Kamakailan muli kong binasa ang kuwento ng buhay ni George Muller na siyang, sa kalagitnaan ng taong 1830, ay nangalaga sa mahigit na 2,000 mga naulila sa Inglatera – lahat sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos. Si Muller ay kilala bilang isang tao na laging sinasagot sa kanyang mga panalangin. Bago siya namatay, naitala niya sa kanyang talaarawan ang mahigit na 50,000 kasagutan sa panalangin.
When asked how he determined the will of God on any matter, Muller listed the following steps he believed were necessary:
Nang tanungin kung paano niya nalalaman ang kalooban ng Diyos sa anumang bagay, itinala ni Muller ang mga sumusunod na paraan na siya niyang pinaniniwalaan ay mahalaga para dito:
1. “Inilalagay ko ang aking puso sa isang kalagayan na ito ay walang kakayanang pansarili para sa anumang natatanging bagay.”
2. “Hindi ko iniiwan ang kinalabasan sa damdamin lamang o payak na impresyon. Na maaring maglagay kaninuman na bukas sa maling paniniwala.”
3. “Hinahanap ko ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan, o may kinalaman sa kanyang Salita. Kung titingin ka sa Espiritu na wala ang Kasulatan, mabubuksan mo ang sarili mo sa maling paniniwala.”
4. “Isinasaalang-alang ko ang mapalad [na kalooban ng Diyos] na kalagayan.”
5. “Hinihiling ko sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin na ipahayag niya ang kanyang kalooban para sa akin.”
6. “Sinisiguro ko may malinis akong budhi sa harapan ng Diyos at ng tao.”
7. “Sa tuwinang makikinig ako sa tao sa halip na sa Diyos , nakagagawa ako ng mabigat na pagkakamali.”
8. “Kumikilos lamang ako kapag ako ay may kapayapaan, pagkataposs ng mahabang pananalangin, naghihintay sa Diyos na may pananampalataya.”
Yaong mga naglalakad na may pananampalataya, hinahanap lamang ang dalisay na kalooban ng Diyos, ay madalas na may pagsubok na malungkot. Higit pa sa aking sariling buhay, natagpuan ko kung gaano kahalaga ang taimtim na pananalangin at pagbabasa ng BIbliya. Nakakalungkot, kaunti lamang sa mga tao ng Diyos ay taimtim na nananalangin sa mga panahong ito. Sa halip, madalas na nanonood ng telebisyon at kaunti lamang ang naghihintay sa Diyos.
Kapag ibinigay ko ang sarili ko sa pananalangin, ang pananampalataya ko ay tumataas. At kapag ako ay kumain ng Salita ng Diyos, ang aking pagtitiwala sa kanyang kapangyarihan para manguna at tulungan ako na lumago. Ang Panginoon ang aking naging tagapag-ingat ng salapi, aking tagapayo, aking abogado.
Nawa’y matagpuan mo siyang ganoon din ang ginagawa para sa iyo.