Miyerkules, Disyembre 31, 2008

MATALINO SA PAKIKIPAGLABAN

Tuwing lumalabas ang kaaway, ang grasya ng Diyos ay lumalakas sa atin. Isipin ang tungkol sa kung ano ang nangyayari sa isang puno kapag matinding hinahampas ito ng isang bagyo. Ang hangin ay nagbabanta na hugutin ang mga ugat at hipang palayo ang mga supang nito. At kapag tapos na ang bagyo, ang mga bagay ay mukhang wala ng pag-asa.

Gayunman, tingnan ng malapit; ang parehong bagyo na nagbukas ng bitak sa lupa sa paligid ng katawan ng puno ay nakatulong para sa ugat na lalong lumalim. Ang puno ngayon ay mayroon nang daanan, mas malalim na panggagalingan ng pagkain at tubig. At inalisan ito ng lahat na patay na mga sanga. Ang mga supang ay maaring wala na, ngunit ang iba ay tutubo pang muli higit na madami. Sinasabi ko sa inyo, ang puno ngayon ay mas malakas, lumalago sa hindi nakikitang paraan. At hintayin hanggang sa pag-aani—sapagkat magbubunga ito ng maraming prutas.

Maaring nasa gitna kayo ng bagyo sa mga sandaling ito. Ang hangin ay humahagupit ng malakas, marahas na nakakayanig, at iniisip mo na babagsak ka na. Minamahal, huwag matakot! Kailangang malaman mo na sa gitna ng bagyo, ikaw ay naglalagay ng malalim na espirituwal na mga ugat. Ikaw ay binubuo ng Diyos sa malalim na pagpapakumbaba, isang dakilang pagdadalamhati at kalungkutan sa kasalanan, tumatayog na gutom para sa kanyang kadalisayan.

Ginagawa kang isang bihasang kawal ng Krus—sanay sa pakikipaglaban, ngunit matalino sa pakikipaglaban at matapang. Maaring bumagsak ka sa sarili mo minsan—ngunit ang Panginoon ay hindi kailanman. Ang katunayan ay, maari siyang kumilos ng may kapangyarihan anumang sandali para iligtas ka sa iyong pagdurusa. Ngunit hindi niya ginawa—sapagkat nakita niya na ito ay nagbubunga sa iyo ng isang dakilang pagkauhaw sa kanya!

Sinasabi ng Roma 5:3, “Ang pagbabata ay nagbubunga ng pagtitiyaga.” Ang salitang nagbubunga ay nangangahulugan ng “para matupad.”

Sa 2 Corinto 4:17 nabasa natin, “Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad.” Ang salitang nagbunga sa talatang ito ay tulad ng sa Roma 5:3.

Martes, Disyembre 30, 2008

ANG DAPAT MALAMAN NG BAWAT KRISTIYANO TUNGKOL SA PAGLAGONG ESPIRITUWAL

“Dapat kaming magpasalamat sa Diyos sa tuwina dahil sa inyo, mga kapatid. Matuwid na gawin namin ito sapagkat patuloy ring umaalab ang inyong pagmamahal sa isa’t isa” (2 Tesalonica 1:3).

Isang dakilang papuri ang ibinigay ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica! Narito ang buong kakanyahan ng kanyang sinasabi: “Isa itong hindi kapani-paniwalang makita kung gaano kayo lumago, sa parehong pananalig ninyo kay Kristo at sa inyong pagmamahal sa isa’t isa. Kahit saan ako magtungo, ipinagmamalaki ko sa iba ang tungkol sa inyong espirituwal na paglago.Tunay kong pinasasalamatan ang Diyos para sa inyo!”

Sa maiksing talatang ito, ibinigay ni Pablo sa atin ang kamangha-manghang larawan ng samahan ng mananampalataya na lumalago sa pagkakaisa at pagmamahalan. Ang salitang Griyego na ginamit ni Pablo para sa “labis na lumalago” ay nangangahulugan ng “lubos na lumago, sa taas at higit pa sa iba.” Parehong sa pag-iisa at magkakasama, ang pananalig at pag-ibig ng mga taga-Tesalonica nalampasan ang lahat ng iba pang mga iglesya.

Hayagan, ang mga taga-Tesalonica ay hindi lamang nagsusumikap na humawak sa kanilang pananalig hanggang sa bumalik si Hesus. Sila’y nag-aaral, kumikilos, lumalago—at ang mga buhay nila ay nagpakita ng mga katunayan sa katotohanang iyan. Ayon kay Pablo, sila’y pinag-uusapan ng bawat iglesya sa Asya.

Maliwanag, ang pangangaral na narinig ng mga taong ito ay nag-udyok sa kanila sa lalo pang malalim na paglalakad kasama si Kristo. Tinutunaw nito ang kanilang makasanlibutang pagnanasa at hinatulan sila ng di-makaKristiyanong mga ugali. At ang Espiritu Santo sa kanila ay winawasak ang lahat ng panlahing balakid at mga kulay na linya. Natutuklasan nila paano yakapin ang bawat tao, maging mayaman o mahirap man, may pinag-aralan man o wala. At nag-alok sila ng dakilang pangangalaga sa isa’t isa, mas ninanais ang bawat isa sa pag-ibig.

Kung ikaw ay dinidilig at pinakakain ng Salita ng Diyos, kailangang may espirituwal na paglago ka na tuloy-tuloy sa iyong buhay. Kailangang automatikong nangyayari ito.

“Hindi ko alam kung ang bawat isa sa inyong kongregasyon ay “lubos na lumalago,” tulad ng pagkakaalam ni Pablo sa mga taga-Tesalonica. Gayunman, nainiwala ako na ito ay totoo sa maraming tao natin. Bakit? Ang pinagpalang pagangaral ng dalisay na Salita ng Diyos ay laging nagbubunga ng paglago. At sinabi ng apostol Pedro na ang lahat na may nais sa purong gatas ng Salita ay lalago.

Inilarawan ni Pablo ang ating espirtuwal na paglago na gawain ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang Espiritu ay patuloy na gumagawa, binabago tayo mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwahatian. Patuloy niyang binabago ang ating mga isipan, pinipigilan ang ating katawang lupa, at dinadala ang kadalisayan sa ating kalooban. Kumikilos siya sa ating mga puso para alisin ang poot, kasaklapan, sama ng loob at lahat ng makasalanang bagay. At ibinubunga niya sa atin ang kabutihan, magiliwin at mapagpatawad para sa isa’t isa. Pinalalago niya tayo kay Kristo—itinuturo sa atin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay dapat na karapat-dapat sa ating Panginoon!

Hinikayat pa tayo ni Pablo na, “Kaya , dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili..,” (1 Corinto 11:28). Ang salitang Griyego sa siyasatin dito ay nangangahulugan ng “suriin, subukin.” Sinasabi ng apostol, “Siyasatin ang sarili—tingnan kung ikaw ay naglalakad ayon sa Salita ng Diyos.” Patuloy natin dapat tanungin ang ating mga sarili, “Ako ba’y nagbabago? Ako ba’y lalong nagiging mapagmahal at may malambot na puso? Tinatrato ko ba ang aking pamilya at mga kaibigan ng may makaDiyos na paggalang? Ang aking bang pakikipag-usap ay nagiging matuwid?”

Lunes, Disyembre 29, 2008

MINSAN TAYO AY LUMALAGO AT HINDI NATIN NAMAMALAYAN ITO

Ilang mga mananampalataya ay makapagsasabi sa inyo tungkol sa kanilang espirituwal na paglago. At maliwanag na makikita natin ito sa mga pagbabago sa mga buhay nila. Nagpatotoo sila kung paano nagapi ng Espiritu Santo ang kaaway para sa kanila, at nakipagbunyi kayo kasama nila sa tagumpay.

Gayunman ang mga ganitong uri ng mananampalataya ay mga natatangi. Maraming mga mananampalataya ay halos walang kamalay-malay sa espirituwal na paglago sa kanilang mga buhay. Nanalangin sila, nagbabasa ng Bibliya at hinahanap ng buong puso ang Panginoon. Wakang balakid sa espirituwal na paglago sa kanila.

Ngunit hindi nila namamalayan ang anumang paglago sa mga sarili nila. Isa akong halimbawa ng ganitong uri ng mananampalataya. Alam ko na ako ay naglalakad ng matuwid kay Kristo, gayunman hindi ko namamalayan na ako’y lumalago. Sa katunayan, paminsan-minsang bumaba ako sa aking sarili kapag nakagawa ako o may nasabi na hindi maka-Kristiyano. Nagbibigay dahilan ito para mag-isip ako, “Ako’y isang Kristiyano sa maraming taon na. Bakit hindi pa rin ako natututo?”

Palagay ko’y ang mga taga-Tesalonica ay nalito ng marinig nila ang nagniningning na pagtatasa sa kanila (tingnan 2 Tesalonica 1:3). Maaring naiisip nila, “Ako, lubos na lumalago? Maaring nagbibiro lamang si Pablo.”

Gayunman alam ni Pablo na ang espirituwal na paglago ay isang lihim, nakatagong bagay. Inihalintulad ito ng Kasulatan sa hindi nakikitang paglaki ng mga bulaklak at mga puno: “Ako’y matutulad sa hamog sa magpapasariwa sa Israel, at mamumulaklak siyang gaya ng liryo, mag-uugat na tulad ng matibay na punung-kahoy; dadami ang kanyang mga sanga, gaganda siyang tula ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng Libano” (Oseas 14:5-6).

Sinasabi ng Diyos sa atin, “Magtungo sa mga liryo! Pagmasdan kung paano sila lumaki. Sasabihin ko sa inyo na pagkatapos ng araw wala kang makikitang anumang paglaki. Ngunit alamin ito; dinidiligan ko ang mga liryo tuwing umaga ng hamog na aking ipinadadala—at ito’y lalago.” Ito’y tunay na tulad din ng maraming espirituwal na paglago. Ito’y halos di-mapapansin ng mata ng tao!

Kapag mayroong mga tao na naligtas, hindi na sila mistulang nagpapakahirap na may tadtad na kasalanan. Nagpatotoo sila, “Sa sandaling lumapit ako kay Hesus, inalis na ng Panginoon ang tuksong iyan palayo sa akin. At ako ay napalaya mula noon.” May kilala akong mga dating gumon sa bawal na droga na may tulad na karanasan.

Ngunit sa maraming mga Kristiyano, ito’y naiibang kwento. Pagkatapos ng maraming taon na sila ay ligtas na, ang dating katiwalian ay muling nagwala sa kanila—bagay na kinamumuhian nila at hindi na kailanman nais na makita pang muli. Ngunit anumang pagsusumikap na paglabanan ito, ang isang natitirang pananabik na iyan ay ayaw talagang umalis. Sa buong magdamag nawawalan sila ng pagasa. Ang espiritu nila ay tumatangis, “Gaano pa katagal, Panginoon? Kailan mapapatid ang kadenang ito?” At karaka’y darating ang diyablo sa kanila, sinasabi na, “Hindi ka magtatagumpay. Alam mo na walang paraan na lalago ka sa espirituwal sa ganitong kalagayan.”

Gamitin ang puso, kaibigan—mayroon akong , magandang balita para sa iyo. Ikaw ay lumalago sa gitna ng iyong paghihirap! Sa katunayan, maaring lumalago ka ng malaki dahilan sa iyong pagsusumikap.

Magtiwala ka—kung mayroong takot sa Diyos sa iyong puso, ikaw ay lulutang mula sa bagyo ng mas malakas. Nakita mo, kapag nakikipaglaban ka sa kaaway, ikaw gumaganap at tumatawag sa lahat ng grasya at kapangyarihan ng Diyos. At kahit na nararamdaman mong nanghihina ka, ang mga grasya at mga kapangyarihan ay pinalalakas ka. Isa pa, ikaw ay higit pang nagmamadali sa iyong pananalangin. At, pangalawa, hinubaran ka ng lahat ng katigasan ng loob. Kaya’t tunay na inilalagay ka ng bagyo sa “espirituwal na pagbabantay“ sa lahat ng bahagi ng iyong buhay!

Biyernes, Disyembre 26, 2008

ALAMIN, MANALIG AT MAGPATULOY SA PAGTITIWALA SA KANYANG PAG-IBIG

Ang sinuman ay maaring panatilihin ang kanyang kaaliwan kapag siya matayog na nakasakay sa Espiritu Santo, hindi sinusubukan o tinutukso. Ngunit nais ng Diyos na panatilihin natin ang ating mga sarili sa kanyang pag-ibig sa lahat ng panahon—lalo na sa sandali ng ating mga tukso.

Sinasabi sa atin ni apostol Juan ng simple lamang kung paano natin mapananatili ang ating mga sarili sa pag-ibig ng Diyos: “Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos” (1 Juan 4:16). Sa madaling sabi, kapag “nanahan tayo sa pag-ibig ng Diyos,” nananatili tayo sa Diyos.

Ang salitang nanahan dito ay nangangahulugan na “manatili sa estado na inaasahan.” Sa ibang salita, nais ng Diyos na asahan natin na pinanariwa niya ang kanyang pag-ibig sa atin araw-araw. Kailangang mabuhay araw-araw sa kaalamang palagi tayong iniibig ng Diyos, at patuloy na iibigin pa.

Sa katunayan, marami sa atin ay humahagibis papasok at palabas sa pag-ibig ng Diyos ayon sa ating emosyonal na damdaming pababa at pataas. Damdam nating ligtas lamang tayo sa pag-ibig niya kung maganda ang ating ginagawa. Ngunit hindi tayo nakatitiyak sa pag-ibig niya kapag tayo ay tinutukso o sinusubukan, o sa panahong binigo natin siya. Iyan mismo ang sandali na nararapat na magtiwala sa kanyang pag-ibig. Sinasabi niya sa mga talatang ito, “Anuman ang pagsubok na hinaharap mo, hindi mo dapat kailanman pagdudahan ang pag-ibig ko sa iyo. Kung aktibo kang nagtitiwala sa aking pag-ibig, kung ganon ay nabubuhay ka ayon sa pamamaraan na nais kong mabuhay ka.

Ang Jeremias 31 ay nagmumungkahi ng isang kahanga-hangang pagsasalarawan ng pag-ibig ng Diyos. Ang Israel ay nasa estado ng pagkakasala. Ang mga tao ay nagtabaan at nagsiyaman at nagpalayaw sa lahat ng uri ng kasamaan.

At kaginsa-ginsay, ang kanilang mga pagtatamasa at kahalayan ay biglang umasim. Silang lahat ay nawalan ng kasiyahan sa pagsasagawa ng kanilang mga kagutuman. Di nagtagal sila’y tumatangis, “Panginoon kami’y naligaw. Kailangan ka namin para kami ay makabalik.” Narinig ng Diyos ang kanilang tangis ng pagsisisi, at ang kanyang mapagmahal na puso ay nagtungo sa kanila. Kinastigo niya ang mga tao ng kanyang pamalo ng pagtatama—at tumangis ang Israel, “Pinarusahan ninyo kami…ibalik ninyo kami nang kami’y gumaling…Tumalikod kami sa inyo nguint ngayo’y nagsisisi na” (Jeremias 31:18-19).

Makinig sa salita ng Diyos sa puntong ito: “…Kung gaano kadalas ko siyang pinarurusahan, gayon ko siya nagugunitang may pagkahabag. Hinahanap ko siya at, at ako’y nananabik sa kanya…” (v. 20). “…iniibig ko na sila at patuloy kong ipinagmamalaki” (v. 3).

Narito ang dapat mong malaman tungkol sa pag-ibig ng Diyos: sinasabi g Diyos sa kanyang mga tao, “Kailangang paluin at itama kayo at magsalita ng matitigas na salita ng katotohanan sa inyo. Gayunman kahit na kayo ay nagkasala laban sa akin, ginawa pa rin kahit na sa mga grasya at kahabagan na ibinahagi ko sa inyo. Bumaliktad kayo laban sa aking pag-ibig, tinanggihan ako. Gayunman, ang aking habag ay nayanig ng malalim para sa inyo, natandaan ko kayo sa inyong paghihirap—at tinitiyak ko na kahahabagan ko kayo. Bukas-palad na patatawarin kayo at muli ko kayong ibabalik.”

Huwebes, Disyembre 25, 2008

ANG LUMAKAD SA KALUWALHATIAN

Ang isang bagay na nagbibigay lakas sa atin sa pagharap ng padating na kahirapan ay ang pang-unawa sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon, maaring may tunog itong katulad ng mataas, matayog na kaisipan para sa iyo, isa na dapat iwan sa mga teolohiko. Ngunit naniniwala ako na ang paksa ng kaluwahatian ng Diyos ay may tunay, praktikal na kahalagahan sa bawat tunay na mananampalataya. Sa pagsunggab dito, nabuksan natin ang pintuan para sa nangingibabaw na buhay.

Ang kaluwalhatian ng Diyos ay isang pahayag ng kalikasan at katauhan ng ating Panginoon. Matatandaan mo sa Lumang Tipan na nasiglawan ni Moses ang kaluwalhatian ng Diyos. Bago pa doon, ipinadala ng Diyos si Moses ng walang paliwanag ng sarili niya maliban sa salitang, “Ako.” Ngunit ninais ni Moses na makilala ng higit pa ang Diyos. Kaya’t nakiusap siya sa kanya, “Panginoon, ipakita mo sa akin ang kaluwalhatian.”

Tumugon ang Diyos sa pamamagitan ng pagsama kay Moses at inilagay siya sa biyak na bato. Pagkatapos ay, sinabi ng Kasulatan, ipinahayag ng Diyos ang sarili niya kay Moses sa buong kaluwalhatian niya (tingnan Exodo 34:6-7). Ang paraan ng Diyos para malaman natin ang kaluwalhatian niya ay sa pamamagitan ng pagpapahayag ng dakila niyang pag-ibig para sa sanlibutan. At iyan mismo ang inihayag niya kay moses.

Naniniwala ako na ang talatang ito ay lubos na pinakamahalaga para sa pang-unawa natin kung sino talaga ang ating Panginoon. Madalas kapag iniisip natin ang tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos, iniisip natin ang kanyang kadakilaan at ningning, ang kanyang kapangyarihan, o kapahayagan sa kanyang mga tao. Ang lahat ng mga bagay na ito ay bunga ng pagkakakita sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit hindi ito ang kaluwalhatian na nais niya na makilala natin siya. Amg Panginoon ay habang buhay na naghihintay para maipakita sa atin ang kanyang pag-ibig, para mapatawad tayo, para ambunan tayo ng kanyang kahabagan at mapanumbalik tayo sa kanya.

Ang pahayag ng Diyos ay may makapangyarihang epekto doon sa mga tumanggap dito at nanalangin ng pang-unawa nito. Hanggang sa mga sandaling ito, ang tingin ni Moses sa Panginoon ay isang Diyos ng batas at poot. Nanginginig siya sa takot sa presensiya ng Panginoon, humihiling sa kanya, tumatangis sa kanya, nakikiusap sa kanya para sa kapakanan ng Israel. Ito ang basehan ng kanyang harap-harapang relasyon sa Panginoon.

Gayunman ngayon, sa unang tanaw ng kaluwalhatian ng Diyos, hindi na takot si Moses sa Panginoon. Sa halip, siya ay nayanig sa pagsamba: “Nanikluhod si Moses at sumamba kay Yahweh” (Exodo 34:8). Nakita na ang Diyos ay hindi lamang kulog, kidlat at makatudlang trumpeta na naging dahilan ng kanyang takot. Sa kabilang dako, ang Diyos ay pag-ibig at ang kalikasan niya isang may kabutihan at may mapagmahal na kahabagan!

Nakita mo ba ang di-kapani-paniwalang katotohanan ng Kasulatan na ipinakikita sa atin dito? Ang tunay na pagsamba ay ayon sa mga puso na pinangibabawan ng larawan ng di-makatarungang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ito ay galing sa pahayag na ibinigay ng Diyos sa atin para sa sarili niya, kanyang kabutihan, kanyang kahabagan, kanyang kahandaang magpatawad. Kaya’t kung tayo ay magpupuri sa Diyos sa espiritu at katotohanan, ang ating pagsamba ay maaring ayon sa kanyang kamangha-manghang katotohanan tungkol sa kanya.

Kapag natanggap na natin ang pahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, ang ating pagsamba ay nakalaang magbago. Bakit? Ang makita ang kanyang kaluwalhatian ay binabago ang pamamaraan ng pamumuhay natin! Apektado nito ang ating kalooban at pag-aasal, binago tayo mula sa “kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian,” ginagawa tayong kawangis niya. Ang bawat bagong pahayag ng kanyang pag-ibig at kahabagan ay nagdadala ng sobrenatural na pagbabago.

Miyerkules, Disyembre 24, 2008

ANG PAG-IBIG NG DIYOS AY IPINABABATID NIYA SA ATIN SA PAMAMAGITAN LAMANG NI HESUKRISTO

Ayon kay Juan, lahat ng pag-ibig ng Diyos ay nanahan kay Hesus, Isinulat niya,”Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob” (Juan 1:16). Paano natin natanggap ang pag-ibig ng Ama? Natanggap natin ito sa pamamagitan pagiging na kay Kristo.

Ngunit, maari mong itanong, ano ang kahalagahan na malaman ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos na ipinabatid sa atin sa pamamagitan ni Kristo? Paano ito nakaapekto sa pang-araw-araw nating buhay?

Paano naging mahalaga ang pag-ibig ng Diyos sa ating mga buhay? Kailangang tumingin tayo kay Kristo bilang halimbawa. Sinabi na ni Hesus sa atin na iniibig tayo ng Ama na katulad ng pag-ibig niya sa kanyang sariling Anak. Kaya, anong halaga mayroon ang pag-ibig ng Diyos kay Hesus?

“Dito natin nakikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Kristo ang kanyang buhay dahil sa atin…” (1 Juan 3:16). Narito ang bunga ng pag-ibig ng Diyos kay Hesus: binigay niya ang sarili niya bilang sakripisyo sa iba. Ang ikalawang bahagi ng talatang ito ay nagsasabi sa atin ng layunin ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga buhay. Mababasa dito, “… dapat din nating ialay ang ating buhay dahil sa mga kapatid.” Ang pag-ibig ng Diyos ay ginagabayan din tayo para ialay ang ating mga katawan bilang buhay na mga sakripisyo.

Naisip mo na ba ang tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng tunay na pag-aalay ng inyong mga buhay para sa iyong mga kapatid? Hindi tinatalakay ni Juan ang tungkol sa pagiging martir sa banyagang lupa. Hindi niya tinutukoy na maghandog ng sangkap ng katawan. At hindi niya ibig sabihin na palitan natin ang mga kundenadong mga Kriminal sa bibitayan. Si Kristo lamang ang nagsakripisyo ng ganoon. Hindi, ang isang uri lamang ng Kristiyano na makapagdadala ng buhay at pag-asa sa kanyang mga kapatid ay isang patay na. Ang ganitong lingkod ay namatay sa sanlibutang ito—para sa lahat, katigasan ng loob at ambisyon.

Ang “patay” na Kristiyano ay hinayaan ang Banal na Espiritu na suriin ang kanyang espiritu. Nakikita niya ang katiwalian at kasamaan sa kanyang puso. At kusang-loob siyang pumunta sa altar ng Diyos, tumatangis, “Panginoon, lamunin mo ako. Kunin mo lahat.” Alam niya na sa pamamagitan lamang ng paglilinis mula sa dugo ni Kristo para maialay niya ang kanyang buhay para sa kanyang mga kapatid.

Martes, Disyembre 23, 2008

ANG PAHAYAG NG PAG-IBIG NG DIYOS

Binulabog ako kamakailan ng Banal na Espiritu at ako ay ginabayan niya sa talatang ito: “Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong napakabanal na pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay sa ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan, dahil sa kanyang pagkahabag sa inyo” (Judas 20-21).

Ang Bibliya ay puno ng katotohanan ng pag-ibig ng Diyos. Ngunit may panahon na hinahayaan ko ang sarili ko na mag-isip kung paano ako iibigin ng Panginoon. Hindi dahil sa nagdududa ako sa kanyang pag-ibig; ito ay ang aking kabiguan na panatilihin ang karunungan at kasiguruhan ng kanyang pag-ibig sa akin.

Ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos ay dumarating ng bahagi kapag tayo ay isinilang na muli. Kung tatanungin mo ang maraming Kristiyano anong alam nila sa pag-ibig ng Diyos sa kanila, sasagutin nila ito ng “alam ko na iniibig ako ng Diyos sapagkat ibinigay niya ang kanyang Anak para mamatay para sa akin.” Babanggitin nila ang Juan 3:16: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Isang kahanga-hangang sandali kung susunggaban mo ng katotohanang ito. Biglaan mong naisip, “Iniibig ako ng Diyos nang maligaw ako, hindi ganap, isang dayuhan. At pinatunayan niya ang pag-ibig niya sa akin sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sarili niyang Anak para sa akin.”

Kaya lamang ilang Kristiyano lamang, ang nakakaalam kung paano maitago sa pag-ibig ng Diyos. Alam natin ang ilang bagay sa ating pag-ibig patungkol sa Panginoon—ngunit madalang nating hanapin ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Sa katunayan, kung tatanungin mo ang maraming Kristiyano na hanapin ang talata sa Bibliya ng pag-ibig ng Diyos para sa atin, kaunti lamang ang kanilang maituturo. Gayunman, ang maunawaan ang pag-ibig ng Diyos ay ang lihim sa isang nangingibabaw na buhay. Marami ang lumalagong malamig sa espirituwal at tamad sapagkat sila ay mangmang sa pag-ibig ng Panginoon sa kanila. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihang sandata nila laban sa pag-atake ni Satanas ay ang lubos na paniniwala sa pag-ibig ng Diyos para sa kanila, sa pamamagitan ng pahayag ng Espiritu Santo.

Sa huling panalangin niya sa sanlibutan, sinabi ni Hesus, “Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ng sanlibutan” (Juan 17:24). Isang di-kapani-paniwalang kaisipan; dakilang inibig si Kristo ng Ama bago pa nilikha ang sanlibutan.

Pagkatapos ay ipinanalangin niya ang di-kapani-paniwalang panalanging ito, “Ama… at sila’y inibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin” (21,23). Idinalangin niya rin, “ Upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila” (26). Sinasabi ni Kristo, “Ama, alam ko na iibigin mo yaong dadalhin ko sa aking katawan, katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

Ang dalang kahulugan nito ay nang inibig ng Ama si Hesus bago pa sa walang hanggan ay inibig niya na rin tayo. Katunayan, ng ang tao ay mistulang isa pa lang na isipin sa walang hanggang isipan ng Diyos, binibilang na ng Panginoon ang bahagi ng ating katawan at binabalak na ang ating kaligtasan: “At sa ating ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos” (Efeso 1:4).

Gaano na katagal na inibig ka ng Diyos? Inibig ka niya mula pa ng siya ay nabuhay—sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ito ay likas niyang kalikasan. Inibig ka niya bilang makasalanan. Inibig ka niya nang nasa sinapupunan ka pa. Inibig ka niya bago pa nagsimula ang sanlibutan. Walang simula ang pag-ibig niya sa iyo—at wala rin itong katapusan.

Kailan matatapos ang pag-ibig ng Diyos sa iyo? Hihinto ang pag-ibig niya sa iyo kapag huminto na ang pag-ibig niya sa kanyang sariling Anak—isang bagay na di-maaari. Sinabi ni Kristo, “Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila” (Juan 13:1).

Lunes, Disyembre 22, 2008

PANATILIHIN MO ANG IYONG SARILI SA PAG-IBIG NG DIYOS

Maraming taon na ang nakalipas, inilagay ng Diyos sa puso ko na magsimula ng tahanan ng mga kabataang lalaki sa Long Island. Tunay kong nadama na ang Panginoon ang nasa likod ng gawaing ito. Gayunman, pagkatapos lamang ng 18 buwan, ang mga pamunuan ng bansa ay nagtakda ng mahigpit na patakaran para sa pagtataguyod ng tahanan na walang kaming pagpipilian kundi ang isara ito.

Kinupkop namin ang apat na batang kalalakihan sa maiksing panahon na kami’y bukas. Pagkatapos kaming magsara, nawalan na kami ng komunikasyon sa kanila. Palagi kong naiisip na ang pakikipagsapalarang iyon ay ang pinakamalaking kabiguan ng panahon. Sa mahigit na tatlong dekada, ng-iisip ako kung bakit hinayaan ng Diyos na ipagpatuloy iyon.

Kamakailan nakatanggap ako ng liham mula sa isang lalaki na nagngangalang Clifford. Sinabi niya ang sumunod na salayasay:

“Kapatid na David, isa ako sa apat na kabataang lalaki na ipinadala sa tahanan sa Long Island. Ang inyong mga magulang na nangangasiwa ay labis na mapagmahal at mabait. Itinuro nila ang Bibliya at dinala kami sa iglesya. Isang araw dinala nila kami sa isang iglesya na may ginaganap na tolda ng pagmumuling buhay. Lubha akong masama ang loob at nawawalan ng pag-asa. At doon, sa ilalim ng tolda,ang Espiritu Santo ay nagsimulang kumilos sa aking puso. Narinig ko ang mangangaral na nagsabi, ‘Iniibig ka ni Hesus.’ Sa lahat ng taon ng pasakit, kaguluhan at kawalan ng pag-asa ay lumutang sa ibabaw. Napaluhod ako at nanalangin. Iyon ay 35 taon na ang nakalilipas. Ngayon tinawag ako ng Diyos para mangaral, at inilagay niya ako sa ganap na ministeryo. Itong ‘pasasalamat na ito’ ay matagal nang umuukilkil sa akin sa lahat ng panahong ito. Nais ko lamang magpasalamat sa pagkalinga. Alam ko kung ano ang pag-ibig ng Diyos.

Ang liham na ito ay nagpatunay sa akin na walang bagay na ginagawa natin para kay Kristo ay walang halaga. Ang tahanang iyon ay hindi kabiguan—sapagkat naligaw ang isa, isang naguguluhang batang Hudyo ay natuklasan ang kahulugan ng pag-ibig ng Diyos.

Biyernes, Disyembre 19, 2008

GUMAGAMIT SI SATANAS NG MATALINONG PAMAMARAAN

“Dahil dito, ang Tartan, Rabsarisas ang Rabsaces, kasama ang maraming kawal ay inutusan ni Senaquerib kay Haring Ezequias sa Jerusalem” (2 Hari 18:17). Kinakatawan ng Asiria ngayon “ang gabay sa karangyaan.” Ipaparada ng diyablo ang kanyang hukbo sa paligid ng iyong mga pader: ang mga tao na makapangyarihan, maganda at mga tagumpay sa lahat ng kanilang ginagawa. Kapag nakita mo sila, madarama mo na ikaw ay nakulong na parang isang bilanggo!

Ang unang panlilinlang ng tao ng kasalanan ay tanungin ang pakikipagkasundo ng isang mananampalataya na magtiwala sa Panginoon ng lubos. Si Rabsaces, na ang pangalan ay nangangahulugan ng “lasing na sugo,” ay ang sugo ng hari. Tinutuya niya ang mga makadiyos na may pangkukutya (tingnan 2 hari 18:19-20). Ang akusasyon ay, “Hindi ka ililigtas ng Diyos sa ganitong gulo. Babagsak ka na! Ikaw ay nasa tunay na pagdurusa, at ang iyong pananampalataya ay hindi gagana.”

Idinagdag pa ni Satanas ang isa pang pagkapilipit; sasabihin niya sa iyo ang Diyos ang nasa likod ng lahat ng iyong mga kapighatian. Inangkin ng mensahero ng Asiria, “Siya pa nga ang may sabi sa aking salakayain ko ito at lupigin” (2 Hari 18:25). Hihikayatin ka ni Satanas na ang Diyos ay gaganti sa iyo, na siya ay galit sa iyo. Ito ay kanyang mapanlinlang na kasinungalingan! Papapaniwalain ka niya na ikaw ay pinabayaan na ng Diyos at iniwan na sa kaguluhan at kalungkutan. Nais niya na isipin mo na ang lahat ng iyong suliranin ay bunga ng parusa ng Diyos sa mga nakalipas mong mga kasalanan. Huwag mong paniwalaan ito! Si Satanas ay nais kang wasakin.

Ang ating Panginoon ay isang tagapagligtas, isang sandigan. Sinabi ni Isaias darating siya, “Upang ang tumatangis na mga taga-Sion ay paligayahin, sa halip ng lungkot, awit ng pagpuri yaong aawitin. Ang Diyos na si Yahweh iingatan sila at kakalingain. Sila ay uunlad na parang halamang itinanim at ang bawat isa ay pawang matuwid ang siyang gagawin, sa kanyang ginawa siya’y pupurihin” (Isaias 61:3).

Hindi, mahal na mga banal, hindi ka babagsak. Ikaw ay sadya lamang inaatake, hindi tinatantanan ng kasinungalingan ng kaaway sapagkat itinakda mo na ang iyong puso ng tunay sa Panginoon. Si Satanas ay sinusubukang wasakin ang iyong pananalig sa Diyos.

Huwebes, Disyembre 18, 2008

TINAWAG NIYA TAYO PARA LUMABAN

“O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayon din naman, hindi maaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay” (Lucas 14:31-33).

Minsang hinulaan ni Enoc, “Tingnan ninyo! Dumating na ang Panginoon, kasama ang libu-libong banal” (Judas 14). Sinabi ng Kasulatan tayo ay mga hari at pari para sa Panginoon, at kumakatawan tayo sa mga libu-libong mga banal na lalabas para makipagdigma sa hukbo ni Satanas. Nakikipagdigma sa atin si Satanas sapagkat kinapopootan niya tayo ng labis-labis (tingnan Pahayag 12:17).

Kailangang maging handa tayo sa kung anuman ang darating. Kailngang maging handa tayo na gugulin ang ating mga araw sa espirituwal na pakikidigma, alam na bumabaha ang kasalanan na nakalaan laban sa mga tao ng Diyos. Kung tayo ay yari ang loob na mapanghawakan si Kristo, kung ganon ay kailangan nating tanggapin na tayo ay di-masusupil kay Kristo. Ito ay nakasulat, “Ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa sanlibutan” (1 Juan 4:4). Sinabi ng Diyos sinigurado ang ating tagumpay laban sa kapangyarihan ng kaaway; nasa atin lahat ang kinatawan ng langit na nakikipaglaban para sa atin!

Nawa ay ibigay ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo para ang bawat isa sa atin ay makakasigaw sa sanlibutan at sa lahat ng libunbon ng impiyerno, “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, o ang tabak?...Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating mapagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 8:35, 37-39).

Ito ang sigaw ng mga gutom kay Hesus.

Ang bawat lalaki o babae ng Diyos ay magiging tudlaan ng makasalanang pamamaraan ng impiyerno kapag ang pakikipagkasundo ay naging buhay na alay kay Kristo. Ang libunbon ng impiyerno ay mag-aalpas laban sa sinumang ang puso ay lalakad sa kabanalan ng pananalig.

Si Satanas ay mananakit at maglalagay ng harang sapagkat ikaw ay naging tunay na banta sa kanyang programa ng panlilinlang. Maari kang magbitiw, bumigay, umatras, at maging isang dungo, hindi nagbubungang pagala-gala.

Para sa akin, pinili kong labanan ang pakana ng diyablo, tumayo sa pananalig, at ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Hindi kayang pabagsakin ni Satanas ang isang tunay na nagtitiwala sa Panginoon.

Miyerkules, Disyembre 17, 2008

TINAWAG NIYA TAYO PARA MAGAMPANAN ITO

“Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat na siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos—siya’y kukutyain ng lahat ng makakikita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos” (Lucas 14:28-30).

Alam ni Kristo na marami sa kanyang mga tagasunod ay walang kakayanan na matapos ang mga iyon. Alam niya na babalik sila at hindi matatapos ang karera. Naniniwala ako na ito ang pinakatrahikong kondisyon para sa isang mananampalataya—na magsimula na may intensiyong mapanghawakan si Kristo, lumago bilang isang magulang na alagad at maging kawangis ni Hesus at pagkatapos ay maglalahong palayo. Ang ganitong tao ay isang nagsimula ng pundasyon ngunit hindi maipatapos sapagkat hindi muna niya tinaya ang halaga.

Isang kasiyahan ang makilala ang mga nakatapos ng karera! Ang mga mananampalatayang ito ay lumalago sa karunungan at kaalaman ni Kristo. SiIa ay patuloy na nagbabago araw-araw, sa bawat sandali. Sinasabi sa kanila ni Pablo ng may kasiglahan, “At ngayong naalis na ang talukbong sa ating mukha, tayong lahat ay nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang bumabago sa ating anyo upang lalong maging maningning, hanggang sa maging mistulang larawan niya” ( Corinto 3:18). Hindi langit ang hinahanap ng mga mananampalatayang ito, kundi si Kristo sa kaluwalhatian niya!

Alam ko na marami sa nakabasa ng partikular na mensaheng ito ay nasa proseso ng pagtigil o humakbang ng isa pabalik. Maaring magmistulang maliit na hakbang, ngunit magdudulot ito ng mabilis na pagbaba palayo mula sa kanyang pag-ibig. Kung ito ay totoo sa iyo, isipin na tinatawag ka ng Banal na Espiritu ng lubusan pabalik—pabalik sa pagsisisi, pagtanggi sa sarili at pagsuko. At sa mga sandaling ito, ang pagkakataon ay napakahalaga. Kung nais mo talaganag mapanghawakan si Kristo, gawin mo ito ngayon; tapusin mo ito!

Martes, Disyembre 16, 2008

PAG-IBIG AT PAGKAPOOT

“Hindi maaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay ng higit sa akin” (Lucas 14:26).

Ang salitang Griyego sa poot ay nangangahulugan ng “para bawasan ang pag-ibig.” Tinatawag tayo ni Hesus para magkaroon ng pag-ibig sa kanya na ganap, matapat at lubusan na maging ang ating makamundong damdamin ay hindi makahihigit.

Isipin ang tungkol dito: Alam ba natin ang kung ano ang mapalapit sa kanyang matamis na presensiya at huwag humingi ng kahit ano? Ang abutin siya dahil lamang tayo ay labis na nagpapasalamat sa kanya dahil lubos ang pag-ibig niya sa atin?

Naging madamot tayo at naging makasarili sa ating mga panalangin: “Bigyan mo kami…harapin mo kami…pagpalain mo kami…gamitin mo kami…pangalagaan mo kami.” Ang lahat ng ito ay maaring nakasulat, ngunit ang diin ay nasa atin pa rin. Maging ang ating gawain para sa Panginoon ay naging makasarili. Nais nating pagpalain niya ang ating paglilingkod sa kanya, para malaman natin na ang ating pananamapalataya ay tunay. Ang Panginoon ay higit na interesado kung paao tayo lumalago kaysa sa kung ano ang ginagawa natin para sa kanya.

May nagbabasa nito na maaring nasasaktan sapagkat ang pinto ng ministeryo ay nagsara na. Maaring naramdaman niya “ipinag-isang tabi na.” Mayroong din namang iniisip na higit na magiging kapaki-pakinabang siya sa Panginoon sa ibang kinakailangang misyon. Ngunit sinasabi ko na hindi tayo magiging kagamit-gamit sa Panginoon kaysa tayo ay nagmiministeryo ng pag-ibig sa kanya sa lihim na silid ng panalanginan. Kapag hinanap natin ang Panginoon, kapag hinanap natin ang kanyang Salita ng walang katapusan para makilala siya, kung ganon tayo ay nasa tugatog ng ating kapakinabangan. Higit na may nagagawa tayo para pagpalain at masiyahan ang Diyos sa pamamagitan ng pagiging sarado sa kanya na may pag-ibig na pakikipag-ugnayan kaysa gumawa ng iba pa. Anumang gawain ang buksan niya para gawin natin, sa bahay man o sa malayo, ay dadaloy ng maaliwalas mula sa pakikipag-isa sa kanya.

Hindi ito para ipahamak ang maalab na gawain na makaakit ng kaluluwa, kundi para ipahayag na ang lahat na pinagpalang Espirituwal na ebanghelismo ay ipinanganak sa pakikipag-isa. Ang saksi na madalas kasama ang Panginoon sa panalangin ay pagkakalooban ng karunungan, tamang pagkakataon ayon sa Espiritu Santo, at ang kapangyarihan na gawin ang kalooban ng Diyos.

Lunes, Disyembre 15, 2008

ANG LUMAPIT SA KANYANG MESA

Isang lumang awitin ng Mabuting Balita ay may malalim na kahulugan para sa akin. Sinasabi nito, “Si Hesus ay may inilatag na mesa/Kung saan ang mga banal ng Diyos ay pinakain/Niyakag niya ang kanyang mga piniling mga tao, lumapit kayo at kumain.”

Isang makapagpasiglang pag-asa: Ang Panginoon ay naglatag ng mesa sa kalangitan para sa kanyang mga tagasunod! Sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo, “Kung paanong pinaglalaanan ako ng Ama ng kaharian, gayon din naman, pinaglalaanan ko kayo ng dako sa aking kaharian. Kayo’y kakain at iinom na kasalo ko, at luluklok sa mga trono upang mamahala sa labindalawang angkan ng Israel” (Lucas 22:29-30). Ang magutom para sa kanya ay nangangahulugan ng, sa pananalig, tayo rin ay nakaupo sa kanyang mesa.

Nang ang apostol Pablo ay nag-utos, “Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa” (1 Corinto 5:8), ibig niyang ipakahulugan na unawain natin ng maliwanag na tayo ay may itinakdang luklukan sa kalangitan kasama si Kristo sa kanyang makaharing mesa. Sinasabi ni Pablo, “Palagiang magpakita. Huwag sabihin kailanman na ang iyong luklukan ay walang-laman.”

Ang malungkot na katotohanan ay ang iglesya ni HesuKristo ay hindi nauunawaan kung ano ang ipagdiwang ang paskuwa. Hindi natin nauunawaan ang kadakilaan at karangalan na ipinagkaloob sa atin sa pagtataas sa atin ni Kristo na maupo kasama siya sa kalangitan. Lubha tayong abala para maupo sa kanyang mesa. Mali nating kinuha ang ating espirituwal na kaligayahan mula sa paglilingkod sa halip na pakikipag-isa. Higit na gumagawa tayo para sa Panginoon na unti-unti nating hindi nakikilala. Tumatakbo tayong sira-sira na ibinibigay ang ating mga katawan at isipan sa kanyang gawain, ngunit madalang na ipagdiwang ang paskuwa.

Ang isang bagay na hinahanap ng ating Panginoon ng higit sa lahat mula sa kanyang mga lingkod, mga ministro at mga pastol ay ang pakikipag-isa sa mesa. Ang mesang ito ay isang lugar ng espirituwal na pagpapalagayang loob, at ito ay ikinakalat araw-araw. Ang ipagdiwang ang paskuwa ay nangangahulugan na lumalapit ng patuloy sa kanya para sa pagkain, kalakasan, karunungan at pagsasamahan.

Mula pa noong sa Krus, ang lahat ng higanteng espirituwal ay may isang bagay na magkakatulad: Pinagpipitaganan nila ang mesa ng Panginoon. Nawala sila sa kalakihan ni Kristo. Namatay silang nagdadalamhati na kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa kanya at sa kanyang buhay.

Ang larawan ni Kristo sa atin ngayon ay lubhang maliit, masyadong limitado. Ang mabuting Balita ng “kalakhan” ay kailagan para mapagtagumapayan ang masalimuot at lumalagong suliranin ng makasalanang panahong ito. Nakita mo, hindi lamang inaayos ng Diyos ang mga suliranin ng salibutang ito—nilulunok niya ito sa kalakhan nito! Ang sinuman na may lumalagong pahayag ng kalakhan ni Kristo ay hindi dapat matakot sa anumang suliranin, walang diyablo, walang kapangyarihan sa sanlibutang ito. Alam niya na higit na malaki si Kristo sa lahat ng ito. Kung mayroon tayong uri ng ganitong pahayag na kung gaano siya kalaki, kung paano walang katapusan, di-masukat, walang hangganan at napakalaki, ay hindi na tayo kailanman magagapi ng mga suliranin ng buhay.

Si Pablo ay isang halimbawa sa atin. Siya ay tiwala na magkaroon ng patuloy na paglagong pahayag ni Kristo. Sa katunayan, ang lahat ng mayroon siya kay Kristo ay nanggaling sa pahayag: itunuro ito sa kanya sa mesa ng Panginoon at pinatunayan sa kanya ng Espiritu Santo. Tandaan, tatlong taon pagkatapos ng kanyang pagbabagong-loob bago nagbigay ng panahon si Pablo sa mga apostoles sa Jerusalem, at tumigil siyang kasama nila sa loob lamang ng labinlimang araw bago niya ipinagpatuloy ang kanyang misyonaryong paglalakbay. Sinabi niya pagkatapos, “Ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala, tulad ng nabanggit ko na sa dakong una” (Efeso 3:3). Alam ng Espiritu Santo ang malalim at nakatagong lihim ng Diyos, at si Pablo ay patuloy na nananalangin para sa handog ng grasya na makaunawa at mangaral “masagana at di-malirip na pagpapalang nagbubuhat kay Kristo” (Efeso 3:8).

Ang Panginoon ay naghahanap ng mga mananampalataya na hindi nasisiyahan sa paghihiwalay ng mga magkakasalungat na tinig para hanapin ang tunay na salita. Nais niya tayong magutom sa pahayag niya na atin lamang—isang malalim, pansariling pagiging malapit.

Biyernes, Disyembre 12, 2008

MULA SA LARANGAN NG DIGMAAN NG PANANAMPALATAYA

Nang magpasiya si Pablo na magtungo sa Jerusalem, hindi dahil sa narinig niya na ang pagmumuling buhay ay nagkakagulo. Hindi isang nawalan ng pag-asa na mangangaral na naghahanap ng isang tao para maibahagi ang Diyos sa kanya. Hindi—maliwanag na ipinahayag niya, “Muli akong pumunta sa Jerusalem…ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon…at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita” (Galacia 2:1-2). Nagtungo si Pablo sa Jerusalem para ibahagi ang misteryo na nais ipahayag ng Diyos sa kanyang mga tao.

Ang makaDiyos na taong ito ay mayroong sariling punung-punong kaluwalhatian ni Kristo. Hindi natutunan ang mga doktrina sa pagsasarili sa kanyang silid aralan sa pagbabasa ng mga aklat at mga komentaryo. Hindi siya isang nag-iisang pilosopo na nangangarap ng teolohiyang katotohanan, nag-iisip, “Isang araw ang mga gawain ko ay mababasa at maituturo ng parating na salinlahi.”

Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo kung paano at kung saan niya nagawa ang kanyang epistola. Isinulat niya ito sa madilim na kulungan. Isinulat niya ang mga ito habang pinupunasan niya ang dugo sa likod niya pagkatapos siyang pagpapaluin. Isinulat niya pagkatapos niyang gumapang mula sa dagat, nang maligtasan niya ang paglubog ng barko.

Alam ni Pablo na ang lahat ng katotohanan at pahayag na kanyang itinuro ay nanggaling sa labanan ng pananalig. At nagbubunyi sa kanyang mga kasawian para sa kapakanan ng Mabuting Balita. Sinabi niya, “Ngayon makapangangaral na ako ng may sapat na kaalaman sa bawat marino na nakaranas ng pagkawasak ng barko, sa bawat bilanggo na naikulong na wala ng pag-asa, sa lahat na humarap na sa kamatayan. Ang Espiritu ng Diyos ay ginawa akong isang subok ng beterano, para makapagsalita ako sa lahat na may taingang nakakarinig.

Hindi ka ibinigay sa kapangyarihan ni Satanas. Hindi—hinahayaan niya ang iyong pagsubok sapagkat gumagawa ang Espiritu Santo ng gawain na hindi nakikita para sa iyo. Ang kaluwalhatian ni Kristo ay inihahanda para sa iyo para sa walang hanggan.

Hindi mo makakamit ang tunay na espirituwalismo mula kaninuman o mula sa anumang bagay. Kung kailangang matikman mo ang kaluwalhatian ng Diyos, ito ay kailangang dumating sa iyo kung saan ka naroon—sa iyong pangkasalukuyang kalalagayan, mabuti man o hindi.

Naniniwala ako ang isa sa pinakadakilang espirituwalismo ni Pablo ay kanyang kahandaang tanggapin anumang ang kanyang kalagayan ng hindi nagrereklamo. Isinulat niya, “Natutunan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan” (Filipos 4:11).

Ang salitang Griyego dito para sa nasiyahan ay nangangahulugan ng “makontento.” Sinasabi ni Pablo, “Hndi ko sinusubukang pangalagaan ang sarili ko mula sa mga hindi magandang kalagayan. Sa kabaliktaran ay, niyayakap ko ang mga ito. Alam ko sa aking kasaysayan sa Panginoon na gumagawa siya ng pang walang hanggan sa akin.

“Bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon” (1 Corinto 10:13). Ang salitang makayanan na ginamit ni Pablo dito ay nagpapahiwatig na ang ating kalagayan ay hindi magbabago. Ang punto ay makayanan natin anumang kalagayan. Bakit? Alam ng Diyos na kapag binago niya ang ating kalagayan ay mauuwi tayong bigo. Hinahayaan niya tayong magdusa sapagkat iniibig niya tayo.

Ang ating bahagi sa bawat pagsubok ay ang magtiwala sa Diyos sa lahat ng kanyang kapangyarihan at pagmamay-ari sa maari nating matagpuang kasiyahan sa gitna ng ating pagdurusa. Huwag sana ninyo akong bigyan ng maling pakahulugan—ang “masiyahan” sa ating mga pagsubok ay hindi ngangahulugan na magsaya para dito. Nangangahulugan lamang ito na hindi na natin kailangan pangalagaan ang ating sarili sa mga ito. Tayo ay makontento na manatili at maging matatag sa anumang ibibigay sa atin, spagkat alam nating ang ating Panginoon ay iwinawangis tayo sa imahe ng kanyang Anak.

Huwebes, Disyembre 11, 2008

ANG KASALUKUYANG SALINLAHI AY WALANG NALALAMAN TUNGKOL SA PAGKAMATATAG

Ang magpakatatag ay nangangahulugan ng “ang magpatuloy kahit na dumaranas ng paghihirap; tahimik na nagdurusa at hindi sumusuko.” Sa madaling sabi. Nangangahulugan ito na kumapit o huwag bibitaw. Ngunit ang salitang ito ay walang ibig sabihin sa kasalukuyang salinlahi. Maraming Kristiyano ngayon ay madaling sumuko—iniiwan nila ang kanilang mga asawa, ang kanilang pamilya at ang kanilang Diyos.

Pinagtuunan ni Pedro ang paksang ito sa pamamagitan ng pagsasabi , “Sapagkat kalulugdan ng Diyos ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kanyang kalooban” (1 Pedro 2:19). Pakatapos ay idinagdag niya, “Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan” (1 Pedro 2:20-23).

Ipinag-utos ng apostol Pablo, “Magpakasakit ka, tulad ng isang mabuting kawal ni Kristo Hesus” (2 Timoteo 2:3). Sa huli, ibinigay ng Panginoon ang pangakong ito: “Ngunit ang manatiling tapat ay siyang maliligtas” (Mateo 24:13).

Tanong ko sa iyo—ano ang iyong pinagdudusahan? Ang iyo bang buhay may asawa ay magulo? Ang trabaho mo ba ay nasa krisis? Mayroon ka bang alitan sa isang kamag-anak, sa may-ari ng tinitirahan mo, isang kaibigan na nagtaksil sa iyo?

Kailangan huwag tayo mawalan ng pag-asa. Nakita mo, katulad ng pagdurusa ni Pablo na walang tigil, maging nang kanyang pahayag, ang kanyang kagulangan, ang kanyang malalim na pananalig, ang kanyang panatag na kapayapaan. Sinabi niya, “Kung ako ay magiging espirituwal—kung nais ko talagang malugod ang aking Panginoon—kung ganon ay hindi ko lalabanan ang aking katatayuan. Kakapit ako at hindi ako susuko. Walang anuman sa sanlibutang ito ang makapagbibigay sa akin na mga nakukuha ko sa Espiritu ng Diyos sa araw-araw ng aking pagsubok. Ginagawa niya akong espirituwal.

Ang buhay ni Pablo ay “humihinga” kasama ang Espiritu ni Kristo. At iyan din ang nangyayari sa bawat tunay na espirituwal na tao. Ibinubuhos ng Esiritu Santo sa kalooblooban ng lingkod ang makalangit na simoy ng Diyos. Ang taong ito ay hindi nawalan ng pag-asa; hindi siya bumubulong o nagrereklamo tungkol sa kalagayan niya. Maaring dumaraan siya sa pagsubok ng buhay niya, ngunit siya ay nakangiti pa rin—sapagkat alam niya na kumikilos ang Diyos sa kanya, ipinahahayag ang walang hanggang kaluwalhatian.

Miyerkules, Disyembre 10, 2008

ISANG PANSARILING PAGPAPAHAYAG KAY KRISTO

Kung ikaw ay isang mangangaral, misyonaryo o guro, isipin ang bagay na ito: Ano ang itinuturo mo? Ito ba’y isang itinuturo sa iyo ng isang tao? Ito ba’y ang pag-ulit ng pahayag ni HesuKristo? Kung mayroon ka, ito ba’y lumalago? Ang langit ba’y bukas sa iyo?

Sinabi ni Pablo, “Sapagkat hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao” (Gawa 17:28). Ang mga tunay na kalalakihan at kababaihan ng Diyos ay namumuhay dito sa maliit ngunit malawak na iniikutan. Ang bawat galaw nila, ang kanilang buong kapanatilihan, ay nakabalot lamang sa kawilihan ni Kristo. Maraming taon na ang nakalilipas, alam ko na ako ay dinadala ng Banal na Espiritu sa isang ministeryo, isang nagpapahayag kay Kristo lamang. O, gaano ko ninanais na mangaral ng walang iba kundi siya lamang! Ngunit ang puso ko ay hindi nakatuon, at natagpuan ko ang inikutan na labis na makipot. At ang kinalabasan, wala akong daluyan ng pagpapahayag para maipagpatuloy ang aking pangangaral.

Para maipangaral si Kristo, kailangan mayroon tayong patuloy na daluyan ng pagpapahayag mula sa Espiritu Santo. Kung hindi, mauuwi tayo sa paulit-ulit na lumang mensahe. Kung alam ng Espiritu Santo ang isipan ng Diyos at naghahanap ng malalim at nakatagong mga bagay ng Ama, at kung iigibin niya ang patuloy na dumadaloy na tubig sa kalooban natin, kung ganon ay dapat na tayo ay handa na mapuno ng dumadaloy na tubig na iyan. Kinakailangan tayong palagiang puno ng walang katapusang pahayag ni Kristo. Ang ganitong pahayag ay naghihintay sa bawat lingkod ng Panginoon na handang maghintay sa kanya, nananalig at nagtitiwala sa Espiritu Santo na maipakita sa kanya ang isipan ng Panginoon.

Sinabi ni Pablo na si Kristo ay ipinapahayag sa kanya, hindi lamang para sa kanya (tingnan Galacia 1:16). Sa mga mata ng Diyos hindi ito mabunga na maipangaral ang salita na hindi pa naganap sa buhay ng mangangaral at ministeryo. Maaring ayos lamang ito para sa pangkaraniwang mabababaw na maipangaral si Kristo na may tunggalian—ngunit hindi para sa kalalakihan o kababaihan ng Diyos. Kailangan nating maipangaral ang patuloy na lumalagong pahayag ni Kristo, gayunman na kung ang pahayag na ito magbibigay ng pagbabago sa atin.

Si Pablo man ay nagpahayag ng pansariling pagkabalisa: “Pinahihirapan ko ng aking katawan at sinusupil ang sarili, baka pagkarapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil” (1Corinto 9:27). Si Pablo ay hindi kailanman nagduda sa kasiguruhan kay Kristo; wala ito sa kanyang isipan dito. Ang salitang Griyego na ginamit sa “itinakwil” ay nangangahulugan na “hindi pinayagan” o “hindi karapat-dapat.” Si Pablo ay natatakot sa isipin na nakatayo sa hukumang upuan ni Kristo na mahusgahan sa pangangaral sa isang Kristo na hindi niya talaga kilala o sa pagpapahayag ng Mabuting Balita na hindi niya mismo ipinamumuhay. Iyan ang dahilan kung bakit madalas niyang ipinapahayag ang “buhay na Kristo” o si “Kristo na namumuhay sa akin.”

Hindi tayo maaring magpatuloy ng kahit isang oras pa na tinatawag natin ang ating mga sarili na mga lingkod ng Diyos hanggang hindi natin kayang sagutin ng personal ang katanungang ito: Tunay ba na wala akong ibang ninanais kundi si Kristo lamang? Tunay ba na siya lamang ang lahat para sa akin, natatanging isang layunin sa aking buhay?

Ang sagot mo ba’y oo? Kung talagang sigurado ka, makakaya mong ituro ang isang dumi sa iyong buhay, yung isa na sinabi ni Pablo ng sinabi niya, “Oo…ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtam ko lamang si Kristo” (Filipos 3:8). Ibinilang mo ba ang lahat bilang kalugihan para sa pagkakakilala sa kanya? Kung wala kang nais kundi si Kristo, kung ganon ang iyong ministeryo ay hindi isang karera—ang ministeryo mo ay isang pananalangin! Hindi ka na kailangang hikayatin pa para hanapin siya; madalas kang magtutungo sa iyong lihim na silid, alam na sa sandaling pumasok ka ay nakaupo ka sa kanyang mesa. Sasambahin mo siya, nakaupo sa kanyang presensiya na hindi nagmamadali, iniibig siya, pinupuri siyang nakataas ang mga kamay, hinahanap siya at nagpapasalamat sa kanyang karunungan.

Martes, Disyembre 9, 2008

ANG DALISAY NA PUSO AY MAPAGTIWALA

Isinulat ng Mang-aawit, “Sa iyo ang lahi nami’y nagtiwala at umasa, nagtiwala silang lubos, iniligtas mo nga sila. Noong sila ay tumawag, ang panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman napahiya” (Awit 22:4-5).

Ang salitang ugat sa Hebreo ng tiwala ay nagmumungkahi na “ihagis ang sarili sa talampas.” Nangangahulugan iyan ng pagiging katulad ng isang bata na umakyat sa tukod-buong at hindi makababa. Narinig niya na sinabi ng kanyang ama, “Talon!” at siya ay sumunod, inihagis ang kanyang sarili sa mga kamay ng kanyang ama. Ikaw ba’y nasa katulad na kalagayan sa mga sandaling ito? Ikaw ba’y nasa bingit na, nanginginig,at walang pagpipilian kundi ihagis ang sarili sa mga kamay ni Hesus? Ikaw ay sadyang sumuko na sa iyong kalalagayan, ngunit iyan ay hindi pagtitiwala; ito ay isang kawalan ng pag-asa. Ang pagtitiwala ay isang bagay na may malaking pagkakaiba mula sa tahimik na pagsuko. Ito ay isang aktibong paniniwala!

Habang tayo ay lalong sumisidhi ang pagkagutom kay Hesus, matatagpuan natin na ang ating pananalig sa kanya ay ganap na matatag. Sa ilang pagkakataon sa mga buhay natin maaring naisip natin na hindi natin siya talaga mapagtitiwalaan—na wala talaga siyang kontrol sa mas malaking kalalagayan at kinakailangan na tayo na ang bahala sa sarili natin. Ngunit sa paglago ng pagiging malapit sa kanya at higit na makilala siya ay binabago ang lahat ng iyan. Nangangahulugan ito na hindi lamang tayo lalapit sa kanya para humingi ng tulong kapag tayo ay nasa dulo na ng kawalan ng pag-asa; sa halip, magsisimula tayong maglakad ng higit na malapit kasama siya na maririnig natin ang kanyang babala sa mga padating na pagsubok.

Ang mapagtiwalang puso ay palagiang nagsasabi, “Ang lahat ng aking mga hakbang ay ipinag-utos ng Panginoon. Siya ang aking mapagmahal na Ama, at pinapayagan niya ang aking mga paghihirap, mga tukso at mga pagsubok—ngunit lahat ay makakayanan ko, sapagkat siya lamang ang nagbibigay ng daan para matakasan ang mga ito. Mayroon siyang walang-hanggang layunin para sa akin. Bilang niya ang bawat hibla ng aking buhok, at siya ang bumuo sa akin habang ako ay nasa sinapupunan ng aking ina. Alam niya kung kailan ako uupo, tatayo o hihiga sapagkat ako ang malugod sa kanyang paningin. Siya ang Panginoon—hindi lamang sa akin, kundi sa bawat pangyayari at kalalagayan na sasagi sa akin.”

Ang isang dalisay na puso ay isa ring pusong bigo!

Sinabi ng Mang-aawit, “Tumutulong siya sa nagsisiphayo, ang walang pag-asa’y hindi binibigo” (Awit 34:18).

Ang kabiguan ay nangangahulugan ng higit pa sa kalungkutan at pagtangis, higit pa sa wasak na espiritu, higit pa sa pagpapakumbaba. Ang tunay na kabiguan ay nagpapalaya sa puso ang isang dakilang kapangyarihan na maaring ipagtiwala ng Diyos sa sankatauhan—higit pa sa kapangyarihan na makapgbibigay buhay sa patay o makapagpagaling sa may sakit at karamdaman. Kapag tayo ay tunay na bigo sa harapan ng Diyos, binibigyan tayo ng kapangyarihan para maibalik ang pagkawasak, isang kapangyarihan na may dalang isang natatanging kaluwalhatian at karangalan sa ating Panginoon.

Nakita mo, ang kabiguan ay may kinalaman sa mga pader—giba, gumuguhong mga pader. Inihalintulad ni David ang gumuguhong mga pader ng Jerusalem sa kabiguan ng mga tao ng Diyos. “Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat. Iyong kahabagan. O Diyos, ang Sion, yaong Jerusalem ay muling ibangon” (Awit 51:17-18).

Si Nehemiah ay isang taong bigo, at ang kanyang halimbawa ay may kinalaman doon sa mga wasak na mga pader ng Jerusalem (tingnan ang Nehemiah 2:12-15). Sa dilim ng gabi, “pinagmasdan” ni Nehemiah ang pader. Ang salitang Hebreo sa “shabar” ay ginamit dito. Ito ay katulad na salita na ginamit sa Awit 51:17 para sa “bigong puso.” Sa kabuuan ng kahulugan ng Hebreo, ang puso ni Nehemiah ay nabigo sa dalawang bahagi. Una itong nabigo na may hapdi para sa mga pagkawasak, at pangalawa ay may pag-asang muli itong maitatag (nag-uumapaw sa pag-asa).

Ito ay tunay na isang pusong bigo: isa na unang nakikita ang iglesya at mga pamilya na nawawasak at nadarama ang dalamhati ng Panginoon. Ang ganitong puso ay namimighati sa pagsisisi na ipinupukol sa pangalan ng Panginoon. Nakatingin din ito ng malalim sa loob at nakikita, na katulad ni David, ang sarili nitong kahihiyan at kabiguan. Ngunit may pangalawang mahalagang sangkap sa kabiguang ito, at ito ay pag-asa. Ang tunay na bigong puso ay nakarinig mula sa Diyos: “Magpapagaling ako, magpapanumbalik at magtatatag. Iwaksi ang basura, at magbalik sa muling pagtatatag ng mga nawasak!”

Lunes, Disyembre 8, 2008

NAGLALAKAD KASAMA ANG DIYOS

“At sa buong panahong iyon ay kasama nga niya ang Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha ng Diyos” (Genesis 5:24). Ang orihinal na kahulugan ng paglalakad ay nagmumungkahi na si Enoc ay umakyat at bumaba, pumasok at lumabas, patungo at pabalik, magkahawak kamay ng Diyos, patuloy na nakikipag-usap sa kanya at lumalagong malapit sa kanya. Nabuhay si Enoc ng 365 na taon—o, isang taon ng mga taon. Sa kanya, nakita natin ang isang bagong mananampalataya. Sa loob g 365 na araw sa bawat may gulang na taon, naglalakad siyang kahawak ang Diyos. Ang Diyos ang tangi niyang buhay—kaya’t sa katapusan ng kanyang buhay, hindi niya nakita ang kamatayan (tingnan ang Hebreo 11:5).

Katulad ni Enoc, na inilipat mula sa pagkabuhay, yaong mga naglalakad na malapit kasama ang Diyos ay inilipat palayo mula kay Satanas—iniligtas mula sa kanyang kaharian ng kadiliman at inilagay sa liwanag ng kaharian ni Kristo: “Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak” (Colosas 1:13).

Natutunan ni Enoc na maglakad ng malugod sa harap ng Diyos sa gitna ng makasalanang lipunan. Siya ay isang pangkaraiwang tao na may katulad na mga suliranin at mga dalahin, hindi isang ermitanyo na nagtatago sa yungib sa ilang. Siya ay namumuhay na may asawa, mga anak, mga obligasyon at mga pananagutan; si Enoc ay hindi “nagkukubli para maging banal.”

“At sa buong panahong iyon ay kasama nga niya ang Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha ng Diyos” (Genesis 5:24). Alam natin na mula sa Hebreo na ang talatang ito ay nagpapahayag ng pagkakalipat ni Enoc, isang katotohanan na hindi natikman ang kamatayan. Ngunit ito ay nangangahulugan din ng isang bagay na malalim. Ang pariralang siya ay hindi, na ginamit sa Genesis 5, ay nangangahulugan din na “hindi siya bahagi ng sanlibutan.” Sa kanyang espiritu at sa kanyang kamatayan, si Enoc ay hindi bahagi ng makasalanang salibutan. Sa bawat araw na kasama niya ang Diyos siya ay napalayo sa mga bagay na nasa sanlibutan. Katulad ni Pablo, siya ay namatay ng araw-araw sa buhay sanlibutan at siya ay kinuha sa kanyang espiritu patungo sa kaharian ng langit.

Gayunman habang siya ay naglalakad sa sanlibutan, nalampasan lahat ni Enoc ang mga pananagutan. Ngunit “hindi siya”—patungong sanlibutan. Walang anumang pangangailangan ng buhay ang makapaglalayo sa kanyang paglalakad kasama ang Diyos.

Maliwanag na sinabi ng Hebreo 11:5: “Bago pa sa pagkuha kay Enoc ay mayroon siyang patotoo, na kalugud-lugod siya sa Diyos.” Ano ang bagay na tungkol kay Enoc na lubos na nalugod ang Diyos sa kanya? Ito ay ang kanyang paglalakad kasama ang Diyos ay nagbunga ng uri ng pananalig na iniibig ng Diyos. Ang dalawang talatang ito ay hindi maaring paghiwalayin: “Dahil sa pananalig sa Diyos, hindi namatay si Enoc, hindi inilipat sa kabilang buhay. “Hindi na siya nakita sapagkat inilipat na nga siya ng Diyos.” Sinasabi sa Kasulatan na si Enoc ay naging kalugud-lugod sa Diyos bago inilipat.” At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya”(Hebreo 11:5-6). Madalas nating naririnig ang panghuling talatang ito, ngunit madalang na may kinalaman sa naunang talata. Gayunman sa kabuuan ng Bibliya at sa buong kasaysayan yaong mga naglakad na malapit sa Diyos ay naging mga kalalakihan at kababaihan ng may malalim na pananalig. Kapag ang iglesya ay naglalakad kasama ang Diyos araw-araw, patuloy na nakikipag-isa sa kanya, ang bunga ay mga tao na punung-puno ng pananalig—ang tunay na pananalig na kalugud-lugod sa Diyos.

Sa palibot ni Enoc, ang sankatauhan ay patuloy na lumagong makasalanan. Gayunman sa pagiging parang mga hayop ang mga tao na puno ng kalaswaan, katigasan at makalaman, si Enoc ay higit na naging katulad ng Diyos na kasama niya.

“Sa pamamagitan ng pananalig si Enoc ay inilipat.” Ito ay isang kamangha-manghang katotohanan, na halos di abot ng ating pang-unawa. Ang lahat ng pananalig ni Enoc ay nakatuon sa isang dakilang pagnanais ng kanyang puso: na makasama ang Panginoon. At kinuha siya ng Diyos bilang tugon sa kanyang pananalig. Hindi na makayanan ni Enoc na magtago sa belo; kailangan na niyang makita ang Panginoon.

Ang ating kapatid na si Enoc ay walang Bibliya, walang aklat ng awit, walang kasamang kasapi, walang nagtuturo, walang namamahay na Espiritu Santo, walang inupahang belo na may daan patungo sa Banal ng mga Banal. Ngunit kilala niya ang Diyos.

“Ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6). Paano natin malalaman na si Enoc ay naniniwalang ang Diyos ay nagbigay ng gantimpala? Sapagkat iyan lamang ang pananalig na kalugud-lugod sa Diyos—at alam natin na nalugod niya ang Diyos! Ang Diyos ay nagbigbigay ng gantimpala, iyan ay, isang nagbabayad ng higit pa dahil sa pananalig. Paano ginagantimplaan ng Panginoon ang mga masisigasig?

Mayroong tatlong mahahalagang gantimpala na nagmumula sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos at naglalakad na kasama niya na may pananalig.

1. Ang unang gantimpala ay ang pangangalaga ng Diyos sa mga buhay natin. Ang tao na nagpabaya sa Panginoon ay nalalapit na mawalan ng kontrol habang ang diyablo ay palapit para mangibabaw. Kung siya lamang ay iibig kay Hesus, maglalakad at makikipag-usap sa kanya! Ipapakita agad ng Diyos na si Satanas ay tunay na walang kapangyarihan sa kanya at ang taong ito ay madaliang hahayaan na mangalaga si Kristo sa kanya.

2. Ang pangalawang gantimpala na kasama ng pananalig ay ang magkaroon ng “dalisay na liwanag.” Kapag tayo ay naglakad kasama ang Panginoon, tayo ay ginagantimpalaan ng liwanag, patutunguhan, pang-unawa, pagpapahayag—isang uri ng “pang-unawa” na ibinigay ng Diyos sa atin.

3. Ang ikatlong gantimpala na kasama ng pananalig ay pag-iingat mula sa mga kaaway. “Mula ngayon ay wala ng sandatang gagamitin sa iyo” (Isaias 54:17). Sa orihinal na Hebreo, ang talatang ito ay isinalin bilang: “Walang balakin, walang gamit na mapamuksa, walang kanyon ni Satanas ang makapagtutulak o makasasagasa sa iyo, kundi hindi ito mangyayari sa iyo.”

Biyernes, Disyembre 5, 2008

ISANG HALIMBAWA NG LAYUNIN NG DIYOS SA PAGKUHA NG SINAMSAM

Habang si David at ang kanyang hukbo ay nasa malayo, ang mga Amalekites ay lumusob sa kanyang nayon ng Ziklag. Itong mga lumusob na mandarambong ay kinuha ang lahat ng kababaihan at mg bata at sinunog ang buong bayan. Nang bumalik si David, “Balisang-balisa si David pagkat pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na batuhin siya dahil sa sakit ng kalooban sa pagkawala ng kanilang mga anak. Kaya’t siya ay dumulog kay Yahweh” (1 Samuel 30:6).

Pag-usapan ang espirituwal na pakikidigma! Ito ay hindi lamang pagsalakay laban kay David. Ito ay panglahatang pag-atake laban sa walang-hanggang layunin ng Diyos. Muli pa, ang diyablo ay hangad ang binhi ng Diyos.

Dito nakatuon ang lahat ng espirituwal na pakikidigma: ang kaaway ay laging tahasang nagnanais na puksain ang binhi ni Kristo. At ang katotohanang iyan ay hindi nagbago maging sa nakalipas na 2000 taon ng Krus. Si Satanas ay nasa labas pa rin para puksain ang binhi ng Diyos, at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-atake sa atin, ang binhi ni Kristo. Nararamdaman ni David na tinatakot siya nang marinig niya ang bulungan ng kanyang mga tauhan. Ngunit alam ni David na matuwid ang puso niya sa Diyos, at sinabi ng Kasulatan na pinalakas ang loob niya sa Panginoon. Madalian, ang taong ito na tapat sa pananampalataya ay humayo upang tugisin ang mga Amalekites. At madali niya itong nalampasan, nailigtas ang bawat isa at mga ari-arian na nakuha (tingnan 1 Samuel 30:19-20). Hindi lamang nabawi ni David ang mga nakuha sa Ziklag kundi pati na lahat na dinambong ng mga Amalekites.

Ano ang ginawa ni David dito sa mga nasamsam sa pakikidigma? Ginamit niya ito para tustusan ang layunin ng Diyos. Dagdag pa, nagpadala siya ng handog ng mga nasamsam sa mga nakatatanda sa Judea at sa mga bayan na kung saan siya at ang kanyang mga tauhan ay nagtatago (tingnan 1 Samuel 30:26 at 31). Ito ay isa pang halimbawa ng layunin ng Diyos sa ating espirituwal pakikidigma. Kailangang makakuha tayo ng sinamsam mula sa pakikidigma hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para katawan ni Kristo. Ang mga ari-arian na makukuha natin ay nakalaan na makapagdala ng biyaya para sa iba.

Pinalibutan ng hukbo ng Siria ang lunsod ng Samaria sa panahon ng taggutom. Nagkampamento ang mga hukbo ng Siria sa labas ng lunsod, naghihintay sa mga Samaritanyo na magutom. Ang kalagayan ay lumala ng matindi sa loob ng mga pader ng lunsod. Ang isang ulo ng buriko ay naipagbibili sa 80 piraso ng pilak. Lumala ang kalagayan ng lahat ng bagay na ang mga kababaihan ay inialok ang kanilang mga anak para ipaluto bilang pagkain. Ito ay ganap na kauululan (tingnan 2 Hari 6).

May apat na ketongin noon sa pagpasok ng lusod. Nag-uusap-usap sila, “Bakit ba rito tayo namamaluktot at maghihintay ng kamatayan? Kung papasok tayo ng lunsod, tiyak na mamatay tayo ng gutom doon. Kung mananatili naman tayo rito, mamamatay rin tayo. Mabuti pa’y pumunta tayo sa kampo ng mga taga-Siria. Kung hindi nila tayo patayin, mabuti. Kung patayin nila tayo, matatapos na ang ating paghihirap” (2 Hari 7:3-4). Kaya’t tumungo sila sa kampo ng mga taga-Siria.

Nang dumating sila, ang lahat ay parang patay sa katahimikan. Walang isa mang makikita. Kaya’t naghanap sila sa bawat tolda, ngunit wala na ang lahat. Ipinaliwanag ng Kasulatan: “Sapagkat sa kapangyarihan ni Yahweh, ang mga kawal ng Siria ay nakarinig ng ragasa ng maraming kabayo’t karwahe. Dahil dito, inakala nilang nakikipagkasundo ang hari ng Israel sa mga hari ng Heteo at Egipcio para digmain sila. Kaya’t lumikas sila ng magtatakip-silim. Iniwan nila ang kanilang kampo, pati mga kabayo, asno at lahat ng naroon at kanya-kanya silang takbo para iligtas ang kanilang buhay” (7:6-7).

Nang makita ng mga ketongin ito, nagtungo sila sa kabuuan ng kampo kumain at uminom at lumakad nga sila. Pagdating sa pagpasok ng lunsod, sinabi nila sa mga bantay, “Nagpunta kami sa kampo ng mga taga-Siria at isa mang bantay ay wala kaming dinatnan. Ang nakita lang namin ang mga kabayong nakatali, asno at mga tolda” (tingnan 7:10). Binaliktad ng Panginoon ang lahat. Kinuha niya ang mga sinamsam ng pakikidigma at ginamit ito para muling ibalik at palakasin ang kanyang mga tao, tustusan ang layunin sa sanlibutan.

Nakuha mo ba ang isinasalarawan dito? Nagsisimula na bang maunawaan mo ang dahilan ng iyong kasalukuyang pakikidigma? Yaong mga naglagay ng tiwala sa Panginoon ay pinangakuan ng tagumpay sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Nais ng Diyos na malaman mo, “Oo, malalampasan mo ito na tagumpay. Ngunit gagawing kitang higit pa sa nagtagumpay. Gumagawa ako ng higit na dakilang layunin sa iyo para sa kaharian ko. Makakalabas ka sa pakikidigmang ito na may mga higit na maraming sinamsam na higit pa sa makakayanan mo.”

Huwebes, Disyembre 4, 2008

ANG MGA NASAMSAM SA ESPIRITUWAL NA PAKIKIDIGMA

Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma,naglalaan sila ng bahaging panustos sa pangangalaga ng bahay ni Yahweh” (1 Cronico 26:27). Ang talatang ito ay nakapagbukas sa atin ng malalim, na makapagpabagong-buhay na katotohanan. Nagpapahayag ito ng mga nasamsam na maaring mapagtagumpayan lamang sa pakikipaglaban. At sa sandaling mapagtagumpayan ang mga nasamsam na ito, ito ay inilalaan sa pagtataguyod ng tahanan ng Diyos.

Naniniwala ako na kapag hinawakan natin ang makapangyarihang katotohanang ito sa likod ng talatang ito, mauunawaan natin kung bakit pinapayagan ng Panginoon ang matinding espirituwal na pakikipaglaban sa buong buhay natin. Maraming Kristiyano ay iniisip na kapag sila ay ligtas na, ang kanilang paghihirap ay tapos na, na ang buhay ay maayos na tatakbo. Malayo ito sa katotohanan. Hindi lamang pinapayagan ng Diyos ang ating mga pakikipaglaban, ngunit mayroon siyang maluwalhating layunin sa ating mga buhay.

Ano ang “mga nasamsam sa pakikipagdigma”? Ang mga samsam ay mga dinambong, ninakaw, mga bagay na kinuha ng mga nagwagi sa pakikipaglaban. Unang binanggit sa Bibliya ang mga sinamsam sa Genesis 14, nang ang mga magkakapanalig na mga hari ay lumusob sa Sodoma at Gomorra. Ang mga lumusob ay binihag ang mga naninirahan doon at dinambong ang kanilang mga ari-arian: “Kaya’t sinamsam ng apat na hari ang lahat ng ari-ariang natagpuan sa Sodoma at Gomorra pati ang pagkain doon” (Genesis 14:11-12).

Nang malaman ni Abraham na ang kanyang pamangkin na si Lot ay nadakip, tinipon niya ang kanyang 318 na mga kawal na mga lingkod niya at tinugis ang kaaway na mga hari. Sinabi ng Kasulatan na nagapi niya ang mga lumusob at “sinalakay nila ang mga kaaway… Nabawi nilang lahat ang nasamsam na ari-arian at nailigtas si Lot at ang kanyang mga kasamahan” )14:15-16).

Isalarawan ang matagumapay na si Abraham dito. Pinangunahan niya ang mahabang prusisyon ng mga nagbubunying mga tao, at mga karo na punung-puno ng mga ibat-ibang gamit. At sa dinaanan, nakilala niya si Melquisedec, ang hari ng Salem. Sinabi ng Kasulatan sa atin na si Abraham ang nagbigay ng ikapu sa hari mula sa lahat ng kanyang nasamsam (tingnan 14:20). “Tignan ninyo kung gaano siya kadakila! Ipinagkaloob sa kanya ni Abraham ang ikapu ng nasamsam niya sa labanan. At si Abraham ay isang patriyarka” (Hebreo 7;4).
Narito ang prinsipyo na nais ng Diyos na ating panghawakan: Ang ating Panginoon ay may mas higit na kagustuhan kaysa ang gawin tayong nagwagi. Nais niya tayong bigyan ng sinamsam, mga gamit, yamang espirituwal mula sa ating pakikipaglaban. Kailangang lumabas tayo sa pakikipaglaban na may dalang karo na punung-puno na mga ari-arian. Ito ang tinutukoy ni Pablo nang sinabi niya na, Ang lahat ng ito ay kayang-kaya nating mapagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin” (Roma 8:37, aking italika).

Si David ay may mapitagang saloobin tungkol sa mga nasamsam mula sa pakikidigma. Nakita natin ito sa kanyang utos na kanyang itinalaga hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Itinalaga ni David ang kanyang anak na si Solomon na sumunod sa kanya sa trono g Israel. At ngayon ay ipinatawag niya ang mga pinuno ng mga bansa at pinagsama-sama para magtalaga ng banal na kautusan sa pangangalaga ng tahanan ng Diyos. Anong ari-arian ang gagamitin nila para sa banal na gawaing ito? “Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma, maglalaan sila ng bahagi ng panustos sa pangangalaga ng bahay ni Yahweh’ (1 Cronico 26:27).

Hayaan mong italaga ko ang eksena. Sa bawat tagumpay militar, kinukuha ni David ang mga sinamsam at inipon ito ng maramihan: ginto, pilak, tanso, kahoy, salapi na ang dami para mabilang. At mayroon siyang layunin sa isipan niya: na gamitin ang mga sinamsam na ito bilang panustos sa pagtatayo ng templo.

Nang nagpahayag ang Kasulatan sa pagtutustos ng templo, ang orihinal na Hebreo ay nangahulugan ng “kumpunihin ang bahay, patatagin at itaguyod kung ano ang naitatag.” Ang mga ari-ariang ito ay nakalaan para panustos sa orihinal na ningning ng templo.

Nasaan ang bahay ng Diyos ngayon? Ito ay binubuo ng kanyang mga tao—ikaw, ako, ang kanyang iglesya sa buong sanlibutan. Ayon kay Pablo, ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo. At, katulad ng lumang Israel, ang ating Panginoon ay patuloy na tinutustusan ang ang kanyang templo mula sa mga sinamsam na nakuha mula sa pakikidigma. Kaya’t iyan ang dahilan kung bakit ang ating mga pagsubok ay nangangahulugan ng higit pa sa ating pananatiling mabuhay.

Isipin ang tungkol dito: Sa maraming taon pagkatapos na maitatag ang templo, ito ay napangalagaan ng maayos mula sa mga nasamsam na nakuha sa mga lumipas na pakikidigma. Ang tahanan ng Diyos ay nanatiling mataginting at buhay, sapagkat ang mga tao niya nakalabas mula sa bawat kaguluhan hindi lamang nagwagi, kundi mayaman pa sa mga ari-arian. Natagpuan natin ang prinsipyo “ng panustos mula sa pakikidigma” mula sa Salita ng Diyos.

Miyerkules, Disyembre 3, 2008

AT ANG ISANG ESPIRITUWAL AY HINDI MAARING GAYAHIN

Dito sa kalye ng lunsod ng Nuweba York, ay makakabili ka ng relong Rolex sa halagang 15 dolyares lamang. At sa kaalaman ng bawat taga Nuweba York ang mga relong ito ay hindi tunay na Rolex. Ang mga ito ay mga gawa-gawa lamang—mumurahing ginaya mula sa orihinal.

Mayroong mistulang ginaya lamang sa halos lahat ng bagay sa panahon ngayon. Ngunit mayroong isang bagay na hindi maaring gayahin at iyan ay ang tunay na espirituwalismo. Walang tunay na espirituwalismo ang maaring gayahin. Kilala ng Panginoon ang tunay na gawain ng kanyang sariling mga kamay—at hindi niya tatanggapin ang ginayang gawang-tao sa lahat ng kanyang banal na mga gawain. Bakit? Sapagkat di-maaari para sa isang tao na gayahin ang tunay na espirituwalismo. Iyan ay gawain ng Espiritu Santo lamang. Siya’y pirmihang kumikilos na gumagawa ng isang bagay na bago sa kanyang mga tao. At walang anumang paraan para sa atin na gayahin ang gawaing iyan.

Iyan ang malaking pagkakamali ng makabagong relihiyon. Inisip natin na kapag basta na lamang ibinahagi ang karunungan ng Kasulatan at prinsipyong biblikal sa mga tao, ay magiging espirituwal na sila. Ngunit ang katotohanan ay nanatiling—walang tao o institusyon ang may kapangyarihan na makagawa ng espirituwalismo kaninuman. Ang Espiritu Santo lamang ang gumagawa niyan.

Maliit na bahagi lamang ng Espiritu ng Diyos ay makikita sa atin. Iyan ang dahilan kung bakit ang tunay na espirituwal na mga tao ay madalang na nakatingin sa panlabas na patunay ng kanyang gawain. Sinabi ni Pablo, “Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bgay na di nakikita, hindi sa nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita” (Corinto 4:18).

Sa susi ng kahulugan ng mensaheng ito, si Pablo ay nagpapahayag ng mga pagdurusa at mga kasawian. Sinasabi niya na, “Walang nakakaalam ng mga bagay na hinaharap natin, maliban sa Banal na Espiritu. At dito tunay na kung saan ang tunay na espirituwalismo ay ipinakikita—sa lusawan ng pagdurusa.”

Sa mga sumunod sa pangunguna ng Espiritu ng Diyos—na humaharap sa mga pagdurusa nagtitiwala na ang Panginoon ay kumikilos sa kanila—lumutang mula sa lusawan na may matatag na pananampalataya. At sila’y nagpatotoo na higit na tinuruan sila ng Espiritu sa panahon ng kanilang pagdurusa kaysa noong panahon na maayos ang lahat sa mga buhay nila.

Sa buong buhay ko na paglalakad kasama ang Panginoon, madalang kong makita na lumalago ang aking pagiging espirituwal sa panahon ng maayos na pamumuhay. Sa halip, ang anumang paglago ay madalas na nangyayari habang pinagtitiisan ko ang mga mahirap na kalagayan, mga pagtitiis, mga pagsubok—na ang lahat ng mga ito ay hinayaang ng Espiritu Santo na mangyari.

Sa isag punto ng kanyang paglalakad sa pananampalataya, sinabi ni Pablo, “Ang Espiritu Santo ay taimtim na nagpatunay sa akin na ang pagkakagapos at kapighatian ay naghihintay sa akin” (tingnan Gawa 20:21-22). Sa katunayan, sa kabuuan ng buhay ni Pablo, ang kanyang kapighatian ay hindi nawala. Patuloy itong dumadating

“Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad” (2 Corinto 4:17). Ayon kay Pablo, ang ating mga kapighatian at paghihirap ay magbubunga ng mahahalaga sa atin. Sinasabi niya, “ang paghihirap na dinaranas natin dito sa sanlibutan ay maaring mangyari sa atin habang buhay. Ngunit iyan ay panandalian lamang kumpara sa walang-hanggan. At sa sandaling ito, habang napagtitiisan natin ang mga kapighatian, pinagbubunga ng Diyos sa atin ang kapahayagan ng kanyang kaluwalhatian na magtatagal ng walang-hanggan.”

Martes, Disyembre 2, 2008

ANG PAGKAKILALA KAY KRISTO

“Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtam ko lamang si Kristo” (Filipos 3:8).

Si Pablo ay lubusang naakit ng kanyang Panginoon. Bakit niya madaramang may pangangailangan siyang “makilala” si Kristo? Naipahayag na ni Kristo ng malinaw ang kanyang sarili, hindi lamang sa mga apostoles kundi sa kanyang buhay. Gayunman, maging ganon, nadama niyang sapilitan na makuha ang damdamin at kalooban ni Kristo.


Ang buong pagkatao ni Pablo—ang kanyang ministeryo, buhay at ang buong layunin ng kanyang pamumuhay—ay nakatuon lamang sa pagbibigay kaluguran sa kanyang Panginoon. Lahat ng iba pa ay basura lamang sa kanya, maging ang “mabubuting” bagay. Ito ba’y nasa Kasulatan, maari mong itanong, itong isipin na mapagwagian ang puso ni Hesus? Hindi ba tayo’y talagang sadyang layunin ng pag-ibig ng Diyos? Sa katunayan, ang kanyang kagandahang kaloobang pag-ibig ay saklaw ang buong sankatauhan. Ngunit may isa pang uri ng pag-ibig na kaunti lamang Kristiyano ang nakaranas. Ito ay ang madamdaming pag-ibig kasama si Kristo na nagaganap lamang sa mag-asawa.

Ang pag-ibig na ito ay ipinahayag sa Awit ni Solomon. Sa aklat na iyon ipinakilala si Solomon bilang isang tipo ni Kristo at sa isang talata ang Panginoon ay nangusap sa kanyang pakakasalan ng ganito:

“Aking mahal, aking sinta, ang puso ko ay nabihag. Ng mata mong mapang-akit at leeg mo na may kuwintas. Aking mahal, aking sinta, kay tamis ng iyong pag-ibig. Ikaw’y walang kasinsarap, kasintamis na umiibig, halimuyak ng bango mo ay walang makakaparis” (Awit ni Solomon 4:9-10).

Ang pakakasalan ni Kristo ay kinabibilangan ng mga banal na mga tao na sabik na maging kaluguran sa kanilang Panginoon, at nabubuhay na ganap na masunurin at lubos na hiwalay mula sa iba pang mga bagay, na ang puso ni Kristo ay madudukot. Ang salitang gabutin sa talatang ito ay nangangahulugan na “matanggalan ng puso” o “madukot ang puso.” Ang saling-wika nito sa King James ay nagsasabi na ang puso ni Kristo ay nadukot sa pamamagitan lamang ng “isang mata.” Naniniwala ako na ang “isang matang” ito ay ang nag-iisang isip na nakatutok kay Kristo lamang.

Lunes, Disyembre 1, 2008

HIGIT NA MAHALAGA KAYSA SA GINTO

Ang kuwento ni Reyna Ester ay isang matinding paglalabanan, isa sa pinakamalaking pakikipaglabang espirituwal sa kabuuan ng Kasulatan. Ang diyablo ay nagsusumikap na wasakin ang layunin ng Diyos sa sanlibutan, sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng diyablong si Haman. Ang mayaman, maimpluwensiyang taong ito ay hinikayat ang hari ng Persia na magdeklara ng utos ng panawagan ng kamatayan sa bawat Hudyo na nasa ilalim ng kanyang pamamahala, mula sa India hanggang sa Etiopia.

Ang kaunahang Hudyo sa paningin ni Haman ay ang matuwid na si Mordecai, tiyuhin ni Ester. Si Haman ay may bibitayang sadyang ginawa para kay Mordecai, ngunit namagitan si Ester, nanawagan sa mga tao ng Diyos na manalangin at inialay ang buhay upang mabawi ang utos ni Haman. Ibinunyag ng Diyos ang masamang balakin at nauwi si Haman na nabigti sa sariling bibitayan. Hindi lamang binaliktad ng hari ang utos na kamatayan, kundi ibinigay pa niya ang tahanan ni Haman kay Ester, isang pag-aari na nagkakahalaga ng milyun-milyon kung ikukumpara sa panahon ngayon.

Gayunman, hindi lamang ang mansiyon ni Hamas ang nakuha sa salaysay na ito. Sinabi ng Kasulatan sa atin na, “Ito’y malaking karangalan ng mga Judio. Masayang-masaya sila” (Ester 8:16). Ito ang mga tunay na mga pinagdambungan na nakamit sa pakikipaglaban sa mga kaaway.

Nakita mo, na ang ating mga pagsubok ay nagbibigay hindi lamang lakas na espirituwal, pinanatili nito tayong matatag,d alisay, at nasa ilalim ng patuloy na pagtataguyod. Habang inilalagay natin ang ating pagtitiwala sa Panginoon, ginagawa niyang magbunga ito sa atin ng pananalig na higit na mahalaga kaysa ginto. “Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo’y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa araw na mahayag si Hesu-Kristo.

“Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay” (Colosas 2:15).

Dinambong ni Hesus ang diyablo sa Kalbaryo, hinubaran siya ng lahat ng kapangyarihan at pamamahala. Nang bumangon si Kristo mula sa libingan, pinangunahan niya ang hindi mabilang na hukbo ng mga tinubos na mga bihag mula sa pagkakahawak ni Satanas. At ang prusisyong ito na binili ng dugo ay patuloy na nagmamartsa hanggang ngayon.

Kamangha-mangha, ang tagumpay ni Kristo sa Kalbaryo ay nagbigay sa atin ng higit pa sa tagumpay laban sa kamatayan. Nakamit nito para sa atin ang di-kapani-paniwalang pinagdambungan sa buhay na ito: grasya, kahabagan, kapayapaan, kapatawaran, katatagan, pananampalataya, lahat ng kinakailangan para mamuhay na tagumpay. Itinakda niya ang lahat para sa pagtataguyod ng kanyang templo” “Subalit si Kristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya” (Hebreo 3:6).

Ipinakikita ng Espiritu Santo ang isang kahanga-hangang katotohanan dito: ipinagkaloob ni Hesus ang lahat na ating kakailanganin, sa kanyang Espiritu Santo. Ngunit tayo ay may pananagutan sa pagkuha mula sa ingat-yaman para sa pagtataguyod ng kanyang templo. At ang kakailanganin para sa pagtataguyod ng templo ay nanggaling ng tuwiran mula sa pinagdambungan ng ating pakikipaglaban.

Ipinagkaloob lahat ni Kristo ang lahat ng kakailanganin para sa pagtataguyod nito na maganap. Inampon niya tayo sa kanyang sambahayan. Tumayo siya bilang haligi ng sambahayan at nilinis niya ang kabuuan ng sambahayan. Sa huli, ibinigay niya ang daanan sa Pinakabanal ng mga Banal. Kaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ngayon ay ganap nang matatag, ganap na templo. Hindi nagtatag si Hesus ng bahay na kalahati lamang ang pagkakatapos. Ang kanyang templo ay buo.

Ang templong ito ay kailangang maitaguyod ng patuloy. Kailangan itong palagiang maayos na kinumpuni. Katunayan, alam natin kung saan matatagpuan ang kakailanganin: sa Espiritu ni Kristo mismo. Siya ang taga-ingat yaman ng pinagdambungan. Ipinagkakaloob ang mga kinakailangan kapag nakita natin ang ating mga pangangailangan at kapag tayo ay nakikipagtulungan sa Diyos.

Ang pakikipagtulungang iyan ay nagsisimula kapag tayo ay nasa kalagitnaan ng ating pakikipaglaban. Ang ating mga kinakailangan ay ang ating mapagtagumpayan na kawangisan ni Kristo habang lumulutang sa pakikipaglaban. Iyan ang mga aral, ang pananampalataya, ang katauhang ating nakamit mula sa pakikipaglaban sa kaaway. Mayroong kahalagahan sa pakikipaglaban. At maari tayong maging tiwala na may mabuti na ibubunga ito.