Kung ikaw ay isang mangangaral, misyonaryo o guro, isipin ang bagay na ito: Ano ang itinuturo mo? Ito ba’y isang itinuturo sa iyo ng isang tao? Ito ba’y ang pag-ulit ng pahayag ni HesuKristo? Kung mayroon ka, ito ba’y lumalago? Ang langit ba’y bukas sa iyo?
Sinabi ni Pablo, “Sapagkat hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao” (Gawa 17:28). Ang mga tunay na kalalakihan at kababaihan ng Diyos ay namumuhay dito sa maliit ngunit malawak na iniikutan. Ang bawat galaw nila, ang kanilang buong kapanatilihan, ay nakabalot lamang sa kawilihan ni Kristo. Maraming taon na ang nakalilipas, alam ko na ako ay dinadala ng Banal na Espiritu sa isang ministeryo, isang nagpapahayag kay Kristo lamang. O, gaano ko ninanais na mangaral ng walang iba kundi siya lamang! Ngunit ang puso ko ay hindi nakatuon, at natagpuan ko ang inikutan na labis na makipot. At ang kinalabasan, wala akong daluyan ng pagpapahayag para maipagpatuloy ang aking pangangaral.
Para maipangaral si Kristo, kailangan mayroon tayong patuloy na daluyan ng pagpapahayag mula sa Espiritu Santo. Kung hindi, mauuwi tayo sa paulit-ulit na lumang mensahe. Kung alam ng Espiritu Santo ang isipan ng Diyos at naghahanap ng malalim at nakatagong mga bagay ng Ama, at kung iigibin niya ang patuloy na dumadaloy na tubig sa kalooban natin, kung ganon ay dapat na tayo ay handa na mapuno ng dumadaloy na tubig na iyan. Kinakailangan tayong palagiang puno ng walang katapusang pahayag ni Kristo. Ang ganitong pahayag ay naghihintay sa bawat lingkod ng Panginoon na handang maghintay sa kanya, nananalig at nagtitiwala sa Espiritu Santo na maipakita sa kanya ang isipan ng Panginoon.
Sinabi ni Pablo na si Kristo ay ipinapahayag sa kanya, hindi lamang para sa kanya (tingnan Galacia 1:16). Sa mga mata ng Diyos hindi ito mabunga na maipangaral ang salita na hindi pa naganap sa buhay ng mangangaral at ministeryo. Maaring ayos lamang ito para sa pangkaraniwang mabababaw na maipangaral si Kristo na may tunggalian—ngunit hindi para sa kalalakihan o kababaihan ng Diyos. Kailangan nating maipangaral ang patuloy na lumalagong pahayag ni Kristo, gayunman na kung ang pahayag na ito magbibigay ng pagbabago sa atin.
Si Pablo man ay nagpahayag ng pansariling pagkabalisa: “Pinahihirapan ko ng aking katawan at sinusupil ang sarili, baka pagkarapos kong mangaral sa iba ay ako naman ang itakwil” (1Corinto 9:27). Si Pablo ay hindi kailanman nagduda sa kasiguruhan kay Kristo; wala ito sa kanyang isipan dito. Ang salitang Griyego na ginamit sa “itinakwil” ay nangangahulugan na “hindi pinayagan” o “hindi karapat-dapat.” Si Pablo ay natatakot sa isipin na nakatayo sa hukumang upuan ni Kristo na mahusgahan sa pangangaral sa isang Kristo na hindi niya talaga kilala o sa pagpapahayag ng Mabuting Balita na hindi niya mismo ipinamumuhay. Iyan ang dahilan kung bakit madalas niyang ipinapahayag ang “buhay na Kristo” o si “Kristo na namumuhay sa akin.”
Hindi tayo maaring magpatuloy ng kahit isang oras pa na tinatawag natin ang ating mga sarili na mga lingkod ng Diyos hanggang hindi natin kayang sagutin ng personal ang katanungang ito: Tunay ba na wala akong ibang ninanais kundi si Kristo lamang? Tunay ba na siya lamang ang lahat para sa akin, natatanging isang layunin sa aking buhay?
Ang sagot mo ba’y oo? Kung talagang sigurado ka, makakaya mong ituro ang isang dumi sa iyong buhay, yung isa na sinabi ni Pablo ng sinabi niya, “Oo…ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtam ko lamang si Kristo” (Filipos 3:8). Ibinilang mo ba ang lahat bilang kalugihan para sa pagkakakilala sa kanya? Kung wala kang nais kundi si Kristo, kung ganon ang iyong ministeryo ay hindi isang karera—ang ministeryo mo ay isang pananalangin! Hindi ka na kailangang hikayatin pa para hanapin siya; madalas kang magtutungo sa iyong lihim na silid, alam na sa sandaling pumasok ka ay nakaupo ka sa kanyang mesa. Sasambahin mo siya, nakaupo sa kanyang presensiya na hindi nagmamadali, iniibig siya, pinupuri siyang nakataas ang mga kamay, hinahanap siya at nagpapasalamat sa kanyang karunungan.