Sinabi ni Pedro, “Sapagkat kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang iyan na ihahayag sa katapusan ng panahon” (1 Pedro 1:5). Nakita ko sa hulang ito na sa mga huling araw, ay minsan pang ipapahayag ng Diyos ang kanyang nag-iingat na kapangyarihan sa kanyang mga tao.
Nanalangin si Cristo sa Ama na may kinalaman sa kanyang mga disipulo: “Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at walang napahamak sa kanila” (Juan 17:12). Ang mga disipulo ay hindi iningatan ang mga sarili nila ayon sa kalooban ng Diyos, bagkus ay iningatan sa pamamagitan ng kapangyarihan na hindi nila sakop. Hindi sila tatagal ng isang araw nang wala ang nag-iingat na kapangyarihan ni Cristo.
Isang maluwalhating panalangin ang ipinalangin ni Cristo para sa atin: “Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig” (Juan 17:5).
Sa Griyego, ang salitang iningatan ay labis na may paghahayag. Bilang ginamit sa 1 Pedro 1:5, ito ay nangangahulugan na:
• Magtatag ng isang kampo ng mga mandirigma.
• Para magbantay, lupiin, ingatan sa pamamagitan ng isang matatag na kwartel.
• Para magtatag ng isang matibay na kampo na napapalibutan ng pagbabantay ng mga kawal, na may sapat na gamit pandigma.
• Ang matanaw ang kalaban malayo pa man para maingatan sa ambang panganib.
Hindi lamang isang matatag na tore ang Panginoon, kundi nagtatag siya ng isang bantay na nasa malayo na binabantayan ng mga kawal na may sapat na gamit pandigma. Tayo ay sadyang naging bantay sa malayo na may mga kawal, mga kabayo, at mga karwahe na nakahandang makipaglaban, at may kasamang bantay na nakakakita ng mga parating na kaaway malayo pa man sila.
Nanalangin si Jesus, “Ilayo mo sila sa mga masasama…” ang salitang Griyego para sa pag-iingat ay nangangahulugan ng:
• Kalayaan mula sa bunga o sa impluwensiya ng anumang masamang bagay, masasama, nakahahambal, malaswa, malisyoso, o makasalanan.
• Kalayaan mula kay Satanas mismo at sa lahat na tiwali o karamdaman.
Pagsama-samahin ang lahat ng ito at ito ay mistulang hindi kapani-paniwala. Tayo ang bantay kawal ng Diyos, iniingatan ng isang may sapat na gamit ng espirituwal na mga hindi mabilang na mga kabayo, karwahe at mga kawal na may sapat na gamit pandigma na may sapat na kaalaman ng bawat balak ng kaaway at mga pamamaraan nila—ganap na ipinagtatanggol laban kay Satanas at sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo sa sansinukob. Ngayon maaring maunawaan natin kung ano ang nais ipakahulugan ng Kasulatan kapag sinabi nito na, “Sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa espiritung nasa mga makasanlibutan” (1 Juan 4:4).