Martes, Disyembre 23, 2008

ANG PAHAYAG NG PAG-IBIG NG DIYOS

Binulabog ako kamakailan ng Banal na Espiritu at ako ay ginabayan niya sa talatang ito: “Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong napakabanal na pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay sa ating Panginoong Hesu-Kristo, na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan, dahil sa kanyang pagkahabag sa inyo” (Judas 20-21).

Ang Bibliya ay puno ng katotohanan ng pag-ibig ng Diyos. Ngunit may panahon na hinahayaan ko ang sarili ko na mag-isip kung paano ako iibigin ng Panginoon. Hindi dahil sa nagdududa ako sa kanyang pag-ibig; ito ay ang aking kabiguan na panatilihin ang karunungan at kasiguruhan ng kanyang pag-ibig sa akin.

Ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos ay dumarating ng bahagi kapag tayo ay isinilang na muli. Kung tatanungin mo ang maraming Kristiyano anong alam nila sa pag-ibig ng Diyos sa kanila, sasagutin nila ito ng “alam ko na iniibig ako ng Diyos sapagkat ibinigay niya ang kanyang Anak para mamatay para sa akin.” Babanggitin nila ang Juan 3:16: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Isang kahanga-hangang sandali kung susunggaban mo ng katotohanang ito. Biglaan mong naisip, “Iniibig ako ng Diyos nang maligaw ako, hindi ganap, isang dayuhan. At pinatunayan niya ang pag-ibig niya sa akin sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sarili niyang Anak para sa akin.”

Kaya lamang ilang Kristiyano lamang, ang nakakaalam kung paano maitago sa pag-ibig ng Diyos. Alam natin ang ilang bagay sa ating pag-ibig patungkol sa Panginoon—ngunit madalang nating hanapin ang pahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Sa katunayan, kung tatanungin mo ang maraming Kristiyano na hanapin ang talata sa Bibliya ng pag-ibig ng Diyos para sa atin, kaunti lamang ang kanilang maituturo. Gayunman, ang maunawaan ang pag-ibig ng Diyos ay ang lihim sa isang nangingibabaw na buhay. Marami ang lumalagong malamig sa espirituwal at tamad sapagkat sila ay mangmang sa pag-ibig ng Panginoon sa kanila. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihang sandata nila laban sa pag-atake ni Satanas ay ang lubos na paniniwala sa pag-ibig ng Diyos para sa kanila, sa pamamagitan ng pahayag ng Espiritu Santo.

Sa huling panalangin niya sa sanlibutan, sinabi ni Hesus, “Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ng sanlibutan” (Juan 17:24). Isang di-kapani-paniwalang kaisipan; dakilang inibig si Kristo ng Ama bago pa nilikha ang sanlibutan.

Pagkatapos ay ipinanalangin niya ang di-kapani-paniwalang panalanging ito, “Ama… at sila’y inibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin” (21,23). Idinalangin niya rin, “ Upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila” (26). Sinasabi ni Kristo, “Ama, alam ko na iibigin mo yaong dadalhin ko sa aking katawan, katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

Ang dalang kahulugan nito ay nang inibig ng Ama si Hesus bago pa sa walang hanggan ay inibig niya na rin tayo. Katunayan, ng ang tao ay mistulang isa pa lang na isipin sa walang hanggang isipan ng Diyos, binibilang na ng Panginoon ang bahagi ng ating katawan at binabalak na ang ating kaligtasan: “At sa ating ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos” (Efeso 1:4).

Gaano na katagal na inibig ka ng Diyos? Inibig ka niya mula pa ng siya ay nabuhay—sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ito ay likas niyang kalikasan. Inibig ka niya bilang makasalanan. Inibig ka niya nang nasa sinapupunan ka pa. Inibig ka niya bago pa nagsimula ang sanlibutan. Walang simula ang pag-ibig niya sa iyo—at wala rin itong katapusan.

Kailan matatapos ang pag-ibig ng Diyos sa iyo? Hihinto ang pag-ibig niya sa iyo kapag huminto na ang pag-ibig niya sa kanyang sariling Anak—isang bagay na di-maaari. Sinabi ni Kristo, “Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila” (Juan 13:1).