Ang ating masidhing pangangailangan para sa pagtitiyaga ay inulit-ulit sa buong aklat ng Hebreo
“Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako... Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya” (Hebreo 6:13-15).
“Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya” (6:12).
“Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako” (10:36).
Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng mga magagandang pangako—ang baliin ang bawat kapit ng kasalanan, para mabigyan tayo ng lakas upang magapi ang pangingibabaw ng kasalanan, para mabigyan tayo ng bagong puso, para malinis at pabanalin tayo, para maiwangis tayo sa imahe ni Cristo. Tiniyak ng Salita niya sa atin, “Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian” (Judas 24).
Gayunman ginagawa ang lahat ng ito ng Diyos para sa atin sa kanyang sariling panahon, ayon sa kanyang banal na pagtatakda. Walang anumang nakatakdang sandali na nagtutulak sa kanya. At hindi niya pinapansin ang lahat ng pamimilit para sa madaliang kasagutan o solusyon. Sa madaling sabi, ang tunay na pananampalataya natin ay nangangailangan na matiyaga tayong maghintay sa ating Panginoon. Ang dapat nating sagot sa kanya ay “Panginoon, alam kong tapat ka sa iyong mga Salita. At sa pamamagitan ng iyong Espiritu na nananahan sa akin ay matiyaga akong maghihintay hanggang sa ang lahat ng ito ay lumipas sa aking buhay. Ang tungkulin ko ay manatiling sumasampalataya na naghihintay sa iyo.”
Maaring mapagtiisan mo ang mga matitinding pagsubok at mga tukso. At maaring marinig mo ang mga nakakasuklam na mga kasinungalingan na ibinubulong ni Satanas sa iyo. May panahon na maaring mabigo ka. Sa katunayan, maaring isipin mo na mararating mo pa ba ang iyong hinahangad. Ngunit habang pinagtitiisan mo ang lahat ng mga kabigatang ito, kung panghahawakan mo lamang ang iyong pananampalaya ng may pagtitiyaga—nagtitiwala na kumikilos ang Diyos, pinanghahawakan ang kanyang Salita, bilang iyong Jehovah—titingnan ka niya bilang isang matuwid. Isinumpa niyang may pangako, “Sa pamamagitan ng pananampalataya, matatanggap mo ang pangako.”
Ipinagkaloob ni Pablo ang ibig sabihin ng matuwid sa Roma 4:20-23: “Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. 21 Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. 22 Kaya't dahil sa kanyang pananampalataya, siya'y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.23 Ang salitang "itinuring na matuwid" ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa atin din naman.”
Wala nang mas liliwanag pa dito sa sinabi ng Bibliya. Sa madaling sabi, ang matuwid ay sadyang naniniwala sa mga pangako ng Diyos, lubos na nanalig na tutuparin niya ang kanyang Salita. Kung pag-uusapan, ang kawalan ng paniniwala ay pasuray-suray sa kanyang mga pangako, ang magduda sa Diyos na gagampanan niya ang kanyang mga ipinangako.