Miyerkules, Hulyo 29, 2009

PANALANGIN-ANG MAHABA AT MAIKSI NITO!

“Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita sa harap ng Diyos. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya pagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Magiingat ka sa pagsasalita” (Mangangaral 5:2)

Madalas mayroong pagkukunwa sa mahabang panalangin. Ang hangarin na “magpalakas” sa Diyos; ang hangarin na tularan ang panalangin ng buhay ng mga tao na ginamit ng Diyos; isang masuring pagtatangka na madaig ang Panginoon nang may sapat na wika para painipin siya sa pagkilos. Ako’y nagtataka--ang Diyos ba’y naiinip? Hinahanap niya ba ang maraming panalangin at mga kahilingan na ayon sa naka kahon sa kaiksian at katalinuhan? Ilan sa atin ay nagdudumali sa lihim na munting silid at “nagmamadali sa pagbigkas.” Nagiging padalos-dalos tayo, masalita, at parang lorong paulit-ulit, walang halagang kahilingan at mga papuring tulad. Ang Diyos ay nangangailangan ng karapat-dapat na matalino, maigsing paglalahad ng ating pangangailangan, isang malinis kaisipang tapat na papuri, isang karangalang ayon sa tapat na paggalang sa Hari ng mga hari.

Maging tiyak sa Diyos sa panalangin at siya ay magiging tiyak din sa iyo sa tanging kasagutan. Mapagbalewala at kagaanan ay walang puwang sa kanyang hukuman.

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Maghintay kayo rito at makipag puyat sa akin” (Mateo 26:38)

Ang tunay na layunin ng panalangin ay magalak sa pansariling pakikisama sa Panginoon. Hindi gusto ng puso na manatili sa presensiya ng Diyos at bigyan kasiyahan ang sarili sa “paglilingkod.” Ito’y naglalarawan ng isang pagmamadali sa lalim ng gabi o sa umaga na kung saan ang isang “pagmamadaling” panalangin ay inialay at isang madaliang bahagi ng Kasulatan ay kagakyat na tinanggap. Lahat ng pagsaksi sa mundo ay hindi maiaalis sa tao ang kanyang tungkulin at karapatan sa pananalangn sa lihim na silid. Ikandado ang sarili sa Diyos hanggang ang karnal na kaluluwa ay nabago! Walang sinuman ang dapat na manalangin nang walang pagpapakahirap at walang sinuman ang magpapakahirap ng walang pananalangin.

Bawat handog mula sa Diyos ay babayaran mo ng pagdaing. Ang tunay na kalalakihan at kababaihan ng Diyos ay nanghihina kung walang pang-araw-araw, na matatag na panalangin.