Kamakailan nanalangin ako kasama ang isang minamahal na kapatid na malapit nang mamatay sa sakit na kanser. Siya ay nagdaranas ng matinding sakit sa maraming linggo na. Ngunit mayroon siyang napakagandang patotoo para sa lahat ng nakakakilala sa kanya. Hindi siya dumadaing, walang pighati, hindi tinatanong ang kadakilaan at katapatan ng Panginoon. Sinabi niya sa akin na nadarama niya ang isang may magnetong paghila sa kanya patungo kay Jesus, at siya ngayon ay “nandoon kay Cristo” ng higit pa dito sa sanlibutan. Pinagpala niya ako sa pamamagitan ng kanyang nagbubunying pag-asa at kapahingahan sa Panginoon.
Minsan nadinig ko mula isang ganap na matuwid na ministro na nagsabi, “Nais ko lamang tapusin ang gawain ko at umalis na dito.” Ilang nakadinig sa kanya na sinabi ito ay nag-isip na hindi siya marunong magpasalamat sa handog na buhay. Ngunit si apostol Pablo ay nagpahayag din katulad nito. Ang matibay na pagnanais ni Pablo ay ang makasama ang Panginoon. At, mga minamahal, ako man ay ganon din. Halos araw-araw sinasabi ko kay Jesus, “Mahal ko ang aking pamilya at pinasasalamatan kita sa buhay na ito. Ngunit walang makapagbibigay kasiyahan sa akin – hindi ang pamilya, mga bahay, lupain o kayamanan. Wala dito ang makahihipo sa aking kailangan. Ang gawaing ito ay katulad lamang ng isang nakikinikinita. Matagal ko nang gustong makapiling ka Panginoon, sa ultimong katotohanan.
Ikinukumpisal ko sa inyo, mayroong isang bagay na higit kong kinatatakutan ng higit pa sa anumang bagay sa buhay ko: ang kasalanan ng kasakiman. Isang kasumpa-sumpang kasalanan ito: pag-ibig sa mga materyal na bagay sa sanlibutan, ang pananabik ng higit pa at mas maraming materyal na ari-arian.
Ang kasakiman ay umaalipin sa mga puso ng maraming Kristiyano. Mukhang wala nang kaligayahan ang tao at ang kanilang mga utang patuloy na naiipon. Iniisip nila na ang kasaganaan ng ating bansa ay wala nang katapusan. Ang mga Amerikano ay nabaliw na sa pangangamkam. Tayo ngayon ay nasa walang pakundangang paggasta na ikinalilito maging ng mga dalubhasa.
Nagbabala si Jesus sa atin na maluwag lamang nating hawakan ang mga bagay ng sanlibutan. Kailangan nating magpasalamat sa kanya sa mga pagpapalang bigay niya, at bukas-palad na magbigay sa mga pangangailangan ng mga mahihirap. Ngunit hindi natin dapat hayaang ang anumang bagay ng sanlibutang ito ay nakawin ang ating mga puso. Kailangang handa tayong mawalay lahat dito at gayunpaman ay nagbubunyi pa rin sa kanyang katapatan.
Hindi nais ng Diyos na madama nating nagkasala tayo dahil sa mga pagpapalang ibinibigay niya sa atin, basta hindi natin kinamkam ito para sa sarili lamang natin at ng ating pamilya, at itinatago na abot-kamay lamang. Nawa’y ang hangad ng inyong mga puso ay hindi lamang sa mga bagay na nasa sanlibutan, kundi ang malapit sa presensiya ni Jesus – ang ultimong katotohanan.