Miyerkules, Disyembre 17, 2008

TINAWAG NIYA TAYO PARA MAGAMPANAN ITO

“Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat na siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos—siya’y kukutyain ng lahat ng makakikita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos” (Lucas 14:28-30).

Alam ni Kristo na marami sa kanyang mga tagasunod ay walang kakayanan na matapos ang mga iyon. Alam niya na babalik sila at hindi matatapos ang karera. Naniniwala ako na ito ang pinakatrahikong kondisyon para sa isang mananampalataya—na magsimula na may intensiyong mapanghawakan si Kristo, lumago bilang isang magulang na alagad at maging kawangis ni Hesus at pagkatapos ay maglalahong palayo. Ang ganitong tao ay isang nagsimula ng pundasyon ngunit hindi maipatapos sapagkat hindi muna niya tinaya ang halaga.

Isang kasiyahan ang makilala ang mga nakatapos ng karera! Ang mga mananampalatayang ito ay lumalago sa karunungan at kaalaman ni Kristo. SiIa ay patuloy na nagbabago araw-araw, sa bawat sandali. Sinasabi sa kanila ni Pablo ng may kasiglahan, “At ngayong naalis na ang talukbong sa ating mukha, tayong lahat ay nagiging sinag ng kaningningan ng Panginoon. At ang kaningningang iyon na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang bumabago sa ating anyo upang lalong maging maningning, hanggang sa maging mistulang larawan niya” ( Corinto 3:18). Hindi langit ang hinahanap ng mga mananampalatayang ito, kundi si Kristo sa kaluwalhatian niya!

Alam ko na marami sa nakabasa ng partikular na mensaheng ito ay nasa proseso ng pagtigil o humakbang ng isa pabalik. Maaring magmistulang maliit na hakbang, ngunit magdudulot ito ng mabilis na pagbaba palayo mula sa kanyang pag-ibig. Kung ito ay totoo sa iyo, isipin na tinatawag ka ng Banal na Espiritu ng lubusan pabalik—pabalik sa pagsisisi, pagtanggi sa sarili at pagsuko. At sa mga sandaling ito, ang pagkakataon ay napakahalaga. Kung nais mo talaganag mapanghawakan si Kristo, gawin mo ito ngayon; tapusin mo ito!