Habang si David at ang kanyang hukbo ay nasa malayo, ang mga Amalekites ay lumusob sa kanyang nayon ng Ziklag. Itong mga lumusob na mandarambong ay kinuha ang lahat ng kababaihan at mg bata at sinunog ang buong bayan. Nang bumalik si David, “Balisang-balisa si David pagkat pinag-uusapan ng kanyang mga tauhan na batuhin siya dahil sa sakit ng kalooban sa pagkawala ng kanilang mga anak. Kaya’t siya ay dumulog kay Yahweh” (1 Samuel 30:6).
Pag-usapan ang espirituwal na pakikidigma! Ito ay hindi lamang pagsalakay laban kay David. Ito ay panglahatang pag-atake laban sa walang-hanggang layunin ng Diyos. Muli pa, ang diyablo ay hangad ang binhi ng Diyos.
Dito nakatuon ang lahat ng espirituwal na pakikidigma: ang kaaway ay laging tahasang nagnanais na puksain ang binhi ni Kristo. At ang katotohanang iyan ay hindi nagbago maging sa nakalipas na 2000 taon ng Krus. Si Satanas ay nasa labas pa rin para puksain ang binhi ng Diyos, at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-atake sa atin, ang binhi ni Kristo. Nararamdaman ni David na tinatakot siya nang marinig niya ang bulungan ng kanyang mga tauhan. Ngunit alam ni David na matuwid ang puso niya sa Diyos, at sinabi ng Kasulatan na pinalakas ang loob niya sa Panginoon. Madalian, ang taong ito na tapat sa pananampalataya ay humayo upang tugisin ang mga Amalekites. At madali niya itong nalampasan, nailigtas ang bawat isa at mga ari-arian na nakuha (tingnan 1 Samuel 30:19-20). Hindi lamang nabawi ni David ang mga nakuha sa Ziklag kundi pati na lahat na dinambong ng mga Amalekites.
Ano ang ginawa ni David dito sa mga nasamsam sa pakikidigma? Ginamit niya ito para tustusan ang layunin ng Diyos. Dagdag pa, nagpadala siya ng handog ng mga nasamsam sa mga nakatatanda sa Judea at sa mga bayan na kung saan siya at ang kanyang mga tauhan ay nagtatago (tingnan 1 Samuel 30:26 at 31). Ito ay isa pang halimbawa ng layunin ng Diyos sa ating espirituwal pakikidigma. Kailangang makakuha tayo ng sinamsam mula sa pakikidigma hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para katawan ni Kristo. Ang mga ari-arian na makukuha natin ay nakalaan na makapagdala ng biyaya para sa iba.
Pinalibutan ng hukbo ng Siria ang lunsod ng Samaria sa panahon ng taggutom. Nagkampamento ang mga hukbo ng Siria sa labas ng lunsod, naghihintay sa mga Samaritanyo na magutom. Ang kalagayan ay lumala ng matindi sa loob ng mga pader ng lunsod. Ang isang ulo ng buriko ay naipagbibili sa 80 piraso ng pilak. Lumala ang kalagayan ng lahat ng bagay na ang mga kababaihan ay inialok ang kanilang mga anak para ipaluto bilang pagkain. Ito ay ganap na kauululan (tingnan 2 Hari 6).
May apat na ketongin noon sa pagpasok ng lusod. Nag-uusap-usap sila, “Bakit ba rito tayo namamaluktot at maghihintay ng kamatayan? Kung papasok tayo ng lunsod, tiyak na mamatay tayo ng gutom doon. Kung mananatili naman tayo rito, mamamatay rin tayo. Mabuti pa’y pumunta tayo sa kampo ng mga taga-Siria. Kung hindi nila tayo patayin, mabuti. Kung patayin nila tayo, matatapos na ang ating paghihirap” (2 Hari 7:3-4). Kaya’t tumungo sila sa kampo ng mga taga-Siria.
Nang dumating sila, ang lahat ay parang patay sa katahimikan. Walang isa mang makikita. Kaya’t naghanap sila sa bawat tolda, ngunit wala na ang lahat. Ipinaliwanag ng Kasulatan: “Sapagkat sa kapangyarihan ni Yahweh, ang mga kawal ng Siria ay nakarinig ng ragasa ng maraming kabayo’t karwahe. Dahil dito, inakala nilang nakikipagkasundo ang hari ng Israel sa mga hari ng Heteo at Egipcio para digmain sila. Kaya’t lumikas sila ng magtatakip-silim. Iniwan nila ang kanilang kampo, pati mga kabayo, asno at lahat ng naroon at kanya-kanya silang takbo para iligtas ang kanilang buhay” (7:6-7).
Nang makita ng mga ketongin ito, nagtungo sila sa kabuuan ng kampo kumain at uminom at lumakad nga sila. Pagdating sa pagpasok ng lunsod, sinabi nila sa mga bantay, “Nagpunta kami sa kampo ng mga taga-Siria at isa mang bantay ay wala kaming dinatnan. Ang nakita lang namin ang mga kabayong nakatali, asno at mga tolda” (tingnan 7:10). Binaliktad ng Panginoon ang lahat. Kinuha niya ang mga sinamsam ng pakikidigma at ginamit ito para muling ibalik at palakasin ang kanyang mga tao, tustusan ang layunin sa sanlibutan.
Nakuha mo ba ang isinasalarawan dito? Nagsisimula na bang maunawaan mo ang dahilan ng iyong kasalukuyang pakikidigma? Yaong mga naglagay ng tiwala sa Panginoon ay pinangakuan ng tagumpay sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. Nais ng Diyos na malaman mo, “Oo, malalampasan mo ito na tagumpay. Ngunit gagawing kitang higit pa sa nagtagumpay. Gumagawa ako ng higit na dakilang layunin sa iyo para sa kaharian ko. Makakalabas ka sa pakikidigmang ito na may mga higit na maraming sinamsam na higit pa sa makakayanan mo.”