananampalataya natin sa kanyang kagustuhan at nais na tugunin ang daing ng ating puso. Kapag tayo ay nasa langit na, mamamangha tayo na matuklasan ang lahat ng pagpapala, kapayapayaan at kapangyarihan na mayroon tayong pinanghahawakan ngunit hindi natin ginamit sapagkat mahina ang ating pananampalataya.

LUBOS AKONG INUGA NG ESPIRITU SANTO NA HAMUNIN KAYO NA PALAKASIN ANG INYONG PANANAMPALATAYA. Hingin sa Panginoon na patawarin kayo sa kawalan ng paniniwala at bahain ang inyong kaluluwa ng pagtitiwala sa kanyang kagustuhan na higit pang tugunin ang inyong mga tapat na panalangin.

Nais ba ninyo ng paglago sa pananampalataya? Kapag kayo ay nanalanging muli gamitin ang mga sumusunod na Kasulatan para mangatuwiran sa Panginoon. Hindi niya itatanggi ang kanyang sariling Salita. Panghawakan ang mga ito:

• Awit 62:8
• Awit 91:4
• Awit 56:3
• Kawikaan 30:5
• Jeremias 29:10-14

Kumapit sa pananampalataya! Tutugunin niya kayo, at sa lalong madaling panahon.

Miyerkules, Mayo 25, 2011

PAGBATI SA KAHANGA-HANGANG PANGALAN NG PANGINOON

Aking pinag-ninilay-nilay nitong mga ilang araw na nakalipas ang Awit 142 at 143. Aking iminumungkahi sa inyo na magbigay ng panahon dito sa makapangyarihang kabanatang ito ng Awit para mapalakas ang loob ninyo.

Ako ay interesado sa kung ano ang pinagdaanan ni David nang kanyang sinabi, “Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya” (142:3). Inulit niya ito sa talatang 143:4, “Ako’y handa nang magtaas ng kamay , sapagkat wala nang pag-asa ang buhay.” Tunay na sinasabi ni David sa Diyos , “ ako’y nalulunod sa suliranin. Ako ay nilulusob ng mga kaaway. Pinabagsak ako nito. “Dinggin ang hibik ko, ako ay tulungan, pagkat halos ako’y di makagulapay; Iligtas mo ako sa mga kaaway…sa suliranin ko ako ay hanguin” (142:6-7).

Mga mga minamahal, ang mga salitang ito ay isinulat para sa ating mga kapakanan, para sa ating panuntunan. Narito ang nagpapalakas ng loob para sa lahat ng tao ng Diyos na dinadaig ng mga kagipitan at mga kaguluhan. Ang ilan ay nalulunod sa kagipitan sa pananalapi, bagsak sa pagkakautang. Maraming mga mananampalataya ay halos hindi mapagtama ang kanilang hawak sa kanilang mga pangangailangan. Maraming mga balo at matatandang mag-aasawa ay halos di na makagulapay.

Madalas ako ay naakusahan na lubhang malungkot at negatibo. Sinasabi ng mga tao na walang nagnanais na makarinig ng masamang balita, na kanilang iwinawaksi ang mga mangangaral na nagpapahayag tungkol sa kirot, pagdurusa at mga kaguluhan. Ngunit ang totoo ay, marami sa atin ay namumuhay sa sanlibutan na kung saan ang buhay ay madalas na hindi makayanan. Katulad ni David, humaharap tayo sa baha ng mga kaguluhan; tayo ay nasasaktan kahit na tayo ay nasa katuwiran. Nagpapakatatag tayo sa karamdaman, kamatayan ng minamahal, panahon ng kalituhan, hindi alam kung ano ang gagawin sa susunod. Humaharap tayo sa mala-impiyernong paglusob ni Satanas laban sa ating pananampalataya.

Ito ay sa panahon ng nakadadaig na pagkakataon tayo natututo na hanapin ang Diyos at matutunan na dumaing sa ating kagipitan. Sinabi ni David, “Ang aking dinala’y lahat kong hinaing at ang sinabi ko’y pawang suliranin” (142:2). “Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin, tapat ka’t matuwid, kaya ako’y dinggin” (143:1). Kayo ba ngayon ay dinadaig ng mga pangyayari sa inyong buhay? Gawin ang ginawa ni David:

• “Ako’y dumalangin na taas ang kamay, parang tuyong lupa ang diwa kong uhaw” (143:6).

• “Kung ikaw ay magkubli…Ako ay umasa sa ‘yo nagtiwala, na kung umumaga’y ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin na sa iyo’y hibik, patnubayan ako sa daang matuwid” (143:7-8).

• “Ako ay umasang ‘yong isasanggalang, kaya iligtas mo ako sa kaaway. Ikaw ang aking Diyos, ako ay turuan na aking masunod ang iyong kalooban; ang Espiritu mo’y maging aking tanglaw sa aking paglakad sa ligtas na daan. Ikaw ang nangakong ako’y ililigtas, pagkat dakila ka, iligtas mo agad; iligtas mo ako sa mga bagabag” (143:9-11).

Palakasin ang loob. Hawak ng Diyos ang lahat! Ibibigay niya ang inyong pangangailangan sa tamang panahon.

Martes, Mayo 24, 2011

ANG INYONG PAKIKIPAGLABAN AY SA PANGINOON (tingnan ang 2 Cronico 30;: 5)

Ang dahilan kung bakit isinusulat ko ito ay para paalalahanan kayo na ang pakikipaglaban na hinaharap ninyo ay hindi sa inyo, kundi ito ay sa Diyos. Kung kayo ay anak niya, makatitiyak kayo na si Satanas “ay magngangalit laban sa inyo.”

Sa 2 Cronico 20, marami ay galit laban sa mga tao ng Diyos. Ang Haring Josafat at ang kanyang mga tao ay itinalaga ang kanilang mga puso para hanapin ang Panginoon at mag-ayuno. Ang Hari ay dumaing sa Diyos ng isang panalangin na marami sa atin ay ipinanalangin sa ating espirituwal na paglalakbay: “Hindi naming kayang sagupain ang gayong karaming kaaway. Hindi naming malaman ang aming gagawin. Ikaw lamang ang aming pag-asa” (20:12). “Ang Espiritu nito’y bumaba sa gitna ng kongregasyon… sinasabi na, Huwag ninyong sirain ang inyong loob. Huwag kayong matakot dahil sa makapal na kaaway. Ito’y ipakikipaglaban niya para sa inyo” (20:14-15).

Ibinigay ni Isaias ang babalang ito sa lahat ng puwersa ng kadiliman: “Sino sa akala ninyo ang iyong inuyam at inaglahi? Nilapastangan mo ako, Ang kabanal-banalang Diyos ng Israel!” (Isaias 37:23).

Sinabi ng Diyos sa kanyang mga tao sa Israel, at sinasabi niya rin sa atin ngayon: “Ang pakikipaglaban ay hindi laban sa iyo. Ito ay ang pagngangalit ni Satanas laban sa akin, sa Panginoon na nananahan sa akin.” Sinabi ng Diyos kay Satanas, “Lahat mong gawain ay nababatid ko, di lingid sa akin anumang balak mo” (37:28).

Tanong ko sa iyo: nasaan ang pakikipaglaban mo? Sa inyong pagsasama bilang mag-asawa? Sa iyong negosyo o trabaho? Sa iyong pananalapi? Sa iyong kalusugan? Ang iyo bang pakikipaglaban ay lalong sumusidhi araw-araw? Kung mayroon kang puso para kay Jesus at pagnanais na kumapit sa kanya, haharapin mo ang galit ng impiyerno. Ngunit iyon ay hindi mo pa rin pakikipaglaban. Madali mong matatapos ang iyong pakikipaglaban kapag pinili mo – ay basta sumuko ka na at bumigay sa iyong takot at pagdududa. Hindi papansinin ni Satanas yaong mga nawalan na ng tiwala sa Panginoon.

Oo, ang pakikipaglaban ay sa Panginoon, ngunit mayroon tayong bahagi dito – at iyan ay ang magtiwala at manalig sa kanyang mga pangako sa harap ng kawalan ng pag-asa at sa mga bagay na mukhang di maari. “Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo na tila di alintana ni Yahweh ang kabalisahan mo, at tila di pansin ang iyong kaapihan?” (Isaias 40:27).

Hinihingi ng pananampalataya na isuko ko ang lahat ng aking suliranin – lahat ng malubha kong kalalagayan, lahat ng aking mga takot, lahat ng aking mga pagkabagabag – sa kamay ng Panginoon. Kapag nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya, at alam ko na ang aking pakikipaglaban ay higit sa aking kakayanan, kailangang ibigay ko na sa kanyang mga kamay.

Alam ng ating Panginoon ang pagngangalit ni Satanas, kailangan na tunay tayong maniwala na kikilos siya. Ililigtas niya tayo sa mga baha at mga apoy at hahabulin ang ating mga espirituwal na kaaway. Narito ang Salita ng Diyos tungkol sa kung ano ang gagawin niya: “Dahil sa galit mo’t paglaban sa akin at paghahambog mong hindi nalilihim, kaya ang ilong mo’y kakawitin ko at ang bibig mo’y lalagyan ng bokado at ibabalik ka sa pinanggalingan mo” (Isaias 37:29).

Kung maagpapakatatag ka sa iyong pananalig – nagtitiwala sa kanya, namamahinga sa kanyang mga pangako, iwinawaksi ang lahat ng kasinungalingan ni Satanas na pumapasok sa isipan mo – kung ganon ay umasa na ang Diyos ay darating sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa iyong kalagayan at magdadala ng hindi inaasahang pagtatapos ng iyong pakikipaglaban. Gagalawin niya ang langit at lupa para iligtas ka at para gumawa ng paraan. Ang daan palabas ay ang magtiwala, magtiwala! :”Maging pagbabaka ay mapatitigil” (Awit 46:9).

Lunes, Mayo 23, 2011

MGA PANGAKO

Ang ating masidhing pangangailangan para sa pagtitiyaga ay inulit-ulit sa buong aklat ng Hebreo

“Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako... Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya” (Hebreo 6:13-15).

“Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya” (6:12).

“Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako” (10:36).

Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng mga magagandang pangako—ang baliin ang bawat kapit ng kasalanan, para mabigyan tayo ng lakas upang magapi ang pangingibabaw ng kasalanan, para mabigyan tayo ng bagong puso, para malinis at pabanalin tayo, para maiwangis tayo sa imahe ni Cristo. Tiniyak ng Salita niya sa atin, “Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian” (Judas 24).

Gayunman ginagawa ang lahat ng ito ng Diyos para sa atin sa kanyang sariling panahon, ayon sa kanyang banal na pagtatakda. Walang anumang nakatakdang sandali na nagtutulak sa kanya. At hindi niya pinapansin ang lahat ng pamimilit para sa madaliang kasagutan o solusyon. Sa madaling sabi, ang tunay na pananampalataya natin ay nangangailangan na matiyaga tayong maghintay sa ating Panginoon. Ang dapat nating sagot sa kanya ay “Panginoon, alam kong tapat ka sa iyong mga Salita. At sa pamamagitan ng iyong Espiritu na nananahan sa akin ay matiyaga akong maghihintay hanggang sa ang lahat ng ito ay lumipas sa aking buhay. Ang tungkulin ko ay manatiling sumasampalataya na naghihintay sa iyo.”

Maaring mapagtiisan mo ang mga matitinding pagsubok at mga tukso. At maaring marinig mo ang mga nakakasuklam na mga kasinungalingan na ibinubulong ni Satanas sa iyo. May panahon na maaring mabigo ka. Sa katunayan, maaring isipin mo na mararating mo pa ba ang iyong hinahangad. Ngunit habang pinagtitiisan mo ang lahat ng mga kabigatang ito, kung panghahawakan mo lamang ang iyong pananampalaya ng may pagtitiyaga—nagtitiwala na kumikilos ang Diyos, pinanghahawakan ang kanyang Salita, bilang iyong Jehovah—titingnan ka niya bilang isang matuwid. Isinumpa niyang may pangako, “Sa pamamagitan ng pananampalataya, matatanggap mo ang pangako.”

Ipinagkaloob ni Pablo ang ibig sabihin ng matuwid sa Roma 4:20-23: “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. 21 Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. 22 Kaya't dahil sa kanyang pananampalataya, siya'y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.23 Ang salitang "itinuring na matuwid" ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa atin din naman.”

Wala nang mas liliwanag pa dito sa sinabi ng Bibliya. Sa madaling sabi, ang matuwid ay sadyang naniniwala sa mga pangako ng Diyos, lubos na nanalig na tutuparin niya ang kanyang Salita. Kung pag-uusapan, ang kawalan ng paniniwala ay pasuray-suray sa kanyang mga pangako, ang magduda sa Diyos na gagampanan niya ang kanyang mga ipinangako.

Biyernes, Mayo 20, 2011

IPAGTIWALA MO SA AKIN ANG LAHAT NG IYONG KINABUKASAN

Ang Panginoon ay nagpakita kay Abram isang araw at nagbigay ng di-kapani-paniwalang utos: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1).

Isang nakakagulat na bagay. Kaginsa-ginsay, pumili ang Diyos ng isang tao at sinabi sa kanya, “Nais ko na ikaw ay tumayo at humayo, iwanan ang lahat: ang iyong tahanan, ang iyong mga kamag-anak, maging ang iyong bayan. Ipapadala kita sa ibang lugar, at ituturo ko sa iyo kung paano mo pupuntahan iyon habang ikaw ay naglalakbay.”

Paano sumagot si Abram sa nakakagulat na salita mula sa Panginoon? “Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abram nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon” (Hebreo 11:8).

Ano ang binabalak ng Diyos? Bakit siya maghahanap ng isang tao sa isang bayan, at pagkatapos ay tawagin siya para iwanan ang lahat at maglakbay ng walang mapa, walang direksiyon, hindi alam ang patutunguhan? Isipin ang hinihiling ng Diyos kay Abram. Hindi niya ipinakita kung paano niya pakakainin o itataguyod ang kanyang mag-anak. Hindi niya sinabi kung gaano kalayo ang lalakbayin o kung kailan siya dadating. Dalawang bagay lamang ang sinabi sa kanya sa simula pa lamang: “Humayo ka,” at “Ituturo ko sa iyo ang iyong dadaanan.”

May kakanyahan, sinabi ng Diyos kay Abram, “Mula sa araw na ito, nais ko na ibigay mo sa akin lahat ang iyong kinabukasan. Patuloy kang mamumuhay na inilagay mo ang iyong kinabukasan sa aking mga kamay, isang araw sa bawat sandali. Nais kong ipagkaloob mo ang iyong buhay sa pangako na ibinibigay ko sa iyo, Abram. Kapag ito ay iyong pinanghawakan, pagpapalain kita, gagabayan ka at ituturo sa isang lupain na hindi mo mailarawang-diwa..

Ang kalagayan na itinuturo ng Diyos kay Abram ay ang kalagayan na nais niyang pagdalhan sa bawat bahagi ng katawan ni Kristo. Si Abram ay siyang tinatawag ng mga mag-aaral ng Bibliya na isang “taong huwaran,” isang tao na naglilingkod bilang halimbawa kung paano lumakad sa harap ng Panginoon. Ang halimbawa ni Abram ay nagpapakita sa atin kung ano ang kinakailangan ng lahat na nagnanais na malugod ang Diyos.

Huwag magkamali, Si Abram ay hindi na bata nang siya ay tinawag upang tuparin niya ang kanyang pangako. Maaring mayroon siyang mga plano upang mapangalagaan ang kinabukasan ng kanyang mag-anak, kaya’t kailangan niyang magkaroon ng kinalaman sa maraming pagsasa-alang-alang habang tinitimbang niya ang tawag ng Diyos. Gayunman, “nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh” (Genesis 15:6).

Sinasabi ni Apostol Pablo sa atin na ang lahat na nananalig at nagtitiwala kay Kristo ay mga anak ni Abram. At, katulad ni Abram, tayo ay ibinilang na matuwid sapagkat tinanggap natin ang katulad na tawag na ipagtiwala ang lahat ng ating kinabukasan sa mga kamay ng Panginoon.

Huwebes, Mayo 19, 2011

MALAYO SA KUKO NG LEON

Ito ay makabubuti sa atin na sabihin ng Diyos sa atin na dapat nating alalahanin. Ang paggunita ng ating nakalipas na pagkakasagip ay makakatulong para lumago ang ating pananalig para sa mga pinagdadaanan natin ngayon.

Ikaw ba ay humaharap sa kagipitan? Mayroon ka bang nagbababalang higanteng suliranin, sa tahanan, sa trabaho, o sa iyong pamilya? Ang tanging paraan sa pagharap sa isang higante ay gawin ang ginawa ni David: Naaalala mo ba ang leon at ang oso. Ganon kung paano humarap si David kay Goliat na walang takot: sa pag-alala sa katapatan ng Diyos sa kanya sa kanyang mga nakalipas na kagipitan.

Nang magprisinta si David para labanan si Goliat, “Sinabi ni Saul, Hindi mo kaya ang Filisteong ‘yon…At sinabi ni David, Ako po ang nag-aalaga sa kawan ng aking ama. Kapag ang isa sa mga tupang inaalagaan ko ay tinatangay ng leon at oso, tinutugis ko ito at inaagaw ang tupa… Marami na po akong napatay na leon at oso. Mapapatay ko rin po ang Filisteong iyon” (1 Samuel 17:33-36).

Alam ni David ang kinakaharap niyang panganib laban kay Goliat. Hindi siya isang baguhan, isang walang pakunwari na puno ng pagtatapang-tapangan at naghahanap ng away. Hindi, payak na inaalala lamang ni David ang kanyang nakalipas na pagkakasagip. At ngayon harapan siyang nakatingin sa mata ng kanyang kaaway at nagpahayag,”Ang Diyos na nagligtas sa kuko ng mga leon at ng mga oso ay siya ring magliligtas sa akin sa Filisteong iyon” (17:37).

Ang pulutong ng Diyos ngayon ay humaharap sa mga higante sa lahat ng paligid. Subalit marami ang nangangatog sa takot. Ito ba’y naglalarawan sa iyo? Nalimutan mo na ba na ikaw ay naglubha sa katamdaman na halos ikamatay mo, ngunit ibinangon ka ng Panginoon? Naalala mo ba ang mabigat mong suliranin sa pananalapi na naisip mo na,”Ito na, katapusan ko na,” subalit naiahon ka ng Panginoon dito, at kinalinga niya hanggang sa ngayon?

Marami tayong hindi nauunawaan at hindi mauunawaan hanggang tayo ay kasama na ni Hesus. Ngunit ako ay lubos na nananalig na kayang magpagaling ng Diyos, at mayroon siyang pamamaraan palabas sa bawat kinalalagyan. Ang tanong sa atin ay, saan natin makikita ang pananalig, ang tapang, na tumayo at makamit ang tagumpay sa kanya?

Dumadating lamang ito kapag inaalala ang leon at oso. Dumadating ito kapag naalala ang mga kamangha-manghang katapatan ng Diyos, ang mga nakalipas na tagumpay na ipinagkaloob niya sa iyo. Kaya mong harapin ang isang higante kapag kaya mo nang ilagay sa isip mo at unawain ang kadakilaan at kaluwalhatian ng Diyos sa buhay mo.

Miyerkules, Mayo 18, 2011

ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA KANYANG MGA TAO AY HINDI KAILANMAN MABIBIGO

Habang binabasa ko ang Awit 13, ako’y napukaw na magpadala sa inyo ng ilang salita ng pagpapasigla na aking namalayan dito sa pinagpalang kabanatang ito.

Isinulat ni David ang mga salitang nakapalaman sa Awit na ito. Itinanong niya, “Gaano katagal mo akong lilimutin, Panginoon? Gaano mo katagal itatago ang iyong mukha sa akin? Gaano katagal akong magdadala ng kalungkutan sa aking puso araw-araw? Gaano katagal makapagmamataas ang kaaway sa akin?

May tunog itong na parang nadama ni David na tuluyan na siyang iniwan ng Diyos para magdusa, na gumising bawat araw na may kalungkutang bumabalot sa kanya. Sa isang panahon, nagsalita si David ng kawalan ng pag-asa: “Diyos ko, ang damdamin bang ito ng pag-iisa ay mananatili habang-buhay? Kailan sasagutin ang aking mga dalangin?

Kapag ang kaguluhan ay dumating sa atin kahit na alam natin na iniibig natin ang Panginoon – kapag ang kaligtasan ay mistulang malayo at wala ng pag-asa – tayo ay nanghihina dala ng kabigatan. Sa mga sandaling ito, mayroong nakababasa ng mga salitang ito na nanghihina sa ilalim ng matinding kabigatan sa isang kalagayan na mukhang wala ng kalutasan. Sila ay nasa bingit ng kawalan ng pag-asa, umaasa na ang paghupa ay darating lamang kung magkakaroon ng pahinga sa kanilang mga pagsubok.

Sa gitna ng sarili niyang pagsubok, nagtanong si David, “Gaano pa katagal akong tatanggap ng payo sa aking espiritu?” Naghanda siya ng balakin kada balakin, nagsusumikap na umisip ng paraan para makaiwas sa kanyang kagipitan – ngunit ang lahat ng kanyang balak, lahat ng pinaghandaan ay nabigo. Ngayon wala na siyang maisip pa, wala ng iba pang paraan. Siya ay nasa katapusan na ng lahat.

Gaano kasakit na makita ang isang munting pag-asa, kahit kaunting sikat ng araw, ngunit ang kawalan ng pag-asa ay muling dumating. Ilagay sa isipan, na ang lahat ng ito ay nangyayari sa makaDiyos na tao, sa isang malapit sa puso ng Diyos. Si David ay isang lalaki na nagpatotoo na mayroon siyang dakilang pananalig sa Panginoon. Gayunman, katulad natin, si David ay dumaan sa panahon ng kagipitan, katulad ng ipinahayag niya dito sa Awit.

Paano nakaahon si David dito sa balon ng kawalan ng pag-asa? “Magtitiwala ako sa iyong kahabagan… ako’y aawit.”

Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang mga dahilan para manatiling nagtitiwala sa panahon ng inyong pangkasalukuyang mga pagsubok:

• Gaano man magngalit ang bagyo, ang ating pinagpipitagang Panginoon ay patuloy na magpapakain sa mga ibon, dadamitan ang mga bulaklak ng kabukiran, at magtutustos sa karagatan ng puno ng mga isda sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan. “Ang iyong Amang nasa langit ay nagpakain sa kanila…” Walang ibong babagsak sa lupa na hindi nakikita ng Ama.

• Anong uri ng Ama ang magpapakain sa lahat ng nilalang sa lupa at pagkatapos ay pababayaan ang kanyang mga anak? Hinikayat tayo sa mabuti ni Jesus para “huwag bigyan ng pansin” ang mga pang-araw-araw na pangangailangan at suliranin, “sapagkat inaalala ka niya.”

Tunay, na iniibig kayo ni Jesus, at hindi siya magbibingi-bingihan sa iyong mga daing. Panghawakan ang kanyang mga pangako. Magpatul;oy sa pananalig. Manatiling naghihintay sa kanya. Hindi ka niya pababayaan.

Martes, Mayo 17, 2011

ITINATAAS NATIN ANG PANGALAN NI JESU-CRISTO NA ATING PANGINOON!

Ang sinumang nagbabasa nito ay nangangailangan ng hipo mula kay Jesus. Nang mangaral ang Panginoon dito sa sanlibutan, siya ay nagpagaling at nagpanumbalik ng mga may karamdaman sa pamamagitan lamang ng paghipo sa kanila. Nang hinipo ni Jesus ang ina ni Pedro, “nawala ang lagnat niya.” Hinipo niya ang kabaong ng isang patay na bata, at ang batang lalaki ay nabuhay. Hinipo niya ang mga mata ng mga taong bulag, at sila ay nakakita. Hinipo niya ang tainga ng isang bingi, ay karaka’y siya ay nakarinig. Dinala ng mga magulang ang kanilang mga anak kay Jesus “para hipuin niya.” Ang banayad na paghipo niya ay napagbago ang lahat. Maraming nagdala ng kanilang mga may sakit at mahihina, at si Jesus ay nagbigay ng panahon para maabot at mahipo silang lahat, pagalingin sila.

Kung tunay mong kilala ang Panginoon ng malapitan, nalaman mo na at nadama ang hipo ng kamay ni Jesus. Sa panahon ng kalungkutan, panahon ng kawalan ng pag-asa, sa panahon ng kaltuhan, panahon ng makirot at walang kasiguruhan, tumangis ka sa kaibuturuan ng iyong espiritu: “Panginoong Jesus, kailangang ko ang hipo mo. Kailangan kong madama ang iyong presensiya. Halika, Jesus, at hipuin mo ang nauuhaw kong espiritu.”

Ang ilan ay nangangailangan ng hipo ni Jesus sa kanilang kaisipan. Dumating si Satanas dala ang kanyang makasalanang hukbo para manggulo at pahirapan ang mga kaisipan ng mga isiping makasalanan – hindi naniniwalang kaisipan, hindi makaCristong pag-iisip, takot na kaisipan, kaisipang walang karapatan, kaisipang hindi nakalulugod sa Diyos. Ang mga tapat na mananampalataya ay magsasabi sa iyo na naranasan nila ang ganitong paglusob sa kanilang mga kaisipan. Si Satanas ay tahasang wawasakin ang ating pananampalataya at pag-asa sa Panginoon.

Sa Kasulatan, ang hipo ni Jesus ay dumating bilang kasagutan sa isang pagtangis. Walang pagpapatunay na kanyang binalewala o tinanggihan ang ganitong tangis. At hindi siya tatalikod sa iyong pagtangis, kundi may habag na tutugon sa iyong pangangailangan. Sa Mateo 8 nabasa nating ang isang may ketong na lumapit sa kanya, nagsasabi na, “Panginoon kung loloobin mo, maari mo akong pagalingin.” Iniabot ni Jesus ang kanyang kamay, sinasabing, “Gagawin ko; gagaling ka. At karaka’y nalinis ang kanyang ketong.”

Humanap ng isang lugar para kay Jesus ngayon, at sabihin sa kanya ang sinabi ng may ketong sa kanya: “Panginoon, kung loloobin mo, linisin mo ako.” At umasa na hihipuin ka niya at pagagalingin ka, sa isipan, sa katawan, sa espiritu. Ang kamay ng Panginoon ay iniaabot sa iyo, ngunit hinihintay niya ang tangis ng pangangailangan, tangis ng paghingi ng tulong na siya ring tangis ng umaasa.

“Hindi mabuti ang ginawang pakikitungo sa amin ng mga Egipcio. Pinahirapn nila kami at inalipin. Kaya, dumulog kami sa inyo Yahweh, Diyos ng aming mga ninuno. At dininig ninyo kami. Nakita ninyo ang aming pagdurusa, ang kahirapan at kaapihang dinaranas. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, ng mga kakilakilabot na gawa at mga kababalaghan, inalis ninyo kami sa Egipto” (Deuteronomo 26:6-9).

Lunes, Mayo 16, 2011

PAGPALAIN KA NG DIYOS AT MANATILI SA KAPAYAPAAN

Inudyukan ako ng Espiritu Santo na basahin ang Exodo 12, na naglalaman ng mga pangyayari tungkol kaligtasan ng Israel mula sa Egipto.

Sa bawat pintuan ng tahanan sa Israel, ay may pahid ng dugo ng tupa sa magkabilang poste at katangan nito. Ito ay para pangalagaan ang mga tao ng Diyos mula sa pagdaan ng anghel ng kamatayan. Nang dumating ang araw na iyon, maraming mga Israelitas ay nagmartsa mula sa pagkakabilanggo, kasama na ang 600,000 na mga lalaki kasama na ang mga babae at mga bata. “Huling araw ng ika-430 taon nang umalis sa Egipto ang mga hukbo ni Yahweh” (Exodo 12:41).

Sa sumunod na kabanata, huminto ako sa ikatlong talata, na mababasa: “Alalahanin niyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkaalipin sa bansang Egipto” (Exodo 13:3). Ang mga tao ng
Diyos ay napalaya sa pamamagitan lamang ng kapangyarihan ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng pamamaraan ng tao.

Ipinahayag ni David, “Ang Diyos ang aking muog na kanlungan ang nangangalaga sa aking daraanan…mula sa ilalim ng tubig sa dagat, iniahon ako’t kanyang iniligtas; iniligtas ako sa mga kaaway, na di ko makayang mag-isang labanan…pinagkaloobang magtagumpay lagi, ang abang lingkod mong hinirang na hari, di mo pinabayaan ang iyong pinili, na si Haring David at ang kanyang lahi” (Samuel 22:33, 17, 18, 31).

Ang ating pananampalataya at lakas ay maaring manghina, ngunit sa panahon ng ating kahinaan tayo ay binigyan ng Diyos ng mga nakakagulat na mga pangako para mapanibago at mapalakas tayo

• “Pinalakas mo ako para sa labanan” (2 Samuel 22:40).

• “Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan (1 Samuel 2:4).

• “Si Yahweh ang nagbibigay ng lakas sa mga hirang, at siya ring nagpapala upang sila’y matiwasay” (Awit 29: 11).

• “Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal, siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan” (Awit 68:35).

• “Ngayong ako’y matanda na h’wag mo akong babayaan, katawan ko’y mahina na kaya ako’y h’wag iiwan…Pagka’t ikaw, Panginoon ay malakas at dakila” (Awit 71:9, 16).

• “Ang sa iyo umaasa’y masasabing mapalad din…habang sila’y lumalakad, lalo silang lumalakas, batid nilang nasa Sion ang Diyos nilang hinahanap” (Awit 84:5, 7).

Mga minamahal, naniniwala ba kayong ang Diyos natin ay malakas? Kung siya ay malakas, walang kapangyarihan ang maaring humarap sa kanya. Kung ganon, isuko ang lahat sa kanyang makapangyarihang kamay ng lakas at kapangyarihan. Gagawa siya ng paraan. Higit sa lahat, maniwala sa salitang ito: “Noon ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako” (Awit 138:3).

Mahalin at pagpalain kayo ng Diyos.

Biyernes, Mayo 13, 2011

PINATAWAD NA

Sinabi ni Jesus sa atin, “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan” (Juan 5:24). Ang salitang Griyego na ginamit ni Jesus dito para sa pagpaparusa ay paghuhukom. Sinasabi niya, “Kung nananalig ka sa akin, hindi ka mahahatulan, kundi malalampasan mo ang kamatayan patungo sa buhay.”

Katunayan, sinabi ng Kasulatan sa atin mula sa umpisa hanggang sa wakas na kapag pinatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan, pinawi na niya ito sa alaala.

"Gayunman, ako ang Diyos na nagpatawad sa iyong mga kasalanan; hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan” (Isaias 43:25).

“Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad; Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya” (Isaias 44:22).

“Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan" (Jeremias 31:34).

“Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan,at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan" (Hebreo 8:12).

"Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip. Pagkatapos ay sinabi pa niya, "Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan" (Hebreo 10:16-17).

“Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat” (Mikas 7:19).

Narito ang masaganang mabuting balita para sa bawat Kristiyano na mga nagpakahirap, nagsumikap, gumawa para mapighati ang gawa ng laman sa kanyang sariling lakas. Ikaw ba’y kasama dito? Gaano kadami na ang pangako mo sa Diyos para, pagkatapos ay hindi mo natupad ang mga ito? Gaano kadami nang ulit na nilugod mo ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikipaglaban mo sa tukso ng laman at kinagawian, at muli minsan ka pang nabigo?

Narito ang mabuting balita para sa iyo, iniulat sa aklat ni Mikas, “Tatapakan ko na ang lahat ng iyong mga kasalanan.” Binigyan tayo ng Diyos ng pagsasalarawan sa mga talatang ito kung paano niya pinawi ang ating mga kasalanan mula sa alaala. Pinawi na niya lahat ito; kinalimutan na niya ang mga ito; inihagis niya sa kalaliman ng dagat; “tinapakan” niya ang mga ito—nangangahulugan na—tinugis niya at binihag ang mga ito.

Sinabi rin ni Isaias sa atin na kinuha ng Diyos ang ating mga kasalanan at inihagis na niya ang mga ito. “Pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan” (Isaias 38:17).

ng Diyos ang ating mga kasalanan, bakit hindi natin magawa ito? Bakit palagi nating hinahayaan ang diyablo na hukayin ang dumi ng nakalipas at iwasiwas ito sa ating mga mukha, kung ang ating mga kasalanan ay tinabunan na ng dugo ni Cristo?

Ang naglilinis, na makapangyarihang mapagpatawad na dugo ni Cristo ay ganap na dakila. Inaako nito ang ating buong buhay!

Huwebes, Mayo 12, 2011

BAGO MAKAMIT ANG TAGUMPAY

Kapag nakakaranas ka ng kalituhan, kirot, at pagdurusa, maaring ito ay ang Diyos ay kumikilos para sa iyo sa kanyang sariling pamamaraan. Ito ay kadalasang pinakamataas na gawain ng Diyos ang nagaganap na natatanging plano na siya lamang ang nakakaalam. Sa pamamagitan ng mga pagdurusa ng mga tao ng Diyos, siya ay kumikilos. Ang himala ang kasunod ng mga kalituhan.

Pag-aralan ang iyong Bibliya at matutuklasan mo na ito rin ang katulad na mga pangyayari sa mga buhay ng mga tao ng Diyos. Sa bawat kaso, kapag sinimulan na ng Diyos na tuparin ang kanyang pangako, mistulang ang bubong ang nauunang gumuho!

Alalahanin si Daniel at ang tatlong batang Hebreo. Inialay nila ang kanilang mga sarili sa buhay ng kabanalan at pagkakahiwalay sa sanlibutan at sa mga kaaliwan nito. Inilagak ni Daniel ang sarili para sa buhay ng pananalangin, mga luha, at pamamagitan, ngunit ano ang idinulot nito sa kanya at sa tatlo niyang kaibigang Hebreo? Pagsubok bago makamit ang tagumpay!

Hindi ka magtutungo galing sa lihim na silid ng panalanginan papunta sa tuktok ng tagumpay sa bundok—pupunta ka sa yungib ng mga leon. Hindi ka tutungo mula sa pagtatalaga sa madaling pamumuhay lamang—pupunta ka sa nag-aapoy na pugon. Ang mga lalaking ito ay hindi nangangamba na harapin ang kirot at pagdurusa, sapagkat alam nila na ito ay mauuwi sa sariling pamamaraan na ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga mababangis na leon at naglalagablab na pugon patungo sa ganap na kalooban ng Diyos!

Alalahanin si Elijah. Bingyan siya ng maluwalhating pangako ng Diyos ng isang espirituwal na paggising sa lupa; sa isang pagbuhos ng maraming ulan; isang bagong araw ng tagumpay para sa mga tao ng Diyos; at sa pagbagsak ni Ahab at Jezebel. Ngunit masdan ang lahat ng kalituhan na naganap pagkatapos na ibigay ang pangako. Pinagbantaan ni Jezebel ang buhay niya, tinugis siya sa kanyang pagtatago sa mga bundok. Ang mga masasamang puwersa ang pumatay sa mga propeta ng Diyos at ang kalupaan ay nagpatuloy sa kasamaan at tagtuyot. Sa katunayan, ang Salita ng Diyos ay mistulang parang isang panlilinlang lamang.

Mawawari mo ba kung gaano kalito si Elijah? “Anong uri ng sagot sa panalangin ang mga ito? Iniwan na akong nag-iisa. Nasaan ang Panginoon? Nabigo ba ang kanyang pangako?” Samantalang sa mga panahong iyon ay ginagampanan niya kung ano ang sinabi na gagawin niya. Ang kalituhan ay lilipas at ang kasagutan ay darating.

Nag-iwan si Cristo sa mga disipulo niya ng isang pangako na maaring magligtas sa kanila sa lahat ng kalituhan at kirot, ngunit sadyang bagsak sila sa kalungkutan para maalala ito. Sinabi niya sa kanila: “Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea” (Mateo 26:32).

Sa madaling sabi, “Huwag ka nang magpakahirap na alamin pa ang lahat ng ito. Huwag tanungin ang sandali ng kalituhan. Hindi mo ito laban. Kumikilos ang Diyos! Kapag ang lahat ng ito ay tapos na, ako ay pupunta pa rin sa harapan mo. Ang pastol mo ay naroroon pa rin.” Isang nakapagpapalakas ng loob na mga salita!

Miyerkules, Mayo 11, 2011

INIINGATAN NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS

Sinabi ni Pedro, “Sapagkat kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang iyan na ihahayag sa katapusan ng panahon” (1 Pedro 1:5). Nakita ko sa hulang ito na sa mga huling araw, ay minsan pang ipapahayag ng Diyos ang kanyang nag-iingat na kapangyarihan sa kanyang mga tao.

Nanalangin si Cristo sa Ama na may kinalaman sa kanyang mga disipulo: “Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at walang napahamak sa kanila” (Juan 17:12). Ang mga disipulo ay hindi iningatan ang mga sarili nila ayon sa kalooban ng Diyos, bagkus ay iningatan sa pamamagitan ng kapangyarihan na hindi nila sakop. Hindi sila tatagal ng isang araw nang wala ang nag-iingat na kapangyarihan ni Cristo.

Isang maluwalhating panalangin ang ipinalangin ni Cristo para sa atin: “Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig” (Juan 17:5).

Sa Griyego, ang salitang iningatan ay labis na may paghahayag. Bilang ginamit sa 1 Pedro 1:5, ito ay nangangahulugan na:

• Magtatag ng isang kampo ng mga mandirigma.
• Para magbantay, lupiin, ingatan sa pamamagitan ng isang matatag na kwartel.
• Para magtatag ng isang matibay na kampo na napapalibutan ng pagbabantay ng mga kawal, na may sapat na gamit pandigma.
• Ang matanaw ang kalaban malayo pa man para maingatan sa ambang panganib.

Hindi lamang isang matatag na tore ang Panginoon, kundi nagtatag siya ng isang bantay na nasa malayo na binabantayan ng mga kawal na may sapat na gamit pandigma. Tayo ay sadyang naging bantay sa malayo na may mga kawal, mga kabayo, at mga karwahe na nakahandang makipaglaban, at may kasamang bantay na nakakakita ng mga parating na kaaway malayo pa man sila.

Nanalangin si Jesus, “Ilayo mo sila sa mga masasama…” ang salitang Griyego para sa pag-iingat ay nangangahulugan ng:

• Kalayaan mula sa bunga o sa impluwensiya ng anumang masamang bagay, masasama, nakahahambal, malaswa, malisyoso, o makasalanan.
• Kalayaan mula kay Satanas mismo at sa lahat na tiwali o karamdaman.

Pagsama-samahin ang lahat ng ito at ito ay mistulang hindi kapani-paniwala. Tayo ang bantay kawal ng Diyos, iniingatan ng isang may sapat na gamit ng espirituwal na mga hindi mabilang na mga kabayo, karwahe at mga kawal na may sapat na gamit pandigma na may sapat na kaalaman ng bawat balak ng kaaway at mga pamamaraan nila—ganap na ipinagtatanggol laban kay Satanas at sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo sa sansinukob. Ngayon maaring maunawaan natin kung ano ang nais ipakahulugan ng Kasulatan kapag sinabi nito na, “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan” (1 Juan 4:4).

Lunes, Mayo 9, 2011

ANG PANGINOON ANG IYONG TAGAPANGALAGA

Isang nakapupukaw na kuwento sa Lumang Tipan sa 2 Hari 6 ang naglalarawan kung ano ang kahulugan kung paano pangalagaan ng kapangyarihan ng Diyos.

Si Ben-hadad, hari ng Syria, ay nagdeklara ng pakikidigma sa Israel at naglakad laban sa kanila na kasama ang isang malaking hukbo. Habang ang kanyang mga kawal ay sumusugod, madalas niyang tawagin ang kanyang tagapayong militar sa kanyang pribadong silid para paghandaan ang susunod na stratehiya para sa susunod na araw. Ngunit ang Propetang si Eliseo ay patuloy na nagpapadala ng mensahe sa Hari ng Israel, na dinedetalye ang bawat hakbang ng mga kalaban. Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang Israel ay nakaiwas sa pagkalupig dahilan sa mga babala ni Elisa.

Galit na galit si Ben-hadad at tinawag na sama-sama ang mga lingkod. “Sabihin ninyo sa akin kung sino ang nagsasab ng ating mga balak sa Hari ng Israel! Sino ang taksil na ito?” Isa sa mga naroon ang sumagot, "Wala po, mahal na hari. Si Eliseo po, ang propeta sa Israel ang nagsasabi sa kanilang hari kahit ang inyong mga lihim na binabalak" (2 Hari 6:12).

Madaliang nagpadala si Ben-hadad ng mga kabayo, mga karwahe at mga kawal para bihagin si Eliseo. “Humayo sa Dothan at dalhin siya sa akin,” ipinag-utos niya. Gabi silang umalis at pinaligiran ang lunsod, hangad na biglaing bihagin ang matandang propeta, kinabukasan ng umaga, lumabas ang katulong ni Eliseo at nakita niya ang maraming kawal, ang mga kabayo at karwaheng nakapaligid sa lunsod. Sinabi niya, "Guro, paano tayo ngayon?"

Sinabi ni Eliseo, "Huwag kang matakot. Mas marami tayong kakampi kaysa kanila." At siya'y nanalangin, "Yahweh, buksan po ninyo ang kanyang paningin nang siya'y makakita." Pinakinggan ni Yahweh ang kanyang panalangin at nakita ng katulong ni Eliseo na ang bundok ay punung-puno ng mga kabayo at karwaheng apoy na nakapaligid kay Eliseo.

Katulad ng Mang-aawit, kayang tumayo ni Eliseo sa gitna ng panganib at sabihin ng may ganap na katiyakan:

• “Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot” (Mga Awit 3:6).
• “Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot, hindi pa rin ako sa kanila matatakot; salakayin man ako ng mga kaaway, magtitiwala pa rin ako sa Maykapal” (Mga Awit 27:3).
• “Ililigtas ako mula sa labanan, at pababaliking taglay ang tagumpay, matapos gapiin ang mga kaaway” (Mga Awit 55:18).

Ang panalangin ko ay katulad ng kay Eliseo: “Panginoon buksan mo ang aming mga paningin nang makita namin at masdan ang mga bundok na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy—Diyos na makapangyarihan!”

Biyernes, Mayo 6, 2011

HUMINTO AT INYONG ALAMIN

Pagkatapos ipahayag ng Salita sa atin na Diyos ang nagpapahinto sa labanan, ito ay idinagdag: Sinasabi niya, "Ihinto ang labanan,ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila" (Mga Awit 46:10).

Ang salitang Hebreo para sa “ihinto” ay raphah, ito ay nangangahulugan na huminto; pabayaan ninyo; maging mahina, mukhang kawawa. Ito ay nagmula sa ugat na raphah, nangangahulugan na ayusin at maging isang buong muli sa mga kamay ng isang manggagamot.

Ang Salita ng Diyos ay ganap na masinsin. Pinahinto niya ang labanan hanggang sa matapos niya ang kanyang gawain, kailangang ihinto natin ang ating maka-sariling matuwid na pagsusumikap, ipagtiwala ang lahat sa kanyang mga kamay, ikumpisal ang ating mga kahinaan at pagiging mukhang kawawa, at ipagkatiwala ang ating hinaharap at panunumbalik sa mga kamay ni Cristo, ang ating Dakilang Manggagamot.

Minamahal kong mga mananampalataya, pinupunit ba ang iyong sarili ng sarili mong pangloob na pakikipaglaban? Maaring ikinakahon ka ni Satanas, ngunit hindi ka niya kayang saktan o puksain. Maaring ikaw ay hinuhubaran bilang paghahanda para sa isang malalim na pagpapahayag ng krus para ikaw ay maihanda para sa isang dakilang paglilingkod sa Diyos.

Katulad ka ni Pedro, hinubaran sa lahat ng bagay bago nagtungo sa Pentekostes. Tingnan ang dakilang taong ito ng Diyos na lumalaboy nang walang tiyak na patutunguhan sa burol ng Judea—bagsak na sa kanyang kalagayan. Minsan si Pedro ay naglakad sa tubig at tumulong na mahimalang nagpakain sa libu-libo. Naranasan niya ang tunay na kaluwalhatian ng Diyos at isang pinagpala, isang kinikilala, kagamit-gamit, isang mahal na lingkod ng Diyos. Ngunit siya ay nakahahambal na nagkasala, binigo ang Diyos na katulad ng iba, at pagkatapos, tumangis at nagdalamhati, iniisip na nawala ang kanyang kaligtasan at ang kanyang ministeryo.

“Ano ang nangyayari sa akin?” Maaring pauli-ulit niyang tanong sa sarili.”Bakit wala akong lakas o katatagan kapag ako ay natutukso? Bakit wala akong moral na paghahanda—walang lakas na iwaksi ang kalaban? Bakit ako pa ang bumagsak? Paanong ang isang tao ng Diyos ay makagawa ng isang kakila-kilabot na bagay sa kanyang Panginoon? Paano akong nakapangaral sa iba nang wala akong lakas sa isang kapighatian?”

Hindi ang Diyos ang dahilan ng kabiguan ni Pedro ngunit may mabuti itong ibinunga. Ito ay bahagi ng paghuhubad sa isang tao ng Diyos—pinayagan na maipahayag kung ano ang malalim na dinadala sa kalooban ng tao. Kabiguan lamang ang makapaglalantad ng pagmamataas at sariling-pagsusumikap. Kabiguan ang nakapagpabagsak kay Pedro, at ipinahayag sa kanya ang kanyang pangangailangan sa lubusang pagsandal sa kanyang Panginoon para sa lahat ng bagay, kasama na ang kanyang pagkadalisay at katuwiran.

Ito ay nasa anino ng krus na kaya nating makayanang paglabanan ang pinakamabigat na tukso at pagkatapos ay makabangon patungo sa panunumbalik!

Huwebes, Mayo 5, 2011

ANG HANGARIN NG DIYOS PARA SA ATIN AY KAPAYAPAAN AT KAPAHINGAHAN

Ang hangarin ng Diyos para sa lahat ng kanyanag anak ay masaganang buhay. Hindi niya hinangad kailanman na tayo ay humarap sa buhay na nakatuon sa ating mga kasalanan at mga kabiguan. Ang mabuting balita ay tayo ay naglilingkod sa Diyos ng ganap na pag-ibig—Diyos na mahabagin na naghahangad na dalhin ang kanyang mga minamahal sa lugar na angat sa lahat ng kaguluhan. Ngunit hindi natin makakamit ang ating karapatang makaupo sa tabi ni Cristo sa kalangitan, hanggang sa tayo ay makilala sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.

Hindi makakarating sa muling pagkabuhay hanggang hindi nararanasan ang kamatayan sa krus. Inilagay ng Espiritu Santo ang karunungan sa atin na hindi tayo tunay na mabubuhay hanggang sa hindi tayo tunay na namamatay. Mistulang alam natin na tayo ay may pakikipagtipan sa kamatayan, isang destinasyon na may kinalaman sa krus ni Cristo.

Tingnan nating mabuti kung nasaan tayo, na may mga pangamba, kahungkagan, kalungkutan, kabiguan at pakikipagkompromiso sa kasalanan. Isaalang-alang kung gaano kaliit ang pangakong kapayapaan ni Cristo ang tunay na mayroon tayo. Maliit lamang ang kaalamang nakuha natin sa kung paano ang maging isang nakapangingibabaw na Kristiyano, samantalang alam natin ang Salita ng Diyos ay maliwanag na nangungusap ng tagumpay, kapayapaan, at kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Namasdan natin ang ilan na narating ang magandang buhay na may katiyakan at nais nating itanong: Paano mo narating ang ganoong tagumpay? At iniisip natin kung paano natin mararating yaon.

Kailangang madala tayo ng Espiritu Santo sa krus para maiharap tayo sa tunay na kamatayan sa sanlibutan at kasalanan. Sa sandaling hinanap natin ang Panginoon na may tunay na pagsusumikap na may hangarin na mapasailalim sa kanyang pangangalaga sa lahat ng bagay, tayo ay di mapipigilang palapit sa Espiritu. Dadalhin tayo sa dulo ng ating buhay, hubad, nanghihina, at walang pagtitiwala sa satiling laman.

Ako ay naniniwala na ibinabalik ng Espiritu ang kanyang iglesya sa maluwalhating katotohanan ng pagkakakilanlan kasama si Cristo sa kamatayan, sa pagkabuhay na muli.

ANakakasindak ang kamatayan, lalo na kung hindi mo nakikita ang kaluwalhatian sa kabila nito. Ngunit isinisiguro niya sa atin ang kanyang walang hanggang pag-ibig, sa kabila ng ating mga kabiguan, at binigyan tayo ng kapayapaan at ng kagalakan at pag-asa ng kanyang pagkabuhay na muli.

Lunes, Mayo 2, 2011

ANG LALAKI NA MAY WALANG HANGGANG PANANAMPALATAYA

Mapagmahal na asawa at ama, magiliw na lolo. Kaibigan ng mga patapon at nagdurusa. Walang takot na saksi ng makapangyarihang pagliligtas ni Cristo. Madamdaming tinig ng Diyos sa kanyang iglesya. May malambot na kaloobang tumutulong sa mga balo, mga ulila at mga mahihirap. Isang espirituwal na ama ng ibat-ibang salin-lahi—mula sa mga hampas lupa na salat sa buhay hanggang sa mga makakapangyarihan, mula sa mga matatanda hanggang sa mga kabataan, mula sa mga minamahal hanggang sa mga estranghero na mula sa ibat-ibang katayuan sa buhay.

Ang mga katangiang ito ang naglalarawan sa buhay ni David Wilkerson. Sa loob ng 6 na dekada naglingkod siya sa Panginoon ng buong katapatan at pinamunuan ang mga sangay na itinatag niya sa buong mundo na lumago sa bawat dekada. Sa likod ng lahat ng ito ay isang walang pag-aalinlangang paniniwala sa pag-ibig ng Diyos para sa bawat nilalang at ang kanyang walang humpay at walang sawa na abutin sila.

Si “Kuya Dave” na gusto niyang itawag sa kanya,” ay kinilala ng milyun-milyon sa kanyang walang hanggang pananampalataya. Naniwala siya na kayang baguhin ng Diyos ang buhay ng mga kabataang ligaw ng landas at mabago ang mga desperadong lulong sa mga ipinagbabawal na droga—at ito ay ginawa ng Panginoon. Naniniwala siya na isang masigasig na iglesya ay maitatatag sa gitna ng ‘Times Square’, sa lunsod ng Nuweba York—at ito ay naganap sa kalooban ng Diyos. Naniwala siya na magiging mapagmahal sa kanyang asawa at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak at nagawa niya ito.

Si David Ray Wilkerson ay isinilang noong May 19, 1931, sa Hammond, Indiana,sa isang linya ng lahi ng mga debotong itinalagang mga Pentekostal na mga mangangaral. Mula ng siya ay naordina sa ‘Assemblies of God’, pinakasalan niya ang pag-ibig ng kanyang buhay—na si Gwendolyn Carosso, na makakatuwang niyang maglingkod sa ministeryo sa loob ng 57 taon.

Mula pa sa simula si ‘Kuya Dave’ ay gumamit ng mapanuklas, at makabagong pamamaraan sa ministeryo. Sa mga naunang pangangaral, minaneho niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng simbahan para isalarawan ang isang nakakatawang punto. Gayunman nangaral siyang hapis at nagdurusa, naniniwala na ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng ating kahinaan. Alam niya na nilinlang ng Diyos ang karunungan ng sanlibutan para maipahayag ang kanyang Sarili—at ang katotohanang iyan ay paulit-ilit na pinatunayan ng mga ministeryo na itinatag ni ‘Kuya Dave’.

Noong 1958 naglakbay siya mula sa kanyang maliit na iglesya sa ‘Phillipsburg, Pennsylvania’, para abutin ang mga kabataang naligaw ng landas sa isang paglilitis sa lunsod ng Nuweba York. “Unang pagkakataon pa lamang siyang nakarating sa Nuweba York—at hindi pa rin siya nakakilala kahit isa na kasapi sa isang samahan ng mga kabataang naligaw ng landas o isang lulong sa bawal na droga,” ayon sa kanyang kapatid na si Don Wilkerson. “Basta nagtungo siya dito, na simpleng-simple lamang, sa kanyang pagiging inosente, anuman ang itawag ninyo dito, ay nabago niya ang buhay ng mga tao.”

Ayon sa iniulat ng kaibigan ni ‘Kuya Dave’ na si McCandlish Phillips, isang tagapagbalita ng New York Times, “Ang kanyang pamamaraan ay isang ganap na modelo ng kasimplehan, deretsahan at walang paikot-ikot—sadya siyang nagpupunta sa mga kalye at nakikihalo sa mga kabataan at nakikipag paliwanagan ng harap-harapan sa kanila, madalas na bumabanggit ng mga talata sa Bibliya—at ito ay naging tagumpay.”

Mula sa may malakas na loob na pagkilos ay naitatag ang ministeryo ng ‘Hamong Pangkabataan’ (Teen Challenge ministry), isang programa ng rehabilitasyon na nakasentro kay Cristo para sa mga lulong sa alak at bawal na droga. Ang misteryong ito ay higit na naging tanyag sa pamamagitan ng aklat na ‘Ang Krus at Balisong’ (The Cross and the Switchblade), na naibenta ng mahigit na 50 milyung kopya at naisalin sa 30 wika. Ang ministeryong ito ay lumago nadagdagan ng mahigit na isang libong sangay sa buong Estados Unidos at 80 pang mga bansa

Hinipo ng Panginoon si ‘Kuya Dave’ para maitatag ang ‘Krusadang Pangkabataan’ (Youth Crusades), ang ebanghelyong ministeryo para sa mga kabataan. Ang buong salin-lahi ay nagalak na ang mga buhay nila ay may halaga sa Diyos. Mabungang isinulat ni ‘Kuya Dave’ ang kanyang mga aklat na kumilos at humipo sa mga salinlahi ng mga magbabasa tungo sa buhay ng banal na debosyon kay Cristo. Ang mga dose-dosenang aklat na kanyang naiakda ay punung-puno ng mga may kahanga-hangang lalim ng kaisipan, maliwanag at may buong katapatan. At ipinamuhay niya ang mga isinulat niyang halimbawa ng kawangis ni Cristo, patuloy na nagpapahayag ng kanyang sariling kahinaan at katapatan ni Cristo sa kanya.

Katulad ng kanyang kapangalan, si Haring David, naisagawa ng aming ama ang kalooban ng Diyos sa kanyang henerasyon. Nangaral siya na may ganap na pag-ibig at walang lubay na grasya. hindi mahilig sa magarbong okasyon, ang purihin o sa mga seremonyas. Tinanggihan niya ang mga paanyaya ng mga kilalang namumuno sa mundo ngunit kayang ibigay ang lahat para tulungan ang isang ulilang naghihirap o isang balo na nagdadalamhati.

Ang huling misyon ng aking ama sa sanlibutan ay maging isang tagapagsanggalang ng mga pinakamahirap sa mundong ito—ang makapagbigay ng kaluwagan at makaalalay para sa mga nagugutom na mga kabataan, mga balo at mga ulila sa Estados Unidos at sa mga mahihirap na bansa. Ang sangay na itinatag niya para gawin ito ay ang ‘Please Pass the Bread’ ay nagmiministeryo sa mga buhay ng libu-libong kabataan sa raw-araw, sa pamamagitan ng 56 na sangay sa 8 bansa.

Tinakbo niya ang paligsahan ng maayos at nang matapos na ang kanyang gawain, siya ay tinawag nang pauwi ng Panginoon sa kanyang tunay na tahanan. Ang halaga ng kanyang buhay ay hindi kayang sukatin—hindi lamang sa kanyang pangangaral, pagsusulat at pagtatatag ng mga nakapagbabagong mga ministeryo sa sanlibutan, kundi sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, debosyo, pagiging mahabagin at kakayahang palakasin at alugin ang ating mga pananampalataya para sa mga dakilang gawain. Ang anak ni David na si Gary ay nag-aalay ng pahayag na ito sa mga nakakakilala sa kanya at nagmamahal sa kanya: “Alam ko na kung nagawang palakasin ang inyong loob ng aking ama sa pamamagitan ng kanyang mga salita sa panahong ito, ay aanyayahan niya kayo na ibigay ninyo ang inyong lahat para kay Jesus, ibigin ang Diyos ng taus-puso at iaalay ang inyong sarili para sa mga ibang nangangailangan.”

Ang huling blog na naiposte ni ‘Kuya Dave’, ay may pamagat na “Kapag ang Lahat ay Nabigo na,” ay isang akmang pamamaalam doon sa mga buhay na kanyang hinipo: “Minamahal, ang Diyos ay hindi kailanman nabigo kundi kumikilos sa kabutihan lamang at sa pag-ibig. Kung ang lahat ay nabigo na, ang Kanyang pag-ibig ay mangingibabaw. Manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Manindigan ng matatag sa kanyang Salita. Wala nang iba pang pag-asa sa sanlibutang ito.

Ang pagpanaw ni David Wilkerson ay isang malalim na kawalan para sa marami. Gayunman kami ay nagagalak sapagkat alam namin na nabuhay ang aming ama ng lubus-lubusan, sumusunod sa kalooban ng Diyos ng may buong debosyon at lubos na umiibig kay Jesus
Naulila niya ang kanyang asawa na si, Gwen Wilkerson; anak na si Debi Jonker at asawa na si Roger, mga anak na sina Brent at Matthew at asawa ni Matthew na si Christina, anak na si Bonnie Hayslip at asawang si Roger, at mga anak na sina David at Brandon at asawa ni Brandon na si Christina; anak na si Gary Wilkerson at asawang si Kelly at mga anak na sina Ashley, Elliot, Evan at Annie; anak na si Greg Wilkerson at asawang si Teresa at mga anak na sina Alyssa at Ryan; mga kapatid na sina Don Wilkerson at Jerry Wilkerson at kapatid na si Ruth Harris. Ang kanyang mga apo ang nagsilbing tagabuhat ng kanyang kabaong.