Inaalis ng Espiritu Santo ang lahat ng takot mula sa atin --- takot sa pagbagsak, ang mapalayo mula sa Diyos, ang mawala ang presensiya ng Espiritu Santo --- sa pamamagitan ng pagtatanim sa atin ng kaniyang kagalakan. Kailangang magpatuloy tayong nagbubunyi, katulad ng ginawa ni David, sapagkat tiniyak ng Diyos sa atin na tayo ay mananaig.
Gayunman kaunti lamang na mga Kristiyano ang mayroong ganitong kagalakan at kasiyahan. Marami ay hindi alam ang kapahingahan ng espiritu o ang kapayapaan ng presensiya ni Cristo. Naglalakad sila sa paligid natin na para bang nagdadalamhati, isinasalarawan ang sarili nila na nasa daliri ng poot ng Diyos sa halip na nasa ilalim ng kaniyang mapag-ingat na mga pakpak. Hinahanap nila siya bilang mabagsik na katiwala, laging handang hagupitin sila ng latigo sa likod. Kaya’t sila’y hindi masayang namumuhay, na walang pag-asa, higit pa sa patay kaysa sa buhay.
Ngunit sa mga mata ng Diyos, ang ating suliranin ay hindi ang kasalanan; ito ay ang tiwala. Nilutas na ni Jesus ang ating mga suliranin sa kasalanan sa kalbaryo. Hindi siya madalas na naghahayag sa atin, “Sa sandaling ito lumampas ka sa guhit.” Hindi, hindi kailanman! Ang kaniyang loobin sa atin ay ang kabaligtaran. Ang kaniyang Espiritu ay patuloy na inaamo tayo, nagpapaalala sa atin ng mapagmahal na kagandahang-loob ng Ama maging sa gitna ng ating mga kabiguan.
Kapag tayo ay napatuon sa ating kasalanan, nawawala tayo sa paningin ng mga bagay na higit na ninaais ng Diyos: “Ngunit kung walang pananampalataya, walang sinumang tunay na makakapagbigay-lugod sa kaniya. Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at dapat siyang sumampalatayang siya ang nagbibigay gantimpala sa mga masikap na humahanap sa kaniya” (Hebreo 11:6).
Ito ang kaisipan na matagal nang kinasasabikan ng Amang nasa langit na para sa atin para sa kanya. Alam niya kung kailan tayo magsisisi sa ibabaw ng ating mga kabiguan at mga kasalanan. Alam niya kung kailan darating ang ating pagsisisi. Ngunit hindi niya mahintay ang takdang panahon. Kaya’t nangunguna siyang, nagsasabi, “Nais kong tiyakin sa aking anak na hindi siya huhusgahan, sapagkat pinatawad ko na siya sa pamamagitan ng paglilinis ng dugo ng aking Anak.”