Habang ako ay nakaupo para isulat ang mensaheng ito, pinukaw ako ng Espiritu Santo para turuan at palakasin ang loob ng lahat ng mga mambabasa. Lubos akong naniniwala na ang mga sumusunod na mga salita ay mula sa Panginoon, at idinadalangin ko na kayo ay patatagin nito sa inyong pananamapalataya. Ito ang pinaniniwalaan ko na siyang itinuro sa akin ng Espiritu Santo para ibahagi sa inyo.
1. Ang unang salita ay para doon sa mga bihag ng nananatiling kasalanan, sabik sa laman o bisyo. Nadama mong talunan ka, makasalanan, nanghihina. Sinabi ni Satanas na ikaw ay makasalanan at ang Diyos ay tumalikod palayo sa iyo.
Ipinapaalala ko sa inyo ang sinabi ng Diyos sa isang pangkat ng mga Israelitas na patungo sa pagkakabihag ng Babilonia, bilang bunga ng kanilang mga nakalipas na mga kasalanan. Kahit na ang mga Israelitas na ito ay nasa ilalim ng pagkastigo para sa kanilang mga kasalanan, tinawag pa rin sila ng Diyos na “mabuting bunga.” Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Yahweh, “Akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi; Katulad ng mabubuting igos na iyan, ang mga nabihag sa Juda na dadalhin sa Babilonia ay itinuturing kong mabubuting tao. Pangangalagaan ko sila at ibabalik balang araw sa kanilang lupain. Patatagin ko sila at hindi lilipulin; itatanim at hindi bubunutin” (Jeremias 24:4-7).
Ang tanging kailangan ninyo ay makadiyos na pagdadalamhati, isang hangarin na maging malaya at isang pananabik sa kanya. Hindi ka niya pababayaan. Makapangyarihang babaguhin ka niya at ililigtas kayo!
2. Mayroon din akong sasabihin para doon sa mga nakadama na nawalan na ng patutunguhan. Nalilito ka sa maraming usapin tungkol sa iyong buhay. Wala ka nang mabalingan pa, at ang mga bagay ay mukhang wala nang patutunguhan. Nag-iisip ka, sa kaibuturan ng iyong puso, ikaw man ay nasa ilalim ng isang uri ng pagkastigo o hatol mula sa Diyos.
Maari lamang na tanggapin ang salitang ito mula sa Espiritu Santo: “Nalalaman ko po Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makatitiyak ng kanyang sasapitin. Ituwid mo ang iyong bayan, Yahweh; ngunit huwag po naman kayong maging marahas. Huwag kaming parusahan sa panahong kayo’y napopoot” Jeremias 10:23-24).
Hindi hahayaan ng Panginoon na kayo ay bumagsak sa kawalan ng pag-asa at panghihina. Hindi niya hahayaan ang anuman sa buhay ninyo para iligaw kayo o lituhin. Gagawin niya kung ano ang mabuti para sa inyo, ngunit hindi sa pamamagitan ng galit. Hindi galit ang Diyos sa inyo. Gagabayan niya kayo, kung ibibgay ninyo ang inyong pananampalataya, gaano man kahina ito. Magtiwala sa kanyang pag-ibig.
Ito ang salita na alam kong pinukaw sa akin ng Espiritu Santo para ipadala sa inyo. Nawa’y napalakas nito ang inyong mga loob at nakatulong sa inyo.