Biyernes, Hunyo 5, 2009

NAWA’Y SUMAINYO ANG KAPAYAPAAN NG DIYOS

Ganap ang aking pananalangin tungkol sa kung ano ang nais ng Panginoon na sasabihin sa inyo. Habang nagninilay-nilay, hinikayat ako ng Espiritu Santo na maingat na basahin kong muli ang Awit 33 at 34. Pagkatapos kong basahin ang dalawang Awit na ito, kaagad kong nalaman kung ano ang nais ng Panginoon na gawin ko.

Naniniwala ako na sa mga sumusunod na apat na talata, ang bawat magbabasa ng mensaheng ito ay makakatagpo ng mahalaga, tiyak na salita mula sa Panginoon. Tapat ang Diyos na magpadala ng salita sa kanyang mga tao sa isang panahon, at ipakikita ng kanyang Espiritu kung alin sa mga sumusunod na mga talatang ito ay para sa inyo sa tanging sandaling ito:

1. “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi babayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila’y binubuhay. Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon; siya ang sanggalang natin at katulong” (Awit 33:18-20).


2. “Ang buong daigdig sa kanyang salita ay pawang nayari, lumitaw na bigla. Ang binabalangkas niyong mga bansa, kanyang nababago’t winawalang-bisa. Ngunit ang mga panukala ng Diyos, ay mamalagi’t walang pagkatapos” (Awit 33:9-11).


3. “Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

4. “Kinukupkop ng diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig. Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Ang taong matuwid, masuliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan” (Awit 34:15, 17, 19).

Pagpalain ng Diyos ang kanyang mahalagang Salita para sa inyong puso. Ipinadadala niya ang Salita niya para magpagaling.