Huwebes, Disyembre 4, 2008

ANG MGA NASAMSAM SA ESPIRITUWAL NA PAKIKIDIGMA

Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma,naglalaan sila ng bahaging panustos sa pangangalaga ng bahay ni Yahweh” (1 Cronico 26:27). Ang talatang ito ay nakapagbukas sa atin ng malalim, na makapagpabagong-buhay na katotohanan. Nagpapahayag ito ng mga nasamsam na maaring mapagtagumpayan lamang sa pakikipaglaban. At sa sandaling mapagtagumpayan ang mga nasamsam na ito, ito ay inilalaan sa pagtataguyod ng tahanan ng Diyos.

Naniniwala ako na kapag hinawakan natin ang makapangyarihang katotohanang ito sa likod ng talatang ito, mauunawaan natin kung bakit pinapayagan ng Panginoon ang matinding espirituwal na pakikipaglaban sa buong buhay natin. Maraming Kristiyano ay iniisip na kapag sila ay ligtas na, ang kanilang paghihirap ay tapos na, na ang buhay ay maayos na tatakbo. Malayo ito sa katotohanan. Hindi lamang pinapayagan ng Diyos ang ating mga pakikipaglaban, ngunit mayroon siyang maluwalhating layunin sa ating mga buhay.

Ano ang “mga nasamsam sa pakikipagdigma”? Ang mga samsam ay mga dinambong, ninakaw, mga bagay na kinuha ng mga nagwagi sa pakikipaglaban. Unang binanggit sa Bibliya ang mga sinamsam sa Genesis 14, nang ang mga magkakapanalig na mga hari ay lumusob sa Sodoma at Gomorra. Ang mga lumusob ay binihag ang mga naninirahan doon at dinambong ang kanilang mga ari-arian: “Kaya’t sinamsam ng apat na hari ang lahat ng ari-ariang natagpuan sa Sodoma at Gomorra pati ang pagkain doon” (Genesis 14:11-12).

Nang malaman ni Abraham na ang kanyang pamangkin na si Lot ay nadakip, tinipon niya ang kanyang 318 na mga kawal na mga lingkod niya at tinugis ang kaaway na mga hari. Sinabi ng Kasulatan na nagapi niya ang mga lumusob at “sinalakay nila ang mga kaaway… Nabawi nilang lahat ang nasamsam na ari-arian at nailigtas si Lot at ang kanyang mga kasamahan” )14:15-16).

Isalarawan ang matagumapay na si Abraham dito. Pinangunahan niya ang mahabang prusisyon ng mga nagbubunying mga tao, at mga karo na punung-puno ng mga ibat-ibang gamit. At sa dinaanan, nakilala niya si Melquisedec, ang hari ng Salem. Sinabi ng Kasulatan sa atin na si Abraham ang nagbigay ng ikapu sa hari mula sa lahat ng kanyang nasamsam (tingnan 14:20). “Tignan ninyo kung gaano siya kadakila! Ipinagkaloob sa kanya ni Abraham ang ikapu ng nasamsam niya sa labanan. At si Abraham ay isang patriyarka” (Hebreo 7;4).
Narito ang prinsipyo na nais ng Diyos na ating panghawakan: Ang ating Panginoon ay may mas higit na kagustuhan kaysa ang gawin tayong nagwagi. Nais niya tayong bigyan ng sinamsam, mga gamit, yamang espirituwal mula sa ating pakikipaglaban. Kailangang lumabas tayo sa pakikipaglaban na may dalang karo na punung-puno na mga ari-arian. Ito ang tinutukoy ni Pablo nang sinabi niya na, Ang lahat ng ito ay kayang-kaya nating mapagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin” (Roma 8:37, aking italika).

Si David ay may mapitagang saloobin tungkol sa mga nasamsam mula sa pakikidigma. Nakita natin ito sa kanyang utos na kanyang itinalaga hanggang sa katapusan ng kanyang buhay. Itinalaga ni David ang kanyang anak na si Solomon na sumunod sa kanya sa trono g Israel. At ngayon ay ipinatawag niya ang mga pinuno ng mga bansa at pinagsama-sama para magtalaga ng banal na kautusan sa pangangalaga ng tahanan ng Diyos. Anong ari-arian ang gagamitin nila para sa banal na gawaing ito? “Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma, maglalaan sila ng bahagi ng panustos sa pangangalaga ng bahay ni Yahweh’ (1 Cronico 26:27).

Hayaan mong italaga ko ang eksena. Sa bawat tagumpay militar, kinukuha ni David ang mga sinamsam at inipon ito ng maramihan: ginto, pilak, tanso, kahoy, salapi na ang dami para mabilang. At mayroon siyang layunin sa isipan niya: na gamitin ang mga sinamsam na ito bilang panustos sa pagtatayo ng templo.

Nang nagpahayag ang Kasulatan sa pagtutustos ng templo, ang orihinal na Hebreo ay nangahulugan ng “kumpunihin ang bahay, patatagin at itaguyod kung ano ang naitatag.” Ang mga ari-ariang ito ay nakalaan para panustos sa orihinal na ningning ng templo.

Nasaan ang bahay ng Diyos ngayon? Ito ay binubuo ng kanyang mga tao—ikaw, ako, ang kanyang iglesya sa buong sanlibutan. Ayon kay Pablo, ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo. At, katulad ng lumang Israel, ang ating Panginoon ay patuloy na tinutustusan ang ang kanyang templo mula sa mga sinamsam na nakuha mula sa pakikidigma. Kaya’t iyan ang dahilan kung bakit ang ating mga pagsubok ay nangangahulugan ng higit pa sa ating pananatiling mabuhay.

Isipin ang tungkol dito: Sa maraming taon pagkatapos na maitatag ang templo, ito ay napangalagaan ng maayos mula sa mga nasamsam na nakuha sa mga lumipas na pakikidigma. Ang tahanan ng Diyos ay nanatiling mataginting at buhay, sapagkat ang mga tao niya nakalabas mula sa bawat kaguluhan hindi lamang nagwagi, kundi mayaman pa sa mga ari-arian. Natagpuan natin ang prinsipyo “ng panustos mula sa pakikidigma” mula sa Salita ng Diyos.