Huwebes, Hulyo 23, 2009

PAKIKIPAGLABAN SA ATING MGA KUTA

Maraming Kristiyano ay bumanggit sa 2 Corinto 10:3-4: “Hindi ako nakikipaglaban ayon sa pamamaraan ng sanlibutan. Ang sandata ko’y may kapangyarihan ng Diyos at nakapagpapaguho ng mga kuta.” Marami sa atin ay iniisip na ang mga kuta ay pagkaalipin sa katulad ng sekswal na pagkakasala, pagkagumon sa bawal na gamot, pagkagumon sa alkohol—mga panglabas na kasalanan na inilagay nating nauuna sa listahan ng mga pinakamasamang kasalanan. Ngunit si Pablo ay nagpapatungkol dito sa sa mga bagay na higit pa sa mga masasamang sukatan ng mga kasalanan ng tao.

Una sa lahat, hindi niya tinatalakay ang mga maladimonyong pag-mamay-ari. Sa aking palagay, ang dimonyo ay hindi maaring makapasok sa puso ng sinumang nananaig na Kristiyano at akuin ang pagkatao ng isang tao. Sa halip, ang nananagisag na kahulugan ng salitang kuta ni Pablo sa Griyego dito ay “ang mahigpit na paghawak sa isang pakikipagtalo.” Ang kuta ay isang bintang na mahigpit na nakatanim sa iyong isipan. Itinatag ni Satanas ang kuta sa mga tao ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang isipan ng mga kasinungalingan at mga maling akala, lalo na tungkol sa kalikasan ng Diyos.

Halimbawa, ang kalaban ay maaring magtanim sa iyong isipan ng kasinungalingan na ikaw ay hindi espirituwal, lubos na hindi karapat-dapat sa biyaya ng Diyos. Maaring paulit-ulit niyang ibubulong sa iyo, “Hindi ka makakalaya sa iyong batbat na kasalanan. Hindi mo ganap na sinubukan. Hindi ka nagbago. At ngayon ang Diyos ay nawalan ng tiyaga sa iyo dahilan sa iyong patuloy na pagtayo at pagbagsak.”

O kaya ay maaring mahikayat ka ng dimonyo na ikaw ay may karapatan na panatilihin ang kasaklapan mo sapagkat ikaw ay minali, Kung patuloy kang makikinig sa kanyang kasinungalingan, magsisimula kang maniwala dito pagkaraan ng ilang panahon. Si Satanas ay ang mapagbintang sa mga kapatiran, pinupuntahan tayo paulit-ulit kasama ang kanyang hukbo na mapagbintang, nagtatanim ng maladimonyong kasinungalingan sa ating mga isipan. Ang mga kasinungalingang ito ang kanyang kuta—at kung hindi natin ito paglalabanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, ito ay magiging mga takot na nakatanim sa ating mga isipan.

Ang tanging sandata na kinakatakutan ng dimonyo ay ang katulad na kinatakutan niya sa panunukso kay Hesus sa disyerto. Ang sandatang iyon ay ang katotohanan ng buhay na Salita ng Diyos. Ayon kay Mikas, narito ang pangako na ating panghahawakan: “Wala nang ibang Diyos na tulad mo. Pinatatawad mo ang mga kasalanan ng nalabi sa bayan mong hinirang. Hindi ka nagkimkim ng galit. Sa halip ay ipinadarama mo sa kanila ang tapat mong pagmamahal. Muli kang mahahabag sa amin, lilimutin mo ang mga pagkakasala namin at ihahagis sa kailaliman ng dagat” (Mikas 7:18-19). Sa Hebreo, ang salitang supilin ay nangangahulugan na “yayapakan niya sila.” Hindi natin susupilin ang ating mga kasalanan; siya ang susupil sa mga ito sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya.