Biyernes, Mayo 13, 2011

PINATAWAD NA

Sinabi ni Jesus sa atin, “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan” (Juan 5:24). Ang salitang Griyego na ginamit ni Jesus dito para sa pagpaparusa ay paghuhukom. Sinasabi niya, “Kung nananalig ka sa akin, hindi ka mahahatulan, kundi malalampasan mo ang kamatayan patungo sa buhay.”

Katunayan, sinabi ng Kasulatan sa atin mula sa umpisa hanggang sa wakas na kapag pinatawad na ng Panginoon ang ating mga kasalanan, pinawi na niya ito sa alaala.

"Gayunman, ako ang Diyos na nagpatawad sa iyong mga kasalanan; hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan” (Isaias 43:25).

“Ang pagkakasala mo'y pinawi ko na, naglahong ulap ang katulad; Ika'y manumbalik dahil tinubos na kita at pinalaya” (Isaias 44:22).

“Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang kasalanan at kalilimutan ko na ang kanilang kasamaan" (Jeremias 31:34).

“Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan,at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan" (Hebreo 8:12).

"Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip. Pagkatapos ay sinabi pa niya, "Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan" (Hebreo 10:16-17).

“Muli mo kaming kaaawaan. Tatapakan mo ang aming mga kasalanan at ihahagis sa kalaliman ng dagat” (Mikas 7:19).

Narito ang masaganang mabuting balita para sa bawat Kristiyano na mga nagpakahirap, nagsumikap, gumawa para mapighati ang gawa ng laman sa kanyang sariling lakas. Ikaw ba’y kasama dito? Gaano kadami na ang pangako mo sa Diyos para, pagkatapos ay hindi mo natupad ang mga ito? Gaano kadami nang ulit na nilugod mo ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikipaglaban mo sa tukso ng laman at kinagawian, at muli minsan ka pang nabigo?

Narito ang mabuting balita para sa iyo, iniulat sa aklat ni Mikas, “Tatapakan ko na ang lahat ng iyong mga kasalanan.” Binigyan tayo ng Diyos ng pagsasalarawan sa mga talatang ito kung paano niya pinawi ang ating mga kasalanan mula sa alaala. Pinawi na niya lahat ito; kinalimutan na niya ang mga ito; inihagis niya sa kalaliman ng dagat; “tinapakan” niya ang mga ito—nangangahulugan na—tinugis niya at binihag ang mga ito.

Sinabi rin ni Isaias sa atin na kinuha ng Diyos ang ating mga kasalanan at inihagis na niya ang mga ito. “Pinatawad mo ako sa aking mga kasalanan” (Isaias 38:17).

ng Diyos ang ating mga kasalanan, bakit hindi natin magawa ito? Bakit palagi nating hinahayaan ang diyablo na hukayin ang dumi ng nakalipas at iwasiwas ito sa ating mga mukha, kung ang ating mga kasalanan ay tinabunan na ng dugo ni Cristo?

Ang naglilinis, na makapangyarihang mapagpatawad na dugo ni Cristo ay ganap na dakila. Inaako nito ang ating buong buhay!