Biyernes, Nobyembre 20 2009

ANG MAHALAGANG BAGAY NA NAKABABAHALA ANG DIYOS

Sa gitna nitong pansalibutang “pagyanig ng lahat ng bagay,” ano ang mahalaang bagay na nakababahala sa Diyos sa lahat ng ito? Ito ba’y ang mga pangyayari sa Gitnang-Silangan? Hindi. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Ang paninging ng Diyos ay nakatuon sa kanyang mga anak: “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga” (Awit 33:18).


Batid ng Panginoon ang bawat galaw sa sanlibutan, ng lahat ng bagay na buhay. At gayunman ang kanyang pagtingin ay nangungunang nakatuon sa maayos na kalagayan ng kanyang mga anak. Nakapirmi ang kanyang mga mata sa mga kirot at pangangailangan ng bawat bahagi ng kanyang espirituwal na katawan. Sa madaling sabi, anuman ang nakasasakit sa atin ay nakababahala sa kanya.


At upang patunayan ito sa atin, sinabi ni Hesus, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). Maging sa gitna ng mga digmaang pandaigdig, ang pangunahing pansin ng Diyos ay hindi sa mga mang-aapi. Ang kanyang pansin ay nakatutok sa bawat kalagayan ng buhay ng kanyang mga anak.


Sinabi ni Hesus sa sumunod na kapitulo: “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (Mateo 10:29). Sa panahon ni Kristo, ang maya ay ang karne ng mahihirap at ipinagbibili ng dalawa isang pera. Gayunman, sinabi ni Hesus, “kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.”


Ang paggamit ni Hesus sa salitang “nahulog” sa kapitulong ito ay nagpapahayag ng higit pa sa kamatayan ng ibon. Ang pakahulugan nito sa Aramaic ay “magliwanag sa lupa.” Sa ibang salita, “nahulog” dito ay nagpapamalas ng bawat pagtalon na ginagawa ng ibon.


Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang paningin ng Ama ay nasa maya hindi lamang kapag ito ay namatay ngunit maging sa pagliwanag nito sa lupa. Habang natututunan ng maya ang paglipad, nahulog ito mula sa pugad at nagsisimulang tumalon-talon sa lupa. At nakikita ng Diyos ang bawat pagsusumikap nito. Siya ay nababahala sa bawat munting bahagi ng buhay nito.”


At idinagdag pa ni Hesus, “kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Sa katunayan, sinabi niya, “Maging ang buhok ninyo ay bilang na lahat” (10:30). Sa madaling sabi, Siya na lumikha at nagbilang ng lahat na bituin—siyang nakamatyag sa bawat kilos ng kaharian ng Roma, siya na nangangalaga sa pag-ikot ng galaksiya—ang pansin ay nakatuon sa iyo. At itinanong ni Hesus, “Hindi ba mas mahalaga ka sa kanya?”

Huwebes, Nobyembre 19 2009

KAHANGA-HANGANG KAPAYAPAAN!

Binigyan tayo ni Hesus ng higit pa sa isang dahilan kung bakit kailangan natin ang kanyang kapayapaan. Sinabi ni Kristo sa kanyang mga disipulo sa Juan 14:30, “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.” Ano ang kahulugan ng kanyang pahayag? Kasasabi lang niya sa labindalawa, “Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo” (14:30). Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: “Dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito.”


Alam ni Hesus na si Satanas ay kumikilos ng mga oras iyon. Si Hudas ay nahikayat na ng diyablo na ipagkanulo siya. At alam ni Kristo na ang mga relihiyosong namumuno sa Herusalem ay nabigyan na ng kapangyarihan ng mga mapangyarihan sa impiyerno. At batid niya rin na ang mga taong-bayan na may mala-diyablong sigla ay padating na upang siya ay dakpin bilang isang bihag. At iyon ang kalagayan ng sinabi ni Hesus sa mga disipulo, “Si Satanas, isang buhong, ay padating na. kaya’t hindi na ako makikipag-usap sa inyo.”


Alam ni Hesus na kailangan niya ng panahon kasama ng Ama upang mapaghandaan ang padating na hidwaan. Siya ay malapit nang ibigay sa kamay ng mga buhong, katulad ng kanyang sinabi. At alam niya na ginagawa lahat ni Satanas upang yanigin ang kanyang kapayapaan. Ang diyablo ay ginugulo at tinatangka na mawalan siya ng pag-asa, lahat upang durugin ang pananalig ni Kristo sa Ama—lahat upang maiiwas siya sa Krus.


Maaring ikaw ay ligalig, iniisip, “Tapos na ang lahat, hindi ko na kakayanin.” Ngunit sinabi ni Hesus “Alam ko ang pinagdadaanan mo. Lumapit at inumin ang aking kapayapaan.”


Sa mga sandaling ito maaring dumaranas ka ng matinding kagipitan na hindi mo pa nararanasan. Maaring ang buhay mo ay wala sa ayos at ang mga bagay ay mukhang wala nang pag-asa. Mukhang wala ka nang patutunguhan at bawat lugar na iyong puntahan ay lalong lumalala ang iyong kagipitan, kaguluhan at kapaguran.


Hindi mahalaga ang iyong pinagdadaanan. Ang buhay mo ay maaring animo ay dinaanan ng bagyo. Maaring matagalan mo ang mga pagsubok na naging dahilan upang tingnan ka ng iba bilang makabagong Job. Ngunit sa gitna ng iyong mga kagipitan, kapag tinawag mo ang Banal na Espiritu na binyagan ka sa kapayapaan ni Kristo, gagawin niya ito.


Ituturo ka ng mga tao at sasabihing, “Ang mundo ng taong iyon ay lubos na nadurog. Gayunman siya ay ganap na nagtitiwala sa Salita ng Diyos. Mabuhay o mamatay. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nakakayanan ito? Dapat ay matagal na siyang sumuko. Gayunman siya ay hindi sumusuko. At sa gitna ng lahat ng ito, hindi niya isinubo ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Isang kahanga-hangang kapayapaan! Ito’y higit pa sa pang-unawa ninuman.”

Miyerkules, Nobyembre 18 2009

ANG MAKAPAL NA MGA SAKSI

Ang Hebreo 12:1 ay nagsabi sa atin na ang sanlibutan at napapaliligiran ng makapal na saksi na kasama ni Kristo sa kaluwalhatian. Ano ang masasabi ng pulutong ng mga makalangit na mga saksi sa kasalukuyang panahon? Tayo ay nabubuhay sa salinlahi na mas masahol pa sa panahon ni Noe. Ano ang masasabi ng mga saksing ito sa lahi ng tao na ang mga kasalanan ay humigit pa kaysa sa panahon ng Sodoma?


Ang ating panahon ay isang may dakilang kasaganaan. Ang ating ekonomiya ay pinagpala, gayunman ang ating lipunan ay naging labis na may maruming budhi, marahas, at laban sa Diyos na maging ang mga sekularista ay tumaghoy kung gaano tayo nalubog. Ang mga Kristiyano kahit saan ay nagtataka bakit ang Diyos ay nagpaliban sa kanyang paghuhusga sa labis na makasalanang lipunan.


Tayo na umiibig kay Kristo ay maaring hindi nakakaunawa kung bakit ang masahol na kadimonyohan ay hinahayaang magpatuloy. Ngunit ang makapal na makalangit na mga saksi ay nakakaunawa. Hindi nila tinatanong ang kahabagan at pagtitiis na ipinakita ng Diyos.


Ang apostol na Pablo ay kabilang sa mga makapal na mga saksi, at dala niya ang patotoo sa walang-katapusang pag-ibig ng Diyos maging sa mga “pinakapinuno ng mga makasalanan.” Ang buhay ni Pablo at mga isinulat niya ay nagsabi sa atin na nilait niya ang pangalan ni Kristo. Siya ay isang maninindak, tinutugis ang mga tao ng Diyos at kinakaladkad papunta sa piitan o pinapatay. Sinasabi ni Pablo sa atin na ang Diyos ay matiisin sa kasalukuyang salinlahi sapagkat marami na katulad niya dati, mga tao na nagkasala sa kamangmangan.


Ang apostol na Pedro ay isa rin sa mga makapal na mga saksi, at siya man ay nakakaunawa kung bakit ang Diyos ay matiisin. Ang buhay ni Pedro at mga isinulat niya ay nagpapaalala sa atin na nilait niya si Hesus, sumumpa ni hindi niya siya kilala. Pinipigilan ng Diyos ang kanyang paghuhusga sapagkat ang marami na hanggang ngayon ay nanglalait at itinatanggi siya, katulad nang ginawa ni Pedro. Hindi sila isusuko ng Panginoon, katulad ng hindi niya pagsuko kay Pedro. Marami ang katulad nila na kung sino ay patuloy na ipinapanalangin ni Kristo.


Habang isinasa-alang-alang ko ang makapal na mga saksing ito, nakita ko ang mga mukha ng dating lulong sa bawal na droga at mga maglalasing, mga dating patutot at mga omoseksuwal, mga dating kriminal at nagbebenta ng bawal na droga, mga dating mamamatay-tao at nambubugbog ng asawa, mga dating impiyel at mga lulong sa pornograpiya—mga marami na iwinaksi na ng lipunan. Lahat sila ay nagsisi at namatay sa kamay ni Hesus, at ngayon sila ay mga saksi sa kahabagan at pagkamatiisin ng mapagmahal na Ama.


Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay magsasabi, sa isang nagkaka-isang pagsaksi, na sila ay hindi hinusgahan ni Hesus bago nila natanggap ang kanyang kahabagan. Iniibig pa rin ng Diyos itong nahahaling, may maruming-budhing sanlibutan. Nawa’y tulungan niya tayo na ibigin ang mga naliligaw katulad niya. At manalangin na nawa’y magkaroon ng pag-ibig at pagkamatiisin na ipinapakita niya sa sanlibutan ngayon.

Martes, Nobyembre 17 2009

KAPAG BUMUHOS ANG BANAL NA ESPIRITU

Ang propetang si Isaias ay nagpahayag ng mangyayari kapag ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa mga tao. Hinulaan ni Isaias, “Ngunit minsan pang ibubuhos sa atin ang Espiritu. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupa at ang bukirin ay pag-aanihan nang sagana” (Isaias 32:15).


Sinasabi ni Isaias, “Kapag ibinuhos ang Banal na Espiritu, ang minsang tuyot na ilang ay mgiging masaganang bukirin. Ang tagpi-tagping patay na lupa kaginsa-ginsay mag-uumapaw sa bunga. At ito ay hindi minsanang pag-aani lamang. Ang bukirin ng prutas ay tutubo sa kagubatan. At makakakuha ka ng pinutol na sanga mula sa kagubatang ito taon-taon, at magbuo ng pamumunga tuluy-tuloy.”


Idinagdag ni Isaias, “Ang katuwiran at katarunga’y maghahari sa lupain” (32:16). Ayon sa propeta, ang Banal na Espiritu ay nagdala rin ng pahayag ng paghuhusga laban sa kasalanan. At ang mensaheng iyan ay magbubunga ng katuwiran sa mga tao.


Si Isaias ay hindi nagsasabi ng minsanang pagbuhos ng Espiritu, na iniisip ng ibang tao na “pagmumuling-buhay.” Inilalarawan ni Isaias ang isang bagay na nananatili. Ang pag-aaral ng mga Kristiyanong sosyolohiyo ay nagpapakita na ang maraming kapanahunang pagmumuling-buhay ay tumatagal lamang ng limang taon, at iniiwan sa kanilang daanan ang labis na pagkalito at paghihidwaan. Alam ko ang ilang mga iglesya na kung saan ay nangyari ang pagmumuling-buhay, ngunit ngayon, sa loob ilang taon lamang, wala nang bakas ng Espiritu ang natitira. Ang mga iglesyang iyon ay mga patay na, tuyo, walang-laman. Bahay na naglalaman ng isang libo ay mga hungkag na puntod na ngayon, na may limampung dumadalo na lamang.


Ipinapagtuloy ni Isaias: “Pagkat pawang katuwiran ang gagawin ng bawat isa kaya iiral ang katahimikan at kapanatagan magpakailanman. Ang bayan ng Diyos ay malayo sa kabalisahan at namumuhay ng tiwasay” (Isaias 32:17-18).


Ang kapayapaan ay darating sapagkat ang katuwiran ay umiiral. Ang Banal na Espiritu ay abala sa pagwawalis ng lahat ng kaguluhan at kaparusahan. Ang sumunod ay kapayapaan ng isip, kapayapaan sa tahanan, at kapayapaan sa tahanan ng Diyos. At kapag ang mga tao ng Diyos ay may kapayapaan ni Kristo, hindi sila basta nagagalaw mula dito: “Ngunit sa kagubatan ay uulan ng yelo at ang lunsod ay mawawasak. Magiging maligaya ang lahat dahil sa saganang tubig para sa pananim at malawak na pastulan ng mga kawan” (32:19_20).


Ang hula ni Isaias tungkol sa Banal na Espiritu ay nakaturo sa Israel sa panahon ng paghahari ni Uzziah. Gayunman ito ay nagpapatungkol din sa mga tao ng Diyos ngayon. Ito ay alam na dalawahang hula. Ang katunayan ay, ang bawat salinlahi ay nangangailangan ng pagbuhos ng Banal na Espiritu. At naniniwala ako na ang iglesya ngayon ay hindi pa nakakita ng anumang bagay na maaring ihambing sa mga nagampanan na nang Banal na Espiritu.

Lunes, Nobyembre 16 2009

ANG KAWALAN NG PAGTITIWALA AT PAG-AALALA

“Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6: 31-32).


Sinasabi ni Hesus na ang pag-aalala—tungkol sa kinabukaan ng ating mag-anak, tungkol sa trabaho, tungkol sa kung paano tayo mananatiling buhay—ay ang uri ng pamumuhay ng mga hindi naniniwala sa Diyos. Si Hesus ay nagsasalita dito tungkol sa mga tao na walang Amang nasa langit. Wala silang alam sa Diyos katulad ng kung paano niya nais na siya ay makilala, bilang isang mapagkalinga, mapagbigay, mapagmahal na Ama sa langit.


Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas” (6:34). Sa mga simpleng salitang ito, si Hesus ay nag-utos sa atin, “Huwag alalahanin ang, huwag mag-alala, tungkol sa maaring mangyari kinabukasan. Hindi mo maaring baguhin ang anumang bagay. At hindi ka makakatulong sa pamamagitan ng pag-aalala. Kapag ginawa mo ito, ginagawa mo ito ng parang mga hindi naniniwala sa Diyos” pagkatapos ay sinabi ni Hesus, “Ngunit pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo” (6:33). Sa ibang salita, magpatuloy ka sa pag-ibig kay Hesus. Magpatuloy ka pasulong, ibigay ang lahat ng iyong alalahanin sa kanya. Magpatuloy ka sa kapahingahan sa kanyang katapatan. Ang iyong Amang nasa langit ay titiyakin na tutustusan ka sa lahat ng mahahalaga sa buhay.


Iniisip ko kung ang mga anghel ay nalilito tungkol sa lahat ng mga pag-aalala at pagkabagabag ng mga umaangkin na nagtitiwala sa Diyos. Para sa kanila ito ay maaring pagiging hamak, lubhang nakaiinsulto sa Panginoon, na tayo ay nag-aalala na para bang wala tayong mapagkalingang Ama sa langit. Anong mga nakakalitong katanungan ang maaring tinatanong nila sa kanilang mga sarili: “Wala ba silang Ama na nasa langit? Hindi ba sila naniniwala na iniibig niya sila? Hindi ba niya sinabi na alam niya ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi ba nila pinaniniwalaan na siyang nagpapakain sa mga ibon at buong kaharian ng mga hayop ay pakakainin at daramitan sila? Paano pa nila nagagawang mainip at mag-alala kung alam nilang na kanya ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng kayamanan, at kayang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng nilikha? Pagbibintangan ba nila ang Amang nasa langit ng pagpapabaya, na para bang hindi siya tapat sa kanyang salita?”


Mayroon kang Ama sa langit. Magtiwala ka sa kanya!

Biyernes, Nobyembre 13 2009

ANG MINISTERYO NG KASARIWAAN

Sa Gawa 27, si Pablo ay nasa isang sasakyang-pandagat na patungong Roma nang ang sasakyang-pandagat ay huminto sa Sidon. Si Pablo ay humingi ng pahintulot sa namumunong senturyon upang dumalaw sa ilang mga kaibigan sa lunsod, at “ Si Julio’y nagmagandang-loob kay Pablo; pinahintulutan siyang makadalaw sa kanyang mga kaibigan upang matulungan ng mga ito” (Gawa 27:3). Narito gayunman ang isang pagkakataon na ang Diyos ay gumamit ng mananampalataya upang aliwin ang ibang mananampalataya.


Nakita din natin ito sa 2 Timoteo, na kung saan sumulat nang tungkol sa isang mananampalataya: “Pagpalain nawa ng Diyos ang sambahayan ni Onesiforo; maraming pagkakataon ako’y kanyang inaliw. Hindi niya ako ikinahiya, kahit ako’y isang bilanggo. Katunayan, pagdating niya sa Roma, pilit niya akong hinahanap hanggang sa ako’y kanyang matagpuan…Alam na alam mo kung paano niya ako pinaglingkuran sa Efeso” (2 Timoteo 1:16-18).


Si Onesiforo ay isa sa mga espirituwal niyang anak at malalim ang pag-ibig kay Pablo at puspusan na kanyang hinanap sa kanyang pagdurusa. Minsan, nang makulong si Pablo, si Onesiforo ay naghanap sa buong lunsod hanggang sa makita siya. Ang kanyang motibasyon ay, “Ang aking kapatiran ay nagdurusa. Nagdusa siya sa sindak na dulot ng pagkabagbag sa barko, at ngayon siya ay pinagsasampal ni Satanas. Kailangang aliwin ko siya.


Ang minsteryo ng kasariwaan ay malinaw na isinasama ang lahat ng mga nasa kagipitan. Marami tayong naririnig na pag-uusap tungkol sa kapangyarihan sa iglesya sa mga panahong ito: kapangyarihan makapagpagaling ng may sakit, kapangyarihan na maakit ang mga nawawala, kapangyarihan upang mapangibabawan ang kasalanan. Ngunit sinasabi ko na mayroong makapangyarihang magpagaling na dumadaloy sa isang inaliw at nanariwang tao. Pagkalumbay, ang pagdurusa ng isipan o naguguluhang espiritu ay maaring magdulot ng lahat ng uri ng sakit, ngunit ang espiritung sariwa at nahikayat—isa na nakadama ng pagtanggap, pag-ibig at pangangailangan sa kanya—ay ang nakapagpapagaling na pamahid na higit na kinakailangan.


Nakita din natin ang ministeryo ng kasariwaan sa Lumang Tipan. Nang si David ay tinutugis ni Haring Saul, siya ay lubos na pagod at nanakit ang katawan, pilit na tumatakbo araw at gabi. Sa mga panahong iyon, ang pakiramdam niya ay siya ay iwinaksi ng mga pinuno ng Diyos. Pagkatapos, sa isang malubhang sandali, ang kaibigan niyang si Jonatan ay pumunta s kanya: “Pinuntahan siya ni Jonatan at pinalakas ang kanyang loob sa pangalan ni Yahweh. Sinabi nito, ‘David, huwag kang matakot at hindi ka mapapatay ng aking ama. Ikaw ang magiging hari ng Israel, magiging pangalawa mo naman ako; alam na ito ng aking ama” (1 Samuel 23: 16-17).


Iyon lamang ang kailangan ni David na marinig at madalian ang kanyang espiritu ay nanariwa at nagpatuloy. Nakikita natin ang ganitong halimbawa sa maraming pagkakataon sa Kasulatan: Ang Diyos ay hindi nagpapadala ng anghel o ng bisyon, ngunit ng isang kapwa mananampalataya para aliwin ang kanyang mga minamahal.

Huwebes, Nobyembre 12 2009

KAALIWAN AT KASARIWAAN

Paano nagdala ng kaaliwan ang Banal na Espiritu kay Pablo sa panahon ng kanyang kawalan ng pag-asa? Ang mismong apostol ang nagsabi sa atin: “Ngunit ang mga nahahapis ay hindi pinababayaan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito” (2 Corinto 7:6). Si Tito ay dumating sa Macedonia na may sariwang espiritu, at kaginsa-ginsay ang puso ni Pablo ay itinaas. Habang ang dalawang lalaki ay nakipag-isa, ang kagalakan ay dumadaloy sa buong katawan ni Pablo, isipan at espiritu, at isinulat ng apostol, “Sa kabila ng lahat ng aming mga tiisin, ang nadarama ko’y kaaliwan; nag-uumapaw ang kagalakan sa puso ko” (7:4). Ipinapahayag ni Pablo, “patuloy akong humaharap sa mga suliranin, ngunit binigyan ako ng Panginoon ng aking kailangan sa aking pakikipaglaban. Ako ay kanyang inaliw sa pamamagitan ni Tito.”


Sa buong panahon ng aking ministeryo nakita ko ang mga lalaki at babae ng Diyos na dumating sa hangganan ng kanilang kakayanan, nawalan ng pag-asa at lubos na nalilito. Ako ay napighati sa kalagayan ng aking mga kapatirang ito sa kanilang kagipitan, nagtatanong sa Panginoon, “Ama, paano makaaahon ang mga lingkod mong ito sa balon ng pagdurusa? Nasaan ang kapangyarihan na makapagliligtas sa kanila? Ano ang maari kong sabihin o gawin upang makatulong sa kanila?”


Naniniwala ako na ang kasagutan ay nandito mismo, sa patotoo ni Pablo. Narito ang isang lalaki na lubos na napapagal na halos hindi na siya ito. Si Pablo ay nasa pinakamadilim na bahagi ng kanyang ministeryo, na walang ng pag-asa katulad ng dati pa. Gayunman sa loob ilang oras lamang, siya ay lubusang nakawala sa madilim na balong iyon at nagbubunyi sa kagalakan at kasiyahan. Muli pa, ang minamahal na apostol ay nakadama ng pag-ibig at pangangailangan sa kanya.


Paano nangyari ito? Una, tingnan natin kung ano ang nangyari sa Corinto. Nang dumating si Tito doon upang makipagkita sa mga pinuno ng iglesya, nakatanggap siya ng sariling maluwalhating kaaliwan. Isang pagkapukaw ang nangyayari sa iglesya sapagkat pinansin nila ang mga utos ni Pablo, at ngayon sila ay lubos na pinagpapala ng Diyos


Si Tito ay bumalik sa Macedonia na may nakahihikayat na balita: “Pablo, ang mga kapatiran ng Corinto ay ipinadala ang kanilang pag-ibig! Naalis nila ang kasalanan na nasa kanilang kalagitnaan at hinarap ang mga huwad na propeta. Hindi na nila kinapopootan ang iyong mga pagdurusa ngunit sa halip ay nalulugod sa iyong patotoo.”


Ang nakaaliw na salitang ito na dala ng isang minamahal na kapatid sa Panginoon ay, madaliang nagpaahon kay Pablo mula sa kanyang balon: “Ngunit ang mga nahahapis ay hindi pinababayan ng Diyos; inaliw niya ako sa pagdating ni Tito” (2 Corinto 7:6). Nakita mo ba ang halimbawa dito? Gumagamit ng tao ang Diyos upang aliwin ang tao. Hindi siya nagpadala ng anghel upang aliwin si Pablo. Ang kaaliwan na natanggap ng lalaking ito ay nanggaling sa kasariwaan ng espiritu ni Tito, na siyang nakapagpaaliw kay Pablo.

Miyerkules, Nobyembre 11 2009

ANG LABIS NA PANGANIB NG KAWALAN NG PANANALIG

“At sino ang tinutukoy niya nang kanyang isumpa: “Hinding-hindi sila makapapasok at akapamamahinga sa piling ko?” Hindi ba ang mga suwail? Kaya’t alam nating hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan nila ng pananalig sa Diyos…Mga kapatid, ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay” (Hebreo 3: 18-19, 12).


Nagbabala ang Hebreo sa iglesya ng Bagong Tipan: “Bigyang pansin ang halimbawa ng Israel. Kung hindi mo gagawin, maaring mahulog ka katulad nila. Bababa ka sa maladimonyong kawalan ng pananalig. AT babaligtarin nito ang iyong buhay sa isang mahaba, patuloy na ilang.”


Isa-alang-alang kung ano ang nangyari sa mga walang paniniwalang salinlahi na bumalik sa ilang. Sinabi ng Diyos sa kanila na nakaturo, mula sa mga pinuno hanggang sa mga mahistrado at sa mga Levites hanggang pababa, na ang kanyang kamay ay magiging laban sa kanila. Mula noon, ang lahat lamang ng malalaman nila ay kasawian at kapayatan ng espiritu. Hindi nila makikita ang kaluwalhatian. Sa halip, sila ay matutuon sa kanilang mga suliranin at nilalamon ng kanilang mga kahalayan.


Iyan mismo ang nangyari sa walang pananalig na mga tao. Sila ay nauwi na nilamon ng kanilang sariling kabutihan. Wala silang pangarap, walang kamalayan sa presensiya ng Diyos, at walang buhay-pananalangin. Wala na silang paki-alam sa kanilang mga kapitbahay, o naligaw na sanlibutan, at maaring pati na sa kanilang mga kaibigan. Sa halip, ang buong pagtuon ng kanilang buhay ay sa kanilang mga suliranin, sa kanilang mga kaguluhan, sa kanilang mga karamdaman. Sila ay dumadanas ng sunud-sunod na kagipitan, nasara na sa kanilang mga pighati at pagdurusa. At ang kanilang mga buhay ay puno ng kalituhan, alitan, inggit at pagkakahati-hati.


Sa kawalan ng pananalig, di-maaari na malugod mo ang Diyos. Pagkatapos na gawing pader ng Diyos ang tubig ng Pulang-Dagat at hayaang makadaan ng ligtas ang mga Israelitas, nagsayawan sila at nagbunyi. At pagkatapos lamang ng tatlong-araw. Ang mga mismong mga Israelitas na ito ay nagrereklamo laban sa Diyos, bumubulung-bulong at naghihimutok, tinatanong ang mismong presensiya ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.


Sa loob ng tatlumput-walong taon, si Moses ay nagmamasid habang, isa-isa, ang bawat Israelita na walang-pananalig na salinlahi ay nangamatay. Habang muli niyang tinanaw pabalik ang mga iyon na inaksaya ang kanilang mga buhay sa ilang, nakita niya na ang lahat ng babala ng Diyos ay nangyari. “Ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila, silang lahat ay nilipol niya” (tingnan Deuteronomo 2). Ipinagpaliban ng Diyos ang kanyang walang-hanggang layunin para sa Israel sa mga taong iyon.


Katulad ngayon, ang ibang mga Kristiyano ay nasisiyahan na basta mabuhay na lamang hanggang sa sila ay mamatay. Ayaw nilang isapalaran kahit ano, na manalig sa Diyos, na lumago o gumulang. Ayaw nilang tanggapin ang kanyang Salita, at naging matigas sa kanilang kawalan ng pananalig. Ngayon sila ay nabubuhay lamang para mamatay.

Martes, Nobyembre 10 2009

ITINUON NG DIYOS ANG PUSO NIYA SA IYO!

Ano ang masasabi ng pulutong ng mga saksi mula sa Hebreo 12:1 para sa iyo at sa akin? Ano ang sinasabi ng Kasulatan sa atin na ang kanilang mensahe sa mga kapwa nangibabaw sa katawan ni Kristo? Ito lamang, “Ang mata ng Panginoo’y nakatuon sa matuwid, panalangin nila’y malugod na agad dinirinig” (1 Peter 3:12).


Hindi ako naniniwala na ang napakaraming mga makalangit na saksi ay magsasalita sa atin tungkol sa mga magulong teolohiya o mga paniniwala. Naniniwala ako na magsasalita sila sa kaalwanan ng katotohanan:


· Ang may akda ng Hebreo ay sumaksi sa atin na dapat nating ituon ang tingin kay Hesus, ang may akda at tumapos ng ating pananalig. Dapat nating ipagpatuloy ang pangangaral ng tagumpay sa krus, nakayanan ang mga bintang ng mga makasalanan laban sa atin at iwaksi ang ating mga batbat na kasalanan, tumakbo ng may tiyaga sa karera na itinakda para sa atin (tingnan ang Hebreo 12:1-2).


· Sumaksi si Haring David sa atin na maari nating pagtiwalaan ang kapatawaran ng Panginoon sa atin, at hindi niya aalisin ang Banal na Espiritu sa atin. Si David ay nakapatay at isang mangangalunya at isang sinungaling. Ngunit siya ay nagsisi at ang Ama ay di siya pinayagan na mawala sapagkat itinuon niya ang ang kanyang puso kay David.


· Sumaksi si Pedro sa atin na siya ay nagkasala laban sa pinakamagaan na maaring makamit ng tao. Ang disipulong ito ay naglakad sa presensiya ni Hesus; nahipo niya ang Panginoon at tinanggap niya ang tawag mismo ni Kristo. Ang taong ito ay maaring namuhay sa pagkakasala at sa sumpa, ngunit itinuon ng Diyos ang puso niya sa kanya.


· Sinabi ni Pablo sa atin na huwag katakutan ang ating mga paghihirap. Si Hesus ay nagdusa sa araw-araw ng kanyang ministeryo, at siya ay namatay sa pagdurusa. Ang nang tinawag ni Kristo si Pablo na mangaral ng ebanghelyo, ipinakita niya kung gaano kadami ang mga paghihirap na naghihintay sa kanya.


Sa lahat ng mga taon ng kanyang ministeryo, ang katunayan ay nagdusa si Pablo. Gayunman ang pagdurusa ay nagpatunay na ang Diyos ay itinuon ang kanyang puso sa iyo. “Para hindi manlupaypay ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig,. Alam naman ninyong ang mga pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos” (1 Tesalonica 3:3).


Nakita rin natin ang mga saksi ni Job: “Sino ang tao, upang dakilain mo siya? At dapat na ituon mo ang puso mo sa kanya? At dapat mong dalawin siya tuwing umaga, at subukin siya sa bawat sandali?” (Job 17-18,ang aking italika).


Kapag itinuon ng Diyos ang puso niya sa iyo, ikaw ay madalas na susubukin. Ngunit ang katotohanan ay, habang tumatagal at bumibigat ang iyong pagdurusa, ay lalong mas malalim ang pagtuon ng puso ng Diyos sa iyo, upang ipakita niya sa iyo ang kanyang pag-ibig at pagkalinga. Iyan ang saksi ng buhay ni Pablo at ng buhay ni Hesus. Maaring dumating ang kalaban laban sa iyo, ngunit ang Diyos ay nagtayo ng pamantayan laban sa kanya. Nakita natin ang lubusang kapahingahan kay hesus.

Lunes, Nobyembre 09 2009

ANG KAHULI-HULIHANG PAGSUBOK SA PANANALIG

May dumarating na pagkakataon sa mga mananampalataya—maging sa iglesya—na kung saan ay inilalagay tayo ng Diyos sa kahuli-hulihang pagsubok ng ating pananalig. Ito ay katulad na pagsubok na kinaharap ng Israel sa ilang na bahagi ng Jordan. Ano ang pagsubok?


Ito ay ang tumingin sa mga nakaambang panganib na darating—ang mga higanteng usapin na kinakaharap natin, ang matataas na pader ng kagipitan, ang mga may kapangyarihan na nais na durugin tayo—at ang ipukol ang ating mga sarili ng lubusan sa mga pangako ng Diyos. Ang pagsubok ay ang ipagtiwala natin ang ating mga sarili sa habang-buhay na pagtitiwala at pananalig sa kanyang Salita. Ito ay ang pangako ng pagtitiwala na ang Diyos ay higit na mas malaki kaysa sa lahat ng ating mga suliranin at mga kaaway.


Ang ating Amang nasa langit ay hindi naghahanap ng pananalig na humaharap sa suliranin ng paisa-isa sa bawat pagkakataon. Ang hinahanap niya ay ang pang habang-buhay na pananalig, isang pang habang-buhay na panagako ng pagtitiwala na manalig sa kanya para sa mga imposible. Ang uri ng ganyang pananalig ay nagdadala ng pagkamahinahon at kapahingahan sa ating espiritu, kahit na ano pa ang ating kalagayan. At mayroon tayong pagkamahinahon sapagkat naipagkasundo na natin ng tuluyan na, “Ang Diyos ko ay mas malaki. Kaya niya akong iligtas sa lahat at anumang kagipitan.”


Ang ating Panginoon ay mapagmahal at matiisin, ngunit hindi hahayaan ang kanyang mga tao na mamuhay sa kawalan ng pananalig. Maaring ikaw ay sinubok ng paulit-ulit sa maraming pagkakataon at ngayon ay dumating na ang panahon para sa iyo upang ikaw ay magpasiya. Nais ng Diyos ang pananalig na kayang mapagkatatag sa kahuli-hulihang pagsubok, isang pananalig na hindi papayagan ang anuman para mayugyog ka sa pagtitiwala at pananalig sa kanyang katapatan.


Masyadong maraming teolohiya na pumapalibot sa paksa ng pananalig. Sa payak na palagay, hindi natin masalamangka ito. Hindi natin kayang likhain ito sa pauli-ulit na, “Ako’y nananalig, tunay na ako’y nananalig…” Wala, ang pananalig ay isang pangako na ating ginawa upang sumunod sa Diyos. Ang pagsunod ay sumasalamin sa pananalig.


Habang humaharap ang Israel sa Jerico, ang mga tao ay pinagsabihan na huwag magsalita ng kahit ano, kundi ang patuloy na lumakad. Ang mga matapat na mananampalatayang ito ay hindi bumulong sa kanilang sarili, “Tulungan mo akong manalig, Panginoon. Nais ko talagang manalig.” Hindi, sila ay nakatuon sa isang bagay na siyang hiniling ng Diyos sa kanila: na sundin ang kanyang Salita at magpatuloy pasulong.


Iyan ang pananalig. Iyan ay ang ipagkasundo ang iyong puso na sumunod sa lahat ng nakasulat sa Salita ng Diyos, na hindi nagtatanong o parang ginagawa ito na magaan lamang. At alam natin na kapag ang ating puso ay tunay na hangad na sumunod, sisiguruhin ng Diyos na ang kanyang Salita ay malinaw sa atin, walang pagkalito. Higit pa doon, kapag inutusan niya tayo na gawin ang isang bagay, bibigyan niya tayo ng kapangyarihan at lakas para sumunod: “Pati ang mahihina ay makipaglaban” (Joel 3:10). “Sa wakas, magpakatibay kayo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa Panginoon at sa tulong ng dakilang kapangyarihan niya” (Efeso 6:10).

Biyernes, Nobyembre 06 2009

LANGIT

“Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo” (1 Corinto 15:57). Maraming mananampalataya ang bumabanggit sa bersikulong ito araw-araw, ginagamit sa kanilang mga pagsubok at mga pagtitiis. Gayunman ang kahulugan na kung saan winiwika ito ni Pablo ay nagpapahiwatig ng mas malalim na kahulugan. Sa pinagdaanang dalawang bersikulo, ipinahayag ni Pablo, “Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay! Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” (15:54-55).


Si Pablo ay mabisang nagsasalita tungkol sa kanyang pagkasabik sa langit, “Talos natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang-lupa, tayo’y may tahanan sa langit, hindi nasisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, hindi ng tao. Dumaraing nga tayo sa tirahan nating ito at labis nating pinanabikan ang tahanang panglangit” (2 Corinto 5: 1-2, aking italika).


At idinagdag ng apostol, “Malakas nga ang loob kong iwan ang katawang ito na aking tinatahanan upang mahirahan sa piling ng Panginoon” (5:8).


Ayon kay Pablo, langit—ang maging nasa presensiya ng Panginoon ng walang-hanggan—ay isang bagay na dapat nating hangarin ng buong puso.


Habang iniisip ko ang mga bagay na ito, isang maluwalhating larawan ang nagsimulang lumitaw. Una, Naisip ko ang paglalarawan ni Hesus ng malaking pagtitipon, nang ang mga anghel “susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na panig ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang, mula sa lahat ng dako” (Mateo 24:31). Kapag ang lahat ng mga hinirang na ito ay napagsama-sama, nakita ko ang isang larawan ng isang dakilang paglalakad na nagaganap sa langit ng may milyun-milyong maluluwalhating mga bata na umaawit ng hosana sa Panginoon, na katulad ng ginawa minsan ng mga bata sa templo.


At pagkatapos ay magsisidatingan ang mga martir. Yaong mga minsang dumadaing ng katarungan sa sanlibutan ay tumatangis ngayon ng, “Banal, banal, banal!” Ang lahat ay magsasayawan ng may kagalakan, tumatangis, “tagumpay, tagumpay kay Hesus!”


Pagkatapos ay may napakalakas na sigaw ang darating, tunog na hindi pa narinig kailanman. Ito ang iglesiya ni Hesu-Kristo na kasama ang mga hinihirang mula sa lahat ng bansa at mga lipi.


Maaring ang lahat na ito ay hindi kapani-paniwala sa iyong pandinig, ngunit si Pablo mismo ang sumaksi tungkol dito. Nang ang matapat na apostol ay nakarating ng langit, “nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman” (Corinto 12:4). Sinabi ni Pablo na siya ay sumuray sa kanyang narinig doon. Naniniwala ako na ito mismo ang tunog na narinig niya. Binigyan siya ng halimbawa ng mga awitan at papuri sa Diyos ng mga nalulugod sa kanyang presensiya, ang kanilang mga katawan ay muling ginawang buo, ang kanilang espiritu ay pinuno ng kagalakan at kapayapaan. Isa itong tunog na lubos na maluwalhati na naririnig ni Pablo ngunit hindi niya ito maulit.

Huwebes, Nobyembre 05 2009

ANG KAPAYAPAAN NI KRISTO

Alam ni Hesus na kailangan ng mga disipulo ang kapayapaan na magdadala sa kanila sa lahat kalagayan. Sinabi niya sa kanyang mga disipulo, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo” Ito’y isang di-kapani-paniwalang pangako: Ang kapayapaan ni Kristo ang kanilang magiging kapayapaan.


Ang labindalawang mga lalaking ito ay namangha sa kapayapaan na nasaksihan nila kay Hesus sa mga nakalipas na tatlong taon. Ang kanilang Panginoon ay hindi kailanman natakot. Siya ay palaging mahinahon, hindi kailanman naguluhan kahit na sa anong kalagayan.


Alam natin na si Kristo ay may kakayahang magalit na espirituwal. May panahong siya ay pinukaw, at alam niya ang tumangis. Ngunit dinala niya ang buhay niya sa sanlibutan bilang isang lalaki ng kapayapaan. Mayroon siyang kapayapaan kasama ang Ama, kapayapaan sa mukha ng tukso, kapayapaan sa panahon ng pagtanggi at panunuya. May kapayapaan siya maging sa panahon ng bagyo sa dagat, natutulog sa sahig ng bangka habang ang iba ay nangangatog sa takot.


Nasaksihan ng mga disipulo si Hesus na hinihila siya papunta sa mataas na tuktok ng galit na taong-bayan nakahandang patayin siya. Gayunman siya ay mahinahong naglakad palayo sa tagpong iyon, hindi nagalaw at puno ng kapayapaan. Ang lahat ng ito ay nagdulot ng talakayan sa gitna ng mga disipulo: “Paano siya nakakatulog sa gitna ng bagyo? At paano siya naging mahinahon habang ang taong-bayan ay malapit na siyang ihulog sa bangin? Tinuya siya ng mga tao, ininsulto siya, nilaslas siya, ngunit hindi siya lumaban. Walang anuman ang gumambala sa kanya.


Ngayon ipinangako ni Hesus sa mga lalaking ito ang katulad na kapayapaan. Nang marinig nila ito, nagkatinginan ang mga disipulo na puno ng pagtataka: “Ang ibig mong sabihin, magkakaroon kami ng katulad na kapayapaan na mayroon siya? Ito ay di-kapani-paniwala.


Idinagdag ni Hesus, “Hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan” (Juan 14:27). Hindi ito ang magiging tinatawag na kapayapaan ng mga manhid, mga itinapong lipunan. O ito ang magiging pansamantalang kapayapaan ng mga mayayaman at mga bantog, na sumusubok bumili ng kapayapaan sa pamamagitan ng materyal na bagay. Hindi, ito ang kawangis ng kapayapaan ni Kristo mismo, isang kapayapaan na hindi abot ng isip ng pang-unawa ng tao.


Noong ipinangako ni Hesus ang kanyang kapayapaan sa mga disipulo, ito ay parang sinasabi niya sa kanila at sa atin ngayon: “Alam ko na hindi ninyo nauunawan ang panahon na kinakaharap ninyo. Hindi ninyo nauunawaan ang Krus at ang pagdurusa na aking kinakaharap. Ngunit nais kong dalhin ang inyong mga puso sa isang kalagayan ng kapayapaan. Hindi ninyo kakayanin harapin ang mga padating na wala ang aking matatag na kapayapaan sa inyo. Kinakailangan ninyo ang aking kapayapaan.”

Miyerkules, Nobyembre 04 2009

IHAGOD MO ANG IYONG MGA DALIRI SA IYONG BUHOK

Inilarawan ni Kristo ang mga huling araw bilang magulo at kasindak-sindak na panahon: “Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan…Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat” (Lucas 21: 26, 25).


Ano ang ibinigay ni Hesus sa atin upang mapaghandaan ang mga kapahamakang ito? Ano ang kanyang lunas sa katatakutan na darating?


Ibinigay niya ang pagsasalarawan ng ating Ama na pinagmamasdan ang maya, ang Diyos na bilang ang bawat hibla ng ating buhok sa ating ulo. Ang mga pagsasalarawan nito ay lalong naging makahulugan noong ating isina-alang-alang ang susi ng kahulugan na ibinigay ni Hesus sa kanila.


Sinabi niya ang mga pagsasalarawan nito sa kanyang labindalawang disipulo, habang ipinadala niya sila upang mangaral sa mga lunsod at bayan ng Israel. Pinagkalooban sila ng kapangyarihan na makapagpalayas ng dimonyo at makapagpagaling ng lahat ng uri ng sakit at karamdaman. Isipin kung gaano nakapagpapasiglang sandali ang mga iyon para sa mga disipulo. Binigyan sila ng kapangyarihan upang gumawa ng mga himala at mga kababalaghan! Ngunit pagkatapos ay dumating ang nakakasindak na babala mula sa kanilang Panginoon:


“Hindi kayo magkakaroon ng salapi sa inyong mga bulsa. At hindi kayo magkakaroon ng tahanan, maging ng bubong na tutulugan. Sa halip, kayo ay tatawaging erehe at mga diyablo. Kayo ay bubugbugin sa mga sinagoga, hihilain sa harapan ng mga hukom, itatapon sa piitan. Kayo ay kapopootan at kamumuhian, ipagkakanulo at uusigin. Kayo ay tatakas mula sa bawat lunsod upang makaiwas na pamatuhin.


Ngayon isalarawan ang mga lalaking ito na mulat na mulat ang mga mata habang nakikinig kay Hesus. Malamang sila’y kinapitan ng takot. Naisip ko habang sila ay nagtataka, “Anong uri ng ministeryo ito? Yaon ba ang naghihintay sa aking kinabukasan? Ito ang pinakamalungkot na pananaw sa buhay na narinig ko.”


Gayunman, sa ganito ring tagpo, sinabi ni Hesus sa mga iniibig na kaibigan ng tatlong ulit: “Kaya huwag kayong matakot sa kanila!” (Mateo 10:26, 28, 31). At ibinigay niya ang lunas sa lahat ng katatakutan: “Ang mata ng Ama ay laging nakamasid sa maya. Gaano pa kaya para sa inyo. Higit kayong mahalaga, mga iniibig”


Sinasabi ni Hesus, “Kapag pumasok ang pagdududa—kapag kayo ay nasa dulo na nang pang-unawa at naiisip ninyo na wala nang nakakakita ng inyong pinagdadanasan—narito kung paano matatagpuan ang kapahingahan at kasiguruhan. “pagmasdan ang mga maliliit na ibon sa labas ng inyong bintana. At ihagod ang inyong mga daliri sa inyong buhok. Pagkatapos ay alalahanin ang sinabi ko sa inyo, na ang maliliit na nilikhang ito ay may di-masukat na kahalagahan sa inyong Ama. At ang inyong buhok ay magpapa-alala na kayo ay may dakilang kahalagahan sa kanya. Ang mata Niya ay laging nasa inyo. At siyang nakakakita at nakaririnig ng bawat galaw mo ay malapit lamang.


Iyan ay kung paano tayo kinakalinga ng Ama sa panahon ng mga kagipitan.

Martes, Nobyembre 03 2009

SA PAMAMAGITAN NG LAHAT NG ITO

Habang humaharap si Pablo sa kanyang paglilitis sa hukuman sa Roma, siya ay hawak sa kalagayang nakapanghihilakbot (tingnan Filipos 1:13-14). Siya ay dalawampu’t apat na oras na binabantayan ng mga kawal ng Pretoria, ang kanyang mga paa ay nakakadena sa tig-isang kawal sa kanyang tabihan. Ang mga lalakingito ay mga luwaloy, matitigas, madalas magmura. Nakita nilang lahat, at para kanila sa kanilang uri ng gawain, bawat nakakulong na tao ay mga salaring nagkasala, kasama na si Pablo.


Isipin ang mga kaalipustaan na dinanas ni Pablo sa ganoong kalagayan. Wala siyang oras na mapag-isa, kahit na isang sandali ng kalayaan. Bawat pagdalaw ng mga kaibigan ay mahigpit na binabantayan, na maaring kinukutya ng nga bantay ang kanilang mga pinag-uusapan. Napakadali na mawala na ng tuluyan ang karangalan ng makadiyos na lalaking ito sa ganoong uri ng pakikitungo.


Isipin ito: narito ang isang lalaki na naging masipag, malugod na naglalakbay sa hindi mataong daraanan, at malawak na karagatan upang makipagkita at makipag-isa sa mga tao ng Diyos. Kinukuha ni Pablo ang lubos na kagalakan mula sa pagdalaw sa mga iglesya na kanyang itinatag sa lahat ng dako ng rehiyon ng sanlibutan. Ngunit ngayon siya ay nakakadena, tunay na nakagapos sa mga luwaloy at matitigas at pinakalapastangang lalaki na nabubuhay.


Si Pablo ay may dalawang pagpipilian sa kanyang kalagayan. Maari siyang magpaikot-ikot sa isang nakapangingilabot, maasim na disposisyon, nagtatanong ng makasariling tanong ng paulit-ulit: “Bakit ako?” Maari siyang gumapang sa balon ng kawalan ng pag-asa, mangatuwiran sa sarili sa kalagayan ng kawalan ng pag-asa, lubos na nilipol ng kaisipang, “narito ako nakagapos, ang aking ministeryo ay sarado na, habang ang iba sa labas ay nagbubunyi sa pag-ani ng kaluluwa. Bakit?”


Sa halip, pinili ni Pablo ang magtanong, “Paano makapagdadala ng kaluwalhatian kay Krsito ang aking kasalukuyang kalagayan? Paano ito magbubunga ng kabutihan mula sa aking pagsubok na ito?“ Itong lingkod ng Diyos na ito ay nakapagpasiya na sa kanyang isipan: “Hindi ko mababago ang aking kalagayan. Maari na rin akong mamatay sa katayuang ito. Gayunman, alam kong ang aking mga hakbanag ay inutos ng Panginoon. Dahil doon pararangalan ko si Kristo at upang maging patotoo sa sanlibutan habang ako ay nasa mga kadenang ito.” Ang aking pinakananais at inaasahan ay huwag akong magkulang sa aking tungkulin, kundi magkaroon ako ng lakas ng loob sa lahat ng panahon upang, sa mabuhay o sa mamatay, mabigyan ko ng karangalan si Kristo” (Filipos 1:20).


Ang saloobin ni Pablo ay naglalarawan ng nag-iisang paraan upang tayo ay makalaya mula sa ating madilim na balon ng kalungkutan at pag-aalala. Nakita mo, ito ay maaring maaksaya ang lahat ng ating kinabukasan na balisang naghihintay na mailigtas mula sa ating paghihirap. Kapag ganoon ang ating naging pagtutok, tiyak na lubusan nating di-matatamo ang himala at kagalakan ng paglaya sa ating pagsubok.


Isa-alang-alang ang pahayag ni Pablo: “Ibig kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Mabuting Balita” (Filipos 1:12). Sinasabi ni Pablo, “Huwag kayong maawa sa akin o isipin na ako ay nawalan ng pag-asa sa aking kinabukasan. At pakiusap ko na huwag sabihin na ang gawain ko ay tapos na. Oo, ako’y nakakadena at naghihirap, ngunit ang ebanghelyo ay naipangangaral sa pamamagitan ng lahat ng ito.”

Lunes, Nobyembre 02 2009

IHATID NINYO ANG BALITA NG KALIGTASAN

Isinulat ni Pablo, “Samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Kristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pangangaral” (Filipos 2:16). Isinalalarawan ni Pablo ang araw na siya ay haharap sa presensiya ni Kristo at ang lihim ng katubusan ay ibubunyag.


Ang Kasulatan ay nagsasabi na sa araw na iyon ang mga mata natin ay mamumulat, at ating pagmamasdan ang kaluwalhatian ng Panginoon na hindi tayo pagsasabihan. Ang ating mga puso ay mag-aalab habang binubuksan niya ang lahat ng misteryo ng sansinukuban at ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa likod nito. Kaginsa-ginsa’y, makikita natin ang katotohanan nang lahat na maari nating makamit sa ating mga pagsubok na pangsanlibutan: ang kapangyarihan at mga mapagkukunan sa langit, ang mga mapagtanggol na mga anghel, at ang nananahang presensiya ng Banal na Espiritu.


Habang pinagmamasdan natin ang kamangha-manghang mga bagay na ito, sasabihin ng Panginoon sa atin, “Sa lahat ng panahon, ang aking mga mandirigma ay nakahimpil sa paligid mo, ang buong sandatahan ng mga makapangyarihang tagapaghatid ay itinalaga para sa iyo. Hindi ka kailanman nalagay sa panganib mula kay Satanas. Wala kang maaring maidahilan upang ikatakot ang iyong mga kinabukasan.”


At pagkatapos ay ipakikita ni Kristo ang Ama sa atin, at isa itong magiging kamangha-manghang sandali. Habang pinagmamasdan natin ang kadakilaan ng ating Amang nasa Langit, doon natin tunay na maiisip ang kanyang pag-ibig at kalinga para sa atin, at kaginsa-ginsa’y darating sa atin ang katotohanan ng buong lakas: “Ito ang naging, at ito, at ang walang-hanggang Ama natin, ang tunay na Dakila ‘Ako.’”


Narito kung bakit “hinawakang pasulong” ni Pablo ang kanyang salita tungkol sa katapatan ng Diyos. Sa maluwalhating araw na iyon, ayaw niyang humarap sa presensiya ng Panginoon iniisip na, “Paano ako naging bulag? Bakit hindi ko lubusang pinagtiwalaan ang mga layunin ng Panginoon? Ang lahat ng aking mga pag-aalala at mga katanungan ay walang kabuluhan.” Hinihikayat tayong mabuti ni Pablo: “ Nais kong magalak sa araw na iyon, kapag ang aking mga mata ay lubos ng mamulat. Nais kong ikalugod ang bawat pahayag na alam na ako’y nanalig sa kanyang mga pangako, na hindi ako nagpatuloy sa aking mga paghihirap na puno ng mga pagdududa. Nais kong malaman na aking inihatid ang Balita ng kaligtasan sa lahat ng aking mga katugunan sa aking mga paghihirap, na ako’y nakipaglabang mabuti, na napatunayan ko na ang aking Panginoon ay matapat.


At ito ay pinagsama-sama ni Pablo sa salitang: “Hindi ko ipinalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap” (Filipos 3:13). Sa madaling sabi, naisip niya na hindi-maari na ilagay niya ang kanyang kinabukasan sa kamay ng Panginoon kung hindi muna ipagkakaloob ang kanyang nakalipas.

Biyernes, Oktubre 30 2009

MAGALAK SA PANGINOON

“Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayo” (Filipos 4:4). Ito ang pagtatapos na pananalita ni Pablo sa mga taga Filipos. Hindi niya sinasabi, “Ako’y nasa piitan at ang mga kadenang ito ay mga pagpapala. Maligaya ako sa mga kirot na ito.” Naniniwala ako na si Pablo ay araw-araw na nananalangin para sa kanyang paglaya at sa ibang pagkakataon ay dumadaing ng lakas na makayanan niya ito. Maging si Hesus sa sandali ng kanyang pagsubok at kirot, dumaing sa Ama, “Bakit mo ako pinabayaan?” Iyan ang una nating simbuyo sa ating mga kagipitan, ang dumaing, “Bakit?” At ang Panginoon ay matiisin sa daing na iyan.


Ngunit ang Diyos ay naghanda upang ang ating mga “paano kung” at “bakit” ay matugunan ng kanyang Salita. Isinulat ni Pablo, “Sapagkat hangad nilang pasakitan ako samantalang nakabilanggo…Ang mahalaga’y naipangangaral si Kristo kahit sa anong paraan, tapat man o hindi ang hangarin ng nangangaral” (Filipos 1:17-18). Sinasabi niya sa atin, sa ibang salita, “Ako ay nakatitiyak na ang Salita ng Diyos ay mapatututnayan sa aking pagtugon sa aking mga kagipitan. Itinalaga ko ang aking isipan na hindi ko ikahihiya ang ebanghelyo o gawin itong magmukha na parang walang kapangyarihan.


“Ang katotohanan ay, si Kristo ay ipinangangaral sa pamamagitan ng aking mahinahong pagmumukha, sa aking kapahingahan sa gitna ng lahat ng ito. Ang lahat ng nakakakita sa akin ay alam na ang ebanghelyo na ipinangangaral ko ang nagdadala sa akin sa lahat ng mga kagipitang ito. Pinatunayan nito na ang Panginoon ay kayang dalhin kahit sino sa anumang kalagayan, anumag sunog, o baha, at ang kanyang ebanghelyo ay ipangangaral sa pamamagitan ng karanasan.


Narito ang mensahe na narinig ko sa pamamagitan ni Pablo at Abram: Hindi natin kailangan gumawa ng kadakilaan para sa Panginoon. Kailangan lamang natin na manalig sa kanya. Ang ating gagampanan ay ilagay ang ating buhay sa kamay ng Diyos at manalig na kakalingain niya tayo. Kung gagawin natin ito, ang kanyang ebanghelyo ay naipangaral, anuman ang ating katatayuan. At si Kristo ay ipahahayag sa atin lalo na sa ating mga mahigpit na katayuan.


Si Sam na isang nakatatanda sa aming iglesya ay minsan nagsabi sa akin, “Pastor David, ang paraan ng iyong pagharap sa mga kagipitan ay isang patotoo sa akin.” Ang hindi naisip ni Sam ay ang kanyang buhay ay isang aral para sa akin. Siya ay natutulog na may talamak na kirot na nagbibigay ng kaunting oras na tulog lamang bawat gabi. Sa kabila ng pirmihang kirot, nagngangalit na kirot, ang kanyang panata sa Panginoon ay isang patotoo sa aming lahat. Ang kanyang buhay ay ipinangangaral si Kristo na kasing kapangyarihan ng anumang mga pangaral ni Pablo.


Kaya’t, si Kristo ba’y ipinangangaral sa iyong pangkasalukuyang pagsubok? Ang iyo bang mag-anak ay nakikita ang ebanghelyo na kumikilos sa iyo? O takot at sindak lamang, kawalan ng pag-asa at pagtatanong sa katapatan ng Diyos? Paano mo tinutugunan ang iyong kagipitan?

Huwebes, Oktubre 29 2009

ANG LAHAT AY NASA PANGANGALAGA NG DIYOS

Ang buong sanlibutan ay nanginginig sa takot ngayon dahilan sa pagsiklab ng sindak at mga kalamidad na nangyayari sa buong daigdig. Araw-araw gumigising tayo na mayroon na namang kapahamakang nangyari. Sinasabi ng ibang tagamasid na tayo ay sumasaksi sa simula ng Pangatlong Digmaang Pandaigdig.


Ang mga hindi mananampalataya ay naniniwala na wala nang sulusyong natitira, na ang lahat ay umiinog sa kaguluhan sapagkat walang “panlahatang-nakakakita ng pamamahala.” Ngunit ang mga tao ng Diyos ay iba ang pananaw. Alam natin na walang dapat ikatakot, sapagkat ang Bibliya ay nagpapaalala sa atin paulit-ulit na ang lahat ay nasa pangangalaga ng Panginoon. Walang nangyayari sa sanlibutan na hindi niya alam at hindi niya pinangangalagan.


Ang Taga-awit ay sumulat, “Ang Diyos ay Panginoon, hari siya ng nilikha, maghahari sa daigdig sa lahat ng mga bansa” (Awit 22:28). Kahalintulad, ang propetang si Isaias ay nagpahayag sa sanlibutan, “Lumapit kayo mga bansa, mga lahi at mga bayan! Unawain ninyo ito, kayong lahat ng narito sa daigdig” (Isaias 34:1). Sinasabi niya, “Makinig, mga bansa, at makinig na mabuti. Nais kong sabihin sa inyo ang isang bagay na mahalaga tungkol sa Lumikha ng Sanlibutan.”


Isinalaysay ni Isaias na kapag ang galit ng Diyos ay pinukaw laban sa mga bansa at sa mga sandatahan nito, ang Panginoon mismo ang pupuksa sa kanila. “Di ba ninyo alam, sa harap ni Yahweh ang alinmang bansa ay walang kabuluhan? Tulad lang ng isang patak ng tubig sa isang sisidlan ang mga pulo ay parang alikabok lamang ang timbang…Sa kanyang harapan ay walang halaga ang lahat hg bansa…Ang lumikha nito ay ang Diyos na nagluklok sa kanyang trono doon sa kalangitan, mula roon ang tingin sa tao’y tulad lang ng langgam…Saan ninyo ngayon ipaparis ang Diyos? Siya’y kanino katulad?” (Isaias 40: 15, 17, 22, 25).


At noon si Isaias ay nagwika sa mga tao ng Diyos , na lubhang bugbog at naguguluhan sa mga nangyayari sa sanlibutan. Nagpayo siya, “Tumingin sa langit, sa maluwalhating kalangitan. Pagmasdan ang miyun-milyong mga bituin na inilagay doon. Ang Diyos mo ang lumikha at nagbigay ng pangalan ng bawat isa. Hindi ba’t mas mahalaga ka sa kanya kaysa sa kanila? Kaya huwag matakot.”


Dapat nating malaman na mayroong mapa sa langit, isang plano na iginuhit ng Ama para sa daraanan ng kasaysayan. At alam niya ang katapusan mula sa simula. At sa pagbubunga ng mga planong ito, naniniwala ako na dapat nating itanong sa ating sarili: “Saan nakatuon ang tingin ng Panginoon sa lahat ng ito?” Ang Diyos ay hindi nakatingin sa mga malalatang-diyos na diktador o sa kanilang mga pananakot.


Sinigurado ng Kasulatan sa atin, “Ang mga pinuno’y iniaalis niya sa kapangyarihan at ginagawang walang kabuluhan. Tulad nila’y mga halamang walang ugat, bagong tanim agad natutuyo at tila dayaming tintangay ng hangin” (Isaias 40: 23,24).

Miyerkules, Oktubre 28 2009

NABIGO ANG AKING PAGSISIKAP

Mabibigo ka ba na malaman mo na si Hesus ay nakaranas ng pakiramdam nang wala halos siyang nagawa?


Sa Isaias 49:4 nabasa natin ang mga salitang ito: Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay…” Itala na ang mga ito ay hindi mga salita ni Isaias, na tinawag ng Diyos na may gulang nang edad. Hindi, ang mga ito mga sariling salita ni Kristo, winika ng Isa “Pinili na ako ni Yahweh bago pa isinilang…bago pa ako ipinanganak ay hinirang na ni Yahweh, pinili niya ako para maging lingkod niya upang ibalik ang mga Israelita at sila’y ibalik sa bayang Israel (at tipunin ang mga nangalat na Israelita)” (49: 1,5).


Nang mabasa ko ang talatang ito, isa na maraming ulit ko nang nabasa, ang aking puso ay nagtataka. Hindi ko halos mapaniwalaan ang aking binabasa. Ang salita dito ni Hesus tungkol sa “pagsisikap na bigo” ay isang tugon sa Ama na kapapahayag lamang, “Ikaw ay lingkod ko…sa pamamagitan mo Ako’y dadakilain ng mga tao” (49:3). Nabasa natin ang nakabibiglang tugon ni Kristo sa sumunod na bersikulo: “Ako ay nabigo sa aking pagsisikap, hindi nagtagumpay” (49:4).


Pagkatapos basahin ito, ako’y tumayo sa aking silid-aralan at nagwika, “Kamangha-mangha. Hindi ko halos mapaniwalan na si Kristo ay ganito kabulnerable, nangungumpisal sa Ama na siya ay dumadanas ng kung ano ang ating kinakaharap. Sa kanyang pagkatao, natikman ang katulad na pagkasira ng loob, katulad na panlulupaypay, katulad na pagkasugat. Nagkaroon siya ng katulad na isipin na mayroon ako tungkol sa aking buhay: ‘Hindi ito ang aking nadama na ipinangako. Sinayang ko ang aking lakas. Ang lahat ay nauwi sa kabiguan.


Ang mabasa ang mga salitang iyon ay binigyan ako ng dahilan upang lalo kong inibig si Hesus. Naisip ko na ang Hebreo 4:15 ay hindi isang salitang pauli-ulit lamang: ang ating Tagapagligtas ay tunay na hinipo ng damdamin ng ating mga kahinaan, at natukso ng tulad natin sa maraming pagkakataon, ngunit ng walang kasalanan. Alam na niya itong katulad na panunukso mula kay Satanas, narinig ang katulad na nagbibintang na tinig: “ang iyong gawain ay hindi naisakatuparan. Ang iyong buhay ay isang bigo. Wala kang maaring ipakita mula sa iyong mga pagsisikap.”


Naparito si Kristo sa sanlibutan upang gampanan ang kalooban ng Diyos na muling maibalik ang bansang Israel. At ginawa niya ayon sa utos sa kanya. Ngunit siya ay tinanggihan ng Israel: “Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan” (Juan 1:11).


Bakit magsasalita si Hesus, o sino mang lalaki o babae ng mga mga kabiguang pananalita katulad ng: “Nabigo ang pagsisikap ko?” Paanong ang Anak ng Diyos ay magsasalita ng ganitong pahayag? Ang lahat ng ito ay bunga ng pagsusukat ng mga munting bunga laban sa matayog na mga inaasahan


Maari mong isipin, “Ang pahayag na ito ay may himig na parang ipinatutungkol sa mga mangangaral lamang, o sa mga tinawag upang gumanap sa mga dakilang gawain para sa Diyos. Nakikita ko ito na nakalaan sa mga misyonaryo o sa mga propeta ng Bibliya. Ngunit ano ang kinalaman nito sa akin?” Ang katotohanan ay, tinawag tayong lahat para sa isang dakila, isang layunin, at sa isang ministeryo: at ito ay, ang maging kawangis ni Kristo. Tinawag tayo upang lumago sa pagiging kawangis niya, upang pagbaguhin patungo sa kanyang malinaw na larawan.

Martes, Oktubre 27 2009

MAGPAKATATAG AT HUWAG MATITINAG

Natutunan natin sa Isaias 49 na alam ng Panginoon ang ating pakikipaglaban. Napaglabanan na niya ito bago pa sa iyo. At hindi kasalanan na manatili sa isipan na ang iyong pagsisikap ay nabigo, o mawalan ng pag-asa na may pakiramdam ng pagkabigo sa kanyang mga durug-durog na inaasahan. Maging si Hesus ay naranasan ito at hindi nagkasala.


Ito ay mapanganib, gayunman, na hayaang ang mala-impiyernong mga kasinungalingang ito ay palalain at pag-alabin ang iyong kaluluwa. Ipinakita ni Hesus sa atin ang daan palabas sa ganitong panlulupaypay sa pahayag na ito: “Ako ay nabigo sa aking pagisikap…Gayunma’y itinitiwala ko kay Yahweh ang aking kalagayan, na ako’y gagantimpalaan sa aking nakayanan” (Isaias 49:4). Ang salitang Hebreo dito ng paghuhusga ay “pasiya,” sinasabi ni Kristo, na may kakanyahan, “Ang huling pasiya ay nasa aking Ama. Siya lamang ang maaring humusga sa lahat ng ginawa ko at kung gaano ako naging kabisa.


Tayo ay hinihikayat ng Diyos sa pamamagitan ng bersikulong ito: “Ihinto ang pagpapasiya ng iyong gawain para sa akin. Wala kang karapatan na husgahan kung gaano ka naging kahusay. At wala kang karapatan na tawagin mo ang iyong sarili na isang bigo. Hindi mo pa alam kung anong uri ng impluho ka mayroon. Wala ka nga lamang imahinasyon upang alamin ang mga pagpapala na padating sa iyo.” Sa katunayan, hindi natin malalaman ang ganyang maraming bagay hanggang sa tayo ay tumayo sa harapan niya sa walang hanggan.


Sa Iasias 49, narinig ni Hesus ang Ama na sinabi sa maraming salita: “Bago pa ako ipanganak ay hinirang na ni Yahweh, pinili niya ako para maging lingkod niya upang tipunin ang nangalat na mga Israelita, at sila’y ibalik sa bayang Israel. Binigyan ako ni Yahweh ng karangalan, sa kanya nagbubuhat ang aking karangalan. Sinabi ni Yahweh sa akin: ‘Israel na aking lingkod, may mas mahalaga pa akong ipagagawa sa iyo. Bukod sa pagpapanumbalik sa mga Israelitang nalabi ay gagawin kitang tanglaw ng mga bansa upang lahat sa daigdig ay maligtas” (tingnan Isaias 49:5-6).


Habang ang dimonyo ay nagsisinungaling sa iyo, sinasabi na ang lahat ng iyong ginawa ay nabigo, na hindi mo na makikita ang iyong mga inaasahan na makamit, ang Diyos sa kanyang kaluwalhatian ay naghahanda ng mas dakilang pagpapala. Mas marami siyang inihahanda, higit pa sa iyong maaring isipin o hilingin.


Hindi na tayo dapat makinig sa mga kasinungalingan ng kaaway. Sa halip, tayo ay mamahinga sa Banal na Espiritu, manalig sa kanya na gampanan niya ang gawain na tayo ay gawing kawangis ni Kristo. At tayo ay tatayo mula sa ating kabiguan at manindigan sa salitang ito: “Magpakatatag kayo, at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (1 Corinto 15:58).

Lunes, Oktubre 26 2009

IPAGTIWALA MO SA AKIN ANG LAHAT NG IYONG KINABUKASAN

Ang Panginoon ay nagpakita kay Abram isang araw at nagbigay ng di-kapani-paniwalang utos: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo” (Genesis 12:1).


Isang nakakagulat na bagay. Kaginsa-ginsay, pumili ang Diyos ng isang tao at sinabi sa kanya, “Nais ko na ikaw ay tumayo at humayo, iwanan ang lahat: ang iyong tahanan, ang iyong mga kamag-anak, maging ang iyong bayan. Ipapadala kita sa ibang lugar, at ituturo ko sa iyo kung paano mo pupuntahan iyon habang ikaw ay naglalakbay.”


Paano sumagot si Abram sa nakakagulat na salita mula sa Panginoon? “Dahil sa pananalig sa Diyos, tumalima si Abram nang siya’y papuntahin ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanya. At humayo siya, bagamat hindi niya alam kung saan paroroon” (Hebreo 11:8).


Ano ang binabalak ng Diyos? Bakit siya maghahanap ng isang tao sa isang bayan, at pagkatapos ay tawagin siya para iwanan ang lahat at maglakbay ng walang mapa, walang direksiyon, hindi alam ang patutunguhan? Isipin ang hinihiling ng Diyos kay Abram. Hindi niya ipinakita kung paano niya pakakainin o itataguyod ang kanyang mag-anak. Hindi niya sinabi kung gaano kalayo ang lalakbayin o kung kailan siya dadating. Dalawang bagay lamang ang sinabi sa kanya sa simula pa lamang: “Humayo ka,” at “Ituturo ko sa iyo ang iyong dadaanan.”


May kakanyahan, sinabi ng Diyos kay Abram, “Mula sa araw na ito, nais ko na ibigay mo sa akin lahat ang iyong kinabukasan. Patuloy kang mamumuhay na inilagay mo ang iyong kinabukasan sa aking mga kamay, isang araw sa bawat sandali. Nais kong ipagkaloob mo ang iyong buhay sa pangako na ibinibigay ko sa iyo, Abram. Kapag ito ay iyong pinanghawakan, pagpapalain kita, gagabayan ka at ituturo sa isang lupain na hindi mo mailarawang-diwa.


Ang kalagayan na itinuturo ng Diyos kay Abram ay ang kalagayan na nais niyang pagdalhan sa bawat bahagi ng katawan ni Kristo. Si Abram ay siyang tinatawag ng mga mag-aaral ng Bibliya na isang “taong huwaran,” isang tao na naglilingkod bilang halimbawa kung paano lumakad sa harap ng Panginoon. Ang halimbawa ni Abram ay nagpapakita sa atin kung ano ang kinakailangan ng lahat na nagnanais na malugod ang Diyos.


Huwag magkamali, Si Abram ay hindi na bata nang siya ay tinawag upang tuparin niya ang kanyang pangako. Maaring mayroon siyang mga plano upang mapangalagaan ang kinabukasan ng kanyang mag-anak, kaya’t kailangan niyang magkaroon ng kinalaman sa maraming pagsasa-alang-alang habang tinitimbang niya ang tawag ng Diyos. Gayunman, “nanalig si Abram, at dahil dito’y kinalugdan siya ni Yahweh” (Genesis 15:6).


Sinasabi ni Apostol Pablo sa atin na ang lahat na nananalig at nagtitiwala kay Kristo ay mga anak ni Abram. At, katulad ni Abram, tayo ay ibinilang na matuwid sapagkat tinanggap natin ang katulad na tawag na ipagtiwala ang lahat ng ating kinabukasan sa mga kamay ng Panginoon.

Biyernes, Oktubre 23 2009

ALAM NG AMA

Tinawag tayo ni Hesus sa isang uri ng pamumuhay na hindi nag-iisip o nag-aalala tungkol sa kinabukasan at ilagay ang ating buong kinabukasan sa kanyang mga kamay: “Kaya’t huwag isipin, sasabihing, Ano ang aming kakainin? O, Ano ang aming iinumin? O, Ano ang aming damit na isususot? (Dahil ito ang mga hinahanap ng mga Hentil). Ang inyong Amang nasa langit ay alam ang lahat ng inyong pangangailangan.


“Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo. Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas, saka na ninyo harapin kapag ito’y dumating. Sapat na sa bawat araw ang kanyang mga suliranin” (Mateo 6:31-34).


Hindi ipinapakahulugan ni Hesus na hindi na tayo magpaplano nang maaga o wala nang gagawin para sa ating kinabukasan. Sa halip, sinasabi niya, “Huwag mabagabag o mag-alala tungkol sa kinabukasan.” Kapag inisip mo ito, ang marami na nakakabagabag sa atin ay tungkol sa kung ano ang maaring mangyari sa kinabukasan. Madalas tayo ay ginugulo ng dalawang salita: Paano kung?


“Paano kung bumagsak ang ekonomiya, at mawalan ako ng trabaho? Paano ko mababayaran ang isinanla ko? Paano kami mabubuhay ng pamilya ko? Paano kung mawala ang aking pangkalusugang seguro? Kapag ako ay nagkasakit o kailangang madala sa pagamutan, masisira na ang buhay namin. O, paano kung manghina na ang kalusugan ko sa panahon ng mga pagsubok?” Tayong lahat ay may libu-libong “paano kung” na pagkabagabag.


Pinigilan ni Hesus ang ating mga “paano kung” at sinasabi sa atin, “Alam ng iyong Amang nasa langit kung paano ka kakalingain.” Patuloy pa niyang sinabi, “Wala kang dapat ipag-alala. Alam ng iyong Ama na mayroon kang mga pangangailangan sa lahat ng mga bagay na ito, at hindi ka niya kailanman pababayaan. Siya ay tapat para pakainin ka, bihisan ka at kalingain upang ipagkaloob ang lahat ng pangangailangan mo.


“Masdan ninyo ang mga ibon: hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit…isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagpapagal o humahabi man…maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito.


Kung ang mga damo sa kabukiran, na buhay ngayon at kinabukasa’y iginagatong sa kalan, ay dinaramtan ng Diyos, kayo pa kaya? Kay liit ng pananalig ninyo sa kanya” (Mateo 6:26, 28-30).


Magalak naming ipinagkakaloob ang aming mga kahapon sa Panginoon, ibinigay sa kanya ang aming mga nakalipas na mga kasalanan. Nanalig kami sa kanya sa kapatawaran ng lahat ng aming mga nakalipas na kabiguan, pagdududa at mga pagkatakot. Kaya’t bakit hindi natin gawin kahalintulad pati na ang para ating mga kinabukasan? Ang katotohanan ay, marami sa atin ay mahigpit ang kapit sa ating kinabukasan, nagnanais na panghawakan ang ating mga pangarap. Gumagawa tayo ng pansariling balak na walang pakialam ang Diyos, at pagkatapos ay hihingin natin na pagpalain niya at isakatuparan ang mga pag-asa at mga hangaring iyon.

Huwebes, Oktubre 22 2009

KAPAYAPAAN AT KALIGTASAN SA PANGANIB

Mayrooon akong isang bagay na kinatatakutan ng higit pa sa lahat at iyon ay kapag ako’y unti-unting itinutulak palayo kay Kristo. Ako ay nanginginig sa paniwala na baka ako ay maging tamad, pabaya sa espirituwal, abutan sa hindi pananalangin, at dadaan ang mga araw na hindi magbubulay ng Salita ng Diyos. Sa aking mga paglalakbay sa buong sanlibutan nasaksihan ko ang isang “espirituwal na dambuhalang alon” ng maladimonyong pagkaanod. Ang pangkalahatang mga denominasyon ay inanod ng dambuhalang alon na ito, iniwan sa kanilang kamalayan ang giba-gibang pagwawalang-bahala, Ang Bibliya ay malinaw na nagbabala na di-maaari para sa mga debotong mananampalataya na maitulak palayo kay Kristo.

Ang isang Kristiyano na ang hanap lamang ay “kapayapaan at kaligtasan kahit sa anong paraan” at mistulang nakakapit lamang sa kaligtasan ay magbabayad ng malaking espirituwal na halaga. Kaya’t, paano natin mababantayan ang paglayo kay Kristo at pagbabale-wala sa “isang dakilang kaligtasan?” Sinabi sa atin ni Pablo paano, “Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw” (Hebreo 2:1).

Ang Diyos ay hindi nababahala sa ating “pagiging mabilis magbasa” ng kanyang Salita. Ang magbasa ng maraming kabanata sa isang araw o subuking basahin ng mabilisan ang Bibliya ay maaring magbigay sa atin ng magandang nadarama ng kahusayan. Ngunit ang mas mahalaga ay ating “narinig” ang ating nabasa, ng ating espirituwal na pandinig, pinag-nilay-nilay ito upang ito’y “marinig” ng ating mga puso.

Ang manatiling matatag sa Salita ng Diyos ay hindi isang maliit na bagay para kay Pablo. May pag-ibig na siya ay nagbabala, “Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw” (Hebreo 2:1). Sinabi rin niya, “Tiyakin ninyong mabuti kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nadaramang sumasainyo si Kristo-Hesus? Maliban na lang kung kayo’y mga itinakwil” (2 Corinto 13:5).

Hindi ipinahiwatig ni Pablo sa mga mananampalatayang ito na sila ay mga itinakwil. Sa halip, hinihikayat niya sila, “Bilang umiibig kay Kristo, subukin ninyo ang inyong sarili. Tuusin ninyo ang inyong espirituwal na kalagayan kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya. Sapat ang inyong kaalaman tungkol sa inyong paglalakad kasama si Hesus para malaman na kayo ay iniibig niya, na hindi niya kayo tinatalikuran, na kayo ay tinubos. Ngunit tanungin ninyo ang inyong sarili: Kumusta ang inyong pakikipag-isa kay Kristo? Binabantayan ninyo ba ito ng may lubusang pagsisikap? Kayo ba ay sumasandal sa kanya sa inyong mga kagipitan?”

Maaring naisakatuparan mo, “Nakita ko ang munti kong paglayo sa aking buhay, may hilig na maaring maidlip. Alam ko na unti-unting nababawasan ang aking pananalangin. Ang aking paglalakad kasama ang Panginoon ay hindi katulad ng nararapat.” “Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Kristo, kung mananatili tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya” (Hebreo 3:14).

Miyerkules, Oktubre 21 2009

ANG TAGAPAGLIGTAS

Si Apostol Pablo ay nagsasabi sa atin na, “Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala…ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe…sinumpa at tinupok ng Diyos ang mga lunsod ng Sodom at Gomorra, upang ipakita sa masasama ang kanilang kasasapitan. Ngunit iniligtas ng Diyos ang mabuting si Lot na labis na nababahala sa kahalayang ginagawa ng masasama” (2 Pedro 2:4-7).

Sa kabila ng malupit na mga halimbawa, ang Diyos ay nagpadala ng malinaw na mensahe ng kaginhawahan sa kanyang mga tao, parang sinasabi, “Binigyan ko kayo ng dalawa sa pinakamalaking halimbawa ng aking kahabagan. Kung, sa gitna ng baha na sasalikop sa daigdig, ay maililigtas ko ang isang matuwid na tao at ang kanyang mag-anak palabas ng pagkapuksa… kung ganon hindi ko ba kayo kayang iligtas? Hindi ko ba kayang magbigay daan sa isang mahimalang pagtakas?

“Kung kaya kong magpadala ng paghuhusga ng pagkatupok na sasalikop sa kabuuan ng lunsod sa bawat pagkakataon, gayunman kaya kong magpadala ng anghel sa gitna ng kaguluhan upang iligtas si Lot at ang kanyang mga anak na babae…kung ganon hindi ko ba kaya magpadala ng mga anghel upang iligtas kayo sa inyong mga pagsubok?”

Ang aral dito para sa mga matuwid ay ito: Gagawin ng Diyos ang lahat para mailigtas ang kanyang mga tao sa mga nag-aapoy na pagsubok at tukso. Isipin mabuti ito: Kinailangan ang pagbuka ng Pulang-Dagat upang mailigtas ang mga Israelitas sa kamay ng kanilang mga kaaway. Kinailangan ang tubig galing sa mga bato upang mailigtas ang mga Israelitas mula sa kanilang pagsubok sa desyerto. Kinailangan ang mahimalang tinapay, pagkain ng mga anghel na tunay na ipinadala mula sa langit, at “bantay na mga anghel” upang iligtas si Lot sa mapamuksang apoy. Ang malinaw na usapin ay alam ng Diyos kuna paano ililigtas ang kanyang mga tao, at gagawin niya ang sukdulan upang magampanan ito, kahit ano pa ang kalalagayan.

Ang parirala ni Pedro “Alam ng Diyos kung paano magligtas” ay nangangahulugan, “Mayroon na siyang nakahandang mga plano.” Ang nakamamanghang katotohanan ay ang Diyos ay mayroon ng mga plano para sa ating kaligtasan bago pa man tayo dumaing sa kanya. At hindi niya kinalilimutan ang mga planong iyon, hinihintay lamang niya ang ating pagdaing ng tulong. Maari tayong nagkakabuhul-buhol sa mga paghihirap na pang-habang-buhay, iniisip kung paano tayo ililigtas, gayunman siya ay nakahanda sa lahat ng sandali upang isagawa ang kanyang mga plano.

Nakita natin na ito ay inilarawan sa Jeremias 29, nang ang Israel ay nasa pagkakabihag ng Babilonya. Narito ang marahil ay ang pinakamabigat na pagsubok na naranasan ng mga tao ng Diyos, gayunman ipinangako sa kanila ng Panginoon: “Pagkatapos ng pitumpong taon, bibisitahin ko kayo at gagampanan ang Salita ko sa inyo.”

“Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap” (jeremias 29:11). Ang huling pararila ay tunay na nangangahulugan ng “Ibigay sa inyo ang matagal na ninyong hinihintay.” Nais ng Diyos na patuloy tayong manalangin para sa kanyang pagliligtas.

Martes, Oktubre 20 2009

TUMIGIL AT ALAMIN

Noong 1958, ako’y namighati tungkol sa isang balita sa pahayagan na tumalakay sa pitong kabataan na humaharap sa isang paglilitis sa pagkakapatay sa isang batang-lumpo. May masidhing pagpukaw sa akin ang Banal na Espiritu na may matinding pagkakadama na ako ay itinutulak na magtungo sa hukuman sa Nuweba York na kung saan ginagawa ang paglilitis, at ako’y pumasok sa hukuman na inudyukan ng Espiritu na subukan kong makipag-usap sa mga kabataang iyon.


Habang patapos na ang pagpupulong sa araw na yaon, gayunman, isang kagyat na pang-unawa ang naramdaman ko. Naisip ko, “Ang mga kabataang iyon ay ilalabas sa tagilirang pintuan na nakakadena, at hindi ko na sila makikitang muli.” Kaya’t tumayo ako at nagtungo sa daraanan patungo sa upuan ng hukom, na kung saan ako’y naki-usap na payagan na makipag-usap sa mga kabataang iyon bago sila bumalik sa kanilang kulungan.


Sa isang saglit, sinunggaban ako ng mga pulis, at ako’y padalos-dalos na inihatid palabas mula sa hukuman. Ang mga kamera’y nagkislapan sa buong paligid ko, at ako’y pina-ulanan ng mga katanungan mula sa mga mamamahayag na kumukuha ng salaysay sa paglilitis na iyon. Nakatayo lamang ako doon na hindi makakibo, ganap na gulilat, sa isang nakakahiyang kalagayan. Naisip ko, “Ano ang iisipin ng simbahan pagbalik ko? Iisipin ng mga tao na ako’y hibang. Naging isang walang ka-alam-alam.”


Sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito, Nanalangin ako ng tahimik, “Panginoon, akala ko ay pinapunta mo ako rito. Ano ang mali sa nangyari?” Hindi ako makapanalangin ng malakas, oo nga, sapagkat ang mga mamamahayag ay iisipin na mukha talaga akong hibang. (Nagmukha na nga akong tanga, sapagkat naka kurbata akong maliit!)


Narinig ng Diyos ang daing ng kawawang lalaking ito sa araw na iyon, at lagi na niyang pinaparangalan ang aking tahimik na pagdaing mula noon. Nakita mo, mula sa nakakahabag na kalagayan ng tagpong iyon sa hukuman, ang ministeryo ng Hamon Pangkabataan (Teen Challenge) ay isinilang, na umaabot na sa buong–daigdig. At nagagalak ako sa mapagpakumbabang patotoo ni David mula sa Awit 34: “Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naapi, makinig, matuwa” (Awit 34:2).


Sinasabi dito ni David, na may kakanyahan, “Mayroon akong nais sabihin sa lahat ng mapagpakumbabang mga tao ng Diyos dito sa sanlibutan, ngayon at sa mga panahon pang darating. Habang ang mundong ito ay nananatili, ililigtas ng Panginoon ang lahat na tumatawag sa kanya at nananalig sa kanya. Sa di-kapani-paniwalang kahabagan at pag-ibig niya, iniligtas niya ako, kahit na gumawa ako ng isang kahangalan.”


Ang dapat mo lamang malaman ay ang ating Banal na Panginoon ay naririnig ang lahat ng taus-pusong pagdaing, malakas man o hindi binibigkas, at siya ay tumutugon. Kahit na kumilos ka ng may kahangalan o may labis na kabiguan sa pananalig, kailangan mo lamang na bumalik sa pagtawag sa iyong Tagapagligtas. Siya ay tapat upang pakinggan ang iyong daing at para kumilos.

Lunes, Oktubre 19 2009

PAKAININ ANG AKING TUPA

Nang tanungin ko ang Banal na Espiritu na ipakita sa akin kung paano bantayan ang kapabayaan, iginabay niya ako na isa-alang-alang  ang paglayo ni Pedro at ang pagsapit ng kanyang pagbabago. Ang taong ito ay itinanggi si Kristo, nanglait, sinasabi sa nagbintang sa kanya, “Hindi ko siya kilala.”

 

Ano ang nangyari? Ano ang nagdala kay Pedro sa ganoong katayuan? Ito ay kapaluan, ang bunga ng mapagmalaking kahambugan. Ang disipulong ito ay nagsabi sa sarili at sa iba, “Hindi ako maaring manglamig sa aking pag-ibig kay Hesus. Narating ko ang katayuan sa aking pananalig na hindi na kailangang bigyan ng babala.  Ang iba ay maring maanod, ngunit ako’y mamamatay para sa aking Panginoon

 

Gayunman si Pedro ang una sa mga disipulo na sumuko sa pagdurusa. Tinalikdan niya ang kanyang bokasyon at bumalik sa dati niyang gawain, sinasabi sa iba, “Ako’y mangingisda.” Ang tunay na sinasabi niya ay, “.”Hindi ko kayang harapin ito. Akala ko ay hindi ako magkakamali, ngunit walang sinuman ang bumigo sa Diyos ng higit pa sa akin. Hindi ko na kaya ang pasaning ito.”

 

Sa katayuang iyon, pinagsisihan ni Pedro ang pagtanggi niya kay Hesus. At siya ay muling ibinalik sa pag-ibig ni Hesus. Gayunman siya ay isa pa ring basahan sa kanyang loob.

 

Ngayon, habang hinihintay ni Hesus ang mga disipulo na bumalik sa pampang, isang usapin  ang hindi pa naaayos sa buhay ni Pedro. Hindi sapat na si Pedro ay nanumbalik at pinagbago, tiyak sa kanyang kaligtasan. Hindi sapat na siya ay mag-ayuno at manalangin na katulad ng ginagawa ng sinumang tapat na mananampalataya. Hindi, ang usapin na nais bigyang pansin ni Kristo sa buhay ni Pedro ay ang kapabayaan sa ibang anyo. Hayaang ipaliwanag ko.

 

Habang sila ay nakaupo sa paligid ng siga sa pampang, kumakain, nagkakausap-usap, tinanong ni Hesus si Pedro ng tatlong beses, “Iniibig mo ba ako ng higit pa sa pag-ibig nila sa akin? Sa bawat pagkakataon sumagot si Pedro, “Oo, Panginoon, alam mo na iniibig kita,” at sumagot si Kristo ng, “Pakainin ang aking tupa.” Itala na hindi ipina-alala ni Hesus na magbantay at manalangin, o maging masigasig na magbasa ng Salita ng Diyos. Ipinalagay ni Hesus ang mga bagay na iyon ay naipangaral nang mabuti. Hindi, ang utos na ibinigay niya kay Pedro ngayon ay, “Pakainin ang aking tupa.”

 

Naniniwala ako na sa payak na pariralang iyon, nag-utos si Hesus kay Pedro kung paano magbantay laban sa kapabayaan. Sinabi niya, na may kakanyahan, “Nais kong kalimutan mo na ang iyong kabiguan, kalimutan na ikaw ay napalayo sa akin. Bumalik ka na ngayon sa akin, at pinatawad at pinagbago na kita. Kaya’t panahon na para alisin mo ang pag-iisip mo sa iyong pagdududa, kabiguan, at mga suliranin. At ang paraan upang magawa iyon ay ang hindi pagpapabaya sa aking mga tao at mangaral sa kanilang mga pangangailangan. Katulad ng pagsugo ng Ama sa akin, ikaw ay isinugo ko.”

Biyernes, Oktubre 16 2009

ANG AKING LUBOS NA KINIKILINGAN

Sa lahat ng 150 na Awit, ang Awit 34 ang aking lubos na kinikilingan. Ang lahat ng ito ay tungkol sa katapatan ng Panginoon na mailigtas niya ang kanyang mga anak mula sa mga malalaking pagsubok at kagipitan. Ipinahayag ni David, “Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot…Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila’y kinukupkop…Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib…Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan” (Awit 34:4,7,17,19).

 

Itala ang kahilingan ni David sa Awit na ito: “Aking dalangi’y dininig ng Diyos…Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa”  (34:4,6). Kailan ginawa ni David ang pagdaing na ito? Ito’y maaring nangyari noong siya ay nagkukunwang galit sa Gat at gayunpaman hindi siya maaring makapanalangin ng naririnig sa harapan ng mga Filisteo. Ito ay nagdadala sa atin sa dakilang katotohan tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Minsan ang pinakamalakas na daing ay nagagawa ng hindi naririnig.

 

Alam ko kung anong uri ang “pangkaloobang daing na inilabas.” Marami sa pinakamalakas na dalangin ng aking buhay—ang pinakamahalaga sa akin, pusong-namimilipit, malalim na pagdaing—na nagawa ng buong katahimikan.

 

May panahon na ako ay namanhid ng mga pagkakataon na hindi ako makapagsalita, dinadaig ng katayuang halos hindi ko maabot at hindi ako makapag-isip ng malinaw para manalangin. May pagkakataon, ako ay naka-upo sa aking silid-aralan na nag-iisa na lubhang nalilito na ako’y walang masabi kahit ano sa Panginoon, ngunit sa buong pagkakataon iyon ang aking puso’y dumaraing: “Diyos ko, tulungan mo ako! Hindi ko alam manalangin sa mga sandaling ito, kaya’t pakinggan ang daing ng aking puso. Sagipin mo ako sa katayuang ito.”

 

Nangyari na ba sa iyo ang ganoon? Naisip mo na ba, “Hindi ko alam kung ano ang mga ito. Masyado akong dinaig ng mga nangyayari sa akin, lubhang nalulunod sa masidhing kirot, hindi ko maipaliwanag ito. Panginoon, ni hindi ko alam ang sasabihin sa iyo. Ano ang nangyayari?”

 

Naniniwala ako na ito ang ganap na pinagdaanan ni David nang siya ay madakip ng mga Filisteo. Noon isinulat niya ang Awit 34, gumagawa siya ng pag-amin: “Ako’y nasa katayuang labis na dinadaig na aking ginampanan ang bahagi ng isang ungas. Gayunman, sa aking kalooban ako ay nagtataka, ‘Ano ang nangyayari sa akin? Paano ito nangyari Panginoon tulungan mo ako.”

 

At wari bang sinasabi ni David, “Ang nakakaawang taong ito ay dumadaing mula sa kanyang kalooban, hindi alam kung ano o paano manalangin. At ako ay dininig ng Panginoon at sinagip ako.” Ito ay malalim na daing mula sa puso, ang Panginoon ay tapat na dininig ang bawat hikbi, gaano man ito kahina.

Huwebes, Oktubre 15 2009

SI KRISTO ANG NAGHAHARI

Kadalasan ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa aming ministeryo at nagsasabi, “walang sinuman akong makausap, wala sinuman akong mabahagian ng aking mga pasanin, walang sinuman ang may panahon upang makinig ng aking mga daing. Nangangailangan ako ng taong maari kong pagbuhusan ng aking damdamin.”

 

Si Haring David ay pirmihang napaliligiran ng mga tao. Siya ay may asawa at maraming kasamahan sa paligid niya. Gayunman, naririnig natin ang katulad na daing mula sa kanya; “Kanino ako magtutungo?” Ito ay kalikasan na sa atin ang maghanap na ibang tao, may mukha, mga mata at tainga, upang makinig sa atin at mapagpayuhan tayo.

 

Nang si Job ay dinaig ng kanyang mga pagsubok, dumaing siya na may pagdadalamhati, “Paniwalaan sana ang aking sinasabi!” (Job 31:35). Binigkas niya ang daing na ito habang nakaupo sa harap ng mga ipinapalagay niyang mga kaibigan. Ang mga kaibigan niyang ito ay walang kahabagan sa kanyang mga kaguluhan; sa katunayan, sila ay mga tagapaghatid ng kawalan ng pag-asa.

 

Si Job ay lumingon sa Panginoon lamang: “Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, na siyang magsasabing ako’y tunay na mabuti…Sa Diyos ko idudulog itong aking katayuan” (Job 16:19-20).

 

Hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na gawin din ang ganoon: magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; Siya ang kublihang sa ati’y lulunas”  (Awit 62:8).

 

Sasapit din, ang pagdurusa ay darating sa ating lahat, sa ngayon ang napakaraming mga banal ay nakakadena sa mga pagdurusa. Ang kanilang katayuan ay binaligtad ang kanilang kagalakan sa damdamin ng kahinaan at pagka-inutil. Marami ang nagtatanong na nagdurusa, “Bakit nangyayari sa akin ito? Galit ba ang Diyos sa akin? Ano ang nagawa kong mali? Bakit hindi niya tinutugon ang aking mga dalangin?

 

Sa aking puso naniniwala ako na ang salitang ito ay isang paanyaya sa inyo mula sa Banal na Espiritu na maghanap ng isang pansariling lugar na kung saan ay madalas mong maibubuhos ang iyong puso at kaluluwa sa Panginoon. Si David “ ay nagbuhos ng kanyang mga daing,” at ikaw man ay ganon din. Maari kang makipag-usap kay Hesus tungkol sa lahat ng bagay—ang iyong suliranin, ang iyong pangkasalukuyang pagsubok, ang iyong pananalapi, ang iyong kalusugan—at sabihin kung paano ka dinadaig ng mga ito, maging ang kasiraan ng iyong kalooban. Pakikinggan ka niya nang may pag-ibig at kahabagan, at hindi niya hahamakin ang iyong daing.

 

Tinugon ng Diyos si David. Tinugon niya si Job. At sa daan-daang taon tinugon niya ang mga daing ng puso ng lahat na nanalig sa kanyang mga pangako. Ipinangako niya na pakikinggan ka niya at gabayan ka. Ipinangako niya nang may panunumpa na siya ang iyong magiging lakas, kaya’t maari kang lumapit sa kanya at lumabas na napagbago.

Miyerkules, Oktubre 14 2009

AKO AY MAKAPANGYARIHAN AT MAHABAGIN

“Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, ‘Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila. at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila ay paalising gutom; baka sila mahilo sa daan” (Mateo 15:32).

 

Naniniwala ako na si Kristo ay may nais ipahayag dito sa kanyang mga alagad. Sinasabi niya, “Ako’y may gagawing higit pa para sa mga tao kaysa sa pagalingin lamang sila. Titiyakin ko na may sapat na tinapay para makain. Ako ay nababahala sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanilang mga buhay. Kailangan ninyong makita na ako ay higit pa sa kapangyarihan. Ako ay mahabagin din. Kapag nakita ninyo na ako ay nagpapagaling lamang, gumagawa ng himala, matatakot kayo sa akin. Ngunit kung makikita ninyo na ako ay mahabagin din, iibigin ninyo ako at pagtitiwalaan.”

 

Isinusulat ko ang pahatid na ito para sa lahat na nasa bingit na ng lubos na pagkapagod, malapit nang mahilo, dinadaig ng inyong kasalukuyang kalagayan. Ikaw ay isang matapat na tagapag-lingkod, nagpapakain sa iba, nagtitiwala na kayang gawin ng Diyos ang di-maaari para kanyang mga tao. Gayunman mayroon kang ilang matagal nang pagdududa tungkol sa kanyang pagkukusa na makialam sa inyong pagpapakahirap.

 

Aking iniisip kung ilang mga mangbabasa ng pahatid na ito ang bumigkas ng salita ng pananalig at umaasa para sa iba na humaharap sa mga masasakit, hayagang kawalan na ng pag-asang kalagayan? Hinikayat mo sila, “Kumapit ka! Kaya ng Panginoon. Siya ay Diyos na gumagawa ng mga himala, at ang kanyang mga pangako ay totoo. Kaya’t huwag mawalan ng pag-asa, sapagkat tutugunin niya ang iyong mga tangis.”

 

“Naniniwala ka ba talaga sa mga himala?” Iyan ang katanungan na itinanong ng Banal na Espiritu sa akin. Ang tugon ko ay, “Oo, talaga, Panginoon. Naniniwala ako sa bawat himala na nabasa ko sa Kasulatan.” Ngunit ang kasagutang ito ay hindi sapat. Ang katanungan ng Panginoon sa bawat isa sa atin ay, “Nananalig ka ba na makagagawa ako ng himala para sa iyo?” At hindi isang himala lamang, kundi isang himala sa bawat kagipitan, sa bawat kalagayan na hinaharap natin. Kailangan natin ng higit pa sa mga himala ng Lumang Tipan, mga himala ng BagongTipan, at mga nangyari nang mga himala sa kasaysayan. Kailangan natin ng pangkasalukuyan, pansariling himala na nakaguhit para sa atin lamang at ating mga kalagayan.

 

Mag-isip ka ng isang paghihirap na hinaharap mo sa ngayon, yaong mahigpit mong pangangailangan, yaong matindi mong suliranin. Matagal mo nang ipinapanalangin ang tungkol dito. Nananalig ka ba na kaya ng Panginoon at gagawin niya ito, sa paraang maaring di mo maisip? Ang uri ng pananalig na iyan ay mag-uutos sa puso na tigilan ang pagka-inip o magtanong ng mga katanungan. Sinasabi nito na mamahinga sa kalinga ng Ama, nananalig sa kanya na gagawin niya lahat ito ayon sa kanyang kalooban at panahon.

Martes, Oktubre 13 2009

SI HESUS AY MAY BALAKIN

“Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, ‘Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? Sinabi niya ito para subukin si Felipe; sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin” (Juan 6:5-6).  Tinawag ni Hesus si Felipe sa isang tabi, at sinabi, “Felipe, napakaraming tao ang nandito. Lahat sila ay nagugutom. Saan tayo bibili ng tinapay upang mapakain ang mga taong ito? Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?”

 

Gaano di-kapani-paniwala ang pag-ibig ni Kristo. Alam ni Hesus kung ano ang gagawin niya; sinabi sa atin ng bersong nasa itaas. Gayunman ang Panginoon ay sinusubukang pangaralan si Felipe ng isang bagay, at ang araling iyon na ibinigay ay ibinibigay din sa bawat isa sa atin ngayon. Isipin mo ito: Ilan ang mga nasa katawan ni Krisrto ang gising sa gabi na sinusubukang unawain ang kanilang mga suliranin? Iniisip natin, “Marahil ito ang maaarig gawin. Hindi, hindi…Marahil iyon ang makakayos sa suliranin. Hindi…”

 

Si Felipe at ang mga apostol ay may mga suliraning iba at hindi lamang tungkol sa tinapay ang kanilang suliranin. Mayroon silang suliranin sa panaderya… suliranin sa pananalapi… at suliranin sa pamamahagi… at suliranin sa sasakyan… suliranin sa oras. Pagsama-samahin mong lahat ito, at mayroon silang suliranin na hindi nila maisalarawang-diwa. Ang kanilang kalagayan ay lubusang hindi –maaari.

 

Alam ni Hesus mula pa sa umpisa ang tiyak na gagawin niya. Mayroon siyang binabalak. At ito ay katulad ng inyong mga kaguluhan at mga paghihirap sa mga panahon ngayon. Mayroong suliranin, ngunit alam ni Hesus ang buong kalagayan mo. At lalapit siya sa iyo, magtatanong, “Ano ang gagawin natin tungkol dito?”

Ang tamang dapat isinagot ni Felipe ay, “Hesus, ikaw ay Diyos. Walang hindi-maaari para sa iyo. Kaya’t, ibinabalik ko sa iyo ang mga suliraning ito. Hindi na ito sa akin, kundi iyo na.”

 

Iyan lamang ang dapat na sasabihin natin sa ating Pnaginoon ngayon, sa gitna ng ating mga kagipitan: “Panginoon, ikaw ang gumagawa ng mga himala at isusuko ko na ang lahat ng aking pagdududa at mga kinatatakutan sa iyo. Ipinagtitiwala ko na ang lahat ng kalagayang ito, alam mo na ang gagawin mo sa aking mga suliranin. Nananalig ako sa iyong kapangyarihan.”

Lunes, Oktubre 12 2009

SA GITNA NG HIMALA

Maaring ikaw ay nasa gitna ng himala sa mga sandaling ito at maaring hindi mo nakikita ito. Maaring ngayon ikaw ay naghihintay ng himala. Ikaw ay nasisiraan ng loob sapagkat ang mga bagay ay mukhang nakatigil. Hindi ka nakakakita ng mga katunayan ng mga kahima-himalang pagkilos niya para sa iyo.

 

Isa-alang-alang mo mo kung ano ang sinabi ni David sa Awit 18: “Kaya’t si Yahweh ay tinawag ko; sa aking kahirapan, humingi ng saklolo. Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig, umabot sa kanya ang aking paghibik. Ang sangkalupaa’y nauga, nayanig; mga patibayan ng bundok ay nanginig…at sa kanyang bibig bumuga ay apoy… Hinawi ang langit at bumaba siya…Saka dumagundong ang kulog at langit, tinig ng Kataas-taasan, agad narinig. Ang mga palaso kanyang itinudla. Ang mga kaaway nangalat sa lupa; nagsala-salabat ang guhit ng kidlat, lahat ay nagulo, pawang nagsitakas” (Awit18:6-9, 13-14).

 

Dapat mong pangilakan, wala isa man sa mga bagay na ito ay tunay na nangyari. Ito ay lahat ng mga bagay na nakita ni David sa kanyang espirituwal na mata. Mga minamahal,  iyan ang pananalig. Ito ay kung kailan ka naniwala na narinig ng Diyos ang iyong pag-hibik, na hindi niya ito pinatagal, na hindi niya binalewala ang iyong kahilingan. Sa halip, tahimik niyang sinimulan ang iyong himala ka-agad-agad ng ikaw ay nanalangin, maging ngayon siya ay gumagawa ng kahima-himalang pagkilos para sa iyo. Iyan ang tunay na pananalig sa mga himala, ang kanyang kataka-takang tuluy-tuloy na pagkilos sa ating mga buhay.

 

Naunawan ni David ang batayang katotohanan sa ilalim ng lahat ng ito: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan” (Awit 18:19). Ipinahayag ni David, “Alam ko kung bakit ginagawa ng Panginoon ang lahat ng ito para sa akin. Sapagkat kinalugdan niya ako.”

 

Tunay na ako ay naniniwala sa biglaang mga himala. Ang Diyos ay patuloy na kumikilos sa kaluwalhatian, mga biglaang kababalaghan sa sanlibutan ngayon. Gayunman sa mga talatang ito ng Mabuting Balita (Mateo 16:9-11, Marcos 8:19-21) sa pagpapa-alala ni Hesus sa mga disipulo ng mahimalang pagpapakain sa limang-libo at sa apat na libo, hiniling niya sa kanila at para sa atin na itala ang tuluy-tuloy na mga himalang ito at ang kaugnayan ng mga ito sa ating mga buhay ngayon.

Biyernes, Oktubre 09 2009

ANG MAGKAROON NG MALINIS NA BUDHI

Alam mo ba na maaring maglakad sa harapan ng Panginoon na may malinis na budhi? Kapag ikaw ay nasasabik kay Hesus, maaring sinusubukan mo na—taimtim na nagnanais—na sundin itong utos ng Panginoon.

 

Nais kong hikayatin ka: ito ay maari o hindi na sana tayo tatawagin ng Diyos. Ang magkaroon ng malinis na budhi ay naging bahagi na ng buhay na may pananalig mula pa noong kinausap ng Diyos si Abraham: “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay” (Genesis 17:1).

 

Sa Lumang Tipan nakita natin na ang iba ay nagtagumpay. Halimbawa si David, tiyak sa kanyang puso na sumunod sa utos ng Diyos na maging dalisay. Sinabi niya, “Ang aking susunding tumpak na ugali’y walang kapintasan… Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan” (Awit 101:2).

 

Upang makamit na mapanghawakan ang kaisipan ng pagkadalisay, una nating dapat maunawaan na ang pagkadalisay ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan, walang kapintasang pamumuhay. Hindi, ang pagkadalisay sa mga mata ng Panginoon ay may ibang pakahulugan. Nangangahulugan ito ng may kabuuan, malawak na pang-unawa, kagulangan.

 

Ang kahulugan sa Hebreo at Griyego ng pagiging ganap o pagkadalisay ay kabilang ang “matuwid, walang dumi o kapintasan, ganap na masunurin.” Nangangahulugan ito na tapusin ang inumpisahan, gumawa ng tapos na pagganap. Tinawag ni John Wesley itong kaisipan ng pagkadalisay na “matapat na pagkamasunurin.” Ito ay, ang malinis na budhi ay isang pusong tumutugon, yaong mabilisang tumugon at ganap sa lahat ng panunuyo, mga pagbulong, at mga babala  ng Panginoon. Ang ganitong puso ay nagsasabi sa lahat ng sandali, “Magsalita ka, Panginoon, ang iyong lingkod ay nakikinig. Ipakita mo sa akin ang daan, at lalakaran ko ito.”

 

Ang malinis na budhi ay tumatawag kasama ni David, “O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais, kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid” (Awit 139:23-24).

 

Ang Diyos sa katunayan ay sinisiyasat ang ating mga puso; sinasabi ng sapat kay Jeremias: “Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumusubok sa puso ng mga tao” (Jeremias 17:10). Ang kahulugan sa Hebreo ng pariralang ito ay, “Ako’y pumapasok,  sinisiyasat ko ng malalim.”

 

Ang malinis na budhi ay nagnanais na pumasok ang Banal na Espiritu at siyasatin ang kaibuturan ng tao, upang magliwanag ang lahat ng nakatago—upang siyasatin, ilantad at hukayin ang lahat na hindi kawangis ni Kristo. Yaong mga nagtatago ng lihim na kasalanan, gayunman, ay ayaw na mahatulan, masiyasat o maimbestigahan.

 

Ang malinis na budhi ay nananabik ng higit pa sa kapanatagan o pagtatakip sa kasalanan. Hinahanap nito na maging nasa presensiya palagi ng Diyos, Manahan sa pakikipag-isa. Ang pakikipag-isa ay nangangahulugan ng pakikipag-usap sa Panginoon, ibinabahagi ang matamis na pakikipag-isa sa kanya, hinahanap ang kanyang mukha at inaalam ang kanyang presensiya.

 

Ang pagsisiyasat sa puso ng Panginoon ay hindi mapaghiganti. Ang kanyang hangarin ay hindi upang tayo ay mahuli o maparusahan, sa halip ay upang ihanda tayo na humarap sa banal na presensiya na malinis katulad ng dalisay na sisidlan. “Sino ang marapat na umahon sa burol, sa burol ni Yahweh sino nga ang aahon? Siya, na malinis ang isip at buhay… Ang Diyos na si Yahweh ay pagpapalain siya” (Awit 24:3-5).