Martes, Hunyo 30, 2009

ANG MGA PAGPAPALA NG KABUTIHAN AT KAGANDAHANG-LOOB

Inaalis ng Espiritu Santo ang lahat ng takot mula sa atin --- takot sa pagbagsak, ang mapalayo mula sa Diyos, ang mawala ang presensiya ng Espiritu Santo --- sa pamamagitan ng pagtatanim sa atin ng kaniyang kagalakan. Kailangang magpatuloy tayong nagbubunyi, katulad ng ginawa ni David, sapagkat tiniyak ng Diyos sa atin na tayo ay mananaig.

 

Gayunman kaunti lamang na mga Kristiyano ang mayroong ganitong kagalakan at kasiyahan. Marami ay hindi alam ang kapahingahan ng espiritu o ang kapayapaan ng presensiya ni Cristo. Naglalakad sila sa paligid natin na para bang nagdadalamhati, isinasalarawan ang sarili nila na nasa daliri ng poot ng Diyos sa halip na nasa ilalim ng kaniyang mapag-ingat na mga pakpak. Hinahanap nila siya bilang mabagsik na katiwala, laging handang hagupitin sila ng latigo sa likod. Kaya’t sila’y hindi masayang namumuhay, na walang pag-asa, higit pa sa patay kaysa sa buhay.

 

Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang ating suliranin ay hindi ang kasalanan; ito ay ang tiwala. Nilutas na ni Jesus ang ating mga suliranin sa kasalanan sa kalbaryo. Hindi siya madalas na naghahayag sa atin, “Sa sandaling ito lumampas ka sa guhit.” Hindi, hindi kailanman! Ang kaniyang loobin sa atin ay ang kabaligtaran. Ang kaniyang Espiritu ay patuloy na inaamo tayo, nagpapaalala sa atin ng mapagmahal na kagandahang-loob ng Ama maging sa gitna ng ating mga kabiguan.

 

Kapag tayo ay napatuon sa ating kasalanan, nawawala tayo sa paningin ng mga bagay na higit na ninaais ng Diyos: “Ngunit kung walang pananampalataya, walang sinumang tunay na makakapagbigay-lugod sa kaniya. Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at dapat siyang sumampalatayang siya ang nagbibigay gantimpala sa mga masikap na humahanap sa kaniya” (Hebreo 11:6).

 

Ito ang kaisipan na matagal nang kinasasabikan ng Amang nasa langit na para sa atin para sa kanya. Alam niya kung kailan tayo magsisisi sa ibabaw ng ating mga kabiguan at mga kasalanan. Alam niya kung kailan darating ang ating pagsisisi. Ngunit hindi niya mahintay ang takdang panahon. Kaya’t nangunguna siyang, nagsasabi, “Nais kong tiyakin sa aking anak na hindi siya huhusgahan, sapagkat pinatawad ko na siya sa pamamagitan ng paglilinis ng dugo ng aking Anak.”

Lunes, Hunyo 29, 2009

ANG MAPAGPALANG PAG-IBIG NG PANGINOON

 “Dinalaw mo siya na ang iyong taglay ay gintong korona, iyong pinagpala’t pinutungan siya” (Awit 21:3). Sa unang tingin, ang talatang ito ni David ay medyo palaisipan. Ang salitang “pigilin” ay may kinalaman sa paghadlang, hindi ng pagpapala. Ang makabagong pagsasalin nito dito ay, “Pinigilan ng Panginoon si David ng may kasamang pagpapala ng kabutihan.”

 

Gayunman ang makabibliyang salita para sa “pigilin” ay naglalarawan ng isang may kabuuang kakaibang kahulugan. Ito ay nangangahulugan na “asahan, manguna, makini-kinita at punuan muna, bayaran ang utang bago pa dumating ang taning ng pagbabayad nito.” Higit pa doon. Sa lahat halos ng pagkakataon, ito ay nagapapahiwatig ng may kinalaman sa kagalakan.

 

Binigyan tayo ni Isaias ng isang sulyap sa uring ito ng kagalakan. Nanggaling ito mula sa Diyos na umaasa at pinupunan ng una sa panahon. “Ang dalangin nila kahit di pa tapos ay aking diringgin, ibibigay ko na yaong hinihiling” (Isaias 65:24).

 

Ang talatang ito ay nagbigay sa atin ng di-kapani-paniwalang larawan ng pag-ibig ng Panginoon para sa atin. May katunayan, siya ay lubos na balisa para pagpalain tayo, sadyang handa para gampanan ang kaniyang mapagmahal na kabutihan sa ating mga buhay, na hindi na niya mahintay na sabihin pa sa kaniya ang mga pangangailangan natin. Kaya’t siya’y lumundag papasok at ginampanan ang pagkilos ng kahabagan, grasya at pag-ibig para sa atin.

 

Ito ang sinasabi ni David sa Awit 21, may kakaniyahan: “Panginoon, ibinuhos mo ang iyong pagpapala at mapagmahal na kabutihan sa akin bago ko pa man ito hiniling. At inialok mo ang higit pa sa maaring maisip kong hilingin.”

 

Tinutukoy ni David ang ilang nakasisindak na gawain na ginampanan ng Diyos para sa kaniya sa espirituwal na kaharian. Ito ay isang bagay na nagbigay kay David ng tagumpay laban sa kaniyang mga kaaway, mga kasagutan sa panalangin, nangingibabaw na kapangyarihan at di masambit na kagalakan. At ginawa lahat ito ng Diyos bago pa man makapanalangin si David, para maibsan ang kaniyang puso o ihain ang kaniyang mga kahilingan. At nang sa huli ay ibinuhos ni David ang kaniyang puso, natuklasan niya na napaghandaan na ng Diyos ang paggapi sa kaniyang mga kaaway. Natiyak na ang tagumpay ni David bago pa man siya nagtungo sa labanan.

 

Pinanghawakan ni David ang mga pangakong yaon. At ang una niyang ginawa ay ang alisin ang kaniyang tingin sa kaniyang padating na kaaway. Ngayon hindi na siya tumatangis tungkol sa pagiging nasa kaguluhan, sinusubok na unawain kung bakit dumating ang paghihirap. Sa halip, nagpainit siya sa pahayag ng mapagmahal na kabutihan ng Diyos: “Nang nasa panganib, ako’y tinulungan, iniligtas ako pagkat kinalugdan!” (Awit 18:19).  

 

Ito ang layunin ng Diyos para sa bawat isang anak niya kapag dumating ang kaaway sa atin na katulad ng baha. “Pinipigilan” tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng kaniyang pag-ibig. Sa ibang salita, sinasabi niya sa atin, “maaring nasugatan ka, ngunit iyan ay walang halaga. Ginawa na kitang tagumpay.”

Biyernes, Hunyo 26, 2009

ANG MATAGUMPAY NA IGLESYA

Mayroong matagumpay na iglesya na lumalago maging sa ngayon, galing sa mga mabibigat na pagsubok ng pananampalataya.

 

Itong mga nasa huling-araw na iglesya ay nanggagaling sa mga nag-aapoy na mga pugon at mahabang panahon ng pagdurusa. Kaya, itanong mo, ano ang binabalak na gawin ng Diyos?

 

Ang nakikita kong nangyayari ay ang Espiritu Santo na kumikilos dinadala ang mga tao patungo sa ganap na kabiguan. Pinangungunahan niya sila sa isang pagpapahayag ng kahinaan sa kanilang mga sariling laman, upang maipakita ang sarili niya na malakas. Nakikita ko na dinadala niya ang kaniyang mga tao sa katapusan ng kanilang mga sarili, dinudurog ang kanilang mga nagmamatigas na kalooban, hanggang ang kanilang isipan ay naging, “Sundin ang kalooban niya.” Nakikita kong pinangungunahan niya ang kaniyang mga minamahal sa isang lugar ng pagsubok na lubos na mabigat na himala lamang ang makapagliligtas sa kanila. At sa pamamagitan ng lahat ng ito, sila ay nagiging ganap  na umaasa sa Panginoon para sa lahat ng bagay.

 

Ito ba’y naglalarawan ng iyong kalagayan? Marahil ikaw ay maraming taon nang naglalakad kasama si Jesus, at hindi ka pa naharap sa isang pagsubok na katulad ng nasa iyong harapan ngayon. Ang mga bagay ay dumarating sa iyo na mukhang nakagagapi, mga bagay na Diyos lamang ang may kakayahang umayos nito. At naisip mo na siya lamang ang makapagliligtas sa iyo.

 

Sa mga sandaling ito, ang mga Muslim ay naghahanda para sa isang kahuli-hulihang banal na pakikipagdigmaan, “para sakupin ang sanlibutan” para kay Allah. Ang mga kampo ng pagsasanay ng mga Muslim ay dumarami sa buong sanlibutan na may mensahe ng poot, naglalarawan ng walang habag na pagpugot ng ulo.

 

Gayunman, ang Panginoon ay mayroon ding mga tao na nagsasanay, mga tao na gagamitin niya para harapin ang poot ng sanlibutang ito. Paano niya magagawa ito? Sinasanay niya ang mga ito at binibigyan ng gamit  para sa kaniyang mapagmahal na kabutihan at kapayapaan. Ang ating Diyos ay Diyos ng pag-ibig, at hindi siya gagamit ng mga bomba, mga baril o mga pulutong na nagpapakamatay, kundi na mga nananaig na mga tao na walang takot na nasa Panginoon na may magiliw na kahabagan.

 

Sa buong sanlibutan, ang mga tao ng Diyos ay dumaranas ng pagdurusa, kapighatian at pagpapahirap ng higit pa sa buong buhay nila. At sa mga ito nakasisiguro ako: mayroon isang banal, walang hanggang layunin na nasa masidhi sa mga espirituwal at pisikal na pakikipaglaban na ngayon ay pinagtitiisan sa tunay na katawan ni Cristo. “Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi” (Awit 145: 9).

Huwebes, Hunyo 25, 2009

IKAW BA’Y MAHABAGING TAO?

“Ang habag mo, Panginoon ay wala nang kapantay” (Awit 119:156). “O itong si Yahweh ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag, banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas. Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi” (145: 8-9).

 

Nais kong tanungin ka ng isang katanungan na itinatanong ko sa aking sarili sa mga nakalipas na panahon: Ikaw ba’y mahabaging tao? Marami sa atin ay sasagot ng, “Palagay ko ako’y mahabagin. Sa abot ng aking kakayanan, nakikiramay ako doon sa mga nagdurusa. Nadarama ko ang kirot ng aking mga nagdurusang mga kapatid kay Cristo, at sinusubukan kong makatulong sa kanila. Ginagawa ko ang abot ng aking kakayanan para tulungan ang pangangailangan ng aking mga kapitbahay. At kapag sinaktan ako ng tao, pinatatawad ko sila at hindi ako nagtatanim ng galit.”

 

Naniniwala ako na ang lahat ng tunay na Kristiyano ay mayroong sapat na kakayanang mahabag para sa mga naliligaw at nagdurusa. Nagpapasalamat ako sa Diyos para doon. Ngunit ang malungkot na katotohanan ay, ang Salita ng Diyos ay inilalantad sa atin ang mamalim na ugat ng may pinapanigan o pinipili at may hangganang pananaw ng kahabagan.

 

Maraming relihiyon na umaangkin ng takot sa Diyos ay mayroong pananalig o paniniwala na nagsasabi ng, “Ang magiliw, mapagmahal na kahabagan ng Diyos ay ipinaabot sa buong sangkatauhan.” Bilang mga tagasunod ni Jesus, marami tayong sinasabi tungkol sa kaniyang magiliw na kahabagan sa buong sanlibutan. Ngunit narito ang katotohanajn:

 

Maramimg mga tao na kung saan ang maraming Kristiyano ay nilagyan ng hangganan ang kahabagan ng Diyos. Naiisip ko ang mga masasamang babae na nagtatrabaho sa mga walang diyos  na bahay-aliwan. Naiisip ko ang mga tao sa Africa at sa iba pang lupalop ng mundo na nagkakandamatay sa sakit na AIDS. Naiisip ko ang mga omoseksuwal na nagtitiis sa walang katapusang kirot sa puso at paghihirap ng isip, ang mga pagsubok sa kanilang mga buhay, at yaong mga naglalasing ng sagaran para makalimot at mawala ang kirot.

 

Mula sa nabasa ko sa Kasulatan, hindi ko matatanggap na tatalikuran ng aking Tagapagligtas ang walang pag-asang pagtangis ng isang masamang babae, isang omoseksuwal, isang lulong sa bawal na droga o isang lasenggo na sagad na. Ang kanyang kahabagan ay walang hangganan: walang katapusan. Kung gayon, bilang kaniyang iglesya --- ang kumakatawan kay Cristo sa sanlibutan --- hindi natin maaring pigilan ang sinumang tumatangis ng kahabagan at kaligtasan.

 

Maaring hindi natin namamalayan ang ganitong may pinipili sa ating kalooban hanggang sa ang mga ito ay nasa harap na ang ating mga mukha, inihaharap sa atin na kasama ang katotohanan sa ating mga puso. Habang ito ay isinasa-alang-alang mo sa iyong sariling buhay, tatanungin kitang muli: Ikaw ba’y mahabaging tao, magiliw at mapagmahal? Naisasalarawan ko na ang maraming nagbabasa ay nagsasabi ng “Oo.” Gayunman, tanungin mo yaong mga nakapaligid sa iyo --- ang iyong pamilya, ang iyong mga katrabaho, ang iyong mga kaibigan at mga kapitbahay, ang iyong mga kaibigang ibang lahi --- at tingnan kung paano sila sasagot.

Miyerkules, Hunyo 24, 2009

ANG KABUTIHAN NG KRUS

Sinabi ni Jesus ang parabulang ito, ginamit ito bilang paraan ng pagtuturo patungo sa dakilang katotohanan. Sa parabulang iyon, maliwanag na nakita natin ang kabutihan nito sa tao --- at gayon din nakita natin ang kabutihan nito sa Diyos. Naalala mo, ang parabula ng alibughang anak ay hindi lamang tungkol sa pagpapatawad  ng nawawalang tao. Higit pa dito, ito ay tungkol sa kagalakan ng ama ng makita niyang patakbong palapit sa kanya ang anak.

 

Alam mo ang kuwento. Isang anak na nakababata ay kinuha ang bahagi ng kanyang mamanahin sa kanyang ama at nilustay ito sa isang walang katuturang pamamaraan. Nauwi siyang nawala ang lahat, nagkasakit sa kalusugan at sa espiritu, at sa pinakamababang katayuan niya nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama. Sinabi ng Kasulatan sa atin, “Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya” (Lucas 15:20).

 

Itala na walang anumang naging hadlang sa kapatawaran ng ama para sa kanyang anak. Walang anumang ginawa ang anak na ito --- hindi man lamang niya naikumpisal ang kaniyang mga kasalanan --- sapagkat ang ama ay nakapaghanda para sa kanilang pagkakasundo. Ang katotohanan, ang lahat ng iyon ay nangyari sa pangunguna ng ama: tumakbo siya at niyakap ang anak paglapit sa kaniya. Ang katotohanan ay, ang pagpapatawad ay hindi nagiging suliranin sa kaninumang ama. Kahalintulad, hindi ito naging suliranin ng ating Amang nasa langit kapag nakita niya ang anak na nagsisisi.

 

Kaya ang pagpapatawad ay hindi naging usapin sa parabulang ito. Sa katunayan, niliwanag ni Jesus na hindi sapat para sa alibughang ito ang basta patawarin lamang. Hindi niyakap ng ama ang anak para patawarin lamang siya at hayaang lumayo. Hindi, ang ama ay naghangad hindi lamang sa pagpapanunumbalik ng anak. Hinangad niya ang pagsasama nilang mag-ama, ang kaniyang presensiya, at pakikipag-isa.

 

Kahit na ang alibughang anak ay napatawad na at muling kinaaliwan, hindi pa rin niya ramdam na naninirahan siyang muli sa tahanan ng ama. Noon lamang masisiyahan ang ama, mapunuan ang kagalakan niya kapag ang anak niya ay muling naibalik sa kanya. Iyan ang usapin sa parabulang ito.

 

Sa mata ng ama, ang dating anak ay namatay na. Ang anak na yaon ay nabura nang ganap sa kanyang isipan. Ngayon, sa mga mata ng ama, ang anak na ito na muling bumalik sa tahanan ay isa nang bagong tao. At ang kaniyang nakalipas ay hindi na muling uungkatin pa. Sinasabi ng ama , na may kakaniyahan: “Kung ako ang tatanungin, ang dating ikaw ay patay na. Ngayon, lumakad kang kasama ko bilang bagong tao. Iyan ang pagtingin ko sa iyo. Hindi mo na kailangang mamuhay sa ilalim ng pagsisisi sa kasalanan. Huwag mo nang babanggitin ang tungkol sa mga kasalanan mo, tungkol sa iyong walang karapatan. Ang suliranin sa kasalanan ay nalutas na. Ngayon, malaya kang lumapit sa aking presensiya at makihati sa aking kahabagan at grasya. Nalulugod ako sa iyo!”

Martes, Hunyo 23, 2009

ANG KAGALAKAN NG DIYOS AY NANGGAGALING MULA SA KANYANG KALUGURANG KASAMA TAYO

Ang Panginoon ay may dakilang kagalakan na ibinigay ng krus sa atin na may kasamang kalayaan na lumapit sa kanya. Katunayan, ang pinakamaluwalhating sandali sa kasaysayan ay nang nahati sa dalawa ang belo, sa araw na namatay si Cristo. Sa mga sandaling iyon, nayanig ang sanlibutan, nabiyak ang mga bato at ang libingan ay bumukas.

 

Sa mga sandaling iyon ay bumuhos ang kabutihan ng Diyos. Sa sandali na ang templong belo --- paghihiwalay ng tao sa banal na presensiya ng Diyos --- ay nagkapira-piraso, may nangyaring kamangha-mangha. Mula sa mga sandaling iyon, hindin lamang nakapapasok ang tao sa presensiya ng Panginoon, kundi pati ang Diyos sa tao.

 

Siya na dating nanirahan sa “makapal na kadiliman” ay hindi naghintay sa atin para pumasok sa kanya, kundi siya mismo ang lumapit sa atin. Ang Diyos mismo ang nanguna, at ang dugo ni Cristo ang nag-alis sa lahat ng hadlang. Isa itong bahagi ng pagkilos ng Panginoon, isang uri na ang isa ay nagsabing, “Tama na --- makikipag-ayos  ako. Gigibain ko ang pader na ito na nakahadlang. At gagawin ko ito sa sarili kong pangunguna.

 

Bago sa krus ng Kalbaryo, wala pang nakalalapit sa Diyos para sa pangkalahatang madla; ang mga saserdote lamang ang nakapapasok sa Dakong Kabanal-banalan. Ngayon ang krus ni Jesus ang nagbigay daan  para sa atin upang makapasok sa presensiya ng Ama. Sa pamamagitan lamang ng kanyang grasya, giniba ng Diyos ang pader na hadlang mula sa kanyang presensiya. Ngayon makalalabas na siya para sa tao, upang mayakap ang kanyang mga alibughang anak at lahat ng uri ng mga makasalanan.

 

Narito ang susi sa aking mensahe: hindi ka makararating sa kagalakan at kapayapaan – ang katotohanan, hindi mo malalaman kung paano maglingkod sa Panginoon --- hanggang sa makita mo ang kagalakan sa iyong kaligtasan...hanggang sa makita mo ang kagalakan ng kanyang puso sa ibabaw ng kanyang pakikipag-isa sa iyo...hanggang sa makita mo na maalis ang bawat pader sa Krus...hanggang sa malaman mo na ang lahat ng iyong nakaraan ay nahusgahan na at nalinis na. Sinabi ng Diyos, “Nais kong magpatuloy ka, patungo sa kapunuan na naghihintay sa iyo sa aking presensiya!”

 

Marami ngayon ay nagbubunyi sa kahanga-hangang kabutihan ng Krus. Umalis sila sa Egipto, at sila’y nakatayo sa “panig ng tagumpay” ng kanilang pagsubok sa Pulang Dagat. Nagsasaya sila sa kalayaan, at patuloy silang nagpapasalamat sa paghagis sa dagat ng kanilang mga kalaban. Hindi nila alam kung bakit sila ay iniligtas ng Panginoon --- na kung saan ay para madala sila papasok sa kanya.

Lunes, Hunyo 22, 2009

ANG MALAYANG PAGPASOK SA PRESENSIYA NG DIYOS

 “Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapapasok Sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing –alalaong baga’y ang kanyang katawan... kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya” (Hebreo 10:19-20, 22).

 

Mayroon dalawang panig sa ginawa ni Cristo sa Kalbaryo. Ang isang bahagi ay para sa kabutihan ng tao, at ang isang bahagi ay para sa kabutihan ng Diyos. Ang isa ay sa kabutihan ng makasalanan, habang ang isa ay sa kabutihan ng Diyos.

 

Tayo ay ganap na may pagkapabatid sa kabutihan sa bahagi ng tao. Ang krus ni Cristo ay nagbigay sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan. Binigyan tayo ng kapangyarihan ng tagumpay sa ibabaw ng lahat ng pagkakagapos at kapangyarihan laban sa kasalanan. Tayo ay tinustusan ng kahabagan at grasya. At, tunay nga, tayo ay binigyan ng pangako ng buhay na walang-hanggan. Ang krus ay nagbigay sa atin ng pamamaraan ng pagtakas mula sa pananakot ng kasalanan at impiyerno.

 

Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa kabutihang ito ng krus sa sangkatauhan, at para sa kahanga-hangang kagaanan na dala nito. Nagbubunyi ako na ito ay ipinangangaral linggo-linggo sa mga iglesya sa buong sanlibutan.

 

Gayunman mayroon pang isang kabutihan ang krus, isang maliit lamang ang ating kaalaman. At ang isang ito ay para sa kautihan ng Ama. Nakita natin na maliit lamang ang ating pagkakaunawa tungkol sa kaluguran ng Ama na naging tunay sa pamamagitan ng krus. Isa itong kagalakan na dumating sa kanya sa tuwinang tinatanggap niya ang isang alibughang anak sa kanyang tahanan.

 

Kung ang lahat ng ating pinagtutuunan tungkol sa krus ay kapatawaran --- kung iyan ang magtatapos sa ating pangangaral --- kung gayon ay nakaligtaan natin ang isang mahalagang katotohanan na nais ipaunawa ng Diyos sa atin tungkol sa krus. Mayroong ganap na pang-unawa na dapat matutunan dito, at ito ay may kinalaman sa kanyang kagalakan. Ang katotohqnan ay nagbibigay sa mga tao ng Diyos ng higit pa sa kagaanan. Nagdadala ito ng kalayaan, kapahingahan, katahimikan at kagalakan.

 

Sa aking palagay, higit na maraming Kristiyano ay natutunan na malayang lumapit sa Diyos para sa kapatawaran, para sa mga pangangailangan, para sa mga kasagutan sa mga panalangin. Ngunit sila ay nagkukulang sa antas ng pananampalataya --- isang kalagayan na kasing halaga ng kanilang paglalakad kasama ang Panginoon.

Biyernes, Hunyo 19, 2009

NAWA’Y ANG GRASYA AT KAPAYAPAAN AY LUMAGO SA INYO

Habang inihahanda ko ang pagsusulat ng mensaheng ito, maliwanag na nangusap ang Espiritu Santo sa akin na kailangan kong ipadala sa inyo ang mga sumusunod na pagpapalakas-loob mula Awit 37. Patuloy akong namamangha kung paano ipinapadala ng Diyos ang kanyang Salita sa tamang pagkakataon, lalo na’t ito’y higit na kinakailangan. Ito ay ang mapagmahal niyang kalikasan na madirinig niya kayong tumatangis at makapaghanda ng mahalagang salita na darating sa tamang sandali na kailangan ito. Pakinggan ang salita ng Panginoon para sa iyo:

 

1.     Huwag kayong mabalisa dahil sa masama, huwag mong kaiinggitan liko nilang gawa; katulad ng damo sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila:

                  Psalm 37:1, 2, 7, 8-15, 32-34.

 

2.     Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka:

Psalm 37:3-6.

 

Kung susundin mo ang kanyang Salita, mapupuno ka ng pagbubunyi at ipagkakaloob ang nais ng puso mo. Ipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ipinangako niya. Makikita mo ang kanyang katarungan na padating sa iyo.

 

3.     Alam ng Diyos ang bawat padating na hakbang. At ipinag-uutos niya ang lahat patungkol sa buhay mo, sa iyong pamilya, sa iyong mga pangangailangan. Kaya, magtiwala sa kanya sa lahat ng bagay.

Psalm 37:23-29.

 

4.     Ang mga makaDiyos na magulang ay hindi patuloy na nananatiling galit sa kanilang mga anak, katulad din ng Panginoon na hindi galit sa kanyang mga anak. Nais niyang siya ang inyong maging kapayapaan, ang inyong lakas, at ang tulong sa sandali ng kagipitan:

Psalm 37:34, 37-40.

 

Ipinangako ng Panginoon na gawin ang lahat ng mabuting bagay na ito para sa kanyang mga tao sa Awit 37, “Sapagkat kay Yahweh nangungubling tunay” (37:40).

Huwebes, Hunyo 18, 2009

KAPAYAPAAN AT PAG-IBIG AY SUMAINYO MULA SA ATING MAPAGPALANG PANGINOON

Habang ako ay nasa pananalangin, ginabayan ako ng Espiritu Santo sa Awit 20:1-2:

 

 “O dinggin ka nawa ni Yahweh tuwina kung ikaw’y sapitin ng hirap at dusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Magmula sa templo, sana’y bigyang tulong at itaguyod ka magbuhat sa Sion” (aking italika).

 

ANG SALITANG ITO AY PARA SA IYO. Ano talaga ang kagipitang hinaharap mo? Mayroon ba sa sambahayan mo ay may sakit o humarap sa mabigat na pagsubok? Ang pangangailangan mo ba’y pananalapi? O ang kaguluhan sa iyo – ay ilang malalim na pagdurusa sa kasalanan o sa sarili?

 

Anuman ang iyong hinaharap, gaano man kabigat ang kagipitan, naririnig ng Panginoon ang tangis ng kanyang mga anak “sa araw ng kanilang mga kagipitan.”

 

Wala na bang ibang malalapitan? “At ang Diyos ni Jacob ay ingatan ka sana.” Hindi mo kalaban ang Panginoon – siya ay kaibigan mo, ang iyong dakilang tagapagtanggol. Magtiwala sa pangalan niya at sa kanyang kapangyarihan na iligtas ka.

 

Kung ang lahat na mayroon ka ay ang isang pangakong ito, ito ay sapat na.: “Magmula sa templo, sana’y bigyang tulong at itaguyod ka [ang lugar ng pananalangin at pagsamba].” Sa loob ng dalawang talata ipinangako niya na diringgin ka… ipagtatanggol ka… palalakasin ka. Kamangha-mangha – manalig dito!

Miyerkules, Hunyo 17, 2009

ANG BATIS NG BUHAY AY TUMATAAS!

Kahit na ang kamatayan ay nakasunod sa lahat ng paligid, ang batis ng espirituwal na buhay ay tumataas. At napagagaling nito ang lahat ng mahipo nito.

 

Mayroong dumaraming espirituwal na kamatayan sa maaraming denominasyon, pati na sa maraming lokal na iglesya. Ang mga tao ay namamatay sa espirituwal dahil sa kakulangan ng matibay na Salita ng katotohanan.

 

Hindi ba nakapagtataka na samantalang sa Rusya, Tsina at Silangang lugar na mga Komunistang bansa ang mga tao ay lumalapit sa Panginoon na may malaking pagkagutom na espirituwal at pagkauhaw – habang dito sa Amerika, mga mangangagas, mga gumagawa ng pornograpiya at mga patay na denominasyon ay nagkakalat ng kamatayan at panunuya ng mga banal na mga bagay?

 

Salamat sa Diyos, sa kanyang mga banal na layunin ay hindi mapipigilan man lang kahit na kaunti. Maging sa ngayon ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa buong sanlibutan. At dito sa Amerika, nakakakita kami ng mga panunumbalik at dakilang espirituwal na pagkagutom.

 

Ikaw ba’y nakararanas ng higit na pagkagutom para sa Panginoon at sa kanyang Salita na higit pa kaysa sa dati? Iyan ay gawain ng Espiritu Santo, habang makapangyarihan niyang itinataas ang mga natitirang banal. Dito sa lunsod ng Nuweba York, nakararanas kami ng pagbaha ng gutom sa Diyos na mga tao na nagpupunta sa simbahan ng maaga at nagtatagal bago umalis. Mga tao na galing sa lahat ng uri ng buhay ay nagiging tulad ng imahe ni Jesus – mayaman, mahirap, mga walang tahanan, mula sa lahat ng nasyonalidad. Maraming mga tao na bumibisita mula sa ibat-ibang panig ng mundo, at sila man ay nakasasaksi sa “tubig na malalanguyan.”

 

Ang batis ay tumataas, at ito ay nagdadala ng espirituwal na buhay sa lahat ng mahipo nito. Nawa’y hipuin kayo saan man kayo naroroon. 

Martes, Hunyo 16, 2009

PAGPALAIN AT INGATAN KAYO NG PANGINOON SA LAHAT NG INYONG GINAGAWA

Kamakailan muli kong binasa ang kuwento ng buhay ni George Muller na siyang, sa kalagitnaan ng taong 1830, ay nangalaga sa mahigit na 2,000 mga naulila sa Inglatera – lahat sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos. Si Muller ay kilala bilang isang tao na laging sinasagot sa kanyang mga panalangin. Bago siya namatay, naitala niya sa kanyang talaarawan ang mahigit na 50,000 kasagutan sa panalangin.

 

When asked how he determined the will of God on any matter, Muller listed the following steps he believed were necessary:

Nang tanungin kung paano niya nalalaman ang kalooban ng Diyos sa anumang bagay, itinala ni Muller ang mga sumusunod na paraan na siya niyang pinaniniwalaan  ay mahalaga para dito:


1.     “Inilalagay ko ang aking puso sa isang kalagayan na ito ay walang kakayanang pansarili para sa anumang natatanging bagay.”

 

2.     “Hindi ko iniiwan ang kinalabasan sa damdamin  lamang o payak na  impresyon. Na maaring maglagay kaninuman na bukas sa maling paniniwala.”

 

3.     “Hinahanap ko ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan, o may kinalaman sa kanyang Salita. Kung titingin ka sa Espiritu na wala ang Kasulatan, mabubuksan mo ang sarili mo sa maling paniniwala.”

 

4.     “Isinasaalang-alang ko ang mapalad [na kalooban ng Diyos] na kalagayan.”

 

5.     “Hinihiling ko sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin na ipahayag niya ang kanyang kalooban para sa akin.”

 

6.     “Sinisiguro ko may malinis akong budhi sa harapan ng Diyos at ng tao.”

 

7.     “Sa tuwinang makikinig ako sa tao sa halip na sa Diyos , nakagagawa ako ng mabigat na pagkakamali.”

 

8.     “Kumikilos lamang ako kapag ako ay may kapayapaan, pagkataposs ng mahabang pananalangin, naghihintay sa Diyos na may pananampalataya.”

 

Yaong mga naglalakad na may pananampalataya, hinahanap lamang ang dalisay na kalooban ng Diyos, ay madalas na may pagsubok na malungkot. Higit pa sa aking sariling buhay, natagpuan ko kung gaano kahalaga ang taimtim na pananalangin at pagbabasa ng BIbliya. Nakakalungkot, kaunti lamang sa mga tao ng Diyos ay taimtim na nananalangin sa mga panahong ito. Sa halip, madalas na nanonood ng telebisyon at kaunti lamang ang naghihintay sa Diyos.

 

Kapag ibinigay ko ang sarili ko sa pananalangin, ang pananampalataya ko ay tumataas. At kapag ako ay kumain ng Salita ng Diyos, ang aking pagtitiwala sa kanyang kapangyarihan para manguna at tulungan ako na lumago. Ang Panginoon ang aking naging tagapag-ingat ng salapi, aking tagapayo, aking abogado.

 

Nawa’y matagpuan mo siyang ganoon din ang ginagawa para sa iyo. 

Lunes, Hunyo 15, 2009

BINABATI KO KAYO SA MALUWALHATING PANGALAN NI JESUS

Ang Espiritu ng Diyos ay inuga ako ng madiin para magdala ako sa inyo ng isang paalala ng kung gaano kahalaga ang magpasalamat sa Panginoon para lahat ng kanyang pag-ibig at mga pagpapala sa atin. Ang magbigay pasalamat sa kanya ay mahalaga, maging ito ay sa gitna ng kagipitan at panahon ng pagsubok.

 

Ang Diyos at Israel may alitan sapagkat hindi sila marunong magpasalamat para sa lahat ng pagpapala at sa lahat ng kaloob. Nauunawaan ni David na mahalaga sa Diyos ang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga tao, ngunit alam din niya na nais din ng Diyos ang kanilang pasasalamat. Isinulat ni David, “Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang…purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan” (Awit 100:4). Kailangan tayo ay magsimula sa pasasalamat: “Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasasalamat” (50:14). “Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasasalamat, siya ay purihin, ng may awiting may tuwa at galak” (95:2).

 

Sa mga nakaraang panahon ng pagsubok, natagpuan ko ang kagalakan at kagaanan sa pamamagitan lamang ng pagharap sa Panginoon na may kasamang pasasalamat. Sinabi ko sa kanya na ako’y napangibabawan at ako ay lubos na nagpapasalamat para sa lahat ng nagawa niya sa akin sa nakalipas na panahon. Sa pamamagitan ng paggawa nito araw-araw, ang aking espiritu ay iniangat, ang aking kagalakan ay nanumbalik, at ako ay nailagay sa kapahingahan.

 

Ikaw ba’y nagbigay pasasalamat sa Panginoon sa mga nagdaang mga araw?  Tanong ko sa inyo, hindi ba maraming bagay kayong tinanggap na dahilan para bigyan siya ng pasasalamat? Ang inyong kaligtasan. Ang inyong kalusugan. Ang aliw at pagtangkilik ng Espiritu Santo sa inyong pinakagipit na kalagayan. Ang kanyang mga nakalipas na pagliligtas.

 

Sinabi ni Pablo na kailangan tayong magpasalamat sa Diyos para lahat ngt ating natutunan. Ang kanyang mga aralin ay ay nagbigay sa atin ng ugat na kung saan tayo ay naging matibay  sa ating kinatatayuan laban sa diyablo sa mga panahong ito. “Manatili kayo sa kanya at isalig sa kanya ang inyong buhay. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at laging magpasalamat sa Diyos” (Colosas 2:7).

 

Tinatawag ng Panginoon ang lahat ng kanyang mga tao sa panibagong pagbubuhos ng pasasalamat, para sa lahat ng ginawa niya sa atin.

Huwebes, Hunyo 11, 2009

NAWA’Y MAGNINGNING SA INYO ANG PANGINOON KASAMA ANG KANYANG GRASYA AT PAG-IBIG

Habang nananalangin tungkol sa kung ano ang maibabahagi ko sa mensaheng ito, ang Espiritu ng Diyos ay malakas na ipinukaw sa akin na mangusap sa inyo tungkol sa kanyang katapatan.

 

“Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ni Yahweh at ang kanyang walang kupas na kahabagan. Hindi nagbabago tulad ng bukang liwayway, dakila ang kanyang katapatan” (Mga Panaghoy 3:22-23).

 

Nais kong mangusap doon sa mga nagbabasa na binigo ang Panginoon. Marahil kayo ay nadulas. Marahil masyado kayong naging kontento sa pananalangin at pagbabasa ng Bibliya. O, kaya’y sumuway kayo sa Kautusan, nagkasala laban sa Panginoon. Maaring kayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng nananatiling kasalanan. Anuman ang kalagayan mo, maaring napangibabawan ka na ng takot, pagkakasala at kawalan ng paniniwala. Alam mo na sinabi ng Diyos na huhusgahan niya ang lahat ng uri ng kasalanan, at ang kaalamang iyan ay naging dalahin na may takot kayo, pagkat alam ninyo na ang Panginoon ay tapat sa kanyang Salita.

 

NGUNIT ANG DIYOS AY TAPAT DIN SA KANYANG KAHABAGAN. Sa Awit 89 natagpuan natin ang isa sa pinaka-nakagagaling, nakapagpapalakas-loob na mga salita sa kabuuan ng Kasulatan. Sinabi ng Diyos:

 

“Ang piniling lingkod na ito’y si David, aking pinahiran ng banal na langis… kaya’t palagi ko siyang aakbayan… di s’ya malulupig ng kanyang kaaway… aking dudurugin sa kanyang harapan. Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas, ay iuukol ko’t aking igagawad…gagawin ko siyang anak na panganay, mataas na hari nitong daigdigan!” (89:20-27).

 

Ang Awit na ito ay tumutukoy kay Cristo. At dito itinatag ng Ama ang isang pakikipagkasundo sa kanyang Anak:

 

“Ang aking pangako sa kanya’y iiral at mananatili sa kanya ang tipan” (89:28).

 

Mga Minamahal, ang katulad na pakikipagkasundo na ginawa niya kay Cristo ay ginawa rin niya sa lahat ng kanyang mga anak.

 

“Laging maghahari ang isa n’yang angkan, sintatag ng langit yaong kaharian… kung ang anak niya ay susuway, at ang aking utos ay di igagalang, kung ang aral ay di pakikinggan…kung gayon, daranas sila ng ng parusa sa ginawa nilang kasamaan, sila’y hahampasin sa ginawang sala…ngunit ang tipan ko’t pag-ibig kay David ay di magbabago’t hindi mapapatid. Ang tipan ko sa kanya’y di ko sisirain, ni isang pangako’y di ko babawiin” (89:29-34).

 

Isipin ito: nakipagkasundo ang Diyos na hindi niya kailanman babawiin ang kanyang mapagmahal na kabutihan mula doon sa mga na kay Cristo. Kakastiguhin niya tayo sa pamalo ng pagtatama, ngunit gagawin niya ito ng may kahabagan, pag-ibig at pagmamahal – sapagkat iniibig ng Panginoon ang kanyang kinakastigo. Magiging tapat siya sa iyo sa inyong pagdurusa, pananatilihin kayo na may kapangyarihan ng Espiritu. Hindi kayo pababayan ni Cristo; nagbigay siya maluwalhating pangako para ingatan kayo: “lahi’t trono niya’y di magwawakas, hanggang mayro’ng araw tayong sumisikat” (89:36).

 

Magpasalamat sa Panginoon para sa kanyang mapagmahal na kabutihan sa umaga. Pagkatapos ay pasalamatan siya sa kanyang katapatan tuwing gabi (tingnan Awit 92:1-2). Sa pamamagitan ng pananampalataya, tanggapin ang kanyang mapagpagaling na salita.

Miyerkules, Hunyo 10, 2009

PURIHIN ANG DIYOS!

Isang kaibigan ko ay nasa dulo na nang kanyang katinuan, nawalan na ng pag-asa, nag-iisip kung siya ay kinalimutan na ng Diyos sa kanyang pansariling bangungot. Siya’y ganap na nawalan na ng pag-asa kamakailan at tumangis sa Diyos, “Hanggang sa magpadala ka ng makapagbibigay ng salita na may pag-asa, hindi ko na kakayanin pang matapos ang araw na ito. Hindi ko na kaya pang tumagal ng isang araw pa.

 

Ilang oras pa ang lumipas, sa punto na gusto nang isuko ang buhay, kinuha niya ang liham sa kahon at natagpuan ang isang nakatatak na mensahe mula sa isang kaibigan na ipinadala makalipas ang ilang araw. Ito ay ang mensahe na inilabas noong 1992 na may pamagat na “Ang Paghubog sa isang Tao ng Diyos.” Nangusap ito ng pag-asa at pagpapanumbalik sa kanyang nagdurusang kaluluwa, siya ay namangha sa tiyempo ng Espiritu Santo. Ang Diyos ay laging tama sa oras, na may kasamang pag-asa na tiniyak para sa kanya.

 

Ngayon ako ay ginabayan ng Espiritu Santo na magpadala ng ilang pangungusap na pagpapalakas loob sa ilan na tatanggap ng kanilang sariling pag-asa, sa tamang panahon. Tingnan kung may isa sa mga sumusunod na munting-mensahe ay para sa iyo:

 

  1. Para sa mga dumaraan sa madilim na bahagi ng kanilang pagdadalamhati, may damdamin na kayo ay pinabayaan na ng Diyos: ang tingin mo ay nilito ka. Iniwan ka ng iyong mga Kristiyanong kaibigan. Nadarama mo na ganap na bigo ka para manalangin. Nadarama mo na itinaksil ka na at pinabayaan ng Diyos. Ang damdamin mo na iniwan ka na ay ganap na nakatatakot. Mayroong malalim na kapighatian sa iyo. Isang isipin ang nananatili sa isipan mo na maaring nasaktan mo ang Diyos. Naglaho na ang lahat ng damdamin mo sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Narito ang sasabihin ng Diyos para sa iyo:

“Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol na iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso, ako’y hindi lilimot sa inyo kahit na sandali” (Isaias 49:15).

 

  1. Para sa mga may mabigat na suliranin sa pagsasama bilang mag-asawa: labis kang nasaktan. Nais mong maayos ang pagsasama ninyo at maipanumbalik ito, ngunit mukhang wala nang pag-asa. Labis ka nang kaaba-aba. Taimtim  kang nanalangin. Hindi mo gustong suwayin ang Panginoon, ngunit wala ka nang nakikitang pag-asa ng panunumbalik. Sinasabi ko sa iyo: huwag kang susuko sa inyong pagsasama, kahit na gaano pa kabigat ang kalagayan nito.

 “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang kayo’y pinsalain ng katakut-takot na balang. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo” (Joel 2:25). “Sa kabila ng inasal nila sila’y aking pagagalingin at tutulungan. At ang namimighati’y aking aaliwin” (Isaias 57:18).

  1. Para sa nagdadalamhati: may pangyayari na ibinagsak ka ng pagdadalamhati, isang kalungkutan, isang kabigatang hindi mo maiwaksi.  Iniibig mo ang Panginoon ngunit ang malalim na pighating ito naroon araw at gabi. Gumising kang kasama ito, dala mo ito buong araw, hindi mo ito maiwaksi sa gabi. Gayunman, alam ng Panginoon ang pagdurusa mo. Narito ang pahayag ng pag-asa para sa iyo:

 “Nababatid ko O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako’y pagdusahin, nanatili kang tapat. Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos, katulad ng binitawang pangako sa iyong lingkod. Sa akin ay mahabag ka, at ako ay mabubuhay, ang lubos kong kasiyaha’y nasa iyong kautusan” (Awit 119:75-77).

Martes, Hunyo 9, 2009

MAGBUNYI AT MAGALAK SA PANGINOON

Kamakailan nanalangin ako kasama ang isang minamahal na kapatid na malapit nang mamatay sa sakit na kanser. Siya ay nagdaranas ng matinding sakit sa maraming linggo na. Ngunit mayroon siyang napakagandang patotoo para sa lahat ng nakakakilala sa kanya. Hindi siya dumadaing, walang pighati, hindi tinatanong ang kadakilaan at katapatan ng Panginoon. Sinabi niya sa akin na nadarama niya ang isang may magnetong paghila sa kanya patungo kay Jesus, at siya ngayon ay “nandoon kay Cristo” ng higit pa dito sa sanlibutan. Pinagpala niya ako sa pamamagitan ng kanyang nagbubunying pag-asa at kapahingahan sa Panginoon.

 

Minsan nadinig ko mula isang ganap na matuwid na ministro na nagsabi, “Nais ko lamang tapusin ang gawain ko at umalis na dito.” Ilang nakadinig sa kanya na sinabi ito ay nag-isip na hindi siya marunong magpasalamat sa handog na buhay. Ngunit si apostol Pablo ay nagpahayag din katulad nito. Ang matibay na pagnanais ni Pablo ay ang makasama ang Panginoon. At, mga minamahal, ako man ay ganon din. Halos araw-araw sinasabi ko kay Jesus, “Mahal ko ang aking pamilya at pinasasalamatan kita sa buhay na ito. Ngunit walang makapagbibigay kasiyahan sa akin – hindi ang pamilya, mga bahay, lupain o kayamanan. Wala dito ang makahihipo sa aking kailangan. Ang gawaing ito ay katulad lamang ng isang nakikinikinita. Matagal ko nang gustong makapiling ka Panginoon, sa ultimong katotohanan.

 

Ikinukumpisal ko sa inyo, mayroong isang bagay na higit kong kinatatakutan ng higit pa sa anumang bagay sa buhay ko:  ang kasalanan ng kasakiman. Isang kasumpa-sumpang kasalanan ito: pag-ibig sa mga materyal na bagay sa sanlibutan, ang pananabik ng higit pa at mas maraming materyal na ari-arian. 

 

Ang kasakiman ay umaalipin sa mga puso  ng maraming Kristiyano. Mukhang wala nang kaligayahan ang tao at ang kanilang mga utang patuloy na naiipon. Iniisip nila na ang kasaganaan ng ating bansa ay wala nang katapusan. Ang mga Amerikano ay nabaliw na sa pangangamkam. Tayo ngayon ay nasa walang pakundangang paggasta na ikinalilito maging ng mga dalubhasa.

 

Nagbabala si Jesus sa atin na maluwag lamang nating hawakan ang mga bagay ng sanlibutan. Kailangan nating magpasalamat sa kanya sa mga pagpapalang bigay niya, at bukas-palad na magbigay sa mga pangangailangan ng mga mahihirap. Ngunit hindi natin dapat hayaang ang anumang bagay ng sanlibutang ito ay nakawin ang ating mga puso. Kailangang handa tayong mawalay lahat dito at gayunpaman ay nagbubunyi pa rin sa kanyang katapatan.

 

Hindi nais ng Diyos na madama nating nagkasala tayo dahil sa mga pagpapalang ibinibigay niya sa atin, basta hindi natin kinamkam ito para sa sarili lamang natin at ng ating pamilya, at itinatago na abot-kamay lamang. Nawa’y ang hangad ng inyong mga puso ay hindi lamang sa mga bagay na nasa sanlibutan, kundi ang malapit sa presensiya ni Jesus – ang ultimong katotohanan.

Lunes, Hunyo 8, 2009

PAGPALAIN KAYO NG DIYOS NG LUBUS-LUBUSAN

Habang ako ay nakaupo para isulat ang mensaheng ito, pinukaw ako ng Espiritu Santo para turuan at palakasin ang loob ng lahat ng mga mambabasa. Lubos akong naniniwala na ang mga sumusunod na mga salita ay mula sa Panginoon, at idinadalangin ko na kayo ay patatagin nito sa inyong pananamapalataya. Ito ang pinaniniwalaan ko na siyang itinuro sa akin ng Espiritu Santo para ibahagi sa inyo.

 

1.     Ang unang salita ay para doon sa mga bihag ng nananatiling kasalanan, sabik sa laman o bisyo. Nadama mong talunan ka, makasalanan, nanghihina. Sinabi ni Satanas na ikaw ay makasalanan at ang Diyos ay tumalikod palayo sa iyo.

Ipinapaalala ko sa inyo ang sinabi ng Diyos sa isang pangkat ng mga Israelitas na patungo sa pagkakabihag ng Babilonia, bilang bunga ng kanilang mga nakalipas na mga kasalanan. Kahit na ang mga Israelitas na ito ay nasa ilalim ng pagkastigo para sa kanilang mga kasalanan, tinawag pa rin sila ng Diyos na “mabuting bunga.” Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Yahweh, “Akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi; Katulad ng mabubuting igos na iyan, ang mga nabihag sa Juda na dadalhin sa Babilonia ay itinuturing kong mabubuting tao. Pangangalagaan ko sila at ibabalik balang araw sa kanilang lupain. Patatagin ko sila at hindi lilipulin; itatanim at hindi bubunutin” (Jeremias 24:4-7).

Ang tanging kailangan ninyo ay makadiyos na pagdadalamhati, isang hangarin na maging malaya at isang pananabik sa kanya. Hindi ka niya pababayaan. Makapangyarihang babaguhin ka niya at ililigtas kayo!

 

2.     Mayroon din akong sasabihin para doon sa mga nakadama na nawalan na ng patutunguhan. Nalilito ka sa maraming usapin tungkol sa iyong buhay. Wala ka nang mabalingan pa, at ang mga bagay ay mukhang wala nang patutunguhan. Nag-iisip ka, sa kaibuturan ng iyong puso, ikaw man ay nasa ilalim ng isang uri ng pagkastigo o hatol mula sa Diyos.

 

Maari lamang na tanggapin ang salitang ito mula sa Espiritu Santo: “Nalalaman ko po Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makatitiyak ng kanyang sasapitin. Ituwid mo ang iyong bayan, Yahweh; ngunit huwag po naman kayong maging marahas. Huwag kaming parusahan sa panahong kayo’y napopoot” Jeremias 10:23-24).

 

Hindi hahayaan ng Panginoon na kayo ay bumagsak sa kawalan ng pag-asa at panghihina. Hindi niya hahayaan ang anuman sa buhay ninyo para iligaw kayo o lituhin. Gagawin niya kung ano ang mabuti para sa inyo, ngunit hindi sa pamamagitan ng galit. Hindi galit ang Diyos sa inyo. Gagabayan niya kayo, kung ibibgay ninyo ang inyong pananampalataya, gaano man kahina ito. Magtiwala sa kanyang pag-ibig. 

 

Ito ang salita na alam kong pinukaw sa akin ng Espiritu Santo para ipadala sa inyo. Nawa’y napalakas nito ang inyong mga loob at nakatulong sa inyo.

Biyernes, Hunyo 5, 2009

NAWA’Y SUMAINYO ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS

Ganap ang aking pananalangin tungkol sa kung ano ang nais ng Panginoon na sasabihin sa inyo. Habang nagninilay-nilay, hinikayat ako ng Espiritu Santo na maingat na basahin kong muli ang Awit 33 at 34. Pagkatapos kong basahin ang dalawang Awit na ito, kaagad kong nalaman kung ano ang nais ng Panginoon na gawin ko.

Naniniwala ako na sa mga sumusunod na apat na talata, ang bawat magbabasa ng mensaheng ito ay makakatagpo ng mahalaga, tiyak na salita mula sa Panginoon. Tapat ang Diyos na magpadala ng salita sa kanyang mga tao sa isang panahon, at ipakikita ng kanyang Espiritu kung alin sa mga sumusunod na mga talatang ito ay para sa inyo sa tanging sandaling ito:

1. “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi babayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila’y binubuhay. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon; siya ang sanggalang natin at katulong” (Awit 33:18-20).


2. “Ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla. Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago’t winawalang-bisa. Ngunit ang mga panukala ng Diyos, ay mamalagi’t walang pagkatapos” (Awit 33:9-11).


3. “Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

4. “Kinukupkop ng diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig. Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan” (Awit 34:15, 17, 19).

Pagpalain ng Diyos ang kanyang mahalagang Salita para sa inyong puso. Ipinadadala niya ang Salita niya para magpagaling.

Huwebes, Hunyo 4, 2009

PAGPALAIN KAYO NG PANGINOON AT INGATAN NIYA KAYO SA KANYANG PAG-IBIG

Kamakailan, habang nagbibigay payo ako sa isang Kristiyanong lalaki na humaharap sa kanyang mga suliranin sa kanyang asawa, at sa kanyang trabaho, pumasok sa isipan ko na siya ay umaasang mananalangin ako o bigyan siya ng isang makapangyarihang payo para malutas ang kanyang mga suliranin. Gayunman inamin niya na siya man ay hindi nananalangin. Umuubos siya ng maraming oras sa panonood sa telebisyon, ngunit hindi siya nananalangin o nagbabasa ng Bibliya. Naisip ko sa sarili ko, “Ilang mga Kristiyano ngayon ay humaharap sa mga di-kapani-paniwalang magugulo at nakapananaig na mga suliranin, ganunpaman hindi nila hinahanap ang Diyos sa kanilang pansariling pananalangin.

Maari ba akong magtanong na may pag-ibig sa iyo ng ilang katanungan? Taimtim mo bang hinahanap ang Panginoon ng buong puso mo at lakas tungkol sa iyong mga suliranin at mga pangangailangan? Nagbibigay ka ba ng mahalagang sandali sa kanya sa lihim na pananalangin, naghihintay sa kanya? Gumugugol ka ba ng mahalagang sandali sa bawat araw sa pag-aaral ng kanyang Salita? Kung ang sagot mo ay hindi, ay tapatan kong sasabihin sa iyo na walang panalangin ninuman ang sasagutin para sa iyo. Inaasahan ng Diyos sa ating lahat na nagkakasundo tayo sa pananalangin.

Ipinangangako ng kanyang Salita, “Magkagayunman, masusumpungan ninyong muli si Yahweh kung siya’y buong sikap at taimtim ninyong hahanapin” (Deuteromio 4:29).

Hanggang sa di-natutunan ng mga tao ng Diyos na madaliang hanapin siya sa lihim na pananalangin para sa kanilang mga pangangailangan at mga suliranin, inihahain ang kanilang mga kaluluwa sa kanyang presensiya, ay magkakaroon ng pirmihan at paulit-ulit na kaguluhan at kawalan ng pag-asa. Tuwinang gugugol ako ng hindi nagmamadali, mahahalagang sandali kasama ang Panginoon, lagi akong pinanariwa, pinalalakas ang loob at tiwala na ang Diyos ay gagawa ng paraan.

Kung napukaw ka ng mensahe ko para manumbalik sa taimtim na pananalangin at may pananampalataya, naniniwala ako na isang araw ay pasasalamatan ninyo ako, pagkat makikita mo ang mga pagpapala at kagandahang-loob ng Diyos sa iyong kapaligiran. Malalim ang pag-ibig ng Diyos sa mga naghahanap sa kanyang mukha araw-araw. Nawa’y patawarin tayo sa ating palagiang pagpapabaya sa kanya.

Hinihikayat ko kayo, na simulan ninyong gugulin ang sandaling iyan kasama siya. Magtungo sa Diyos at ibuhos ang iyong kaluluwa sa kanyang banal na presensiya.

Miyerkules, Hunyo 3, 2009

ANG GRASYA AT KAPAYAPAAN AY MAPASAINYO MULA SA AMANG NASA LANGIT

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kahilingan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat” (Filipos 4:6).

Naniniwala ako na ang panalanging may kasamang pananampalataya ay ang kasagutan sa lahat ng bagay. Sinabi ni Pablo dito “sa lahat” – nangangahulugang, “Ipanalangin ang tungkol sa lahat. At ipagpasalamat na ang inyong kahilingan ay maririnig at sasagutin.” Sinabihan tayo na manalangin bilang ating unang pagpipilian, hindi bilang nasubukan na nating lahat ang ibang pamamaraan ng walang magandang kinalabasan. “Ngunit pagsumikapan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos…”(Mateo 6:33, aking italika).

Maraming Kristiyano sa panahong ito ay pinagdarambungan ni Satanas. Ang kanilang mga tahanan ay nasa magulong kalalagayan, sila ay sinalot ng takot, humaharap sila sa mga kaguluhan sa lahat ng kanilang mga paligid. Ang mga suliranin na nababasa ng ating ministeryo mula sa mga liham ng mga Kristiyano ay lubhang kalunus-lunos.

Ngunit sa tunay lamang, lubhang ang ilang mga mananampalataya na humaharap sa mga kapighatian ay lumalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng puspusang pananalangin. Kaunti lamang sa mga panahon ngayon ay may patuloy, na araw-araw, na gumagamit ng sariling mahalagang panahon kasama ang Diyos sa pananalangin. Madalas, ang kawalan ng pag-asa ang nangunguna pagkat hindi sila nagpupunta sa lihim na silid, para maibsan ang kanilang espiritu at itangis ang kanilang mga pagdadalamhati sa Panginoon. Sa halip, ibinabahagi nila ang lahat ng kanilang mga suliranin sa mga kaibigan, sa mga pastor, at mga tagapayo – at binabalewala nila ang Panginoon, na naghihintay sa kanila na mag-isa silang lalapit. Nananalangin tayo bilang panghuling magagawa.

Ang Diyos ba’y nalulungkot sa salinlahi ngayon katulad ng nangyari sa kanya sa Israel? Sinabi niya tungkol sa kanila, “Subali’t ako’y nalimutan ng sarili kong bayan nang napakahabang panahon” (Jeremias 2:32).

Nalulugod ang Diyos kapag tayo’y sa kanya una lumalapit, kapag tayo ay gumugugol ng mahalagang sandali kasama siya, ibinubuhos ang kaibuturan ng ating damdamin at inihahain ang ating mga kahilingan sa harap niya. Wala tayong karapatang sabihin na iniibig natin ang Panginoon kung hindi tayo gumugugol ng panahon na madalas kasama siya. Pakikinggan niya ang inyong mga panalangin at sasagutin ito. Ngunit kailangan niya kayong mag-isa para mangusap siya sa inyo sa tahimik na sandali.

Habang ako ay nagtutungo sa kanyang banal na presensiya bawat-araw, ang aking patuloy na hinihiling ay ang buksan ng Espiritu Santo sa akin ang Salita ng Diyos para ako ay maging tunay na tagapangaral para sa kanya. Nagtitiwala ako sa kanya na ang aking mga mensahe sa katawan ni Cristo ay maituturo, maitalaga at mahamon ang mga mananampalataya sa katuwiran.

Nawa’y makapagbigay kayo ng mahalagang sandali kasama siya, at magtiwala sa kanya sa inyong mga kahilingan.

Martes, Hunyo 2, 2009

MGA MINAMAHAL

Habang ako ay nasa pananalangin, nangusap ang Espiritu Santo sa aking puso tungkol sa apat na inaasahan na ang mga tao ng Diyos ay dapat na manalig sa kanya na ang mga ito ay mangyayari. Ang mga inaasahang ito ay ayon sa mga tiniyak na mga pangako na ginawa para sa atin ng Panginoon. Ang ating Diyos ay taga-gawa ng mga pangako at taga-tupad ng mga pangako!

1. UMASA NA GAGANTIMPALAN HABANG MASIGASIG NINYONG HINAHANAP ANG PANGINOON. “Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya” (Hebreo 11:6).

Maari kayong humiling na may pananampalataya para sa isang bagay mula sa Panginoon para makapagpalakas-loob at mapanumbalik ang inyong pagtitiwala sa sarili. Ang Diyos ay laging nasa tamang oras, at alam niya na kailangan ninyo ng pag-asa at mabuting balita sa sandali ng inyong pagsubok. Umasa kayo na tutuparin niya ang kanyang pangako na gagantimpalaan kayo ngayon, at kapag kayo ay may matinding pangangailangan. Ang Diyos ay hindi maaring magsinungaling – sinabi niya na gagantimpalaan niya yaong mga masigasig na naghahanap sa kanya – kaya hanapin siya araw-araw. At tunay na maniwala na ito ang magiging panahon ng iyong mapagpalang espirituwal.

2. UMASA NA MAKITA ANG KATUNAYAN NG PATULOY NA HIMALA SA INYONG BUHAY. “Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay” (Marcos 10:27).

Nakapagsulat na ako tungkol sa mga biglaang himala at patuloy na mga himala. Ang mga patuloy na himala ay nagsisimula sa hindi nakikita, tahimik na paraan at nagaganap unti-unti, isang maliit na kahabagan sa bawat pagkakataon. Ikaw ngayon ay nasa ganitong himala. Asahan na makita ang Diyos na kumikilos sa mahimalang pamamaraan, hindi nakikita ng mata ng tao. Ito dapat ang panahon na sasabihin mong, “hindi ko alam kung paano ito mangyayari – wala akong nakikitang nangyayari ngayon – ngunit naniniwala ako na inumpisahan na ng Diyos ang pagtugon sa aking mga dalangin simula pa lang ng hiniling ko ito.

3. ASAHAN NA PAPASOK SA IPINANGAKO NG DIYOS NA LUGAR NG KAPAHINGAHAN. “Samakatwid, may kapahingahan pang nakalaan sa mga nananalig sa Diyos…magsikap tayong makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos” 9Hebreo 4”9, 11).

Ang mga nagdaang taon ay siyang pinakagipit na panahon para sa maraming mananampalataya. Ito ang taon ng mga kataka-takang kalamidad, mga suliranin at mga pagsubok. Ngayon nais ng Panginoon na magtiwala kayo sa kanya na dadalhin kayo sa kanyang ipinangakong kapahingahan. Hindi sinadya ng Diyos na ang kanyang mga anak ay mamuhay sa takot at kawalan ng pag-asa. Kailangan natin ng walang-pag-aalinlangang pananampalataya, isang pagtitiwala sa kanya sa harap ng takot at kagipitan. Ngayon ang panahon na ibigay lahat ito kay Jesus.

4. UMASA NA ANG ESPIRITU SANTO AY LAGING “NASA KANYANG TEMPLO.” “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo” (1 Corinto 6:19).

Ang Espiritu Santo ay nananahan sa puso ng bawat mananampalataya. Siya ay nasa lahat ng lugar sa buong sanlibutan at sansinukuban. Humaharap ako bawat araw na tinatanggap na siya ay narito sa kanyang templo para aliwin at gabayan ako, palakasin ang loob ko at basbasan ako, para maipakita ang kaluwalhatian ni Jesu-Cristo sa patuloy na pagpapahayag. Ninanais niya na asahan ninyo na gagawin niya na ang kanyang presensiya ay magpahayag sa inyo at higit pa lalo sa bawat pagdaan ng mga araw.

Maniwala sa mga pangakong ito. Panghawakan ang apat na inaasahang mga ito, at makikita mo ang mga kahanga-hangang mga bagay sa panahon ng buhay mong ito.

Lunes, Hunyo 1, 2009

ANG PANGINOON AY MAHABAGIN AT MATUWID PARA SA MGA NANANALIG SA KANYA

Habang ako ay nananalangin para sa mensaheng ito, ibinulong ng Espiritu Santo sa akin: “ANG NAGBABASA NITO AY NANGANGAILANGAN NG PAGPAPALAKAS-LOOB. MAYROONG NANGANGAILANGAN NG PAGPAPALAKAS AT KALIGTASAN MULA SA KAISIPAN AT PISIKAL NA KIROT AT KALITUHAN. MAYROONG NANGANGAILANGAN NG NATATANGING SALITA NG PAG-ASA MAGING HABANG BINABASA ITO.

Ang tao bang iyon ay ikaw? Iniisip ko ay isang tao na humaharap sa kaguluhan sa lahat ng kapaligiran niya. Isa na halos gapi na ng takot sa kalooban niya at hindi makalaban. Malamang ang taong ito ay wala nang makausap na makakaunawa, walang mapagtiwalaan sa sandaling ito ng pagsubok.

Alam ko sa aking espiritu na ginagamit ng Diyos ang aking panulat sa mga sandaling ito para makapagpadala ng pag-asa at pagpapanariwa para doon sa mga nasa dulo na ng kanilang pasensiya at katatagan. Makinig sa salita ng Panginoon habang isinusulat ko ito para sa inyo sa ilalim ng basbas ng Espiritu Santo. Narinig ng Diyos ang inyong pagtangis, at ang mga sumusunod na salita ay para sa inyo na nanggagaling sa kanyang mapagmahal na puso.

Si Satanas ay sinusubukan na magtanim ng kasinungalingan sa inyong isipan sa sandali ng inyong kahinaan at kaguluhan. Susubukan niya na kumbinsihin kayo na ang Diyos ay hindi ninyo kasama. Kapag pinaniwalaan ninyo ang kasinungalingang iyan, hindi ninyo matatakasan ang bitag ni Satanas.

Kapag dumulog kayo ng tahimik sa harapan ng Panginoon, at tumawag sa kanya sa lihim na pananalangin, maliwanag na sasabihin sa inyo ng Espiritu Santo na: ang Diyos ay kasama ninyo. Hindi niya kayo pinabayaan. Nakikita niya kayo at alam niya ang pinagdudusahan ninyo. Sinabi ni Jesus, “Tandaan ninyo; ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” (Mateo 28:20).

Ikaw ay iniibig – at ikaw ay kailangan. Si Satanas ay isang sinungaling,umaasa na kayo ay babagsak sa kawalan ng pag-asa sa paniniwala na kayo ay nag-iisa sa inyong pagdurusa. Hindi, hindi kayo nag-iisa – hindi kailanman. Ang Diyos ay mayroong nananalangin para sa inyo sa sandali ng inyong pangangailangan.

Kayo ay makaaahon sa inyong pagsubok na isang tagumpay. Ngunit kailangang manalig kayo na narinig ng Diyos ang inyong pagtangis. Sumandal sa Panginoon. Kung maipakikita lamang niya ang lahat ng mabuti para sa inyo bago pa ito mangyari, tiyak na magbubunyi kayo sa kagalakan.

Sa huli, makinig sa puso ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang dalisay na Salita:

“Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. Kung maganap na ito, kayo’y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. Ako’y hahanapin ninyo’t masusumpungan kong buong puso ninyo akong hahanapin” (Jeremias 29:11-13).