Huwebes, Mayo 19, 2011

MALAYO SA KUKO NG LEON

Ito ay makabubuti sa atin na sabihin ng Diyos sa atin na dapat nating alalahanin. Ang paggunita ng ating nakalipas na pagkakasagip ay makakatulong para lumago ang ating pananalig para sa mga pinagdadaanan natin ngayon.

Ikaw ba ay humaharap sa kagipitan? Mayroon ka bang nagbababalang higanteng suliranin, sa tahanan, sa trabaho, o sa iyong pamilya? Ang tanging paraan sa pagharap sa isang higante ay gawin ang ginawa ni David: Naaalala mo ba ang leon at ang oso. Ganon kung paano humarap si David kay Goliat na walang takot: sa pag-alala sa katapatan ng Diyos sa kanya sa kanyang mga nakalipas na kagipitan.

Nang magprisinta si David para labanan si Goliat, “Sinabi ni Saul, Hindi mo kaya ang Filisteong ‘yon…At sinabi ni David, Ako po ang nag-aalaga sa kawan ng aking ama. Kapag ang isa sa mga tupang inaalagaan ko ay tinatangay ng leon at oso, tinutugis ko ito at inaagaw ang tupa… Marami na po akong napatay na leon at oso. Mapapatay ko rin po ang Filisteong iyon” (1 Samuel 17:33-36).

Alam ni David ang kinakaharap niyang panganib laban kay Goliat. Hindi siya isang baguhan, isang walang pakunwari na puno ng pagtatapang-tapangan at naghahanap ng away. Hindi, payak na inaalala lamang ni David ang kanyang nakalipas na pagkakasagip. At ngayon harapan siyang nakatingin sa mata ng kanyang kaaway at nagpahayag,”Ang Diyos na nagligtas sa kuko ng mga leon at ng mga oso ay siya ring magliligtas sa akin sa Filisteong iyon” (17:37).

Ang pulutong ng Diyos ngayon ay humaharap sa mga higante sa lahat ng paligid. Subalit marami ang nangangatog sa takot. Ito ba’y naglalarawan sa iyo? Nalimutan mo na ba na ikaw ay naglubha sa katamdaman na halos ikamatay mo, ngunit ibinangon ka ng Panginoon? Naalala mo ba ang mabigat mong suliranin sa pananalapi na naisip mo na,”Ito na, katapusan ko na,” subalit naiahon ka ng Panginoon dito, at kinalinga niya hanggang sa ngayon?

Marami tayong hindi nauunawaan at hindi mauunawaan hanggang tayo ay kasama na ni Hesus. Ngunit ako ay lubos na nananalig na kayang magpagaling ng Diyos, at mayroon siyang pamamaraan palabas sa bawat kinalalagyan. Ang tanong sa atin ay, saan natin makikita ang pananalig, ang tapang, na tumayo at makamit ang tagumpay sa kanya?

Dumadating lamang ito kapag inaalala ang leon at oso. Dumadating ito kapag naalala ang mga kamangha-manghang katapatan ng Diyos, ang mga nakalipas na tagumpay na ipinagkaloob niya sa iyo. Kaya mong harapin ang isang higante kapag kaya mo nang ilagay sa isip mo at unawain ang kadakilaan at kaluwalhatian ng Diyos sa buhay mo.