Habang inihahanda ko ang pagsusulat ng mensaheng ito, maliwanag na nangusap ang Espiritu Santo sa akin na kailangan kong ipadala sa inyo ang mga sumusunod na pagpapalakas-loob mula Awit 37. Patuloy akong namamangha kung paano ipinapadala ng Diyos ang kanyang Salita sa tamang pagkakataon, lalo na’t ito’y higit na kinakailangan. Ito ay ang mapagmahal niyang kalikasan na madirinig niya kayong tumatangis at makapaghanda ng mahalagang salita na darating sa tamang sandali na kailangan ito. Pakinggan ang salita ng Panginoon para sa iyo:
1. Huwag kayong mabalisa dahil sa masama, huwag mong kaiinggitan liko nilang gawa; katulad ng damo sila’y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila:
Psalm 37:1, 2, 7, 8-15, 32-34.
2. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak, pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka:
Psalm 37:3-6.
Kung susundin mo ang kanyang Salita, mapupuno ka ng pagbubunyi at ipagkakaloob ang nais ng puso mo. Ipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ipinangako niya. Makikita mo ang kanyang katarungan na padating sa iyo.
3. Alam ng Diyos ang bawat padating na hakbang. At ipinag-uutos niya ang lahat patungkol sa buhay mo, sa iyong pamilya, sa iyong mga pangangailangan. Kaya, magtiwala sa kanya sa lahat ng bagay.
Psalm 37:23-29.
4. Ang mga makaDiyos na magulang ay hindi patuloy na nananatiling galit sa kanilang mga anak, katulad din ng Panginoon na hindi galit sa kanyang mga anak. Nais niyang siya ang inyong maging kapayapaan, ang inyong lakas, at ang tulong sa sandali ng kagipitan:
Psalm 37:34, 37-40.
Ipinangako ng Panginoon na gawin ang lahat ng mabuting bagay na ito para sa kanyang mga tao sa Awit 37, “Sapagkat kay Yahweh nangungubling tunay” (37:40).