Kahit na ang kamatayan ay nakasunod sa lahat ng paligid, ang batis ng espirituwal na buhay ay tumataas. At napagagaling nito ang lahat ng mahipo nito.
Mayroong dumaraming espirituwal na kamatayan sa maaraming denominasyon, pati na sa maraming lokal na iglesya. Ang mga tao ay namamatay sa espirituwal dahil sa kakulangan ng matibay na Salita ng katotohanan.
Hindi ba nakapagtataka na samantalang sa Rusya, Tsina at Silangang lugar na mga Komunistang bansa ang mga tao ay lumalapit sa Panginoon na may malaking pagkagutom na espirituwal at pagkauhaw – habang dito sa Amerika, mga mangangagas, mga gumagawa ng pornograpiya at mga patay na denominasyon ay nagkakalat ng kamatayan at panunuya ng mga banal na mga bagay?
Salamat sa Diyos, sa kanyang mga banal na layunin ay hindi mapipigilan man lang kahit na kaunti. Maging sa ngayon ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa buong sanlibutan. At dito sa Amerika, nakakakita kami ng mga panunumbalik at dakilang espirituwal na pagkagutom.
Ikaw ba’y nakararanas ng higit na pagkagutom para sa Panginoon at sa kanyang Salita na higit pa kaysa sa dati? Iyan ay gawain ng Espiritu Santo, habang makapangyarihan niyang itinataas ang mga natitirang banal. Dito sa lunsod ng Nuweba York, nakararanas kami ng pagbaha ng gutom sa Diyos na mga tao na nagpupunta sa simbahan ng maaga at nagtatagal bago umalis. Mga tao na galing sa lahat ng uri ng buhay ay nagiging tulad ng imahe ni Jesus – mayaman, mahirap, mga walang tahanan, mula sa lahat ng nasyonalidad. Maraming mga tao na bumibisita mula sa ibat-ibang panig ng mundo, at sila man ay nakasasaksi sa “tubig na malalanguyan.”
Ang batis ay tumataas, at ito ay nagdadala ng espirituwal na buhay sa lahat ng mahipo nito. Nawa’y hipuin kayo saan man kayo naroroon.