Mayroong matagumpay na iglesya na lumalago maging sa ngayon, galing sa mga mabibigat na pagsubok ng pananampalataya.
Itong mga nasa huling-araw na iglesya ay nanggagaling sa mga nag-aapoy na mga pugon at mahabang panahon ng pagdurusa. Kaya, itanong mo, ano ang binabalak na gawin ng Diyos?
Ang nakikita kong nangyayari ay ang Espiritu Santo na kumikilos dinadala ang mga tao patungo sa ganap na kabiguan. Pinangungunahan niya sila sa isang pagpapahayag ng kahinaan sa kanilang mga sariling laman, upang maipakita ang sarili niya na malakas. Nakikita ko na dinadala niya ang kaniyang mga tao sa katapusan ng kanilang mga sarili, dinudurog ang kanilang mga nagmamatigas na kalooban, hanggang ang kanilang isipan ay naging, “Sundin ang kalooban niya.” Nakikita kong pinangungunahan niya ang kaniyang mga minamahal sa isang lugar ng pagsubok na lubos na mabigat na himala lamang ang makapagliligtas sa kanila. At sa pamamagitan ng lahat ng ito, sila ay nagiging ganap na umaasa sa Panginoon para sa lahat ng bagay.
Ito ba’y naglalarawan ng iyong kalagayan? Marahil ikaw ay maraming taon nang naglalakad kasama si Jesus, at hindi ka pa naharap sa isang pagsubok na katulad ng nasa iyong harapan ngayon. Ang mga bagay ay dumarating sa iyo na mukhang nakagagapi, mga bagay na Diyos lamang ang may kakayahang umayos nito. At naisip mo na siya lamang ang makapagliligtas sa iyo.
Sa mga sandaling ito, ang mga Muslim ay naghahanda para sa isang kahuli-hulihang banal na pakikipagdigmaan, “para sakupin ang sanlibutan” para kay Allah. Ang mga kampo ng pagsasanay ng mga Muslim ay dumarami sa buong sanlibutan na may mensahe ng poot, naglalarawan ng walang habag na pagpugot ng ulo.
Gayunman, ang Panginoon ay mayroon ding mga tao na nagsasanay, mga tao na gagamitin niya para harapin ang poot ng sanlibutang ito. Paano niya magagawa ito? Sinasanay niya ang mga ito at binibigyan ng gamit para sa kaniyang mapagmahal na kabutihan at kapayapaan. Ang ating Diyos ay Diyos ng pag-ibig, at hindi siya gagamit ng mga bomba, mga baril o mga pulutong na nagpapakamatay, kundi na mga nananaig na mga tao na walang takot na nasa Panginoon na may magiliw na kahabagan.
Sa buong sanlibutan, ang mga tao ng Diyos ay dumaranas ng pagdurusa, kapighatian at pagpapahirap ng higit pa sa buong buhay nila. At sa mga ito nakasisiguro ako: mayroon isang banal, walang hanggang layunin na nasa masidhi sa mga espirituwal at pisikal na pakikipaglaban na ngayon ay pinagtitiisan sa tunay na katawan ni Cristo. “Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi” (Awit 145: 9).