Bawat tagumpay na mapagwagian natin laban sa laman at sa dimonyo ay susundan pa nang mas matinding tukso at pagsalakay. Si Satanas ay hindi basta susuko sa kanyang pakikidigma laban sa atin. Kapag nagapi natin siya minsan, pag-iibayuhin pa niya ang kanyang lakas at muling babalik sa atin. At kaginsa-ginsa’y tayo ay nasa espirituwal na digmaan na akala natin ay atin nang napagtagumpayan.
Ang Kasulatan ay nagsasabi sa atin ng “Humanda naman ang mga kawal ng Siria at sila’y naglaban” (2 Samuel !0:17). Kaginsa-ginsa’y si David ay humaharap sa dating kaaway—na minsan ay naisip niya na kanyang nagapi nang lubos. Mahalagang ito ay itala na si David ay hindi nabubuhay sa kasalanan noong panahong iyon. Isa siyang makaDiyos na tao na lumalakad ng may takot sa Panginoon. Ngunit si David ay isa ring tao—at maaring siya’y lubos na naguguluhan tungkol sa mga nangyayari. Bakit hahayaan ng Diyos ang kalabang ito na muling magbalik laban sa kanya?
Kung ikaw ang nasa yapak ni David? At nanalangin, “Panginoon, ang nais ko lang ay malugod ka—sundin ang iyong Salita at gawin ang tama lamang. Alam mo na ako’y nag-aayuno, nananalangin, at mahal ang iyong Salita. Hindi kailanman ko ginusto na magdalamhati ka. Kayat bakit higit na malakas ang panunukso sa akin? Bakit ako humharap sa katulad na pakikipaglaban sa dating kaaway?
“Buhat nang maglagay ako ng hukom nila… magiging payapa ka sapagkat wala nang gagambala sa iyo. Bukod dito, akong si Yahweh ay nagsasabi sa iyo: Patatatagin ko ang iyong sambahayan. Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian” (2 Samuel 7:11-12)
“Sa gitna ng kanyang kaguluhan at pagsusuri sa kaluluwa, naalala ni David ang pangako na ibinigay sa kanya (2 Samuel 7:11-12). Kayat habang ang dimonyo ay ipinupukol kay David ang lahat ng uri ng sandata na meron sa impiyerno, ipinapakita ng Panginoon sa kanya na hindi pa man siya nakikipaglaban ay lalabas siyang nagtagumpay. Inalis ni David ang kanyang tingin sa dumadating na kaaway. Sa halip siya ay nagpainit sa pahayag ng mapagmahal na kabutihan ng Diyos. Ito ang binabalak ng Diyos sa bawat isa sa kanyang mga anak kapag ang kaaway ay dumating sa kanila na parang baha. Ang Panginoon ay “hahadlang” sa kanila sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig. Sa madaling sabi, dumating siya sa kanila na nagsasabi, “Ipinangangako ko na kayo ay lalabas dito na nakatayo. Maaring masugatan kayo—ngunit ito ay walang halaga. Ginawa ko na kayo na tagumpay.”