Habang ako ay nasa pananalangin, ginabayan ako ng Espiritu Santo sa Awit 20:1-2:
“O dinggin ka nawa ni Yahweh tuwina kung ikaw’y sapitin ng hirap at dusa! At ang Diyos ni Jacob ingatan ka sana. Magmula sa templo, sana’y bigyang tulong at itaguyod ka magbuhat sa Sion” (aking italika).
ANG SALITANG ITO AY PARA SA IYO. Ano talaga ang kagipitang hinaharap mo? Mayroon ba sa sambahayan mo ay may sakit o humarap sa mabigat na pagsubok? Ang pangangailangan mo ba’y pananalapi? O ang kaguluhan sa iyo – ay ilang malalim na pagdurusa sa kasalanan o sa sarili?
Anuman ang iyong hinaharap, gaano man kabigat ang kagipitan, naririnig ng Panginoon ang tangis ng kanyang mga anak “sa araw ng kanilang mga kagipitan.”
Wala na bang ibang malalapitan? “At ang Diyos ni Jacob ay ingatan ka sana.” Hindi mo kalaban ang Panginoon – siya ay kaibigan mo, ang iyong dakilang tagapagtanggol. Magtiwala sa pangalan niya at sa kanyang kapangyarihan na iligtas ka.
Kung ang lahat na mayroon ka ay ang isang pangakong ito, ito ay sapat na.: “Magmula sa templo, sana’y bigyang tulong at itaguyod ka [ang lugar ng pananalangin at pagsamba].” Sa loob ng dalawang talata ipinangako niya na diringgin ka… ipagtatanggol ka… palalakasin ka. Kamangha-mangha – manalig dito!