Ang layunin ng Diyos para sa bawat isa sa kanyang mga anak ay ang sumuko tayo sa kapangyarihan at pamumuno ng banal na Espiritu:
“Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay” (Galacia 5:25) Sa madaling sabi, “Kung siya’y namumuhay sa iyo, hayaan mong siya ang manguna sa iyo!”
Nais kong ipakita sa iyo kung ano ang kahulugan ng paglalakad sa Espiritu. Hindi ko pa nararating ang maluwalhating paglalakad na ito-ngunit ako ay palapit ng palapit dito!
Narinig na natin ang pangungusap na “paglalakad sa Espiritu” sa ating buong buhay, ngunit ano talaga ang kahulugan nito? Naniniwala ako na ang ika-labing anim na kabanata ng Gawa ay isa pinakamahusay na halimbawa na kung paano lumakad sa Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ay nagbigay ng ganap, maliwanag na pagtuturo doon sa mga naglalakad sa kanya. Kung lumalakad ka sa Espiritu, tiyak na hindi ka maglalakad ng may kaguluhan—ang iyong mga pasiya ay hindi malabo.
Ang mga naunang Kristiyano ay hindi naglakad ng may kaguluhan. Sila ay inakay ng Espiritu sa bawat pagpapasiya, bawat galaw, bawat kilos! Nangusap ang Espiritu sa kanila at tinuruan sa bawat paggising nila. Walang pagpapasiya na ginawa na hindi sumangguni sa kaniya. Ang bansag ng iglesya sa kabuuan ng Bagong Tipan ay: “Kung sino ang may pandinig, hayaan niyang madinig kung ano ang sasabihin ng Espiritu!”
Nagsimula akong mangaral sa lungsod ng New York sapagkat maliwanag na sinabi sa akin ng Banal na Espiritu: “Magtungo ka sa lungsod ng New York at magtatag ka ng iglesya.” At sinabi niya sa akin kung kalian ako magtutungo doon. Walang impakto o diyablo ang maaring pumigil sa akin—sapagkat nagbigay ang Espiritu ng masusing utos. Natatandaan ko pa ang pagkakatayo ko sa kanto ng “Broadway at Seventh Avenue,” tumatangis at nakataas ang mga kamay. Sinabi ng Banal na Espiritu, “Dito mismo sa pook na ito ako’y magtatatag ng iglesya. Sundin mo ako, David. Magsimula ka ng iglesya sa lungsod ng New York!” Hindi isang pagkakataon lamang ang “Times Square Church.” Ito ay bunga ng maliwanag, masusing utos mula sa Banal na Espiritu!