Isang kaibigan ko ay nasa dulo na nang kanyang katinuan, nawalan na ng pag-asa, nag-iisip kung siya ay kinalimutan na ng Diyos sa kanyang pansariling bangungot. Siya’y ganap na nawalan na ng pag-asa kamakailan at tumangis sa Diyos, “Hanggang sa magpadala ka ng makapagbibigay ng salita na may pag-asa, hindi ko na kakayanin pang matapos ang araw na ito. Hindi ko na kaya pang tumagal ng isang araw pa.
Ilang oras pa ang lumipas, sa punto na gusto nang isuko ang buhay, kinuha niya ang liham sa kahon at natagpuan ang isang nakatatak na mensahe mula sa isang kaibigan na ipinadala makalipas ang ilang araw. Ito ay ang mensahe na inilabas noong 1992 na may pamagat na “Ang Paghubog sa isang Tao ng Diyos.” Nangusap ito ng pag-asa at pagpapanumbalik sa kanyang nagdurusang kaluluwa, siya ay namangha sa tiyempo ng Espiritu Santo. Ang Diyos ay laging tama sa oras, na may kasamang pag-asa na tiniyak para sa kanya.
Ngayon ako ay ginabayan ng Espiritu Santo na magpadala ng ilang pangungusap na pagpapalakas loob sa ilan na tatanggap ng kanilang sariling pag-asa, sa tamang panahon. Tingnan kung may isa sa mga sumusunod na munting-mensahe ay para sa iyo:
- Para sa mga dumaraan sa madilim na bahagi ng kanilang pagdadalamhati, may damdamin na kayo ay pinabayaan na ng Diyos: ang tingin mo ay nilito ka. Iniwan ka ng iyong mga Kristiyanong kaibigan. Nadarama mo na ganap na bigo ka para manalangin. Nadarama mo na itinaksil ka na at pinabayaan ng Diyos. Ang damdamin mo na iniwan ka na ay ganap na nakatatakot. Mayroong malalim na kapighatian sa iyo. Isang isipin ang nananatili sa isipan mo na maaring nasaktan mo ang Diyos. Naglaho na ang lahat ng damdamin mo sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Narito ang sasabihin ng Diyos para sa iyo:
“Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol na iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso, ako’y hindi lilimot sa inyo kahit na sandali” (Isaias 49:15).
- Para sa mga may mabigat na suliranin sa pagsasama bilang mag-asawa: labis kang nasaktan. Nais mong maayos ang pagsasama ninyo at maipanumbalik ito, ngunit mukhang wala nang pag-asa. Labis ka nang kaaba-aba. Taimtim kang nanalangin. Hindi mo gustong suwayin ang Panginoon, ngunit wala ka nang nakikitang pag-asa ng panunumbalik. Sinasabi ko sa iyo: huwag kang susuko sa inyong pagsasama, kahit na gaano pa kabigat ang kalagayan nito.
“Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang kayo’y pinsalain ng katakut-takot na balang. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo” (Joel 2:25). “Sa kabila ng inasal nila sila’y aking pagagalingin at tutulungan. At ang namimighati’y aking aaliwin” (Isaias 57:18).
- Para sa nagdadalamhati: may pangyayari na ibinagsak ka ng pagdadalamhati, isang kalungkutan, isang kabigatang hindi mo maiwaksi. Iniibig mo ang Panginoon ngunit ang malalim na pighating ito naroon araw at gabi. Gumising kang kasama ito, dala mo ito buong araw, hindi mo ito maiwaksi sa gabi. Gayunman, alam ng Panginoon ang pagdurusa mo. Narito ang pahayag ng pag-asa para sa iyo:
“Nababatid ko O Yahweh, matuwid ang iyong batas, kahit ako’y pagdusahin, nanatili kang tapat. Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos, katulad ng binitawang pangako sa iyong lingkod. Sa akin ay mahabag ka, at ako ay mabubuhay, ang lubos kong kasiyaha’y nasa iyong kautusan” (Awit 119:75-77).