“O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayon din naman, hindi maaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay” (Lucas 14:31-33).
Minsang hinulaan ni Enoc, “Tingnan ninyo! Dumating na ang Panginoon, kasama ang libu-libong banal” (Judas 14). Sinabi ng Kasulatan tayo ay mga hari at pari para sa Panginoon, at kumakatawan tayo sa mga libu-libong mga banal na lalabas para makipagdigma sa hukbo ni Satanas. Nakikipagdigma sa atin si Satanas sapagkat kinapopootan niya tayo ng labis-labis (tingnan Pahayag 12:17).
Kailangang maging handa tayo sa kung anuman ang darating. Kailngang maging handa tayo na gugulin ang ating mga araw sa espirituwal na pakikidigma, alam na bumabaha ang kasalanan na nakalaan laban sa mga tao ng Diyos. Kung tayo ay yari ang loob na mapanghawakan si Kristo, kung ganon ay kailangan nating tanggapin na tayo ay di-masusupil kay Kristo. Ito ay nakasulat, “Ang Espiritung nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritung nasa sanlibutan” (1 Juan 4:4). Sinabi ng Diyos sinigurado ang ating tagumpay laban sa kapangyarihan ng kaaway; nasa atin lahat ang kinatawan ng langit na nakikipaglaban para sa atin!
Nawa ay ibigay ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo para ang bawat isa sa atin ay makakasigaw sa sanlibutan at sa lahat ng libunbon ng impiyerno, “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba, ang kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, o ang tabak?...Hindi! Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating mapagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos—pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon” (Roma 8:35, 37-39).
Ito ang sigaw ng mga gutom kay Hesus.
Ang bawat lalaki o babae ng Diyos ay magiging tudlaan ng makasalanang pamamaraan ng impiyerno kapag ang pakikipagkasundo ay naging buhay na alay kay Kristo. Ang libunbon ng impiyerno ay mag-aalpas laban sa sinumang ang puso ay lalakad sa kabanalan ng pananalig.
Si Satanas ay mananakit at maglalagay ng harang sapagkat ikaw ay naging tunay na banta sa kanyang programa ng panlilinlang. Maari kang magbitiw, bumigay, umatras, at maging isang dungo, hindi nagbubungang pagala-gala.
Para sa akin, pinili kong labanan ang pakana ng diyablo, tumayo sa pananalig, at ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Hindi kayang pabagsakin ni Satanas ang isang tunay na nagtitiwala sa Panginoon.